BLAYRE JOAQUIM... Nasa labas s'ya at may ginagawa ng marinig n'ya ang sigaw ni Audrey mula sa kanilang kwarto. Natutulog na ang asawa at s'ya naman ay may mga binabasa pang papeles para sa ipapatayong supermarket. Maaga kasing natutulog si Audrey at s'ya naman ay nasanay na late na kung matulog kaya imbes na magmuni-muni sa labas ay binubuhos n'ya na lang ang kan'yang oras sa pagbabasa ng mga dokumento at iba pang papeles sa kan'yang negosyo na binabalak na ipapatayo sa lugar na ito. Agad s'yang tumayo at tumakbo patungo sa kanilang silid. Habang papalapit s'ya sa kwarto nila ay palakas ng palakas ang pagsigaw ni Audrey sa kan'yang pangalan kaya nakaramdam s'ya ng pagkataranta ng mga oras na iyon. Binuksan n'ya ang pinto at agad na pumasok. Nakita n'ya si Audrey sa kama na pilig ng pilig ng ulo habang umiiyak at sumisigaw. Para din itong nahihirapan na igalaw ang katawan kaya dali-dali s'yang lumapit dito at ginising ito. "She's dreaming! Fvck those nightmares!" igting ang panga
AUDREY PRISCILLA...Ilang linggo na ang nakalipas ng managinip s'ya ng masama tungkol kay Tres at mukhang hindi naman nasundan iyon kaya medyo nakalimutan n'ya na rin.Siguro ay dahil na rin sa pangako ni Tres sa kan'ya na hindi sila nito iiwan kahit anong mangyari kaya nakampanti ang kan'yang loob. Ipinaramdam din ni Tres sa kan'ya ang pagmamahal nito sa araw-araw sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kan'ya.Palagi s'ya nitong inuuna sa kahit na anong bagay na ikinasaya naman ng kan'yang puso. Halos isang linggo din s'yang hindi mapakali, hindi makatulog ng maayos at araw-araw na nagmamatyag kay Tres.May mga pagkakataon pa na nagigising s'ya sa kalagitnaan ng gabi para lang e-check kung katabi n'ya pa ang asawa sa pagtulog. Aaminin n'ya na napapraning s'ya sa kakaisip tungkol sa kan'yang panaginip at hindi iyon lihim kay Tres.Alam n'ya na katulad n'ya ay nagmamatyag lang din ito sa kan'yang mga ikinikilos at nakikita nito ang kan'yang takot sa araw-araw kaya ginawa nito ang lahat para l
AUDREY PRISCILLA... "Tres? Tres?" nagising s'ya na wala na sa tabi ang asawa. Dahan-dahan s'yang nag-inat at bumangon. Siguro ay nasa labas na ito dahil maaga talaga ito kung magigising. Naupo muna s'ya sa kama ng ilang segundo bago ipinasya na tumayo para magtungo sa banyo. Nahihirapan pa s'ya ng tumayo dahil sa sobrang laki na ng kan'yang t'yan. Ngunit kahit ganon at worth naman at masaya s'ya. Ilang buwan na lang ay lalabas na ang kanilang anak ni Tres at magiging buo na ang kanilang pamilya. Pumasok s'ya sa banyo at umihim muna bago nagsipilyo at naghilamos ng mukha. Mamaya na s'ya maliligo dahil kailangan na kasama n'ya si Tres. Nahihirapan kasi s'ya kapag mag-isa na maligo dahil hindi n'ya naabot ang ibang bahagi ng kan'yang katawan lalo na ang kan'yang paa. Ito ang dahilan kung bakit madalas ay tinatawag n'ya ang asawa kapag maliligo s'ya. Nang matapos ang kan'yang paghilamos at pagsipilyo ay lumabas na s'ya habang tinutuyo ng maliit na tuwalya ang kan'yang mukha. Nags
AUDREY PRISCILLA...Nalibot n'ya na ang buong bahay ngunit walang kahit na anong sign ng asawa. Malakas na kumalabog ang kan'yang puso ngunit hindi s'ya nag-iisip ng hindi maganda.Kampanti s'ya na hindi s'ya iiwan ni Tres at ito ang kan'yang pinanghahawakan ng mga oras na iyon. Kinalma n'ya ang sarili at nagpasyang pumasok sa loob.Dahan-dahan s'yang naupo sa sofa habang hindi mapakali sa kakaisip kay Tres. Ramdam n'ya na hindi nagsisinungaling sa kan'ya si Tres ng mangako ito na hindi s'ya iiwan.Pinagpawisan na s'ya dahil sa sobrang kaba at pag-alala sa asawa. Hindi n'ya alam kung ano ang kan'yang gagawin ng mga oras na iyon. Ilang beses na din s'yang tumayo at pabalik-balik ng lakad sa kanilang sala.Hindi na s'ya nakakain dahil sa mga naiisip. At hindi din s'ya nakaramdam gutom ng mga oras na iyon. Okupado ni Tres ang kan'yang isip habang malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib."Tres nasaan ka na ba?" mangiyak-ngiyak na sabi n'ya ng hindi na makayanan ang bigat na nararamdama
AUDREY PRISCILLA... Hindi pa s'ya nakakahakbang ay nakarinig s'ya ng katok sa pinto. Biglang nagliwanag ang kan'yang mukha ng maisip na si Tres ang nasa labas. Parang papel ang kan'yang mga paa sa gaan na tinakbo ang pinto para buksan. Dali-dali n'yang binuksan si Tres na may ngiti sa labi ngunit nawala ang kan'yang ngiti ng makita kung sino ang nasa labas. "I-Ikaw?" "Preccy kamusta ka na?" nakangiti na bati sa kan'ya ng pamangkin ni mang Julio na si Tisay. Biglang nalaglag ang kan'yang mga balikat dahil ang inaasahan n'ya na makita ay si Tres ngunit ibang tao ang dumating. "Preccy! Hoy! Ayos ka lang ba? Bakit mukhang kagagaling mo lang sa pag-iyak?" tanong ng babae sa kan'ya. Kaedaran n'ya lang ito at naging kaibigan na din dahil madalas n'ya itong nakakasabay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. "T-Tisay a-anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong n'ya sa babae. Napakamot ito sa ulo at nagpalinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. "N-Nakakahiya man Preccy pero pw
AUDREY PRISCILLA... Ilang araw na ang nakalipas ngunit wala pa rin si Tres. Halos hindi n'ya na kayang mabuhay sa bawat araw na nagdaan kung hindi lang sa kan'yang dinadala. Kasa-kasama n'ya si Tisay sa kanilang bahay ni Tres at hindi alam ng babae ang mga pinagdaanan n'ya. Ayaw n'yang ipakita dito na may iniinda s'yang problema. Nakakatulong din ang babae na kahit saglit ay makalimutan n'ya si Tres. Palagi kasi s'yang pinapatawa nito at ipinanganak na yata si Tisay na kwela at kalog. Tinotoo din nito ang sinabi sa kan'ya na tutulongan s'ya nito sa mga gawaing bahay. Masipag ang dalaga at maaasahan sa kahit na anong trabaho. Kahit ang pag-aalaga sa kanilang mga pananim ni Tres ay ginagawa din nito. Nang dumating ang isang linggo na hindi pa rin nagpapakita si Tres sa kan'ya ay hindi na s'ya nakatiis. Kailangan n'yang gumawa ng paraan na mahanap si Tres. Naisip n'ya ang pinsan nito na s'yang contractor sa ipinapatayo nilang supermarket sa bayan. Dali-dali n'yang hinanap ang kan'y
AUDREY PRISCILLA..."Anong gagawin ko Tisay?" problemado na tanong n'ya sa babae."Hanapin natin! Tutulongan kita!" "A-Ano? Sigurado ka? Tutulongan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa babae."Aba, oo naman! Pinatuloy mo ako dito sa bahay mo kaya tutulongan kita hanggang sa makakaya ko no! Pero may problema tayo," sagot ng babae na ikinapagtaka n'ya."A-Anong problema?""Buntis ka at sobrang laki ng t'yan. Mahirap para sayo ang gumala para hanapin ang asawa mo. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ng anak mo. Ako na lang ang maghahanap sa kan'ya, ayos ba yon? O di kaya ay tatawagan na lang kaya natin ang pamilya n'ya at itanong kung umuwi si Tres sa kanila?" suhestyon nito. Tama naman ang babae, sa sitwasyon n'ya ngayon ay mahihirapan s'ya na hanapin si Tres dahil limitado na ang kan'yang galaw."W-Wala akong numero ng pamilya ni Tres. H-Hindi ko nakuha eh.""Eh si Tres? Wala ka bang number n'ya?" dagdag na tanong nito. Nagpakawala s'ya ng hangin para maalis kahit papaano ang
AUDREY PRISCILLA...Lumipas ang ilang linggo at mag-iisang buwan ng hindi nagpapakita si Tres. Gusto- gusto n'ya ng lumuwas para hanapin ito ngunit ang kan'yang inaalala ay ang kan'yang anak.Naghintay pa s'ya ng ilang linggo pa at nagbabasakali na babalik ang asawa ngunit inabot na lang s'ya ng mahigit dalawang buwan ay walang Tres ang nagpakita.Hanggang sa hindi n'ya na makayanan ang bigat sa dibdib at ang paghihintay dito. Isang desisyon ang kan'yang ginawa ng araw na iyon habang nasa taniman ng gulay si Tisay.Dala ang isang bag na katamtaman lamang ang laki ay naglakad s'ya patungo sa sakayan ng tricycle. Hindi n'ya na makayanan ang lahat at ang paghihintay kay Tres kung kailan ito uuwi.Tamang-tama lang na pagdating n'ya ay mayroong bakanteng tricycle sa paradahan."Neng sasakay ka ba?" tanong ng driver sa kan'ya."Opo! Pahatid po ako sa sakayan ng bus manong," sagot n'ya rito. "Aba, luluwas ka? Eh mukhang manganganak ka na neng, ang laki na ng t'yan mo. Baka abutan ka ng pang
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi