Share

Chapter Two

Author: Iamblitzz
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.


Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.


Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.


May apat na taon na rin silang nangungupahan sa maliit na apartment sa Tandang Sora sa Quezon City kung saan sila kasalukuyang nakatira ni Callyx. Aaminin niyang hirap siyang magbayad ng buwanang renta, pati na rin ng tubig, kuryente, at internet connection na ginagamit niya sa kanyang online business.


Kulang na kulang ang kinikita niya sa paggawa ng pastries para sa kanilang daily needs. Lalo pa't hindi naman ganoon karami ang kanyang customers. Isa pa’y may asthma rin si Callyx kaya naman pinaglalaanan din niya ng pera ang health needs nito.


Naisip ni Calley kung susubukan niyang mag-apply sa job offer na ‘yon, malilibre silang mag-ina sa bayarin sa bahay at iba pang gastusin. Malaking kaluwagan iyon para sa kaniya lalo pa't solo parent siya. Pagkain at basic necessities na lang ang poproblemahin niya.


Besides, ang nakadagdag din sa pagkainteres niya sa posisyong iyon ay nang mabasa niyang maaaring magsama ng relatives sa trabahong. Meaning, kung papalarin siyang matatanggap doon, pwede niyang pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aalaga sa anak.


Iyon kasi ang isa sa mga problema niya bilang solo parent. Nahihirapan siyang pumasok sa regular na trabaho dahil wala siyang mapag-iiwanan kay Callyx. Wala rin naman siyang kakayahang kumuha ng yaya para sa anak.


Ulila na siyang lubos. Her father died in a car accident when she was five years old. Nabangga ang minamaneho nitong taxi habang namamasada. Ang kanyang Mama naman ay namatay dahil sa brain tumor, limang taon na ang nakararaan. Hindi na naoperahan pa ang kanyang ina dahil bumigay na ang katawan nito.


Sinikap niyang mamuhay mag-isa at pagbutihin ang kanyang sarili para kay Callyx, kahit pa nga naging napakahirap niyon para sa kaniya. Nagawa niyang maging matatag at matapang sa kabila ng lahat ng pinagdaanan kahit mag-isa na lang siya.


Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Tutal wala na akong relatives dito sa Maynila... isip-isip niya.



♡♡♡


“CONGRATULATIONS, Ms. Trinidad. You are now part of the Sancho Group of companies. Fix your things as soon as possible, Ms. Trinidad. Because within this week, you will be heading to Paradise Island Hotel and Resort to fulfill the position you have applied for,” nakangiting anunsyo kay Calley ng HR na si Mrs. Tupaz. Nakipag-kamay pa ito sa kaniya na mabilis naman niyang inabot.


“Thank you very much, Mrs. Tupaz,” nakangiting pasasalamat niya sa kaharap. Tango na lang ang isinagot sa kan’ya ng may edad na babae bago siya tumalikod at lumabas opisina nito.


Nasa lobby na si Calley ng naturang building nang maisipan niyang tawagan si Thea at kumustahin ang anak. Dito niya kasi pansamantalang iniwan si Callyx para sa job interview na iyon.


Hindi pa nga siya makapaniwala noong una nang makatanggap siya ng e-mail galing sa Sancho Group of Companies na inaanyayahan siya sa isang job interview. Nagpadala kasi siya ng e-mail ng kanyang resumé sa nasabing kompanya para sa job opening nito sa Paradise Island Hotel and Resort.


Mabilis na kinuha ni Calley ang cellphone sa kanyang shoulder bag, at nang tangkang magda-dial na siya ng numero ng kaibigan ay bigla na lang siyang bumangga sa isang matigas na bagay.


Napaatras pa nga siya ng ilang hakbang sa lakas ng impact ng kanyang pagkakabangga. Hindi lang ‘yon, nasapo rin niya ang kanyang noo na pakiwari niya ay tumama sa solidong bagay.


“Watch your step, woman!"


Tila naestatwa si Calley nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Pakiramdam niya, gumapang ang kilabot sa buo niyang pagkatao. Hindi rin niya mawari kung bakit, pero tila narinig na niya ang tinig na iyon noon.


Oh my god! Hindi kaya...


Dali-daling binalingan ni Calley ang may-ari ng tinig na iyon pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang wala na ito.


Saan siya nagpunta?


Inilibot niya ang paningin sa kabuohan ng lobby pero sa dami ng empleyado na naroroon, malabo na niyang matukoy pa kung sino sa mga ito ang nakabangga niya.


Bumuntong-hininga na lang siya saka laylay ang balikat na tinungo ang exit ng naturang gusali. Naisip din niyang marahil dala ng pagod at gutom kaya kung anu-anong boses na lang ang kanyang naririnig.



♡♡♡


WELCOME to Paradise Island Hotel and Resort, Ms. Trinidad. I'm Mr. Zayne Zander Sancho, the CEO of Sancho Group of Companies.”


Halos hindi ikurap ni Calley ang kanyang mga mata sa lalaking kaharap niya at nagpakilalang CEO. Bihira lang siyang humanga sa mga gwapong lalaki pero, iba ang dating ng kaharap niya ngayon.


Kulang ang salitang gwapo para i-describe ang itsura nito. Para sa kaniya, mistulan itong Greek God na nagkatawang tao at bumaba sa lupa. Walang kapintasan ang mukha nito mula sa mapupungay na mga mata, makakapal na kilay, matangos at maliit na ilong, manipis at mamula-mulang labi, at perpektong panga.


Maging ang buhok nitong maikli na kulay light brown ay bumagay dito. Idagdag pa ang maputi at makinis nitong balat. Kung hindi nga lang ito nagpakilalang CEO, mapagkakamalan niyang artista ito o kaya naman ay model.


Ngunit nabuhay din ang curiosity niya sa lalaking kaharap, dahil kaboses nito si Z-- ang ama ng kanyang anak. Kahibangan man kung iisipin, pero hindi niya maiwasang isipin na baka ito ang ama ni Callyx. Pero gaano iyon kaimposible? O nagkataong kaboses lang nito ang lalaking hinahanap matagal na niyang ninanais na makita?


Napagod lang siguro ako sa biyahe kaya kung anu-ano ang naiisip ko, ani Calley sa isipan habang pinanatili ang ngiti sa labi kahit bahagya siyang distracted. “Thank you very much, Mr. Sancho. It's my pleasure to be a part of one of the famous companies in the Philippines,” magalang niyang saad sa kaharap sabay lahad ng palad upang makipagkamay.


Ang Sancho Group of Companies ay kilala sa buong Pilipinas dahil  nagmamay-ari ang mga ito ng naglalakihang hotel resort na talagang dinarayo ng mga turista. At isa na nga rito ang Paradise Island Hotel and Resort na matatagpuan sa Coron sa Palawan.


Kilala ang naturang hotel resort dahil sa napakaputing buhangin at kulay asul na karagatan. Hindi lang iyon, sikat din ito sa mga dayuhang turista dahil sa luxurious amenities at masasarap na pagkain na pawang mga Filipino dishes.


“You can call me by my first name, Ms. Trinidad. Lahat ng employees dito ay ‘yon ang tawag sa’kin,” magiliw namang dagdag ng gwapong CEO. “Anyway, sana’y mag-enjoy ka sa pagtatrabaho sa Paradise Island, Ms. Trinidad,” dagdag pa nito.


Marahan namang tumango si Calley sa kaharap ngunit kaagad din siyang nakaramdam ng pagkailang nang mapansing kakaiba ang tingin sa kaniya ng CEO. Nadagdagan tuloy ang kuryosidad niyang nararamdaman para sa kaharap.


Kilala kaya niya ako o baka naman natatandaan?


“Thank you, Sir Zayne. Gagawin ko po ang best ko para sa trabahong ibinigay ninyo sa akin,” sagot naman niya habang nakangiti at pilit nilalabanan ang pagkailang ng mga sandaling iyon.


“I’m glad to hear that, Ms. Trinidad. By the way, bukas pa naman ang orientation mo kaya may chance ka pang magpahinga. You're with your son, right?”


Tumango siya. “Yes, Sir.”


“As we have said, the inclusion of relatives at work is not prohibited as long as the responsibilities are properly fulfilled. Ipapaliwanag naman ang tungkol d’yan sa orientation, Ms. Trinidad. For now, just enjoy your first day here in Paradise Island. Nasa labas ang secretary kong si Mimi. Siya na ang bahala sa inyo. You can now rest,” pagtatapos ng lalaki sa kanilang usapan habang ang paningin ay hindi na yata iniaalis sa kanyang mukha. Nahihirapan siyang mabasa kung ano ang iniisip ng CEO ng mga sandaling 'yon habang nakatingin sa kaniya.


Marahang tumango si Calley sa lalaki at saka ngumiti. “Thank you very much again, Sir Zayne.”


Iyon lang ang sinabi ni Calley bago tumalikod, pero bago pa siya tuluyang makalabas ng private office nito ay muli siya nitong tinawag.


“Ms. Trinidad.”


Maang niya iyong nilingon. “Yes, Sir Zayne?”


“Can I call you by your first name?” tanong nito na sinamahan pa ng matamis na ngiti.


Nabigla naman siya sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata. “Of course, Sir.” Ginawaran pa niya ng simpleng ngiti ang kaharap.


“Thank you, Calley... You may go now.”


Hindi naman maipaliwanag ni Calley kung bakit bigla siyang nilukob ng kaba nang bigkasin nito ang kanyang first name. Para kasing may kakaiba roon na hindi niya mawari kung ano.


May kakaiba nga ba o ikaw lang ang nagbibigay ng kahulugan? tanong ng mahaderang tinig sa kanyang isipan.


Lihim na napailing si Calley. Oo nga naman... Ang kapal ng mukha kong isipan na siya si Z.


Napabuntong-hininga na lang si Calley paglabas sa opisina ng CEO. Pero nang mapatingin siya sa kanyang anak na noon ay nakaupo sa waiting area, kalaro ang secretary ng kanilang CEO kumabog ang kanyang puso nang ma-realized ang isang bagay...



Related chapters

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Three

    "WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Four

    UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Five

    ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Six

    SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Seven

    IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap. He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera. Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya. Alam niya ang plano ng kanilang Daddy. Gusto nitong magkaayos silang magkapatid. But that will not happen. Never. Kinamumuhian niya si Zayne. Ayaw n

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Eight

    MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Nine

    “A-ANO kasi...”Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya?“What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya.“I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What

    Last Updated : 2024-10-29
  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Ten

    MATAPOS matanggap ni Calley ang sulat na iyon, kung anu-anong katanungan na ang naglalaro sa kanyang isipan.Sino kaya ang nagpadala niyon? Ang big boss ba ng Sancho Group of Companies na si Zack? Ang lalaki lang naman kasi ang kanyang nakaalitan noong nakaraang gabi.Pero bakit inisyal na “Z” ang nakasulat na pangalan ng sender niyon, kapareho ng inisyal ng kanyang misteryosong secret admirer? Maaari kayang iisa lang ang mga ito?Ayaw niyang mag-assume na maaaring kay Zack nga nanggaling iyon. Dahil unang-una, mainit ang dugo ng lalaki sa kaniya. Patunay niyon ay ang ilang beses na nitong pag-aakusa sa kaniya bilang iresponsableng ina.Pangalawa, for her, hindi ang ‘tulad nito ang gagawa ang ganoong bagay. Si Zack ay ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat— gwapo, mayaman,

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   EPILOGUE

    AFTER ONE YEAR... Masaya ang lahat sa engrandeng beach wedding nina Zack at Calley na ginanap mismo sa Paradise Island Hotel and Resort. Naroon ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at malalapit na kamag-anak. "Congratulations, bruh! I can't imagine na boss ka na namin ngayon!" natatawang biro ni Maggie kay Calley ng mga sandaling iyon. Sa banquet hall ng resort ginanap ang reception ng wedding at naroon ang halos lahat ng empleyado ng hotel, mga kilalang businessman, at mga sikat sa personalidad. Ngumuso si Calley nang marinig ang birong iyon ng kaibigan. "Tumigil ka nga bruh, baka may makarinig sa'yo. Nakakahiya..." saway niya sa bruhang kaibigan. "Oy, bakit? Trulalu naman huh? Gusto mo pang maging receptionist kahit asawa mo na ang boss natin?" taas-kilay namang tanong ni Tristan bagaman nagbibiro. "Oo nga naman, Calley," sabat naman ng best friend niyang si Thea. "Ang mga anak mo ang future heir ng Sancho Group of Companies kaya sanayin mo na ang sarili mon

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   F I N A L E

    "ARE you okay there, bruh?" Kahit sa cellphone lang niya kausap si Thea ay napangiti si Calley. Thankful siyang may bestfriend siyang tulad nito sa laging nariyan sa oras ng pangangailangan. Ngunit nami-miss din naman niya si Tristan at Maggie lalo pa nga't hindi naman niya sinabi kung saan siya magpupunta noong araw na magpaalam siya sa dalawa. Pinigilan pa nga siya ng mga ito na umalis pero buo na ang loob niya that time. "Oo naman. Don't worry, inaalagaan naman ako ni Nanay Belen," nakangiting sagot ni Calley sa kabilang linya na ang tinutukoy ay ang kasambahay at caretaker ng rest house. "Good to hear that. Basta if you need anything, tawagan mo lang ako, ha?" "Naku! Sobra-sobra na nga 'tong naitulong mo sa akin. 'Wag mo na ako alalahanin dito, okay lang ako," sagot niya na bahagyang nakangiti. "Okay bruh. Tawagan na lang kita mamaya, nandito na 'yung client ko." "Sige bruh, maraming salamat." Sa rest house na pagmamay-ari ni Thea sa Batangas siya pansamantalang tumutuloy ka

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 68

    AYON kay Detective Hawkins, si Zayne ang may pakana nang gabing mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan niya. Iyon ang isiniwalat ng dati niyang driver na nahanap ni Detective Hawkins sa Laguna. Nagtago ito matapos makalaya sa pagkakakulong ng dalawang taon dahil sa banta sa buhay nito. Isiniwalat din ng dati niyang driver na ang madrasta niyang si Aurora ang nagdiin upang makulong ang kawawang matanda. It is also said that the old man was even threatened that if he doesn't admit what happened, he will be killed.Walang nagawa ang dati niyang driver kundi sumunod sa gusto ng kanyang stepmom dahil sa labis na takot, subalit lingid sa kaalaman ng madrasta niya at ni Zayne na mayroong hawak na ebidensya ang driver niya na magtuturo sa mga ito. The night before the accident, Zayne was caught on video talking to a man by his former driver. He didn't suspect it at first but he overheard their conversation.Inutusan nito ang hindi kilalang lalaki na isabotahe at tanggalin ang preno ng sasak

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 67

    HALOS gumuho ang mundo ni Zack nang makita ang engagement ring at necklace na iniregalo niya kay Calley na nakapatong sa ibabaw ng side table sa kanilang kwarto. Malinaw na ang lahat sa kanya. Iniwan siya ng kanyang mag-ina at hindi niya malaman kung bakit. May nagawa ba siyang mali? O baka naman kinuha ito ng walang hiyang step-brother niya? Nang maisip si Zayne ay kaagad niyang pinunasan ang mga luhat at saka inayos ang sarili. Pupuntahan niya ang step-brother niya at aalamin kung kasama nito ang kanyang mag-ina. Sa oras na malaman niyang may ginawa itong hindi maganda sa kanyang mag-ina ay mananagot ito. He swears to God. Dali-daling kinuha ni Zack ang susi ng kotse at saka lakad-takbong tinungo ang sasakyan matapos mai-lock ang kabahayan. Alam niyang wala si Zayne sa resort at naroon ito sa kanilang mansion dahil pahinga nito sa trabaho. Wala siyang pakialam kahit naroon pa ang daddy niya, tutal ay wala rin naman itong pakialam sa buhay niya. Pinaharurot ni Zack ang kanyang

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 66

    "YES, five years ago. Nag-resign ako no'ng na-preggy ako ng isa sa mga kliyente kong si Mr. Z."His teeth clenched at what he heard. Hindi maipaliwanag ni Zack kung bakit pakiramdam niya ay nagsisinungaling ang kaharap. Nanatiling nakatingin lang si Zack sa babae subalit nakangiti lang ito sa kanya na para bang alam na alam na nito ang mga nangyayari."Ay, pasok po muna kayo mga Ser. Pasensyahan niyo na lang—""No need," putol ni Zack sa nagsasalitang babae. Hindi niya alam kung bakit galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kung totoong ito nga si Camille, hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ito lalo na ang batang sinasabi nito. “Do you have proof that I'm the father of the child you're talking about?" tanong pa niya na tila ipinagtaka nito."A-Ano po 'yon?" tanong nito na alanganing nakangiti. "'Di ko kasi maintindihan, Ser. Pwede Tagalog lang?” Nakuyom ni Zack ang mga kamao saka pinukol ito ng matalim na tingin dahilan para makita niyang umiwas ito at tumingin sa

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 65

    "THESE are Camille's files..." Natigagal si Zack nang makita ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ang inaasahan niyang iisang tao si Calley at Camille ay biglang naglaho. Hindi si Calley ang nasa larawan kundi isang mestisang babae na may singkit na mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang labi. Sa unang tingin pa lang ay masasabing may dugo itong banyaga na kung hindi siya nagkakamali ay Japanese. "Are you sure this is Camille?" paniniguro pa ni Zack sa matandang babae. Tumaas naman ang kilay nito na tila ba nainis dahil sa pagdududa niya. "Of course Mr. Sancho. Do you think I would lie to you?" Matamang pinagmasdan ni Zack ang kaharap. Alam niyang kung nagsinungaling ito ay hindi rin ito basta mapipilit, kaya tumango na lang siya rito at tumayo na. "Thank you for the information," aniya sa matandang babae at saka naglabas ng cheque na nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos. Para namang nagningning ang mga mata nito nang damputin iyon. "I hope you're telling the truth."

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 64

    "MR. Sancho, I have found the club you are looking for here in Makati..."Nabuhayan ng pag-asa si Zack nang marinig ang tawag na iyon mula kay Detective Hawkins— ang detective na inirekomenda sa kanya ni Ryx. In fairness sa lalaki, hindi n'ya in-expect na mabilis itong magtrabaho. Ngayon ay malalaman na niya kung sino si Camille at kung ano ang kaugnayan nila sa isa't-isa."Good. Tell me the address, I'm on my way there," sagot niya. Mabilis niyang isinara ang laptop at saka isinuot ang coat niyang nakasampay sa kanyang swivel chair. Nang makuha ang eksaktong address ay mabilis siyang naglakad palabas sa hotel at dumiretso sa parking lot. Naroon siya sa hotel dahil may inaasikaso siyang importante tungkol sa kompanya.Matapos makuha ang exact address ng lugar ay kaagad niyang tinawagan ang kanyang piloto upang ipahanda ang private jet na pag-aari ng kanilang kompanya. Wala na kasi siyang oras pa para mag-book ng flight dahil nagmamadali siya."Hello, Capt. Tanaka, please prepare the j

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 63

    "YOU mean, all your memories haven't returned yet?" tanong ni Ryx. Nagpunta siya sa kanyang best friend para maglabas ng saloobin dahil wala siyang makausap tungkol doon. Hindi pa siya ready na sabihin kay Calley ang lahat dahil ayaw muna niyang makisabay sa problema nito lalo't hindi pa rin nagkakamalay si Callyx. He also didn't know how to tell Calley that he was Callyx's real father, when he didn't remember her and the only thing he relied on was the result of the paternity test.nAnother thing that makes him wonder is, how come Calley didn't recognized him when they had a child? How did that happen? At kung ito man si Camille, bakit hindi siya nito kilala? Posible kayang magkaibang tao ang mga ito? Zack took a deep breath. Gulong-gulo na siya at puno ng pagtatanong sa kanyang sarili. Sino ba talaga siya? Sino si Calley? Sino si Camille? Bakit siya nagkaroon ng anak kay Calley? Si Camille at Calley ay iisang tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang babae sa buhay niya? Those are the ques

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 62

    BUMALIKWAS si Calley nang maramdamang may gumalaw sa kanyang tabi, at wala sa sariling nagulat siya nang makitang si Zack iyon na nakatayo sa tabi ni Callyx, nakahawak sa ulo at mariing nakapikit.Mabilis na tumayo si Calley at dinaluhan ang nobyo. "Are you okay, love?" nag-aalalang tanong niya habang hawak ito sa braso.Idinilat naman ni Zack ang mga mata nang marinig ang kanyang boses at nagtama ang kanilang mga paningin. Hindi matukoy ni Calley kung ano ang nababasa niya sa mga mata ng lalaki ng mga sandaling iyon, basta ang alam lang niya ay may kakaiba roon. "Don't worry, I'm okay love," ani Zack saka bahagyang ngumiti. Mababakas sa mukha ng lalaki na hindi ito nagsasabi ng totoo pero hindi na niya ito pinilit pa. Batid din ni Calley na hindi ito nakakatulog ng maayos din nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. 'May problema kaya siya?' tanong ni Calley sa sarili habang pinagmamasdan si Zack."You don't look okay. Is there a problem?" usisa pa niya. Nagbabakasakali na magsabi

DMCA.com Protection Status