ABRIELLE DEE..."Ipapaliwanag ko sayo ang dahilan kapag nakabalik na ako, mi amor at ipinapangako ko sayo na babalik ako ng buhay para sa inyong dalawa ni baby. Pagbalik ko ay aayusin na natin ang pamilya natin at magsasama na tayong tatlo."Ramdam n'ya ang sinsiridad sa boses ni Charles habang sinasabi ang mga katagang iyon ngunit wala doon ang kan'yang atensyon kundi sa panganib na haharapin ng lalaki sa pagtanggap nito sa misyon sa Libya.May rules ang kanilang organisasyon na pwedeng mag refuse sa nakatalagang misyon kung may valid reason. At pwedeng gamitin ni Charles ang pagkakaroon nito ng asawa na buntis para tanggihan ang trabaho.Ngunit hindi iyon naisip ni Charles at ang tanging mahalaga dito ay ang trabaho. Kaya s'ya nasasaktan ngayon dahil ang akala n'ya ay ang asawa lang nito ang kahati n'ya pati pa pala sa trabaho. Kung hindi lang s'ya buntis ay balewala sa kan'ya ang misyon ng lalaki dahil pwede n'ya naman itong sundan at palihim na babantayan ngunit hindi n'ya magagaw
ADRIAN KYLE..."We the jury, in the case of Ms. Glaze Roxas versus Dr. Rey Ocampo find the defendant NOT GUILTY of the charges of rape and abuse," pagbasa nito na s'yang ikinasimula ng ingay sa buong court room. Nakita n'ya kung paano humagolhol ang mga magulang ng biktima and it pain him big-time pero wala s'yang magagawa dahil sa kakulangan ng mga ebedensya na e prinesenta ng abogado ng mga ito na magdidiin sa akusado sa kaso."Thank you for your service today. Court is adjourned!" pagtatapos n'ya sa kaso at agad na tumayo at tumalikod. Sa bawat kaso na napag desisyonan n'ya ay iba't-ibang kwento ang nasa likod nito. He is a judge, he always fair to everyone pero hindi n'ya rin pwedeng baliktarin ang kan'yang hatol lalo na kung walang sapat na ebedensya ang mga complainant.Pumasok s'ya sa loob at sinalubong agad s'ya ng kan'yang dalawang bodyguard."Sir," panabay na bati ng dalawa sa kan'ya na tinanguan n'ya lamang. Hindi mawala sa kan'yang isip ang iyak ng mga magulang ng biktima
NALIE ATHALIA...Para s'yang nabingi ng marinig ang hatol ng naturang hukom sa kaso ng kan'yang pasyente na hawak-hawak ngayon.Ini refer sa kan'ya ang isang dalagita na nasiraan ng bait at ipinasok ng mga magulang sa isang mental institution ngunit imbes na gumaling ito ay mas lalo lang na natrauma ang bata at mas lumala ang sakit dahil sa ginawang pang momolestya ng doctor na may hawak rito.Lumapit sa kan'ya ang mga magulang ng dalagita at nagmamakaawa na kung pwede ay matulongan n'ya ang mga ito para masampahan ng kaso ang naturang doctor. Mahirap at walang pera para ipambayad sa abogado ang mga magulang ni Glaze Roxas ngunit hangad ng mga ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa nag-iisang anak.Ginawa n'ya ang lahat para makahanap ng mga ebedensya na magdidiin kay doctor Ocampo ngunit nabalewa ang lahat dahil sa hatol ng hukom sa kaso ng dalagita.Malinaw ang ginawang panggagahasa nito sa bata ngunit nahatulan pa rin ito ng not guilty ng judge na s'yang nakatalaga sa kaso n
"C-Cynthia," tawag n'ya sa pangalan ng kaibigan. Nginisihan lamang s'ya nito at hindi man lang nahiya na naglakad palapit sa kan'ya na hubot-hubad.Para itong demonyo sa mga mata n'ya ngayon. Itinuring n'ya itong parang isang kapatid pero nagawa s'yang babuyin ng kaibigan kasama ang asawa n'ya."Yes Nalie? Nagulat ka ba?" nang-uuyam na tanong nito sa kan'ya. Dahil sa pagkagulat sa natuklasan ay hindi agad s'ya nakahuma at natulos lamang sa kan'yang kinatatayuan."W-What is the meaning of this?" nauutal na tanong n'ya rito ngunit malakas lamang ito na tumawa. Mas lalo pang nanginig ang kan'yang buong katawan at nangatal ang labi dahil sa pinaghalong galit, sakit at poot para sa dalawa."Tanga ka talaga kahit kailan Nalie. Can't you see what Lincoln and I doing? Kaya ka ipinagpalit ng asawa mo dahil napakatanga mo!" insulto nito sa kan'ya.Doon lang s'ya nataohan at bumalik sa kan'yang tamang pag-iisip. Kuyom ang mga kamao na tinapunan n'ya ng tingin ang asawa na wala man lang ginawa
NALIE ATHALIA...Para s'yang sinasakal sa mga oras na iyon. Mabigat at masakit ang kan'yang dibdib. She is still in shock sa natuklasan n'ya sa kan'yang asawa at matalik na kaibigan.Nakatungo lang s'ya sa sahig at panay ang agos ng kan'yang mga luha habang kuyom ang kan'yang mga kamao. Nasa ganon s'yang posisyon ng bumukas ang pinto ng kanilang silid.Mabilis s'yang nag-angat ang ulo at nakita n'ya si Lincoln na pumasok. Mabilis s'yang tumayo para sana lapitan ang asawa ngunit senenyasan s'ya nito na huwag lumapit kaya natigil s'ya sa akmang paglapit rito."L-Lincoln," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki na nakasama n'ya sa loob ng limang taon ngunit malamig lamang s'ya nito na tinapunan ng tingin."What are you still doing here, Nalie? Pack your things now and get out of my house," malamig na sabi nito. Parang sinasaksak ng patalim ang kan'yang puso sa mga salita na naririnig mula sa asawa."Lincoln Please, we need to talk before we decide. We are married, Lincoln, and you c
NALIE ATHALIA....Matapos ang nangyari sa bahay nila ni Lincoln at matapos s'yang palayasin nito sa mismong pamamahay nilang mag-asawa ay nagpasya s'yang umuwi sa kan'yang condo na mabigat ang puso. Kung hindi s'ya naging sigurista ay baka sa kalsada s'ya pupulutin pagkatapos mapalayas ng asawa.Kahit papaano ay marami na naman s'yang naipundar na mga property na lingid sa kaalaman ng manlolokong asawa n'ya.Hindi n'ya alam pero parang ramdam n'ya na kailangan n'yang magkaroon ng mga sariling property kaya lingid sa kaalaman ng asawa n'ya ay marami s'yang nabili na mga ari-arian na nakapangalan sa kan'ya at hindi conjugal nilang dalawa ni Lincoln.Nang maalala ang asawa ay mahigpit n'yang naikuyom ang mga kamao at pinipigilan ang sarili na maiyak. Ngunit mas lalo lang bumigat ang kan'yang dibdib kaya naman ay malakas n'yang pinokpok ang manibela at napasigaw dahil sa sobrang sakit.Oo nga at wala sila masyadong mga happy moments na mag-asawa ngunit minahal nya ng totoo si Lincoln at
NALIE ATHALIA...Namalayan n'ya na lang na ipinasok na s'ya ng lalaki sa isang pribadong silid. Sa hinuha n'ya ay isa itong vip room para sa mga gustong mgkaroon ng privacy.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nakita n'ya na kumpleto sa mga gamit sa loob ng kwartong iyon. May tv, may billiard table, may mahabang mesa at may natatakpan na mga pagkain sa ibabaw nito, may mahabang sofa at mga upoan na pwedeng upoan kung pang maramihan ang gagamit sa kwartong pinagdalhan sa kan'ya ng judge."Sit down doctor Nalie," ang baritonong boses ni judge Carson ang nagpabalik sa kan'ya sa sarili. Marahas n'yang nilingon ang lalaki at naabutan n'ya itong mataman na nakatingin sa kan'ya."Bakit mo ako dinala rito?" matigas at may diin na tanong n'ya sa binata. Mahina itong natawa at tumaas ang sulok ng labi nito na nakatingin sa kan'ya."Seriously? As far as I remember, I saved you from those two idiots just now," nakataas ang kilay na sagot ni judge Carson sa kan'ya."You don't need to do that! Ka
NALIE ATHALIA..."Hey! It's an alcohol, hindi yan tubig auntie Nalie na parang uhaw na uhaw ka kung tunggain mo," saway sa kan'ya ni judge Carson at agad na inagaw ang bote na may lamang alcohol na hawak n'ya."Give it back to me judge Carson!" singhal n'ya rito. Inilapit nito ang mukha sa kan'ya at mataman na tinitigan ang kan'yang mga mata. Naduduling s'yang nakatingin sa mukha ng lalaki ngunit ngayon n'ya lang napansin na napaka gwapo pala ng lalaking ito.Matangos ang ilong, manipis ang namumulang mga labi, makapal na kilay at namumulang balat sa pisngi nito dahil sa pagka mestiso ng lalaki."You can't drink that much Nalie and call me Adrian please," mahinahong sabi nito sa kan'ya na ikinataas ng kan'yang kilay. Kanina n'ya pa napapansin na nagpapatianod lang ito sa mga pagtataray n'ya at napaka mahinahon ng pagkausap nito sa kan'ya.Magkaiba sa uri ng pananalita nito sa loob ng korte at sa kan'ya ngayon."Adrian what?" tanong n'ya sa binata. Nakailang bote na s'ya ng alcohol at h