BLAYRE JOAQUIM... Pagkapasok n'ya sa sasakyan ay agad n'yang sinilip ang kan'yang cellphone na naiwan kanina dahil sa kan'yang pagmamadali. Sasakyan ni Dos ang kanilang sinakyan papuntang hospital at ang sasakyan n'ya ay iniutos n'ya lang sa kan'yang taohan na isunod sa hospital. Nang silipin n'ya ang kan'yang cellphone ay napamura na lang s'ya dahil sa sobrang dami ng miss calls mula sa kan'yang sekretarya. Kaya naman ay agad n'ya itong tinawagan para kausapin. Ilang ring muna ang kan'yang narinig bago nito sinagot ang tawag. "Hello sir, may nangyari ba? Kanina pa kita tinatawagan ngunit hindi ka sumasagot," bungad nito sa kan'ya. "I'm fine Tom! May emergency lang sa bahay. Nanganak na si Ace kaya dinala muna namin sa hospital," paliwanag n'ya rito. "Ah ganon ba sir? Kamusta na si ma'am Ace?" "Nasa labor room pa. Anyway, I'm coming, pakisabi sa ka meeting natin ngayon na papunta na ako," utos n'ya rito. "Ahhmmm! Kasi sir— umalis na sila! Kaya ako tawag ng tawag sayo kanina d
BLAYRE JOAQUIM...Ilang araw na s'yang napapaisip kung sino ang dumalaw sa kan'yang mag-ina sa sementeryo.Hindi talaga s'ya mapakali at palagi n'yang naiisip ang itim na sasakyan na nakasalubong n'ya noong araw na pumunta s'ya sa sementeryo.Ito lamang ang tanging sasakyan na nakita n'ya doon ng araw na iyon kaya malakas ang kan'yang kutob na ang sakay sa sasakyan na iyon ang naglagay ng bulaklak sa nitso ni Audrey."Mr. El Frio are you still with us?" nagulat s'ya ng biglang magsalita ang isa sa mga board member na ka meeting n'ya ngayon.Nasa conference room sila para sa isang monthly meeting ng kan'yang kompanya ngunit kung saan-saan napunta ang kan'yang isip at wala sa meeting nila ang kan'yang atensyon."I am!" malamig na sagot n'ya rito. Pare-pareho ang reaction ng mga kasama n'ya sa kan'yang sagot. Nakataas ang kilay at parehong hindi naniniwala ang tingin na ipinukol sa kan'ya."Fine! I'm sorry! May iniisip lang ako!" paghingi n'ya ng paumanhin ng hindi nagsalita ang mga ito.
BLAYRE JOAQUIM... Nag-iisip s'ya ng biglang tumunog ang telepono sa kan'yang opisina. Private line ito at tanging ang sekretarya n'ya lang ang nakakaalam at ang mga tao na malalapit sa kanila. "Hello!" bungad n'ya ng sagutin ang tumatawag. "How are you Tres?" nagitla s'ya ng marinig ang boses ng isang babae mula sa kabilang linya. Hindi s'ya agad nakahuma dahil pakiramdam n'ya ay biglang may malamig na hangin ang bumalot sa kan'yang buong katawan. Pamilyar sa kan'ya ang boses at hindi s'ya pwedeng magkamali. "A-Audrey!" hindi n'ya napigilan na sambit sa pangalan nito. "Who is Audrey? It's Charlie, remember?" pagpapakilala nito. Nang marinig n'ya ang sinambit nitong pangalan na hindi Audrey ay mabilis n'yang ibinagsak ng malakas ang telepono. "Fvck!" mura n'ya at inihilamos ang palad sa mukha. Igting ang mga panga at kuyom ang kan'yang mga kamao na tumayo s'ya at lumabas. Deri-deritso s'yang naglakad patungo sa elevator at hindi alintana ang pagtawag sa kan'ya ng kan'yang sekret
BLAYRE JOAQUIM... Minadali n'ya ang pagbili ng kan'yang mga kakailanganin. Sinobrahan n'ya na kung sakali na maisipan n'ya na magtagal sa bahay nila ni Audrey. Pagkatapos n'yang mamili ay dali-dali din s'yang lumabas dahil hindi na s'ya komportable sa maraming tao sa supermarket. Bitbit ang mga pinamili ay lumabas s'ya ng mall at tinungo ang kan'yang sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Binuksan n'ya ang likuran at ipinasok ang kan'yang mga pinamili. Isasara n'ya na sana ang boots ng kan'yang kotse ng may mahagip s'yang sasakyan na palabas. Limang sasakyan ang agwat nila ngunit kilala n'ya kung saan n'ya nakita ang sasakyang ito. Ito ang itim na sasakyan na nakasalubong n'ya sa sementeryo noong dinalaw n'ya si Audrey at ang anak nila. Dali-dali n'yang isinarado ang boots ng kan'yang kotse at umikot para pumasok sa driver's side. Agad na pinaandar n'ya ang sasakyan at lumabas sa pinagparkingan. Balak n'yang habulin ang itim na sasakyan ngunit napamura na lamang s'ya ng makita
BLAYRE JOAQUIM... Poker face s'yang pumasok ng araw na iyon. Ngayon ang araw na nakatalaga para makaharap n'ya si Elpidio Berkin. Ang isa sa pinakamayamang tao at nagmamay-ari ng iba't-ibang negosyo sa Europe at America. Hindi n'ya alam kung bakit sa dami ng pera nito at mga negosyo ay nagkainteres pa ito sa kan'yang kompanya na kung tutuusin ay mas mayaman pa ito sa kan'ya. Pagkalapag ng elevator sa ikaapat na palapag ng building kung nasaan ang kan'yang opisina ay agad s'yang lumabas at deritsong pumasok sa kan'yang opisina. Naabutan n'ya si Tom sa loob na may inaayos na mga papeles. Nang maramdaman nito ang kan'yang presensya ay agad itong natigil sa ginagawa at nag-angat ng tingin. "Good morning sir! Maayos na ho ang mga papeles na kakailanganin natin mamaya sa meeting," pagbibigay alam nito at itinuro ang mga papeles na nakasalansan sa ibabaw ng kan'yang mesa. "Thanks! Make some coffee for me, Tom. I need a coffee before I face that old man," utos n'ya sa sekretarya. "Ri
BLAYRE JOAQUIM..."Is that how Berkin does business? Ang late sa meet—,""I'm sorry about that Mr. El Frio, it won't happen again," natigil s'ya sa pagsita sa abogado ng mga Berkin ng biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang isang tao na kailanman ay hindi n'ya inaasahan na makita ng araw na iyon.Para s'yang natuklaw ng ahas na natulala at nanigas ang buong katawan habang awang ang mga labi na nakatingin sa taong kapapasok lang."I'm sorry gentlemen, Mr. El Frio. Nagka aberya lang sa daan kaya ako na late. Shall we start?" nakangiti na sabi ng babae at isa-isang tinapunan ng tingin ang mga tao na naroon.Hindi n'ya alam kung paano igalaw ang kan'yang katawan ng mga oras na iyon. Namanhid ang kan'yang utak at hindi s'ya makapag-isip ng gusto n'yang sasabihin. Nakatingin lang s'ya sa nagsasalita na matamis ang ngiti habang nagpapaliwanag sa iba pang naroon."Mr. El Frio?" nahimasmasan lang s'ya ng tinawag s'ya nito. Parang doon pa at bumalik sa katawan ang kan'yang
BLAYRE JOAQUIM... "Mr. El Frio?" tawag ulit nito sa kan'ya ng hindi s'ya natinag. Nagbuga s'ya ng hangin habang mahigpit na nakakuyom ang kan'yang mga kamao sa ibabaw ng mesa. "Ms. Berkin, I don't think it's possible for you to take over my company just like that? It's not that simple!" malamig ang boses na sagot n'ya rito. Kung ano man ang gusto nitong mangyari sa pagbabalik at pagpapanggap na hindi s'ya kilala ay iyon ang aalamin n'ya. Basta sigurado s'ya sa kan'yang sarili na ang Audrey na nasa harapan n'ya ngayon at ang kan'yang dating asawa ay iisa. "Why not? I own the seventy percent of your company's assets, Mr. El Frio. Mas may karapatan ako sa kompanyang ito kaysa sayo," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Ang dating Audrey na mahinhin, mahina at halos hindi makapagsalita dahil palaging nahihiya ay ibang-iba na sa Audrey na kaharap n'ya ngayon. May strong personality ang Audrey na kaharap n'ya ngayon at matalas ang dila. Mukhang matigas din ang puso nito at walang
BLAYRE JOAQUIM... Walang nangyari sa meeting nila dahil ayaw n'yang sumang-ayon sa gusto ni Audrey. Ipinagdidiinan nito na bumaba s'ya bilang CEO at ito ang uupo kapalit n'ya ngunit hindi s'ya pumayag. Hindi sa ayaw n'ya dahil kung tutuusin ay may karapatan si Audrey sa kan'yang mga ari-arian ngunit kakaiba ang kutob n'ya sa biglang pagbalik nito at umasta na parang walang nangyari na hindi maganda dito noon bago sila naghiwalay at hindi s'ya kilala. Naunang lumabas si Audrey sa conference room at sumunod ang mga bodyguards nito. Agad din s'yang tumayo para sundan ang babae. Kailangan n'yang makausap ito at maitanong dito kung paano ito nabuhay. At kung sino ang tao na inilibing nila kung ganon? Paano ito nakaligtas at kung sino ang tumulong dito. Ang dami n'yang tanong sa kan'yang isip ng mga oras na iyon at gusto n'yang sagutin ni Audrey ang lahat ng tanong n'ya. "Audrey, wait!" tawag n'ya rito na agad na ikinatigil nito sa pagpasok sa elevator. Agad na pumagitna ang mga bodygu
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi