NAGHAHANDA na si Astrid para pumasok sa kaniyang trabaho nang pumasok sa silid niya si Debbie.
Debbie is her daughter who is now 10 years old.
Nakita niya sa salamin na sumandal ito sa pinto at humalukipkip at pinanunuod siya habang naglalagay ng make-up sa kaniyang mukha.
"Ano iyon?" tanong niya rito habang naglalagay ng maskara sa kaniyang pilik-mata.
"Bakit ba gabi ka lumalabas upang magtrabaho 'Ma?" balik nitong tanong at lumakad palapit sa kaniya.
Heto na naman ang anak niya. Lagi na lang nitong kwinekwestiyon ang pagtatrabaho niya sa gabi. Well, hindi nito alam ang tunay na trabaho niya. Ayaw niyang mandiri ito sa kaniya. Oo, marami pang pwedeng pasukan na trabaho bukod sa pagbibigay aliw sa mga lalaki pero ito ang alam niyang pinaka-mabilis na pwedeng pagkaperahan.
Nagpakawala siya ng buntung-hininga bago hinarap ang anak na nasa likuran niya.
"Hindi ba sinabi ko na sayo ang dahilan? Paulit-ulit na lang ba yung tanong mo anak?"
Ito naman ang nagpakawala ng buntung-hininga at tumingin sa mga mata niya.
"'E kase 'Ma pinag-uusapan ka ng mga kapit-bahay natin," napakagat-labi ito at tila pinipilit na pigilin ang susunod na sasabihin nito.
"Anak..." Hinawakan niya ang dalawang balikat nito. "Huwag mo na lang pansinin ang mga kapit-bahay talagang mga tsismosa lang ang mga iyan."
"Pero 'Ma-----" nangulubot ang noo nito at pinahaba ang nguso.
Pinisil niya na lang ang ilong nito at saka tumayo na. Pinulot niya na ang mga gamit niya at isa-isang inilagay sa kaniyang bag.
"Basta anak ang importante't mahalaga ay wala tayong tinatapakang tao. Namumuhay tayo ng payak, kumakain tayo ng tatlong beses isang araw at higit sa lahat ay napag-aaral kita sa private school, kaya huwag kang magpa-apekto sa mga iyan ha? At saka iwas-iwasan mo nga ang lumabas tingnan mo puro na lang tsismis ang nasasagap mo sa labas." Iiling-iling niyang sabi bago naglakad palabas ng silid.
Nang makarating siya sa salas ay nilingon niya si Debbie na nakasunod sa kaniya.
"I-lock mo lahat ng pinto pagka-alis ko," bilin niya rito. Akmang bubuksan niya na sana ang pinto nang lumingon ulit siya rito.
"Bawal mag-puyat Debbie ha? Huwag kang masyadong mag-laro niyang online game na kinababaliwan mo... " Tinaasan niya ito ng kilay.
Sunod-sunod na tango naman ang isinagot nito.
Binitawan niya ang seradura ng pinto at naglakad pabalik sa anak niya at hinalikan ito sa noo.
"Ingat 'Ma..." Sabi nito bago siya tuluyang lumabas.
Napatingala siya sa kalangitan bago humakbang at nagpunta sa kalsada upang mag-abang ng taxi.
Napabuntung hininga siya, lagi na lang siyang kinukulit ng anak niya tungkol sa pagtatrabaho niya ng gabi.
Naiintindihan niya naman ito dahil sa edad nitong sampu ay matured na ito kung mag-isip.
Ilang saglit pa ay may tumigil ng taxi sa harap niya. Bago siya sumakay ay nilingon niya ang apartment na ilang taon na rin niyang inuupahan.
"LATE ka yata ngayon ah?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Dulce, isang dancer na kasama niya. Si Dulce ang pinaka-malapit niyang maituturing na kaibigan sa pinagtatrabahuhan niyang club.
"Kinulit na naman kase ako ni Debbie 'e." Kwento niya rito at ibinaba ang gamit sa harap ng salamin na nagsisilbing dressing room nila.
"Ano na naman ang issue niya?" pinanuod niya itong nagpahid ng lipstick.
" 'E 'di yung dati pa rin."
Lumingon ito sa kaniya sa salamin at saka tumawa.
"Bakit hindi mo pa kase sabihin ang totoo sa kaniya, malay mo naman maintindihan niya, total malaki na siya at nakaka-unawa na." Ibinaba nito ang lipstick at pinulot naman ang pang-kilay nito.
Napatawa naman siya ng pagak. "Nagpapatawa ka ba? Gusto mo bang pandirian niya ako kapag nalaman niyang ganito ang trabaho ko?" Iiling-iling niyang tanong dito at saka tumayo na at hinagilap ang isusuot niya sa mga nakasabit doong mga damit.
"Bakit? E hindi ka naman nagpapakama ah..." patuloy pa nito.
Napangiti na lang siya ng mapait.
"Sino pa ang maniniwala ngayon na hindi nga ako nagpapakama aber?" Inabot niya ang kulay silver na bra na may mga nakalawit na tila pom-poms at ang katerno nitong panty na may mga nakalawit din.
"Ako, si Emma---"
"Hay nako. Tumigil ka na nga. Tama na, bilisan mo na lang diyan at inaantay ka na ng mga customers mo... " Nakita niya pa ang pag-ngisi nito bago iiling-iling na pumasok sa dressing room.
Si Dulce ang pinaka-mabenta sa lahat ng babae sa club na iyon dahil sa angking ganda at dahil sa sexy din ito. Bukod pa roon ay talaga namang maganda Ito, lahat ng lalaki na papasok doon sa club na iyon ay gusto itong ma-i-take out. Pero dahil isa lang ang kayang i-accompany ni Dulce ay pinipili nito ang pinakamataas ang kayang ibayad para sa isang gabi niya.
Iiling-iling na lang siyang lumabas at tiningnan ang sarili sa salamin. Sinong mag-aakala na may anak na siya sa sexy niyang iyon.
A playful smile curved into her lips.
Another show again.
KINAKABIT niya ang kaniyang maskara ng pumasok sa dressing room si Dulce."Oh tapos ka na?" Tanong niya rito.Napa-ngisi ito at tiningnan siya."Hindi pa pero inutusan ako rito ni Emma upang sabihin na hindi ka raw lalabas sa stage." Mas lumawak pa ang ngisi nito habang nakatingin sa kaniya.Tila naman siya kinabahan sa ngisi nito, parang may mali sa pagkakangiti nito.Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit daw?""Dahil reserve ka raw ngayong gabi." Sagot nito at akmang tatalikod na."Teka, teka anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya rito at biglang napatayo mula sa pagkakaupo.Lumingon ito sa kaniya. "Magpeperform ka sa iisang tao lang ngayong gabi my dear." Natatawa nitong sagot at saka tuluyan ng lumabas.Naiwan siyang naguguluhan. Anong ibig sabihin nito na reserve siya?Nagpalakad-lakad siya sa harap ng salamin at napakagat-labi. Hindi iyon pwede, hindi siya nagpapakama kahit kanino kaya hindi maaari ang gusto ni Emma.Napatigil siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Em
IIISINAG ng araw ang gumising kay Davin(dey-vin) . Tumatama na pala sa kanyang mukha ang sinag ng araw dahilan upang magising siya.Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa labas ng bintana. Mataas na sikat ng araw at nasisiguro niya na tanghali na ng mga oras na iyon. Nahilot niya ang kaniyang sentido dahil sa matinding hilo. Hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang epekto ng alak na ininom nila kagabi. Nasobrahan na naman nilang nag-inuman kagabi sa bahay ng kaibigan niyang si Baxter kasama ang ilan pa nilang kaibigan. Hindi na siya nakatanggi ng mag- aya si Scott na mag- inom na akala niya ay kaunting alak lang ang kanilang pagsasaluhan, ngunit laking- gulat niya ng makita ang inihanda nitong alak kung saan ito na mismo ang bumili. Hindi tuloy nila naiwasan na kantyawan ito dahil tila napakalaki ng problema dahil sa alak na inihanda nito. Tumawa lang ito ng tumawa bilang sagot sa kanila.Napahawak siya sa kaniyang batok at bumaba ng kaniyang kama at t
IV10 YEARS AGO...Masayang nakaupo si Astrid sa ilalim ng isang puno ng paper tree at hinihintay si Davin.May usapan sila na magkikita sila ngayong araw na ito sa kanilang tagpuan.Sa tabi ng isang batis matatagpuan ang kanilang tagpuan na nasasakupan ng lupain nila Davin.Ang pamilya ni Davin ay kilalang kilala sa bayan ng San Isidro dahil isa sila sa mga may pinakamalawak na lupain at isa rin sila sa mga mayamang pamilya sa bayang iyon.Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa pamilyang Alcantara lalong lalo na si Davin Alcantara, kilalang kilala ito dahil sa angking kagwapuhang nitong taglay.Napangiti siya ng may nagtakip ng kaniyang mga mata. Alam niyang si Davin na iyon."Kanina ka pa rito?" Tanong nito at umupo sa tabi niya."Medyo." Sagot niya at humilig sa balikat nito. Agad naman siya nitong inakbayan at hinalikan sa noo.Dapit-hapon na ng mga oras na iyon at palubog na ang araw. Sana ganito na lang araw-araw sa isip-isip niya. Tahimik at tila walang problema.Nagpakawala
VHINDI niya namalayang umiiyak na pala siya habang nakayakap sa anak niya. Sa mga taong lumipas ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib niya.Sakit na halos gabi-gabi ay iniiyakan niya. Sa unang buwan ng pagkakawalay niya rito noon ay tila siya nauupos na kandila. Sa bawat araw na dumadaan ay tila siya nasa impyerno. Inisip niya pa noon na magpakamatay na lang dahil ano pa ang silbi ng buhay niya kung nalayo naman siya sa taong mahal niya. Pero nagbago ang lahat ng malaman niyang buntis siya.Nagbunga ang namagitan sa kanila ni Davin. Hindi niya noon alam kung anong gagawin niya dahil pakiramdam niya ay napakabata niya masyado para mabuntis.Dise-sais anyos lang siya noon , napakabata kaya kahit napakahirap pinilit niyang itaguyod ang pagbubuntis niya hanggang sa nanganak na siya.Ang nanay niya na inaasahan niya sanang aagapay sa kaniya ay ipinagtabuyan siya dahil sa impluwensiya ng tiyuhin niya.Sobrang sakit para sa kaniya na ipagtabuyan nito lalo na at kapapanganak niya p
VIWALA sa sariling nakatitig si Astrid sa salamin. Nasa isip niya pa rin ang tagpo kaninang umaga. Nasaan na nga kaya si Davin ngayon? May pamilya na kaya ito? Hindi niya alam ngunit ayaw pa rin mawaksi sa isip niya ito.Sa sampung taong nagdaan ay hindi niya maitatagong may nararamdaman pa rin siya para rito, hanggang sa mga oras na iyon ay mahal niya pa rin ito.Marami ang sumubok na ligawan siya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan dahil all those years ay si Davin pa rin ang nasa puso niya. Walang makapalit sa lugar nito sa puso niya at wala na siyang makitang mas makakahigit pa rito.May sakit na gumuhit sa dibdib niya dahil sa isiping iyon. Ayaw na sana niyang nag- iisip ng mga ganung bagay ngunit hindi niya pa rin maiwasan lalo pa at nag- uumpisa ng magtanong ang anak niya.Nagpakawala siya ng isang mahabang buntung-hininga at pilit na kinalma ang kanyang sarili. Nasa ganun siyang ayos nang pumasok si Dulce sa loob ng dressing room. Nakatingin siya rito mula sa s
VIIAKMANG lalabas na sana si Astrid nang may humawak sa kaniyang kamay kaya napatigil siya sa paghakbang at napalingon.Bahagya niyang nginitian si Ella at hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay."Tatagan mo lang yang loob mo at lunukin mo yang hiya sa katawan mo para sa tatay mo." Sinserong sabi niya rito at tyaka hinila na ito palabas ng dressing room.Habang hawak-hawak niya ang kamay nito ay pumasok sila sa isang silid kung saan siya magpeperform.Narinig niya ang mahabang buntung-hininga nito bago humakbang papasok sa silid.Wala pa ang kanilang customer ng makapasok sila. Simula nung huling perform niya ay palagi na siyang reserve. Hindi niya rin maintindihan ang manager niya kung bakit pumapayag na i-reserve siya samantalang mas malaki ang kikitain nito kung sa entablado siya mag-pe-perform.Naupo muna siya sa couch at pinag-krus ang kaniyang mahahabang binti.Samantalang si Ella ay nanginginig ang mga kamay na nakatingin lang sa kaniya. Patingin-tingin din ito sa pinto at
VIIIBABALIK na sana si Astrid sa dressing room ng may makabanggaan siyang lalaki. Hindi niya ito nakita kanina dahil masyadong marami siyang iniisip."Sorry..." hinging paumanhin nito sa kaniya at nagmamadali ring umalis mula roon. Nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy-tuloy sa dressing room. Naabutan niya roon si Dulce na mukhang inis na inis dahil sambakol ang pagmumukha."O bakit ganyan ang mukha mo?" Naiintriga niyang tanong at umupo sa tabi nito habang umiinom ng lady's drink. "Ayaw akong palabasin ni Emma nakakainis!" Ungot nito at kulang na lang ay magtatatadyak ito sa sobrang inis.Napatawa naman siya ng mahina. "Bakit daw?" Naiintriga niyang tanong dahil ngayon lang hindi pumayag si Emma na palabasin si Dulce at hindi tumanggap ng customers.Nakita niyang umirap ito at ibinaba ang baso sa lamesa. "May appointment daw tayo bukas ng hapon. Isang bachelor party. "Napataas naman ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin na tayo?" Magkasalubong ang tanong niyang tanong
IXALAS-TRES ang usapan nila na magkikita-kita sila sa club pero quarter to four na sa suot-suot niyang relo. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Astrid. Nakatulog siya kanina at hindi niya inasahang makakatulog siya ng ganun katagal.Napabuntung-hininga siya at hinagilap ang kaniyang cellphone sa bag. Tinawagan niya si Dulce at kahit nakailang ring na ito ay hindi ito sumasagot marahil ay busy na ito.Mabuti na lang at paglabas niya sa kalsada ay may agad siyang nasakyang taxi. Agad niyang sinabi sa driver ang destinasyon niya na kung saan sa isang sikat na building. Hindi siya mapakali habang lulan ng taxi. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Isa pa ay late na siya sa performance nila. Hindi na sana siya tutuloy ang kaso lang ay nabasa niya yung text ni Emma kanina at sinabi nitong sumunod na lamang siya.Hindi niya namalayang tumigil na pala sa pagtakbo ang sinasakyan niya. Kung hindi pa siya kinausap ng driver ay hindi pa niya ito mapapansin.Dali-dali siyang n
XXXIIISANG linggo na mula ng makalabas si Astrid sa ospital. Sa isang linggong iyon ay hindi pa nagpakita sa kanya si Davin. Pagkatapos niyang lumabas sa ospital ay dumiretso sila sa bahay ni Davin. Ito raw ang nag-utos na doon sila tumuloy ni Debbie ngunit ni anino nito ay hindi niya pa nakikita.Sa unang araw niya sa bahay nito ay naging bisita niya sina Dulce at Emma.Katatapos lang nilang mag-agahan ng oras na iyon, nakaupo siya teresa ng silid niya habang si Debbie ay nasa silid naman nito.Hindi pa rin gumaling ang mga pasang tinamo niya mula sa nangyari sa kanya. Napagpasyahan niya ang tumayo at maligo na lang muna para mapreskuhan naman ang pakiramdam niya.PAGLABAS niya ng kanyang silid pagkatapos niyang maligo at dumiretso siya sa baba ng may madatnan siyang hindi inaasahang tao sa sala.Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at agad-agad na lumapit sa kanya. Nahawakan siya nito sa kanyang balikat at awtomatikong kumilos ang mga kamay niya, agad niyang pinalis ang kamay ni
XXXIPUTING kisame ang namulatan ni Davin. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng matingding kirot, naramdaman niya na may benda ang kanyang ulo. Unti-unti siyang bumangon at ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya. Napahawak ulit siya sa may benda niyang ulo at napamura ng ilang beses.Damn!Ilang saglit pa ay napalingon siya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa sina Baxter at Scott."O gising ka na pala," nakangiting sambit ni Scott habang papalapit ito.Hindi niya ito sinagot at tiningnan lang ang mga ito.Iiling-iling itong umupo sa paanan ng kanyang kama habang si Baxter ay nakamasid lang sa kanya."Akalain mo yun pare akala ko talaga mamamatay kana," humagalpak ito ng tawa. "Totoo nga talaga na ang masamang damo ay mahirap mamatay," nakangising sabi nito habang nagpipigil ng tawa.Hindi lang masakit ang katawan niya ay malamang na nasipa niya na ito, pasalamat ito at nanghihina pa siya dahil sa tinamong bugbog mula sa mga lalaking iyon.Inirapan niy
XXXTUMIGIL ang sinusundan niyang sasakyan sa isang lumang building na halos nababalutan na ng mga damo at may mga nakaparadang mga sirang sasakyan.Hindi siya agad lumapit dito dahil baka makahalata ang mga ito na may sumusunod sa kanila. Sa liwanag ng isang ilaw na nagmumula sa poste ay nakita niyang binuhat muli ng lalake si Astrid at ipinasok sa loob ng building.Agad siyang bumaba sa sasakyan at dahan-dahang naglakad at nag-ingat na hindi makagawa ng kahit anong klaseng ingay.Sinundan niya kung saan nagpunta ang dalawang magkasunod na lalaki, nakita niyang pumasok ang mga ito sa loob ng gusali, hindi naman siya nahirapang sundan ang mga ito lalo na't wala namang nagbabantay sa papasukan niya.Kung dadalawa lang ang mga ito ay kayang-kaya niyang patumbahin ang mga ito dahil nag aral naman siya noon ng self-defense at martial arts.Palinga-linga siyang pumasok sa loob ng gusali at nagdadahan-dahan, nakita niyang may ilaw sa dulo ng hallway at nasisiguro niyang doon dumiretso ang m
XXIXNAPAPIKIT si Astrid at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mukha. Nasa club siya ng mga oras na iyon dahil para tuluyan ng magpaalam kay Emma at pati na rin kay Dulce. Naramdaman niya naman ang paghagod ng kamay sa likod niya, hindi man niya lingunin ito ay alam niyang si Dulce iyon. Kaninang dumating siya roon ay saktong nagbibihis ito at hindi pa nakakalabas kaya kinausap niya ito, kwinento ang lahat ng nangyari."Wala ka namang kasalanan Astrid, wala ka lang choice," sabi nito at patuloy pa rin sa paghagod sa likuran niya. Naramdaman niya na naman na magtutubig ang kaniyang mga mata, naisip niya si Debbie, si Davin? Paano kapag nalaman nito ang totoo?Napahikbi siya, hindi niya na mapigilang lumabas ang emosyon na pilit niyang pinipigil.Naramdaman niya niyakap na siya ni Dulce, "Tama na Astrid, maiintindihan din ng anak mo ang lahat." Sabi nito.Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Kaninang pag-alis ni Marietta ay pilit niyang kinatok
XXVIIINAPAPIKIT si Davin at napatingala, pagod na siya sa maghapong trabaho. Ang dami kaseng papeles na kailangang-kailangan niyang tapusin. Isang mahabang buntung-hininga na lamang ang pinakawalan niya. Ngunit biglang nag-ring ang telepono na nasa kaniyang desk kaya napilitan siyang sagutin ito.Napakunot-noo siya ng masagot ang tawag at napalingon sa orasang nakasabit sa dingding ng opisina niya. Mag-aalas sais na ng oras na iyon at halos magdidilim na rin dahil nakikita mula sa kaniyang opisina ang paglubog ng araw."Davin," Napa sandal siya sa kaniyang swivel chair ng marinig ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya. Napahilot siya sa kaniyang sentido bago nagsalita."What?" Walang-gana niyang tanong dito, marahil ay kukulitin na naman siya nito tungkol sa pagpapakasal kay Miya."Did you see it?" Tanong nito na ikinakunot ng kaniyang noo."See what?" He asked perplexedly, dahil hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito.Ilang sandaling hindi ito umimik bago muling nagsalita
XXVIIYUN ang unang gabi nila Astrid sa pad ni Davin at hindi niya alam kung makakapasok siya ngayong gabi sa club dahil baka mahuli siya nitong lumabas ng gabi. Okay lang sana kung dadalawa lang sila ni Debbie pero ibang usapan na ito ngayon kaya agad niyang tinawagan si Emma."Mahabang kwento Emma, ipapaliwanag ko ang lahat kapag nagkita tayo." Sabi niya rito sa telepono. Nagpaalam siya na hindi muna siya makakapasok ng ilang gabi. Napabuntung-hininga na lamang siya pagkatapos na patayin ang telepono at napatitig sa kisame. Hanggang kailan niya kailangang magtrabaho sa club? Hanggang kailan niya maitatago kay Davin na siya at si Faye ay iisa?Napalingon na lamang siya sa kaniyang anak at pagkatapos ay niyakap ito. Payapa na itong natutulog dahil gabi na. Hinalikan niya muna ang noo nito bago rin siya pumikit upang matulog na.ISANG mahinang katok ang narinig ni Astrid habang nagluluto siya ng tanghalian nila ni Debbie. Pangalawang araw na nila ngayon sa pad ni Davin, lagi naman i
XXVIKITANG-KITA ni Astrid kung paano nagulat ang donya pagkakita sa kaniya. Halos lumuwa ang mata nito at bahagyang umawang ang mga labi at pagkaraan ng ilang sandali ay napalitan ang ekspresyon nito ng pagkamuhi at tila nakakita ng isang basura sa harap niya dahil sa ekspresyon nito ay halatang diring-diri.Nilagpasan siya nito at mabilis na pumasok sa loob at nagtungo sa sala. Agad itong pumunta sa harap ni Davin at hinarangan ang telebisyon. Nameywang ito at itinuro siya."Anong ginagawa ng babaeng yan dito Davin?!" galit na sigaw nito. "At yan," turo nito kay Debbie, "Sino ang batang yan?" Agad siyang lumapit sa anak at niyakap ito samantalang si Davin naman ay tumayo upang pakalmahin ang kaniyang ina."Siya si Debbie, Ma. Anak ko." Malumanay na sagot nito.Halos tumirik ang mata nito sa galit at tinapunan silang mag-ina ng nakamamatay na tingin. Nagpumiglas ito sa hawak ni Davin at naglakad sa harap nila. Sinapo nito ang sentido at marahang hinilot. Tyaka ito humarap sa kanila.
XXV"HINDI mo siya pwedeng ilayo sakin! Hindi mo siya pwedeng kuhanin saakin!" Sigaw ni Astrid at maluha-luhang tiningnan si Davin. Iyon pala ang pakay nito kaya nagpunta ito ng maaga sa bahay nila, ang kunin si Debbie mula sa kaniya. Ang ilayo si Debbie sa piling niya. "Ako ang ina niya." Nang oras na iyon ay hindi na napigil ni Astrid ang kaniyang luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Ako rin ang nagpalaki sa kaniya, simula sanggol----""Stop it, Astrid!" Galit na napatayo si Davin sa kinauupuan nito at biglang nagtagis ang mga bagang dahil sa galit. "Kung sana noon pa sinabi mo na may anak ako, na may anak tayo sana hindi tayo umabot sa ganito." Malumanay pero may diin ang bawat salitang binibitawan nito.Wala siyang naisagot sa sinabi nito, hindi niya nagawang sumagot dahil alam niya sa sarili niya na kapag ini-explain na naman niya ang side niya ay magmumukha na naman siyang masama, na nagtatagpi at gumagawa na naman siya ng kwento para paniwalain ito.Ang tanging nagawa niy
XXIVMAAGANG gumising si Astrid nung araw na iyon. Hindi siya pumasok sa club kagabi sa takot na baka itakas ni Davin si Debbie at hindi niya na ito makita pa kaya nagpasya na lamang siyang huwag munang pumasok. Nagpaalam naman siya kay Emma at mabuti na lamang at pumayag itong umabsent siya.Maaga siyang naghanda ng almusal nilang mag-ina.Nang bumangon si Debbie at pumunta sa kusina ay saktong nakaluto na siya kaya hinanda niya na ang lamesa para makakain na sila."Halika na anak, habang mainit pa itong sinangag na niluto ko." Nakangiting yakag niya rito at ipinaghila ito ng upuan. Agad naman itong umupo pero hindi ito gumalaw bagkus ay nangalumbaba ito at tinitigan siya."Kilala mo naman pala ang Papa ko 'Ma, bakit hindi mo siya hinanap?" Tanong nito. Bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at walang maapuhap na salita na isasagot sa anak niya.Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Alam mo ang buong pangalan niya 'Ma, pero hindi mo siya hinanap. Ang tagal kong pinangarap