CALIXTA ASUNCION...Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi n'ya namalayan magbubukas na pala ang klase. Sobrang saya n'ya sa mga nakalipas na araw. Lunod na lunod s'ya sa pagmamahal ng isang Aaron Isaac Ponce. Sobrang pag-aalaga ang ginagawa nito sa kan'ya na pati pagligo ay ito pa ang gumagawa.Baliktad na ang sitwasyon nila ngayon ng binata. Kung dati at s'ya ang nagpapaligo dito, ngayon naman ay ito na ang nag-aalaga sa kan'ya at gumagawa ng mga bagay na ginagawa n'ya dati para sa binata."Love good morning breakfast in bed for my lovely girlfriend." Katulad na lang ngayon na kapapasok lang ng isang gwapong nilalang sa kwarto nila at may bitbit na isang tray na may laman na mga pagkain.Mayroon pang fresh flowers na siguradong pinitas na naman nito mula sa kan'yang tanim sa garden.Sinamaan n'ya ito ng tingin at kita n'ya ang ilang beses na paglunok ng laway ng binata."Pinitas mo na naman ang tanim kong bulaklak Isaac?" sita n'ya sa binata. Inilapag nito ang tray na bitbit sa
CALIXTA ASUNCION..."Distansya o ambulansya?" malamig na tanong n'ya sa babae ng hindi pa rin ito natinag sa kan'yang sinabi at akmang lalapitan ulit si Isaac."Love let's go, huwag mo ng patulan ang babaeng yan dahil hindi naman worth," bulong ni Isaac sa kan'ya.Tama naman ito ngunit nakaka bwesit lang na kahit sinita na ito ni Isaac ay parang singkapal ng espalto ang mukha dahil lapit pa rin ito ng lapit."Mabuti pa nga, baka masampolan ko pa ang babeng ito mahal ko. Tara na!" aya n'ya sa kasintahan. Hinapit naman s'ya ni Isaac sa bewang at iginiya papasok sa elevator."Isaac hinding-hindi ako susuko! Babawiin kita sa babaeng iyan!" sigaw ng babae mula sa kanilang likuran. Tumigil s'ya sa paglalakad at ganon din si Isaac. Nilingon n'ya ang babae na may malamig na expression sa mukha."Ako din miss, susuka lang pero hindi ako susuko, kaya hindi kita hahayaan sa binabalak mo!" banta n'ya bago ito tinalikuran. Hindi n'ya na nakita pa ang matalim na mga mata nito habang kuyom ang mga k
CALIXTA ASUNCION...Pinangko s'ya ni Isaac at ipinasok sa kwarto nito. Mahigpit s'yang nakakapit sa batok ng binata. Mataman n'ya ding tinititigan ang gwapong mukha ng kasintahan at ang mga naggagalawang mga muscles nito sa mukha.Napaka swerte n'ya na ito ang naging unang boyfriend n'ya. Sino ba ang mag-aakala na papatulan s'ya ng isang Aaron Isaac Ponce.Ibinaba s'ya nito sa kama at masuyong hinalikan sa noo."You stay here ok? Nasa labas lang ako kapag may kailangan ka love," bilin ng kasintahan.Sasagot sana s'ya rito ngunit nauwi sa ngiwi ng maramdaman ang panlalagkit ng kan'yang gitna."Mahal ko ang lagkit ng pukekay ko," walang pag-alinlangan na reklamo n'ya sa lalaki. Umuklo ito muli at hinalikan s'ya sa noo bago nagsalita."Lilinisin muna kita bago ako magtrabaho para komportable ka sa pamamahinga mo," malambing na saad ng kasintahan at agad na umayos ng tayo at tinungo ang isang pinto na sa hinuha n'ya ay banyo.Malapad s'yang napangiti dahil sa sobrang kilig. S'ya na datin
CALIXTA ASUNCION..."Hello nay pasado na po ako sa entrance exam," masayang balita n'ya sa mga magulang. Agad n'yang tinawagan ang mga ito pagdating n'ya sa opisina ni Isaac."Talaga anak? Wow! Ang galing talaga ng anak ko, mana ka talaga kay nanay Asun.""Anong sayo nagmana? Sa akin nagmana si Asuncion," sabat ng tatay n'ya. Naririnig n'ya ang bangayan ng dalawa mula sa kabilang linya. Lihim s'yang napangiti, na miss n'ya na ang mga ito, kaya pinabili n'ya na ang mga ito ng cellphone mula sa pera na ipinadala n'ya kung kaya ay halos araw-araw na silang nagkakausap."Tumigil kang hayop ka, tatadyakan kita sa itlog eh," ang ina sa kan'yang ama."Tama na nga yan, kanino pa ba ako magmana kundi sa inyong dalawa," awat n'ya sa mga ito."Ay iyan naman pala eh," ang ina sa kan'ya."Oh s'ya nay tatawag na lang ako ulit ha, ibinalita ko lang sa inyo ang pagkakapasa ko sa exam.""Oh s'ya sige anak, magtrabaho ka na d'yan at baka mapagalitan ka ng amo mo. Huwag mo silang abusohin anak dahil a
CALIXTA ASUNCION...Late na s'yang nagising at hindi n'ya na naabutan pa si Isaac. Nagpaalam na ito kagabi bago sila matulog na maagang aalis kinabukasan dahil may meeting daw ito sa Davao.Napanguso s'ya dahil na miss n'ya na agad ang lalaki. Isinubsob n'ya ang kan'yang mukha sa unan na gamit ni Isaac at sininghot ng sininghot ang amoy ng binata na naiwan.Simula ng opisyal na maging sila ay magkatabi na silang dalawa na natutulog. Halos gabi-gabi ay libre ang himas sa abs ng lalaki at si Isaac naman ay libre ang kain sa pukekay n'ya.Nag-init bigla ang kan'yang pisngi ng maalala ang nangyari kagabi mula sa restaurant hanggang sa sasakyan at pati na rin pag-uwi nila sa bahay.FLASHBACK...Lumipat sila ng restaurant dahil sa nangyaring gulo sa unang pinuntahan nila. Di hamak na mas sosyal naman ang ikalawang pinasukan nila.Katulad ng palaging ginagawa ni Isaac ay pumwesto sila sa pinakasulok ng restaurant at dahil gabi na ay silang dalawa na lamang ang tao sa parteng iyon. Dim ang
CALIXTA ASUNCION...Nag-uusap sila ng mga kapatid ni Isaac para sa plano sa darating na kaarawan ng binata.Kinalimutan n'ya muna ang tungkol sa litrato na ipinadala sa kan'ya ng kung sino. May ideya na s'ya kung kaninong numero ang nagpadala ng litrato at ngayon pa lang ay sinasabi n'ya na sa sarili na patawarin sana s'ya kung mataga n'ya ang bruhildang iyon.Naalala n'ya ang banta nito sa kan'ya na hindi ito susuko kay Isaac. Pwes sinasabi n'ya rito na kailangan mabilis itong tumakbo dahil kapag hindi ay magiging dinuguan talaga ang kalalabasan ng mga parte ng katawan nito kapag naabutan n'ya."Ate Cali nakikinig ka ba?" sita sa kan'ya ni Amethyst."Ha? Ano ba ang sinabi mo?""Hay naku ate! Lutang lang ang peg? Hayaan mo nga muna ang nakita mo kanina, gagantihan mo na lang si kuya mamaya pag-uwi," solsol pa ni Garnette na s'yang pinaka maloko sa lahat."Pag yan nalaman ni kuya Isaac Garnette patay ka talaga sa kan'ya," si Sapphire sa kapatid."S'ya ang patay kay ate Cali. Kung ako s
AARON ISAAC...Malakas na hinampas n'ya ang kamay sa manibela at lumikha ito ng ingay. Paano ba naman hindi, eh ilang araw na s'yang inuotosan ng nanay n'ya ng kung ano-ano eh ang dami naman nilang magkakapatid.Hindi na s'ya nagkaroon ng pagkakataon para suyuin si Cali dahil sa maling litrato na ipinadala dito ng kung sino."Damn it!" mariing pagmumura n'ya ng makita ang traffic jam sa unahan. Tinawagan s'ya ng ina kanina na sunduin ito sa beach na pag-aari ng pamilya nila.Sampo silang magkakapatid at lahat ay marunong namang mag drive pero bakit s'ya pa ang inutusan nito.Kagagaling n'ya lang sa isang meeting na inutos din nito sa kan'ya. Ilang araw n'ya nang hindi nakikita si Cali at hindi pa sila nag-uusap hanggang ngayon. Para na s'yang mababaliw sa kakaisip sa kasintahan.Magkasama sila sa isang bahay ngunit hindi man lang sila nagkikita. Bumalik ito sa kwarto nito kaya hindi s'ya nagkakaroon ng pagkakataon na makita ito bago umalis para magtrabaho at sa pag-uwi n'ya naman sa g
AARON ISAAC...Nagkakasayahan pa rin ang lahat ng mga bisita, halos maghahating gabi na. Kanina pa s'ya atat na atat na masolo si Cali ngunit hindi s'ya nagkaroon ng pagkakataon dahil pinagpasa-pasahan ng mga tita's ang kan'yang nobya.Tuwang-tuwa ang mga ito kay Cali at halos lahat ay napapahanga dahil sa sobra nitong ganda at kakalogan kapag kausap.Well,...s'ya nga din naman ay patay na patay sa kan'yang fiancee at kanina pa s'ya tinitigasan sa tuwing mapapatingin sa gawi ni Cali.She's the most outstanding ngayong gabi at halos lahat ng mga mata ay nakatuon rito.Kung hindi n'ya lang mga kaibigan ang mga lalaking narito ay baka kanina pa may bumulagta sa sahig dahil sa kan'yang suntok. Naiinis kasi s'ya sa tuwing nakikita na may nakatingin na lalaki kay Calixta.Kahit ang kapatid n'yang si Gold ay kanina n'ya pa napapansin ang malagkit na tingin nito sa kan'yang kasintahan.Naikuyom n'ya ang kan'yang kamao dahil sa mga naiisip."Cali is mine!" lihim na sabi n'ya sa sarili habang n