THIRD PERSON'S POV
Sa mansyon ng isa sa mga konsehal sa mundo ng mga bampira nagaganap ang isang pagtitipon. Lahat ng kabilang sa nakakataas ay nandoon maliban sa kaniya– ang nag iisang Cromwell.
Hindi mawawala ang mataas na tensyon sa bawat myembro ng konsehal. Lahat ay naghahangad ng kapangyarihan at mataas na pwesto. Lahat ay gustong angkinin ang pamumuno ng boung nasasakupan nila."Maaari na tayong magsimula." wika ng nasa gitna.
"Wala na ba kayong respeto sa angkan ng Cromwell at nagpatawag kayo ng pagpupulong nang hindi niya alam." kalmadong wika ng lalakeng nasa dulo. Nakayuko lamang ito."Para saan pa? Para kontrahin lahat ng desisyon at mungkahi natin?" galit na sambit ng babae. Sumang-ayon naman ang iba na siyang kinamulan ng ingay.
"TAHIMIK!" sigaw ng nasa gitna. Siya ang anak ni Headmaster Caddel, si Leonardo Caddel."Pinatawag ko kayo dito para sa problema ng ating nasasakupan." mahinahong wika nito."Nagkakalat na ang mga new born at infected, may sinomang lumalabag sa batas natin!" dagdag nito. Nagsitahimik at walang sumagot kahit isa."Ngayon kung ayaw niyo makipagtulungan, bumaba na kayo sa pwesto niyo."
Nasa kaniya ang lahat ng atensyon ng nandoon, hindi nila alam ay may nakamanman sa kanila. Nakaupo lang ito sa pangalawang palapag sa may balkunahe. Nakikita at naririnig niya ang nangyayare sa ibaba.Pinagusapan sa pulong kung paano mapatigil ang pagkalat ng mga new born at infected sa boung bayan. Ang iba naman ay inatasan na puksain ang sino mang makitang new born at infected. Kahit kalahi nila ito ay kailangan pa rin nilang patayin upang mapatigil ang pagkalat.Nang matapos na ang pagpupulong agad itong pinaalis ng punong konseho. Hindi lingid sa kaalaman ng mga nandoon ay may ibang balak pa ang myembro ng konseho.Agad silang pumasok sa pribadong kwarto, apat sila ang naroon. Si Hilda, Anton, Seo at si Amelia Laurier. Ang ina ni Eurus Laurier."Hindi ba't isa itong pagsuway sa ating batas?" tanong ni Hilda, tinignan siya ng masama ni Seo.
"Hilda! Hindi ka sasama sa amin kung sang-ayon ka sa batas natin." wika nito.Napatikom na lamang si Hilda at nakinig sa usapan ng tatlo."Ayokong may mahuli sa inyo, lalo na't tiyak natin na magagalit si pinuno." wika ni Amelia.
Pagkatapos nilang mag usap ay agad naman silang naghiwalay ng landas. Sa kabilang banda, nakangisi lamang ang dalaga sa nasaksihan nito. Matagal na ay alam niyang may mga taksil na nagmala anghel pag kaharap siya. Kung suswertihin nga naman siya malapit sa kaniya ang isa.Agad itong bumaba sa pagkakaupo nito, marahang naglakad sa bawat pasilyong madadaanan niya. Lahat ng ilaw na nakabukas ay namamatay sa pagdaan niya. Bumaba ito sa unang palapag at tinungo ang malaking pintuan. Bumukas ng kusa ito kasabay ng biglang lakas ng hangin.
Malalakas na kulog at nagagalit na mga kidlat. Unti-unti na ring bumabagsak ang patak ng ulan. Marahang naglakad ang dalaga papunta sa labas, hindi nito ininda ang ulang bumabasa sa boung katawan niya.
"Mag handa kayo dahil paparating na ako." nakangising wika nito kasabay ng malakas na kidlat.
EURUS' POVHindi mawala sa isip ko ang pagbigay ng simpleng pagkain ni Ayu bilang pasasalamat. Gising pa rin ako kahit mag aala una na. Ganon din si Helios na may pinapanood, may kaniya-kaniya kaming ginagawa para mag ubos lang ng oras. Bukas na pala ang camping, hindi naman maaga ang alis namin kaya ayos lang kung mag puyat kami.
Inilabas ko ang note na bigay ni Ayu, habang binabasa ay hindi ko mapigilang ngumiti. Buti na lang at di ako napapansin ni Helios dahil tiyak akong aasarin na naman ako nito.
Itinago ko sa bulsa ko ang sulat para kahit sa pag tulog ay kasama ko siya. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko, ayokong alamin dahil natatakot ako sa pwedeng sagot.Nag desisyon na akong matulog, ayoko namang maging bangag mamaya. Agad naman akong nakatulog.
Alas dyes na nang gisingin ako ni Helios. Nag pasalamat ako sa kaniya dahil ginising niya ko, mamayang alas dose kasi ang meet up sa ground square. Hindi na rin muli ako nakapanaginip ng masama, laking pasasalamat ko sa note na binigay ni Ayu.Agad akong kumilos at nag ayos ng mga dadalhin ko. Tatlong araw kami sa Hawkin kaya kailangan kong mag dala ng maleta. Hindi ko kaya ang isang malaking bag dahil gusto ko ay may extra pa akong damit para kung may di kanais-nais na mangyare ay handa ako. Mga safety kit din ay nag dala ako.Pagkatapos ko mag ayos ay agad akong naligo. Pagkatapos ay onting ayos lang at alis na. Pagkarating namin sa ground square halos andon na ang mga estudyante, hindi halatang excited sila. Ang iba ay maraming dala ang iba naman ay sakto lang."Students." tawag ni sir Casio. "Please go to your designated section dahil aakyat na kayo sa bus." wika niya. Mabilis na nagsikilos ang mga estudyante, nang nasa kaniya-kaniya na kaming section saka naman nagsidatingan ang mga bus na sasakyan namin.Agad namang pumasok ang mga estudyante sa bus nila. Ganon din kami, nasa tabing bintana ako katabi Helios. Ibang estudyante ang katabi ni Eros samantalang magkatabi naman sina Loki at Dion. Hindi talaga sila mapaghiwalay kahit saan.
Maya-maya ay umandar na ito, syempre hindi mawawala ang pagdadasal para sa maayos na byahe. Matapos ang ilang pagbibigay ng mga rules and mga dapat gawin at 'di dapat agad namang nag ingay ang mga kaklase ko. May nagpapatugtog, may nag aasaran, may kumakain na kaagad at may katulad ko na nakikinig langMaayos ang naging byahe, hindi rin ganon kainit. Makulimlim ang langit pero hindi naman babagsak ang ulan. May nakasabayan rin kaming bus, bus ng ibang section kaya naman kumaway sila sa'min.
May hinahanap akong tao, hindi ko kasi nakita kanina. Sana sumama siya, pero kung hindi naman ay ayos lang.Nakaidlip ako sa byahe namin, naalimpungatan na lamang ako nong nag iingay ang mga kaklase ko. Napagalaman kong nasa tapat pala ng bus namin ang section A2, kaonti lamang sila sa bus nila. Balak ko na sama umidlip uli nang sikuhin ako ni Helios. May itinuro ito kaya sinundan ko ng tingin.Si Ayu. Nakasandal ito at mahimbing ang tulog. Katabi nito si Hades na nakasandal sa balikat niya, tulog din. Hindi ko maexplain pero biglang kumirot ang dibdib ko. Para bang may tumusok dito.Unang umandar ang bus nila sa'min. Hindi ko nalang pinansin at umidlip na lang. Boung byahe ay idlip lang ang ginawa ko, hindi na rin ako sumama sa kanila bumaba nong nag stop over sa bayan ng Acrane.
Hindi ako nakaramdam ng gutom, tanging nararandaman ko lang ay pagkawala ng gana. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kaibigan lang kami ni Ayu pero bakit ganito ang pinaparamdam niya sa'kin. Bakit parang binabaliw niya ako. Tama pa ba ang ginagawa ko?
Nakarating kami sa Hawkin bandang alas syete na ng gabi. Agad naman kaming inassist nong mga taga doon para sa mga room na gagamitin namin. Magkatabi lang ang room ng section A2 sa room namin.
Natuwa naman ako nang malaman kong kabilang room lang pala sila. Inayos na namin ang mga gamit namin, inilatag na rin namin ang foam para mamaya pagkatapos kumain ay matulog na. May binigay sa'min na nakastyro na pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan kaming maglinis ng katawan sa may dulong cr malapit sa stage. Bawat pasok ay tig-dadalawa para mabilis dahil isa lang cr for both gender. Nang matapos na kaming mag kakaibigan agad akong umupo para mag pahinga bago mahiga. Nag kwentuhan muna kami hanggang sa mapagdesisyunan naming matulog na.
EURUS' POVHating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. May kung anong bumabagabag sa isipan ko. Napabangon ako nang may kumalabog sa kabilang room, may tumawa naman ng mahina kasabay ng pag tahimik uli.Maya-maya ay narinig ko ang mahihinang bulong sa kabilang kwarto. Tumayo ako at idinikit ang tenga sa pader. Hindi sa chismoso baka kasi may ginagawang milagro ang kabilang section."Tara, rounds tayo." boses ng lalake. Napakunot naman ako ng noo."Haha, masiyado ka namang excited." wika ng babaeng boses. Nabobosesan ko siya pero hindi ko matukoy kung sino."Gabi naman na, wala na masiyadong gising." sagot ng lalake. Tumawa ng mahina ang babae, tumahimik uli. Naghihintay akong may mangyare hindi ko alam bakit. Maya-maya ay pag bukas ng pintuan ang narinig ko. Anak ng pota! Sa labas pa nga ata nila gagawin.Agad akong kumilos at lumabas,
EURUS' POVNatapos ang hilaan ng lubid, hindi man lang ako nag enjoy sa boung activities. Lunch time at narito ako ngayon sa ground nakaupo lang. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko ay busog pa ako. Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyanteng tuwang-tuwang nakipagkwentuhan habang kumakain.Tila hindi nila nararamdaman yong pagod kanina, pero ako parang pagod na pagod na."Oh." abot sa akin ni Loki ng pagkain. Tinignan ko lang 'to, hindi pa rin ako nagugutom kahit nakakatakam naman ang ulam."Kumain ka na, mamaya baka mahimatay ka pa sa gutom." dagdag niya. Wala akong nagawa kundi abutin ang pagkain, umupo ito sa tabi ko at sinabayan akong kumain."Aba, bakit mo naman sinosolo si Helios!!" sigaw ni Loki na may hawak pang drumstick sa kamay. 'Yong ulam ha. Tumakbo 'to papunta sa'min, inaya niya pa sila Eros na payapa namang kumakain sa gilid ng stage.
EURUS' POVPangalawang araw na namin ngayong araw, malakas ang ulan kaya hindi muna kami nakakapag outdoor activities. Nasa isang hall kami for our indoor activities, wala kaming ibang gagawin kundi makinig lang sa talambuhay ng bahay isa. Sharing kumbaga. Naupo ako sa may dulo sa tabing bintana, gustong gusto ko ang pagmasdang ang bumubuhos na ulan sa labas. Nakakarelax sa pakiramdam ang tunog ng patak nito sa bubungan. Hati-hati ang bilang ng mga estudyante may ibang nasa kabilang hall may iba naman na andito. Hindi naman kami masyadong marami sa loob ng hall, siguro nasa 30 lang kami since ang iba ay konti lang din sa section nila. Ang kasama namin dito ay ang section A2, A4 and B2 tapos kami A3. Hanggang C3 lang ang section sa bawat year, depende pa 'yon kung marami sa isang section o hindi.Agad naman kaming nag simula nong sinabe na ng host na start na. Unang nag share ang nasa unahang pwesto. Depende sa'min k
EURUS' POVNgayon lang umaraw uli, kaya naman naging busy na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. Ako naman ay nasa room lang nag papahinga. Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya hindi na muna ako hinayaang makisali sa mga activities namin ngayon. Baka raw kasi lumala at mahilo pa ako, binigyan naman nila ako ng tubig at gamot. Naisipan ko na lang na manood sa kanila kaysa bagutin ko ang sarili ko sa loob ng room namin.Nag lagay ako ng upuan sa harapan ng room namin, kitang-kita ko ang mga students na abala sa iba't ibang gawain. Maya-maya rin ay nag simula na ang ibang activities. Pinagsabay sabay na nila dahil hindi namin nagawa kahapon ang iba. Bali mahahati sa iba't ibang grupo ang iisang section para sa ibang activities, depende 'yon sa dami ng activities sa umaga.Ang saya pa rin pala kahit nanonood lang ako dito. nakakatuwa kasi lahat ng students ay nag eenjoy sa mga games. Hindi ko t
EURUS' POVHindi kami dumeretso sa Academy dahil ayon sa bagong announcement ng headmaster, pwede na raw kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil walang pasok ng one week. agad naman itong ikinatuwa naming lahat, halata sa amin na sabik na sabik na kaming makauwi sa kaniya-kaniya naming tahanan. Mabilis lang ang naging byahe namin, nang malapit na ako sa subdivission namin ay inihanda ko na ang mga gamit ko.I am so happy that finally I can sleep on my own bed with the smell of home. Agad akong bumaba nang tumigil sa tapat ng subdivission namin ang bus, nakareceive rin ako ng text na nakauwi na raw si Oceana kaya dumeretso na ako sa bahay. Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, kaagad akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa bahay namin. Malawak ang subdivission namin, pero madali lang naman mahagilap ang bahay namin dahil namumukod tangi itong kulay mint green at kapansin pansin ang laki nito.Kilala na ri
EURUS' POVKitang-kita ng mata ko ang itsura ni mom, wasak ang dibdib nito at may kung sinong dumukot ng puso niya. Tinawagan ko na ang mga police para dito, wala ako sa katinuan dahil sa nangyari. Mabilis lang din silang rumesponde, ngayon ay kausap nila si Oceana na umiiyak. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ang bilis.'Yong.. 'yong pulang letter. Agad akong napatayo at hinanap ang pulang letter, nakita ko ito na hawak ng isang officer kaya kaagad akong lumapit. "Sandale, pwede po bang matignan ang laman ng letter na 'yan?"inabot naman nito sa akin. Umupo ako sa gilid at binuklat ang letter, walang ibang laman kundi,DIE, AMELIA. DIE.Ayan ang nilalaman, kaya ba ganoon ang reaksyon ni mom? Sino namang magbibigay nito? Si Oceana.
EURUS' POV Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, hindi mabura sa isipan ko ang nalaman ko. Halo-halo ang nararamdaman ko, pero mas nananaig sa akin ang ma-curious. Sino ka ba talaga, Aeulos? Tumayo na ako sa kama at naghilamos, maaga pa pero pinili ko ng bumangon. Mahaba pa ang araw marami pa akong pwedeng gawin. Una ang kaso ni mom, pangalawa ay ang burol niya. *riiing* *riiing* Agad kong dinampot ang cellphone ko, 'yong officer pala kaya agad kong sinagot. "Hello po."bati ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nakaramdan ako ng kaba, feeling ko ay may hindi magandang mangyayare ngayon."'Wag ka sana mabigla sir." hindi ako umimik at hinintay ang sasabihin niya. "Nawawala po ang bangkay ni Mrs. Laurie
EURUS' POVNakatayo sa aking harapan si Aeulos. Likod niya lang ang nakikita ko pero alam kong seryoso siya, halata rin ang pagtaas baba ng kaniyang balikat na para bang hinihingal siya. Hindi ko alam kung paano ko naigalaw ang boung katawan basta naigalaw ko nalang ito. Napaatras ako nang unti-unting nagkamalay si mom, o kung si mom pa ba siya."Tss, kahit kailan napakapakialamera mo!"sigaw ni mom kay Ayu. Mahinang tumawa lang si Ayu, napansin ko ang mga galos sa katawan niya. Anong nangyare sa kaniya?"You bitch!"rinig ko ang sigaw mula sa sala. Agad akong napatingin don, bumungad sa amin ang humahangos na si Hades."Bakit mo naman kami iniwan?"iritable niyang sabi. Hindi naman siya pinansin ni Ayu dahil nakatingin ito kay mom."Shit, shit!"tar
KASALUKUYAN HADES' POV Hindi naging masaya ang nagdaang pasko namin dahil sa pagkawala nila Aeulos at Eurus. Idagdag mo pa na nagsimula nang kumilos ang kampon ni Sebastian. Talagang napakasama niya, pati pasko hindi pinalampas. Sabagay, wala naman nang nagmamahal sa kaniya maski ang anak niya. Nagtulong tulong kami nila tito Eos para lipunin ang pumapanig sa kabutihan para sa magaganap na labanan. May kutob kaming sa mismong bagong taon sisimulan nila ang kaguluhan. Mas mabuti na ang handa kaysa sa wala. "Sa tingin mo ba saan nagpunta sina Aeulos?" tanong sa'kin ni Zag na ngayon ay hinahanda ang mga gagamitin naming s*****a para sa labanan. "Hindi ko alam, pero may hinala ako." sagot ko. May binigay sa'kin nakaraan si Aeulos na dalawang galoon ng tubig. Tinanong ko siya kung para saan, isa itong dinasalang tubig na may engkantasyon la
EURUS' POV Naunang magising sa'kin si Ayu, malamig ang boung paligid dahil sa hamog sa labas. Maaga pa naman kaya naisipan kong maghanap ng kape. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina sa bahay na 'to dahil ito lang ang tanging nakabukas. Isa pa, amoy na amoy ko ang masarap na sarsa muli dito. "Gising kana pala." bungad ni Minrod sa'kin habang hinahalo ang sinangag. "Maupo ka doon, may kape rin jan kung gusto mo." dagdag niya. Nagpasalamat muna ako bago maupo sa upuan at magtimpla ng kape. Ang sarap higupin ng kape sa malamig na panahon. Inilapag na ni Minrod ang pagkaing niluluto niya. saka ko lang napansin ang itlog at ham sa mesa. Mukhang tira ata nong pasko ang ham, joke. "Kuha ka lang jan." wika niya, hinanap ng mata ko si Ayu. Mukhang wala ata siya sa bahay, mamaya ko na lang siguro itanong kay Minrod kung nasaan siya. Agad akong sumandok ng sinangag, k
EURUS' POVChristmas Eve and we're still here. May binigay sa'kin si Ayu kanina regalo niya sa'kin sa pasko. Isang kwintas may pendant itong sword na may ahas sa hawakan niya. Sabi niya ay itago ko ang kwintas na 'to dahil importante 'to sa kaniya. Sinuot ko ito at itinago sa damit ko. Wala man lang akong pamaskong handog sa kaniya, dinala ko na nga siya sa nakaraan wala man lang akong pangbawi.Rinig ko ang sari saring putukan sa magkabilaang lugar. Napatingin ako sa relo ko, 12 am, pasko na. Dinala ako ni Ayu dito sa tuktok ng puno para mapanood ang mga fireworks ngayong gabi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, nakakalungkot lang isipin na hindi ko kasama ang mga minamahal ko. Si mom na namatay na, si Oceana na hindi ko na alam kung nasaan. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kong hanapin siya. Buhay pa kaya siya? Masama kaya ang loob niya sa'kin?
EURUS' POVGabi na pero hindi pa rin bumabalik si Ayu simula nang iwan niya ako. Hindi kami makakatagal sa lugar na 'to kung wala kaming lugar na pwedeng tulugan at makakain. Tanging nagliliyab na apoy lang ang kasama ko sa gitna ng kadiliman, sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Wala naman sigurong lalabas mula sa dilim 'di ba? Mas lumapit na lang ako sa apoy baka may nilalang mula sa dilim ang biglang sisipot, mas mabuti na ang handa."Oh." napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Ayu. Nakabalik na pala siya, malapit na rin maupos ang kahoy na nilalagay sa apoy. Inabot ko ang telang ibinigay ni Ayu, mukhang may nakuha siyang mga pwedeng pangtapal sa lamig. Dinagdagan niya na rin ang kahoy na panggatong sa apoy. Habang pinapanood siya hindi ko maisiwasang isipin ang mga nasaksihan ko sa nakaraan niya. Kung paano niya binura ang alaala ko, kung paano siya buhatin ni Minrod at
EURUS' POVNakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy habang nag iisip ng pwedeng maging solusyon sa problema namin. Kung hindi lang sana nag interrupt si Ayu kanina edi sana kanina pa kami nakabalik sa hinaharap. Paano ba kasi kami napunta dito? Ang alam ko, nagising na ako kanina pa."Nakaisip kana ba ng paraan para makabalik tayo?" tanong ni Ayu, buti naisipan niya pang balikan ako. Tinignan ko siya habang nakabagsak ang balikat ko. "Sa itsura mo masasabi kong hindi pa." dagdag niya sabay upo sa harapan ko. Tinitignan niya lang ang boung paligid, hindi halata sa kaniya ang nababahala. Magaling nga talaga siya magtago ng emosyon maliban kanina."Bakit mo pala ako pinigilan kanina? Tutulungan niya tayo." tukoy ko kay Lacrisse, tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "Seryoso ka? Magtitiwala ka sa kanila?""Bakit hindi? Sila na lang ang tanging pag-asa ko pa
EURUS' POVDamang dama ko na ang kapaskuhan, mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. Madalas ding umulan tuwing gabi, kulang na nga lang mag snow dito. Gumawa ng champorado si Zag bilang almusal namin habang pumapatak ang ulan. Ganito ba talaga pag december? Malamig, parang si Ayu. Walang halong biro, pagkatapos ng ginawa niya nakaraan ang cold na ng treatment niya sa'kin. Hindi na nga niya ako magawang tignan sa mata o kaya kausapin. Good thing din dahil mas nakapag focus ako ngayon sa abilities na meron ako. Pagkatapos nang nasaksihan ko nakaraan hindi na ako muli pang nakapag time travel, may pumipigil na naman sa'kin.Sa ngayon pinapraktis ko kung paano maging isang matibay na shield. Hindi ko pa rin kayang gumawa ng malakas na barrier para protektahan ang isa sa kanila. Sabi ni Hades ay kailangan ko nang macontrol ang mga kapangyarihan ko dahil alam nilang bago pa matapos ang taon na 'to kikilos n
EURUS' POVHuminto ang sasakyan sa mapunong bahagi ng Georgia. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala ang Georgia, masyado talagang malawak ang mundo. Lumabas sina Valros at Odin kaya nakigaya na rin kami, tahimik ang boung lugar. Tanging ilaw lang mula sa sasakyan ang nagbibigay liwanag sa boung lugar. Niliteral talaga nila ang pagiging black magic nila."Stay close." wika ni Valros sa'min. Kahit hindi niya sasabihin 'yan, talagang didikit ako sa kanila. Baka bigla akong hilahin ng mga nilalang na nakatira dito. "Sigurado ba kayong nasa tamang lugar tayo?" tanong ko sa kanila, baka namali lang kami. Mukhang wala kasing nakatira sa ganitong lugar lalo na't prone ito ng masasamang hayop."Shh." saway ni Odin sa'kin. Naging alerto kami nang makarinig kami ng kaluskos sa likuran namin. Ilang ulit pa ang kaluskos na sinabayan ng
EURUS' POVMadaling araw na nang maisipan kong tumayo sa higaan at bumaba para mag kape. Masyado pang maaga pero dilat na dilat na ang mga mata ko, hindi man lang ako nagawang dalawin ng antok. Sinubukan ko ring mag time travel uli pero hindi ko na magawa. May parang humaharang sa'kin pag sinusubukan ko. Nang makababa na ako ay wala akong naabutan kahit isa. Tanging ang christmas tree lang at mga pailaw sa labas. Mukhang lahat sila ay nagpapahinga pa. Tahimik akong pumunta sa kusina para magtimpla ng kape, sakto, may nakita akong tinapay na stock namin. Naghanap din ako ng pwedeng ipalaman sa tinapay na nakita ko.May nahanap naman ako kaso strawberry jam, hindi ko gusto ang lasa ng strawberry pero masarap naman siguro 'to. Dinala ko sa labas ang mga pagkain ko, doon ko na lang kakainin tutal masarap naman kumain sa labas. Ang tahimik ng boung paligid, kuliglig lang ng mga insekto ang naririnig ko, tam
EURUS' POV Hindi ko na muling nakausap pa si Ayu pagkatapos ng gabing 'yon. Minsan ko na lang din siya maabutan sa bahay, palagi siyang wala, palagi niyang kasama si Cole. Hindi ko nga alam kung naghihiwalay pa ba sila. "You're improving." wika ni Zag sa'kin, nagpapahinga kami ngayon galing ensayo. "Kulang pa rin." sagot ko. I admit that i am really improving but kulang pa. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila, alam ko namang bampira sila kaya mas mataas ang kakayahan nila sa'kin, naiinggit ako. I wish i was like them too. But asking that is too much for them, lalo na sa'kin. Kailangan ko munang alamin ang pinagmulan ko bago ako humangad ng mas mataas. Napatingin ako sa kalangitan, hindi maaraw ngunit hindi rin uulan. Maganda ang panahon ngayon. Tumayo na kaagad ako nang tawagin na kami dahil mag simula na uli. Hindi na kami katulad ng dati na one on one o by group, ngayon kami nalang ng