Home / All / BEWARE OF THE NIGHT / CHAPTER 10: CONFESSION

Share

CHAPTER 10: CONFESSION

Author: amortia
last update Last Updated: 2021-09-23 23:39:27

EURUS' POV

Pangalawang araw na namin ngayong araw, malakas ang ulan kaya hindi muna kami nakakapag outdoor activities. Nasa isang hall kami for our indoor activities, wala kaming ibang gagawin kundi makinig lang sa talambuhay ng bahay isa. Sharing kumbaga. Naupo ako sa may dulo sa tabing bintana, gustong gusto ko ang pagmasdang ang bumubuhos na ulan sa labas. Nakakarelax sa pakiramdam ang tunog ng patak nito sa bubungan. Hati-hati ang bilang ng mga estudyante may ibang nasa kabilang hall may iba naman na andito. Hindi naman kami masyadong marami sa loob ng hall, siguro nasa 30 lang kami since ang iba ay konti lang din sa section nila. Ang kasama namin dito ay ang section A2, A4 and B2 tapos kami A3. Hanggang C3 lang ang section sa bawat year, depende pa 'yon kung marami sa isang section o hindi. 

Agad naman kaming nag simula nong sinabe  na ng host na start na. Unang nag share ang nasa unahang pwesto. Depende sa'min kung ano ang i-sheshare namin. Kung sad memories, best experience or happy. Sa case ko, wala akong maisip na i-sheshare. Ayokong may nakakaalam ng ibang pangyayare sa buhay ko lalo na pag confidential. Lahat ng nangyare sa'kin confidential. 

Nag-isip pa ako ng mabuti dahil alam kong may kahit paanong memories naman na hindi confidential na meron ako. Mahaba pa naman kaya may oras pa ako para makapagisip ng mabuti. Hindi ko na nagawang makinig ng mabuti sa mga talambuhay nila. Tanging naiisip ko ay 'yong panahong buhay pa si dad, panahong kasama namin siya sa bahay, masayang nakikipag kulitan sa'min. Bumalik na lang ang diwa ko nang sikuhin ako ni Loki, siya ang katabi ko.

"Anong sayo pre?" tanong niya. Nag isip muna ako bago sumagot. "Wala akong maisip pre e." sagot ko. "Ako rin e." sagot niya pabalik. Buti na lang talaga at nasa hulihan kami dahil kung hindi, kung ano-ano na lang siguro masasabi ko sa harapan, baka gumawa na lang din ako ng kwento.

Hindi nag tagal ako na ang mag sheshare ng kwento ko, hindi naman ako kinakabahan dahil sanay na ako sa maraming tao. Tumayo ako sa gitna, hawak ang isang mic. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang kwentong ibabahagi ko.

"Nangyari 'to nong nasa isang lugar ako. Isang simpleng lugar, tahimik at payapa." panimula ko. Tinignan ko silang lahat, lahat ay nakatingin sa'kin at nakikinig. 

"Nakaupo ako non sa isang bench sa gilid habang pinagmamasdan ang fountain sa harapan ko. Isa siyang lumang park, kung nacucurious kayo." huminga ako ng malalim bago ituloy. 

"Hindi marami ang tao na napasyal sa park na 'yon, kaya parang solo ko na rin. And I saw this one girl." tumingin ako sa kabuuan ng andon. There I saw her. Our eyes meet then nag flashback sakin ang nangyare. 

"She's cute, her height is average. Her hair is above shoulder." hindi ko alam pero nakatingin lang ako sa kaniya. Iba naman ay nagbubulong-bulungan. Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya. "It's funny how I fall in love on first sight, though ako lang ang nakakita sa kaniya. Nakatalikod siya sa'kin that time."

"From that time, sinasadya ko nang pumunta sa park,I think this happened nong vacation. Para ko na  rin siyang stinastalk kung iisipin ano?" natawa ako nang marealize ko ang ginagawa ko dati. Ang creepy ko pala.

"And then one day, hindi ko na siya nakita sa park, ang nakakatawa don ay siya ang dahilan bat ako andito ngayon. Kung bakit tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ko dito sa Castillio de Academia." napangiti ako sa thought na yon.

"Nalaman ko na dito rin pala siya nag-aaral kaya hindi ko na tinuloy na mag states. I had a huge crush on you, Alec." I said without thinking. Lahat sila ay nagulat, may iba naman na nag tetease sa'min. Nahiya si Alec sa ginagawa nila pero ngumingiti naman. Puro kantyawan ang nangyare sa loob ng hall kaya pinatahimik sila ng host.

"but..." pagtuloy ko. 

"I liked you before. Now I have someone in my mind recently. And I think my feeelings for her is growing bigger and bigger." after that nag thank you ako. Natapos na ang boung session kaya hinayaan na kaming gawin ang mga bagay na gusto naming gawin. 

Nahihiya na tuloy ako tumingin kay Alec dahil sa pag amin ko ng biglaan. Though hindi niya naman kasalanan 'yon. Naglakad na ako pabalik sa room namin, hindi ko na rin tinitignan ang nasa harapan ko dahil nababalot na ko ng hiya sa kakaasar nila sa'kin. Nang makarating ako sa harapan ng room namin, nahagip pa ng tingin ko si Ayu na nakatingin sa'kin. Para siyang nakangisi sa'kin, hindi na malinaw sa paningin ko dahil mabilisan lang. 

Pumasok na ako sa loob, buti na lang at nasa ibang section si Alec dahil mas nakakahiya at nakakailang kung andito siya. Hindi ko alam pero parang kasalanan ko na ewan. Matagal na yon, ngayon iba na ang ginugusto ko. Tsaka dapat hindi ako nahihiya kasi wala na rin naman akong nararamdaman para sa kaniya ngayon. Oras na ng lunch namin, humihina na rin ang ulan kaya baka mamaya ay pwede na kami sa labas. 

Naisipan kong mahiga na lang muna, iniisip ko ang mga bagay na nangyayare sa buhay ko, bakit ko sila ginawa, sino ba ang mga taong nameet ko before. Paano ba kami naging magkaibigang lahat? Ang dami kong katanungan sa isipan ko. 

Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako, ginising lang ako ni Eros para mananghalian. Kumain naman kaagad ako dahil nakaramdamn na rin ako ng gutom, pagkatapos ay naupo na uli ako sa gilid. Kumikirot kirot ang ulo ko kaya agad akong nagsabi kina Helios. Ikinuha naman nila ako kaagad ng gamot sa H.E para mawala  rin kaagad. Siguro dahil sa naulanan ako kanina nong pabalik na kami dito. Minabuti ko na lang na mag pahinga na lang muna para na rin mabilis mawala ang sakit ng ulo ko. Nahiga na uli ako, mas kumportable na ako ngayon kumpara sa kanina. Mas lumamig ang boung room dahil lumakas na naman ang ulan sa labas. Hindi rin sila nag patay ng fan dahil mainit sa loob dahil andito kaming lahat.

Hinayaan na rin nila akong matulog, hindi na muna sila nag ingay utos nila Loki. Mga siraulo talaga. 

Related chapters

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 11: RAINBOW

    EURUS' POVNgayon lang umaraw uli, kaya naman naging busy na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. Ako naman ay nasa room lang nag papahinga. Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya hindi na muna ako hinayaang makisali sa mga activities namin ngayon. Baka raw kasi lumala at mahilo pa ako, binigyan naman nila ako ng tubig at gamot. Naisipan ko na lang na manood sa kanila kaysa bagutin ko ang sarili ko sa loob ng room namin.Nag lagay ako ng upuan sa harapan ng room namin, kitang-kita ko ang mga students na abala sa iba't ibang gawain. Maya-maya rin ay nag simula na ang ibang activities. Pinagsabay sabay na nila dahil hindi namin nagawa kahapon ang iba. Bali mahahati sa iba't ibang grupo ang iisang section para sa ibang activities, depende 'yon sa dami ng activities sa umaga.Ang saya pa rin pala kahit nanonood lang ako dito. nakakatuwa kasi lahat ng students ay nag eenjoy sa mga games. Hindi ko t

    Last Updated : 2021-09-25
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 12: WARMTH

    EURUS' POVHindi kami dumeretso sa Academy dahil ayon sa bagong announcement ng headmaster, pwede na raw kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil walang pasok ng one week. agad naman itong ikinatuwa naming lahat, halata sa amin na sabik na sabik na kaming makauwi sa kaniya-kaniya naming tahanan. Mabilis lang ang naging byahe namin, nang malapit na ako sa subdivission namin ay inihanda ko na ang mga gamit ko.I am so happy that finally I can sleep on my own bed with the smell of home. Agad akong bumaba nang tumigil sa tapat ng subdivission namin ang bus, nakareceive rin ako ng text na nakauwi na raw si Oceana kaya dumeretso na ako sa bahay. Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, kaagad akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa bahay namin. Malawak ang subdivission namin, pero madali lang naman mahagilap ang bahay namin dahil namumukod tangi itong kulay mint green at kapansin pansin ang laki nito.Kilala na ri

    Last Updated : 2021-11-20
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 13: HER

    EURUS' POVKitang-kita ng mata ko ang itsura ni mom, wasak ang dibdib nito at may kung sinong dumukot ng puso niya. Tinawagan ko na ang mga police para dito, wala ako sa katinuan dahil sa nangyari. Mabilis lang din silang rumesponde, ngayon ay kausap nila si Oceana na umiiyak. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ang bilis.'Yong.. 'yong pulang letter. Agad akong napatayo at hinanap ang pulang letter, nakita ko ito na hawak ng isang officer kaya kaagad akong lumapit. "Sandale, pwede po bang matignan ang laman ng letter na 'yan?"inabot naman nito sa akin. Umupo ako sa gilid at binuklat ang letter, walang ibang laman kundi,DIE, AMELIA. DIE.Ayan ang nilalaman, kaya ba ganoon ang reaksyon ni mom? Sino namang magbibigay nito? Si Oceana.

    Last Updated : 2021-11-21
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 14: SCENT

    EURUS' POV Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, hindi mabura sa isipan ko ang nalaman ko. Halo-halo ang nararamdaman ko, pero mas nananaig sa akin ang ma-curious. Sino ka ba talaga, Aeulos? Tumayo na ako sa kama at naghilamos, maaga pa pero pinili ko ng bumangon. Mahaba pa ang araw marami pa akong pwedeng gawin. Una ang kaso ni mom, pangalawa ay ang burol niya. *riiing* *riiing* Agad kong dinampot ang cellphone ko, 'yong officer pala kaya agad kong sinagot. "Hello po."bati ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nakaramdan ako ng kaba, feeling ko ay may hindi magandang mangyayare ngayon."'Wag ka sana mabigla sir." hindi ako umimik at hinintay ang sasabihin niya. "Nawawala po ang bangkay ni Mrs. Laurie

    Last Updated : 2021-11-22
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 15: ANOTHER STORM

    EURUS' POVNakatayo sa aking harapan si Aeulos. Likod niya lang ang nakikita ko pero alam kong seryoso siya, halata rin ang pagtaas baba ng kaniyang balikat na para bang hinihingal siya. Hindi ko alam kung paano ko naigalaw ang boung katawan basta naigalaw ko nalang ito. Napaatras ako nang unti-unting nagkamalay si mom, o kung si mom pa ba siya."Tss, kahit kailan napakapakialamera mo!"sigaw ni mom kay Ayu. Mahinang tumawa lang si Ayu, napansin ko ang mga galos sa katawan niya. Anong nangyare sa kaniya?"You bitch!"rinig ko ang sigaw mula sa sala. Agad akong napatingin don, bumungad sa amin ang humahangos na si Hades."Bakit mo naman kami iniwan?"iritable niyang sabi. Hindi naman siya pinansin ni Ayu dahil nakatingin ito kay mom."Shit, shit!"tar

    Last Updated : 2021-11-23
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 16: AWAKEN

    EURUS' POVNagising ako sa lamig ng hinihingaan ko. Matigas at malamig, nasaan ako? Nasaan sila? Agad kong inilibot ang boung paningin ko, nasa isang maliit na kubo pala ako. Umuulan pa rin sa labas kaya hindi ko makita kung nasaan ako bukod sa kubo na ito. Agad akong tumayo para maghanap ng pwedeng maging ilaw dahil sobrang dilim sa loob. Hindi ko alam kung papaano ako napunta dito, si Ayu kaya? Nasaan?Kinapa ko ang bawat madadaanan ko, buti nalang at hindi ako napapatid o nababangga sa mga gamit. May hagdan pababa siguro ay ito ang papuntang kusina. Kaagad akong bumaba para maghanap ng lampara o kandila. Buti naman at may nahanap ako, nakalagay ang lampara sa maliit na lamesa at may posporo doon. Para bang naghihintay lang ito ng taong maliligaw at magpapahinga dito sa kubong 'to. Agad kong sinindihan ang lampara, hindi siya ganon kaliwanag pero pwede na gamitin pangpalipas ng gabi.

    Last Updated : 2021-11-24
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 17: SECRETS

    EURUS' POVRamdam ko na ang pagod ko kakatakbo at hinihingal na rin ako. Pinipilit ko ang sarili kong tumakbo pa ng mas mabilis dahil pakiramdam ko ay may mangyayareng masama. Malayo pa lang ay natanaw ko na ang kubo kaya mas binilisan ko pa, tahimik na rin ang boung paligid dahilan para mas kabahan pa ako. Huminto ako para magpahinga, hingal na hingal na ako at unti-unti na ring nauubos ang lakas ko. Inilibot ko ang boung paningin ko, wala akong makitang Ayu o mga dambuhalang aso. Hindi kaya ay nakalayo na sila?Nang makapagpahinga na ako kaagad kong nilibot ang boung paligid. Nagulat ako nang makita ang mga dambuhalang aso na lasog lasog na ang boung parte ng katawan pero mas nagulat ako nang makita si Ayu na nakahiga, umaagos ang dugo niya at humalo sa tubig ng ulan sa lupa. Wala na siyang malay. Kaagad akong lumapit sa kaniya at tinignan kong humihinga pa ba siya. Nakahinga naman ako nang m

    Last Updated : 2021-11-24
  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 18: REVELATION

    EURUS' POVHindi ako makatulog ng maayos, kanina pa ako pagulong gulong sa kama pero sadyang marami ang tumatakbo sa isipan ko. Una si Oceana dahil hindi ko pa rin alam kung nasaan sila, si mom dahil misteryoso pa rin ang nangyare sa kaniya, at si Aeulos hindi ko pa rin alam kung ano ang kalagayan niya.Hindi ko na natiis, tumayo ako at lumabas sa kwarto ko. Naisipan kong puntahan si Aeulos sa kwarto niya, gusto ko na rin kasing tanungin si Ayu kung ayos na ba siya. Medyo madilim na sa second floor pero maliwanag naman sa first floor. Tahimik akong naglakad pababa, may naririnig din akong ingay kaya alam kong may tao pa sa baba or vampire.Naabutan ko sila Hades sa baba kasama si Ayu. Nakatalikod ito sa akin kaya tanging likod niya lang ang nakikita ko. May pinagusapan silang seryoso pero natigil din nang makita ako ni Donn. Kinalabit niya sila p

    Last Updated : 2021-11-25

Latest chapter

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 41

    KASALUKUYAN HADES' POV Hindi naging masaya ang nagdaang pasko namin dahil sa pagkawala nila Aeulos at Eurus. Idagdag mo pa na nagsimula nang kumilos ang kampon ni Sebastian. Talagang napakasama niya, pati pasko hindi pinalampas. Sabagay, wala naman nang nagmamahal sa kaniya maski ang anak niya. Nagtulong tulong kami nila tito Eos para lipunin ang pumapanig sa kabutihan para sa magaganap na labanan. May kutob kaming sa mismong bagong taon sisimulan nila ang kaguluhan. Mas mabuti na ang handa kaysa sa wala. "Sa tingin mo ba saan nagpunta sina Aeulos?" tanong sa'kin ni Zag na ngayon ay hinahanda ang mga gagamitin naming s*****a para sa labanan. "Hindi ko alam, pero may hinala ako." sagot ko. May binigay sa'kin nakaraan si Aeulos na dalawang galoon ng tubig. Tinanong ko siya kung para saan, isa itong dinasalang tubig na may engkantasyon la

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 40

    EURUS' POV Naunang magising sa'kin si Ayu, malamig ang boung paligid dahil sa hamog sa labas. Maaga pa naman kaya naisipan kong maghanap ng kape. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina sa bahay na 'to dahil ito lang ang tanging nakabukas. Isa pa, amoy na amoy ko ang masarap na sarsa muli dito. "Gising kana pala." bungad ni Minrod sa'kin habang hinahalo ang sinangag. "Maupo ka doon, may kape rin jan kung gusto mo." dagdag niya. Nagpasalamat muna ako bago maupo sa upuan at magtimpla ng kape. Ang sarap higupin ng kape sa malamig na panahon. Inilapag na ni Minrod ang pagkaing niluluto niya. saka ko lang napansin ang itlog at ham sa mesa. Mukhang tira ata nong pasko ang ham, joke. "Kuha ka lang jan." wika niya, hinanap ng mata ko si Ayu. Mukhang wala ata siya sa bahay, mamaya ko na lang siguro itanong kay Minrod kung nasaan siya. Agad akong sumandok ng sinangag, k

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 39

    EURUS' POVChristmas Eve and we're still here. May binigay sa'kin si Ayu kanina regalo niya sa'kin sa pasko. Isang kwintas may pendant itong sword na may ahas sa hawakan niya. Sabi niya ay itago ko ang kwintas na 'to dahil importante 'to sa kaniya. Sinuot ko ito at itinago sa damit ko. Wala man lang akong pamaskong handog sa kaniya, dinala ko na nga siya sa nakaraan wala man lang akong pangbawi.Rinig ko ang sari saring putukan sa magkabilaang lugar. Napatingin ako sa relo ko, 12 am, pasko na. Dinala ako ni Ayu dito sa tuktok ng puno para mapanood ang mga fireworks ngayong gabi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, nakakalungkot lang isipin na hindi ko kasama ang mga minamahal ko. Si mom na namatay na, si Oceana na hindi ko na alam kung nasaan. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kong hanapin siya. Buhay pa kaya siya? Masama kaya ang loob niya sa'kin?

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 38

    EURUS' POVGabi na pero hindi pa rin bumabalik si Ayu simula nang iwan niya ako. Hindi kami makakatagal sa lugar na 'to kung wala kaming lugar na pwedeng tulugan at makakain. Tanging nagliliyab na apoy lang ang kasama ko sa gitna ng kadiliman, sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Wala naman sigurong lalabas mula sa dilim 'di ba? Mas lumapit na lang ako sa apoy baka may nilalang mula sa dilim ang biglang sisipot, mas mabuti na ang handa."Oh." napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Ayu. Nakabalik na pala siya, malapit na rin maupos ang kahoy na nilalagay sa apoy. Inabot ko ang telang ibinigay ni Ayu, mukhang may nakuha siyang mga pwedeng pangtapal sa lamig. Dinagdagan niya na rin ang kahoy na panggatong sa apoy. Habang pinapanood siya hindi ko maisiwasang isipin ang mga nasaksihan ko sa nakaraan niya. Kung paano niya binura ang alaala ko, kung paano siya buhatin ni Minrod at

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 37

    EURUS' POVNakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy habang nag iisip ng pwedeng maging solusyon sa problema namin. Kung hindi lang sana nag interrupt si Ayu kanina edi sana kanina pa kami nakabalik sa hinaharap. Paano ba kasi kami napunta dito? Ang alam ko, nagising na ako kanina pa."Nakaisip kana ba ng paraan para makabalik tayo?" tanong ni Ayu, buti naisipan niya pang balikan ako. Tinignan ko siya habang nakabagsak ang balikat ko. "Sa itsura mo masasabi kong hindi pa." dagdag niya sabay upo sa harapan ko. Tinitignan niya lang ang boung paligid, hindi halata sa kaniya ang nababahala. Magaling nga talaga siya magtago ng emosyon maliban kanina."Bakit mo pala ako pinigilan kanina? Tutulungan niya tayo." tukoy ko kay Lacrisse, tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "Seryoso ka? Magtitiwala ka sa kanila?""Bakit hindi? Sila na lang ang tanging pag-asa ko pa

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 36

    EURUS' POVDamang dama ko na ang kapaskuhan, mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. Madalas ding umulan tuwing gabi, kulang na nga lang mag snow dito. Gumawa ng champorado si Zag bilang almusal namin habang pumapatak ang ulan. Ganito ba talaga pag december? Malamig, parang si Ayu. Walang halong biro, pagkatapos ng ginawa niya nakaraan ang cold na ng treatment niya sa'kin. Hindi na nga niya ako magawang tignan sa mata o kaya kausapin. Good thing din dahil mas nakapag focus ako ngayon sa abilities na meron ako. Pagkatapos nang nasaksihan ko nakaraan hindi na ako muli pang nakapag time travel, may pumipigil na naman sa'kin.Sa ngayon pinapraktis ko kung paano maging isang matibay na shield. Hindi ko pa rin kayang gumawa ng malakas na barrier para protektahan ang isa sa kanila. Sabi ni Hades ay kailangan ko nang macontrol ang mga kapangyarihan ko dahil alam nilang bago pa matapos ang taon na 'to kikilos n

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 35

    EURUS' POVHuminto ang sasakyan sa mapunong bahagi ng Georgia. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala ang Georgia, masyado talagang malawak ang mundo. Lumabas sina Valros at Odin kaya nakigaya na rin kami, tahimik ang boung lugar. Tanging ilaw lang mula sa sasakyan ang nagbibigay liwanag sa boung lugar. Niliteral talaga nila ang pagiging black magic nila."Stay close." wika ni Valros sa'min. Kahit hindi niya sasabihin 'yan, talagang didikit ako sa kanila. Baka bigla akong hilahin ng mga nilalang na nakatira dito. "Sigurado ba kayong nasa tamang lugar tayo?" tanong ko sa kanila, baka namali lang kami. Mukhang wala kasing nakatira sa ganitong lugar lalo na't prone ito ng masasamang hayop."Shh." saway ni Odin sa'kin. Naging alerto kami nang makarinig kami ng kaluskos sa likuran namin. Ilang ulit pa ang kaluskos na sinabayan ng

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 34

    EURUS' POVMadaling araw na nang maisipan kong tumayo sa higaan at bumaba para mag kape. Masyado pang maaga pero dilat na dilat na ang mga mata ko, hindi man lang ako nagawang dalawin ng antok. Sinubukan ko ring mag time travel uli pero hindi ko na magawa. May parang humaharang sa'kin pag sinusubukan ko. Nang makababa na ako ay wala akong naabutan kahit isa. Tanging ang christmas tree lang at mga pailaw sa labas. Mukhang lahat sila ay nagpapahinga pa. Tahimik akong pumunta sa kusina para magtimpla ng kape, sakto, may nakita akong tinapay na stock namin. Naghanap din ako ng pwedeng ipalaman sa tinapay na nakita ko.May nahanap naman ako kaso strawberry jam, hindi ko gusto ang lasa ng strawberry pero masarap naman siguro 'to. Dinala ko sa labas ang mga pagkain ko, doon ko na lang kakainin tutal masarap naman kumain sa labas. Ang tahimik ng boung paligid, kuliglig lang ng mga insekto ang naririnig ko, tam

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 33

    EURUS' POV Hindi ko na muling nakausap pa si Ayu pagkatapos ng gabing 'yon. Minsan ko na lang din siya maabutan sa bahay, palagi siyang wala, palagi niyang kasama si Cole. Hindi ko nga alam kung naghihiwalay pa ba sila. "You're improving." wika ni Zag sa'kin, nagpapahinga kami ngayon galing ensayo. "Kulang pa rin." sagot ko. I admit that i am really improving but kulang pa. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila, alam ko namang bampira sila kaya mas mataas ang kakayahan nila sa'kin, naiinggit ako. I wish i was like them too. But asking that is too much for them, lalo na sa'kin. Kailangan ko munang alamin ang pinagmulan ko bago ako humangad ng mas mataas. Napatingin ako sa kalangitan, hindi maaraw ngunit hindi rin uulan. Maganda ang panahon ngayon. Tumayo na kaagad ako nang tawagin na kami dahil mag simula na uli. Hindi na kami katulad ng dati na one on one o by group, ngayon kami nalang ng

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status