Nasa kwarto lang siya kanina nang magpasya siyang lumabas para yayain ang kanyang ama na maglaro ng chess. She was so bored at kahit gusto na niyang lumabas ay wala siya sa mood. Mas gugustuhin pa niyang humiga sa kanilang bahay at sa kama niya at makipaglaro ng chess sa kanyang ama kaysa lumabas at gumala. Pagkababa niya ay hindi niya ito nakita kaya tinanong niya ang kanilang kasambahay.
"Nasaan si dad?" Tanong niya sa isa nilang maid.
"Nasa labas po siya ma'am." Sagot ni The sa kanya at nagpatuloy sa paglilinis.
"Salamat." Sagot niya na lalabas na sana siya para hanapin siya ngunit bago pa siya makahakbang ay pumasok na ang kanyang ama sa loob ng bahay at nakangiti ito sa kanya. Medyo nataranta siya sa biglang reaksyon ng ama sa kanya.
"Hi Dad. What's up? What's with the smile?" Sinalubong niya ito ng malapad na ngiti ngunit may halong pagkalito. Ngumiti din ito s
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang pumunta si Drake sa bahay ni Adeline at bigla siyang inalok ulit nito ng kasal. At tatlong araw na rin ang lumipas mula noong tila hindi mapakali at nag-aalala si Adeline dahil sa kadahilanang baka magbago na naman ang isip ng lalaki. Noong una ay iniisip niya kung ano ang isasagot niya sa lalaki. Nag-alinlangan siya noong una dahil baka tumakbo nanaman ulit ito dahil nagbago ang isip at masasaktan na naman siyang muli ngunit naisip niya na baka hindi iyon gagawin ng lalaki dahil pumunta pa ito sa kanila at lumuhod sa harapan ng kanyang ama para lang mapagbigyan sa kaniyang kagustuhan at hiling. Pero nagtaka rin siya kung bakit si Drake mismo ay parang desperado na magpakasal. Knowing him, he hate her so much. At pagkatapos ay umatras ito sa kanilang kasal sa huling pagkakataon kaya bakit ito bumalik. Umiling si Adeline para burahin ang iniisip. Hindi mahalaga kung ano ang nangyari noon
"What the heck?" gulat na sigaw ni Dan. Inilayo ni Adeline ang cellphone sa tenga. Sa tingin niya ay parang nasira ang eardrums niya dahil sa napakalakas na sigaw ng kaibigan. "Shit! Can you stop doing it Dan! Pwede kang sumigaw, pero 'wag ka ngang sumigaw ng malakas. You're making my eardrums broken." Pasabog niyang sagot sa kaibigang si Dan habang hinihimas ang tenga. "Pwede bang ulitin mo yung sinabi mo kanina?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng kaibigan niya. "Alin yun? Ang dami kong sinabi Dan." Napamulat siya ng mata habang sinagot ang kaibigan. "Don't roll your eyes at me when I'm asking you. Or maybe you want me to grab your eyeballs. You know I can do that." Sagot ng kaibigan sa kanya habang nagmumura ito at natawa si Adeline sa sinabi nito. No wonder magkaibigan talaga sila. Nag-click sila sa lahat. Alam na ni Dan kung ano ang madalas at hilig gawin ni Adel
A Pen of Love.Iyon ang nilagay ni Adeline na tatak sa panulat. Nakasulat ito sa parchment paper at saka niya idinikit sa panulat. Masyado nang matagal mula noong huli niya itong nakita. Ito ang dahilan kung bakit niya nakilala si Drake at kung bakit niya nagustuhan ang lalaki. Tinitigan niya ito nang matagal habang inaala ang araw kung paano nahulog ang loob niya sa lalaki ng lubusan. Tapos biglang may nag flashback sa isip niya. *Flashback* Nakaupo lang si Adeline sa upuan niya. Nakatingin lang sa paligid at nakikinig sa usapan ng mga kaklase niya at sa mga ginagawa nila.Siya ay nag-iisa, hindi dahil sa ayaw niyang makipag-usap sa kanila o makihalubilo sa kanila. Pero dahil ayaw sa kanya ng mga kaklase niya dahil sa itsura niya. Oo, mayaman talaga siya. Nasa kanya na ang lahat ng bagay na hihilingin ng isang tao sa buhay,
Mga kalahating oras na naligo si Adeline bago siya tuluyang nagpasya na lumabas. Hindi rin niya alam kung bakit siya ganoon katagal sa banyo niya. Ang alam lang niya ay sa sobrang sarap ng agos ng tubig sa katawan niya ay ayaw niyang mahiwalay dito. Napaka-refresh ng tubig at nagre-refresh ito sa buong sistema niya.Naiinip na siguro ang kaibigan niya sa paghihintay ngayon at nagtataka siguro kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakarating. Paniguradong nagmamaktol na siguro ito. Knowing her friend Dan, kapag mayroon lang talagang pahiwatig ng anumang balita na maaaring makatawag ng kanyang pansin, tiyak na maa-attach siya dito at hinding-hindi titigil sa pagtatanong hanggang sa makuha niya ang sagot na kailangan niya.Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila Dan. Mga 15 minutong biyahe ay malamang na ubusin ang oras bago makarating sa kanyang bahay. Paglabas na pagkalabas niya ng kanyang bany
Nakarating sila sa isang cafe malapit sa village ni Dan at ipinarada . Sinapo niya ang kaniyang noo nang maalala ito."Shit! Napakatanga mo talaga, Ads." Bulalas niya, habang minumura ang sarili.Siguradong naiinis at naiirita na ang kaibigan niya sa paghihintay nito sa pagdating niya. Kalahating oras na itong nag hintay, at ngayon ay maghihintay pa ulit ito ng kalahating oras dahil sa hindi inaasahang pagdating ni Drake para makipag-usap sa kanya. Akmang kukunin na sana ni Adeline ang kaniyang phone na nasa tabi niya para tawagan si Dan at para ipaalam dito ang nangyari at humingi na din ng tawad sa kaniyang kaibigan dahil mahuhuli na naman ulit siya sa kanilang usapan nang biglang kumatok si Drake sa bintana ng kaniyang sasakyan.Tumingin siya sa labas ng kotse at nakita niyang ginalaw ni Drake ang kamay niya, senyales na bumaba na siya sa kotse. Pinatay ni Adeline ang makina ng sasakyan b
"Sa tingin ko alam mo na ang dahilan kung bakit kita dinala dito. Hindi dahil para kumain, o para makipag-chit chat sa'yo tungkol sa mga kalokohang bagay. I'm here to duscuss something about the marriage which will be held tomorrow." Sabi ni Drake sabay lapag ng kape niya sa mesa.Agad naman siyang tinignan ni Adeline sa sinabi nito. Sa totoo lang ay wala siyang ideya kung bakit siya dinala ng lalaki sa cafe at kung ano ang gusto nitong sabihin sa kanya. Sumama lamang siya dahil akala niya ay may importante itong sasabihin."Uhm, actually hindi," matapat niyang sagot."Talaga? O nagmamaang-maangan ka lang?" Sarkastikong sagot ni Drake sabay smirk sa kanya."It was an honest question Drake, and I have totally no idea kung bakit mo ako dinala dito," sagot niya, nakatingin sa mga mata ng lalaki. Si Drake naman ay mukhang hindi kumbinsido sa sinabi niya. Napabuntong-hininga si Adeline.
Pagkaalis ni Adeline sa cafe, dire-diretso siya at dali-daling pumunta sa kotse niya. She slid herself inside then start the car engine and drove the car away from the cafe. Itinigil niya ang sasakyan nang maisip niyang milya-milya na ang layo niya sa cafe at kay Drake.Sunod sunod na bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bumuhos ang mga luhang pinipigilan nang maalala ang sinabi ni Drake. Ang mga pang-iinsulto nito sa kanya at ang kahihiyan na ibinigay nitong ginawa sa kaniya sa cafe. Masakit sa pakiramdam na parang hindi kakayanin ni Adeline.Noong una ay hindi alam ni Adeline kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sampalin si Drake. Ang alam lang niya ay may parang may kung sinong bumubulong sa kanyang loob na gawin niya ang ganoong bagay, ang sampalin ito. At tiyak na mabigat ang sampal na ibinigay nito sa lalaki, at siguradong mag-iiwan ito ng bakas sa mukha nito.Bumuntong-hininga siya s
Natigilan si Drake nang sampalin siya ni Adeline sa mukha niya. Hindi ni inaasahan nang lalaki na gagawin niya iyon. Nang umalis si Adeline pagkatapos sabihin sa kanya ang kanyang mga dahilan ay nagkaroon nang pagdadalawang isip si Drake.Paano kung wala talagang alam si Adeline tungkol sa kasal? Paano kung hindi niya talaga hiniling sa mga magulang nito ang pagpapakasal nilang dalawa? Paano kung wala siyang alam sa lahat ng bagay at hinusgahan lang niya ito Drake ng hindi niya alam ang lahat.Napailing si Drake sa naisip niya. Hindi! Iyon ay ganap na imposible. Alam niyang matagal nang may gusto si Adeline sa kaniya. Hindi naman imposible na planado nito ang lahat. Hindi nito dapat hiniling sa kanyang mga magulang na pakasalan siya kapalit ng tulong na ibibigay nila. Sinamantala niya ang pagkakataong hawakan siya sa leeg, at yon ang totoo.Naikuyom ni Drake ang kanyang mga kamay. Talagang hindi siya sang-ayo