hello po, kumusta po ang lahat? okay lang po ba kayo? lalo na sa mga may storm signal ngayon.. ingat po tayong lahat and god bless you all po!
ZENNARA “Tim, itigil mo na ito. Ano ba ang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya dahil kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. “Wala pa naman akong ginagawa. Baka mamaya meron na,” sagot niya sa akin habang inaayos ang seatbelt ko. “Naiwan sa loob ang bag ko at may trabaho pa ako.” Sabi ko sa kanya. “Hintayin na lang natin dahil dadalhin na niya ang bag mo dito.” sagot niya sa akin at ngumiti pa siya. “Sino?” tanong ko sa kanya. Ngumuso niya at may tinuturo siya sa akin si Lenny na hawak na ang bag ko at naglalakad papunta sa akin. Tumingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Kaysa makipagtalo pa ay hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na hindi pa rin naman ako makakalabas dito dahil sa makulit pa rin naman siya. Naka-lock ang pinto ng kotse niya dahil sigurista siya. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung saan kami pupunta pero mas pinili ko na lang na hindi magtanong. Pero habang nasa daan kami ay tinatahak namin ang daan papunta sa school ng mga anak ko. Kaya na
ZENNARA“Ano ‘to?” tanong ko sa kanila.“Surprise Mommy! And we’re really sorry. Sorry po kung nararamdaman mo na parang mas gusto namin si Uncle daddy kaysa sa ‘yo. That’s not true po dahil para sa amin ay ikaw lang. Ikaw lang ang nag-iisang mommy namin at mahal na mahal ka po namin. Huwag mo po sanang isipin na ipagpapalit ka namin dahil hindi po ‘yun mangyayari.” sabi sa akin ni Zevi kaya nakaramdam ako ng hiya.May ginawa silang malaking poster na may nakalagay na “We’re sorry, mommy.” Tapos nagset-up pa sila ng table na puno ng pagkain para sa amin. Nakakatuwa at medyo nakakahiya dahil sinabi pa talaga niya ang tungkol doon sa mga anak ko. Hindi na dapat niya ‘yon sinabi eh.Tumingin ako sa mga anak ko at ngumiti ako sa kanilang dalawa.“Mga anak, I’m sorry.” Sabi ko sa kanila.“Don't say that, mom. Kami po ang mali,” sabi naman sa akin ni Zian.Hindi ko alam pero may luha na pumatak mula sa mga mata ko. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot dahil hindi alam ko na ako naman ang may m
ZENNARA “Mas lalo ka talagang gumaganda kapag ganyan ka. Fvck! Binabaliw mo talaga ako tuwing kasama kita. Ito ang ebidensya ko,” sabi niya sabay kuha sa kamay ko at nilagay niya sa bukol niya. Nanlaki talaga ang mga mata ko sa ginawa niya kaya sinampal ko ang pisngi niya. “Ang bastos mo talaga!” sabi ko pero tumawa lang ang siraulo. “Ngayon ay alam mo na ang epekto mo sa akin? Pero kahit gaano pa ka sakit ay titiisin ko dahil alam ko naman na worth it ang maghintay,” sabi niya na may kasamang pagkindat. Kaya lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. “Ewan ko sa ‘yo. Aahon na ako,” sabi ko sa kanya. “Hindi puwede, babe. Hindi pa nga tayo nagsisimula. “Hindi pa nga nagsimula pero parang matatapos na agad sa mga kalokohan mo.” Sabi ko sa kanya. “Stay, magsisimula na talaga tayo. Hindi na ako magiging makulit,” sabi niya at seryoso na ngayon ang mukha niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang tutuparin naman niya ang sinasabi niya. Nagsimula na kaming dalawa ay inalalayan
ZENNARA“Feeling ko talaga ayaw mo sa akin. Ayaw mo ba talaga sa aki–”“Wala akong sinabi na ayaw kita kasi gusto nga kita eh,” sabi ko na hindi ko man lang namalayan ang lumabas sa bibig ko.Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo. “Can you say it again?” nakangiti na sabi niya sa akin at muling hinalikan ang noo ko. Ang higpit na rin ng yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong makawala sa kanya. Hindi tuloy ako makaalis sa bisig niya.“Ang alin?”“Ang sinabi mo bago lang.” sagot niya sa akin.“Sinabi ko? Alin doon? Oh my gosh!” gulat na bulalas ko at bigla ko na lang siyang tinulak.Ngayon ko lang kasi na-realize ang lumabas sa bibig ko. Biglang uminit ang buo kong mukha sa mga sinabi ko like parang nag-confess ako sa kanya. Confession nga talaga yata ang tawag doon. Kasi sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Na bigla ko na lang inamin na gusto ko rin siya.“Tim, what I–”“Hindi mo na puwedeng bawiin dahil malinaw kong narinig. Okay lang kung aya
ZENNARA“Babe, alam ko na hindi ako nabibingi. Alam ko na malinaw kong narinig ang sinabi mo. Kaya, umamin ka na sa akin. Mahal mo ba ako? Zen, mahal mo ba ako?” tanong niya sa akin kaya hindi ko na bilang kung ilang beses ba akong lumunok at sobrang lakas ng t*bok ng puso ko.“Tim, kasi—”“Mahal mo nga ako?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Hindi ko alam, hindi ko alam kung love ba ito. Kung mahal ba kita noon? Hindi ko rin kasi alam,” sagot ko sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin.“Love ‘yan, love rin kasi kita eh.” sabi niya sa akin habang nakangiti. Hinalikan niya ako bago siya naglakad papunta sa may pintuan.“Mga anak, open the door. Sinagot na ako ng mommy niyo,” sabi niya kaya nagulat ako.“Anong sabi mo? Ibig bang sabihin ay plano niyo ito?” naiinis na tanong ko sa kanya.“Sorry, babe. Gusto lang kasi talaga kitang maging akin,” sabi niya kaya nainis ako sa kanya.Nang bumukas ang pinto ay nagmamadali akong lumabas para pumunta sa room ko. I locked the door para hindi s
ZENNARAParang hindi pa rin ako makapaniwala na may boyfriend na ako. Para kasing panaginip ang lahat ng ito. Parang ang hirap paniwalaan. May boyfriend na ba talaga ako. Para akong teenager na ngayon lang na in love kahit pa ang totoo ay may mga anak na ako.“I love you..” ilang ulit akong nagtitipa ng reply sa kanya pero mabilis ko rin namang binubura dahil sa nahihiya ako na magreply. Nakauwi na kasi siya at nandito ako ngayon sa room ko. Tulog na ang mga anak ko dahil may pasok sila bukas sa school at ako rin ay may pasok rin. Pero ito ako ngayon nakatulala sa screen ng phone ko. “Ang hirap naman pala ng ganito,” saad ko sa sarili ko.Akmang itatago ko na lang sana ang phone ko pero bigla na lang umilaw ang phone ko at lumabas ang pangalan niya. Tumatawag siya via video call. Magpanggap na lang kaya ako na tulog. Pero parang hindi naman maganda kapag ginawa ko ‘yon kaya naman wala akong choice kundi ang sagutin ang tawag niya.“Babe, open your cam.” sabi niya sa akin dahil naka-o
ZENNARA Lunch time na pero hindi pa rin siya lumalabas sa office niya. Kanina pa ako panay silip sa phone ko dahil baka may reply na siya pero wala pa rin. Nagugutom na nga ako eh. Kaya naman nag-order na lang ako ng food naming dalawa at hinihintay ko na lang ito ngayon. Mukha kasing ayaw niya sa biro ko. Kaya need ko na ako na muna ang gagawa ng effort para naman hindi na siya magtampo. Kahit pa alam ko naman na nagtatampo na ‘yun. Hindi na tuloy ako mapakali. Nang dumating na ang pagkain namin ay naglakad na ako papunta sa office niya. Hinarang pa ako ni Ryan dahil busy raw ang boss niya. Alam ko naman na ayaw niya sa akin. Pero noon naman ay mabait siya sa akin. “Tanghali na ang lunchtime na,” sabi ko sa kanya pero hindi ko pinahalata na naiinis ako. “Pero sinabi niya na bawal siyang istorbohin.” medyo suplado pa ang pagkakasabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok pa rin ako sa office ni Timothy. Nakaupo siya sa swivel chair niya at nagtatrabaho. “I’m sorry, Si
ZENNARA“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Timothy na ngayon ay may dalang maleta.“Dito na muna ako titira,” nakangiti na sagot niya sa akin.“What?” laking gulat ko sa narinig ko mula sa kanya. “Nagpaalam na ako kay Mrs. Miller at pumayag naman siya kaya dito na muna ako. Para naman may kasama kayo,” nakangiti pa rin siya.“Really po, daddy?” tanong ng kambal.“Opo, boss.” sagot niya sa mga ito.Napansin ko rin na iba na ang tawag nila kay Timothy. Hindi na uncle daddy kundi daddy na talaga. Dahil na rin siguro dahil sa alam nila na boyfriend ko na ito. “Hindi ka puwede,” sabi ko.“Babe, nagpaalam na ako sa mga anak natin at pumayag sila. Pumayag na rin si Mrs. Miller.” “Kahit na, hindi ka puwede sa room ko.” sabi ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa kaya nainis ako sa kanya.“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya.“Kasi po, hindi naman kasi ako doon sa room mo. Sa guest room ako, pero puwede rin naman sa room mo kung gusto mo–”“Ayaw ko,” mabilis kong bulalas.“I’m j
ZENNARA“Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko.“Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko.“May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Bakit? Anong ibig sabihin nito?”“Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko.“Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin.“Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya.“Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na ito ang isa
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni