Share

Chapter 5

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

V

HINDI niya namalayang umiiyak na pala siya habang nakayakap sa anak niya.

Sa mga taong lumipas ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib niya.

Sakit na halos gabi-gabi ay iniiyakan niya. Sa unang buwan ng pagkakawalay niya rito noon ay tila siya nauupos na kandila. Sa bawat araw na dumadaan ay tila siya nasa impyerno. Inisip niya pa noon na magpakamatay na lang dahil ano pa ang silbi ng buhay niya kung nalayo naman siya sa taong mahal niya. Pero nagbago ang lahat ng malaman niyang buntis siya.

Nagbunga ang namagitan sa kanila ni Davin. Hindi niya noon alam kung anong gagawin niya dahil pakiramdam niya ay napakabata niya masyado para mabuntis.

Dise-sais anyos lang siya noon , napakabata kaya kahit napakahirap pinilit niyang itaguyod ang pagbubuntis niya hanggang sa nanganak na siya.

A

ng nanay niya na inaasahan niya sanang  aagapay sa kaniya ay ipinagtabuyan siya dahil sa impluwensiya ng tiyuhin niya.

Sobrang sakit para sa kaniya na ipagtabuyan nito lalo na at kapapanganak niya pa lang.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta noon.

Kaya napakalaking pasalamat niya kay Emma. Naalala niya pa kung paano sila nagkakilala nito at kung paano naging ganito ang takbo ng buhay niya.

TILA wala sa sariling naglalakad si Astrid habang walang patid ang pagtulo ng luha niya sa kaniyang mata.

Kipkip ang isang buwan na sanggol ay patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang alam na puntahan.

Napangiti siya ng mapait at tinitigan ang sanggol na karga-karga niya.

Nabawasan ang bigat na nararamdaman niya habang nakatitig sa sanggol. Pinangalan niya itong Debbie Eizha Alcantara. Isinunod niya ito sa apelyido ni Davin.

Ramdam na niya ang pagod sa ilang oras na paglalakad. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na naglalakad. Madilim na ng oras na iyon.

Napatingala siya sa kalangitan. Walang mga bituin at medyo mahangin. Mukhang uulan. Nagpalinga-linga siya paligid, wala siyang pwedeng silungan.

Napakagat-labi siya at pilit na sinusupil ang kaniyang hikbi. Paano na sila ni Debbie ngayon?

Nakatanaw siya ng ilaw mula sa isang sasakyan. Napatingin siya sa mukha ng himbing na himbing na natutulog na sanggol.

Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Pumagitna siya sa daan upang pahintuin ang paparating na sasakyan.

Hindi niya nagawang kabahan dahil paano kung hindi ito tumigil at sagasaan na lang siya.

At tumigil nga ito. Halos maluha-luha siyang lumapit sa sasakyan.

Lumabas ang isang babae na halos mas matanda lang sa kaniya ng kaunti.

Tila ito naguguluhan sa ginawa niya, pero wala talaga siyang magagawa kailangan niyang humingi ng tulong. Wala silang matutuluyan ng anak niya.

Nilakasan niya ang kaniyang loob at tinapangan ang hiya. Humingi siya ng tulong dito, mabuti na lang at mabait ito. Isinakay siya at pinatuloy sa bahay niya.

Hiningan niya ito ng tulong at kung meron itong alam na trabaho. Nagdadalawang-isip pa ito noon kung ipapasok siya sa trabaho pero hindi nagtagal ay ipinasok din siya. Noong una ay halos masuka siya sa uri ng trabahong papasukin niya pero inisip niya si Debbie, ang mga pangangailang nito. Kaya nilunok niya lahat ng kaniyang hiya.

NIYAKAP niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Alam niyang masakit para rito na lumaki na walang ama dahil siya man ay lumaking walang ama.

"Mama... pasensiya ka na. Hindi ko na ulit tatanungin kung nasaan ang Papa ko. Para hindi ka na ulit umiyak..." bulong nito at niyakap siya ng mahigpit.

Mas lalo lamang tumulo ang mga luha niya sa sinabi ng anak niya.

"HEY man!" Tawag sa kaniya ng kaibigan na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa opisina niya.

"Ano na naman Scott? Mangungutang ka na naman?" Tanong niya rito at hindi nag-angat ng tingin.

Narinig niyang napatayo ito at umupo na lang bigla sa mesa niya kaya napatingala na siya rito.

Sinamaan niya ito ng tingin samantalang ito naman ay ngumisi pa.

Itinaas nito ang dalawang kamay at tumayo tyaka siya hinarap.

"Labas tayo mamaya. Ayain natin sila Baxter may alam akong club na maganda." Lumawak pa lalo ang ngisi nito at tyaka napatingin sa labas ng bintana.

Napapailing na lang siyang iniligpit ang mga papeles na nasa lamesa niya.

Scott is his friend. At sa kanilang magkakaibigan ay si Scott ang pinaka babaero. Kahit sinong babae pinapatos basta nagustuhan niya.

"Wala akong oras jan. At isa pa diba meron ka naman ng girlfriend? Bakit kailangan mo pang pumasok sa kung saan-saang club?" Nakakunot-noong tanong niya rito at tyaka isinilid sa folder ang papeles at ipinasok sa kaniyang drawer.

"Meron nga. Pero you know..." he shrugged at ngumisi.

Napapailing na lang siya na sumandal sa kaniyang swivel chair.

"Ano sama ka?"

Isang iling ang isinagot niya rito. Wala siyang oras para mag-club. He's a busy man.

Natigil sila sa pag-uusap ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong pinulot ang sinagot.

"Hello..." nakakunot ang noo niyang saad habang nakatingin kay Scott na nakatitig lang din sa kaniya habang nakikipag-usap siya.

Napasapo siya sa kaniyang ulo at dali-daling lumabas sa kaniyang opisina at iniwan si Scott doon.

Bakit nga ba nakalimutan niya na ngayon nga pala darating si Miya?

Agad niyang tinawagan si Baxter para kasama niyang sumundo sana pero tumanggi ito dahil sa hindi malamang dahilan.

Magkababata silang tatlo nila Baxter.

Maganda ang pagsasamahan nila pero sa hindi malamang dahilan ay tila nagbago ang pagsasamahan ni Miya at Baxter. Tila nagkaroon ng pader sa pagitan nila at tila nag-iiwasan.

Napakibit-balikat na lang siya ng maisip yun at dali-daling sumakay ng sasakyan.

------

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rowdy Corey Tornito
update plss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 6

    VIWALA sa sariling nakatitig si Astrid sa salamin. Nasa isip niya pa rin ang tagpo kaninang umaga. Nasaan na nga kaya si Davin ngayon? May pamilya na kaya ito? Hindi niya alam ngunit ayaw pa rin mawaksi sa isip niya ito.Sa sampung taong nagdaan ay hindi niya maitatagong may nararamdaman pa rin siya para rito, hanggang sa mga oras na iyon ay mahal niya pa rin ito.Marami ang sumubok na ligawan siya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan dahil all those years ay si Davin pa rin ang nasa puso niya. Walang makapalit sa lugar nito sa puso niya at wala na siyang makitang mas makakahigit pa rito.May sakit na gumuhit sa dibdib niya dahil sa isiping iyon. Ayaw na sana niyang nag- iisip ng mga ganung bagay ngunit hindi niya pa rin maiwasan lalo pa at nag- uumpisa ng magtanong ang anak niya.Nagpakawala siya ng isang mahabang buntung-hininga at pilit na kinalma ang kanyang sarili. Nasa ganun siyang ayos nang pumasok si Dulce sa loob ng dressing room. Nakatingin siya rito mula sa s

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 7

    VIIAKMANG lalabas na sana si Astrid nang may humawak sa kaniyang kamay kaya napatigil siya sa paghakbang at napalingon.Bahagya niyang nginitian si Ella at hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay."Tatagan mo lang yang loob mo at lunukin mo yang hiya sa katawan mo para sa tatay mo." Sinserong sabi niya rito at tyaka hinila na ito palabas ng dressing room.Habang hawak-hawak niya ang kamay nito ay pumasok sila sa isang silid kung saan siya magpeperform.Narinig niya ang mahabang buntung-hininga nito bago humakbang papasok sa silid.Wala pa ang kanilang customer ng makapasok sila. Simula nung huling perform niya ay palagi na siyang reserve. Hindi niya rin maintindihan ang manager niya kung bakit pumapayag na i-reserve siya samantalang mas malaki ang kikitain nito kung sa entablado siya mag-pe-perform.Naupo muna siya sa couch at pinag-krus ang kaniyang mahahabang binti.Samantalang si Ella ay nanginginig ang mga kamay na nakatingin lang sa kaniya. Patingin-tingin din ito sa pinto at

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 8

    VIIIBABALIK na sana si Astrid sa dressing room ng may makabanggaan siyang lalaki. Hindi niya ito nakita kanina dahil masyadong marami siyang iniisip."Sorry..." hinging paumanhin nito sa kaniya at nagmamadali ring umalis mula roon. Nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy-tuloy sa dressing room. Naabutan niya roon si Dulce na mukhang inis na inis dahil sambakol ang pagmumukha."O bakit ganyan ang mukha mo?" Naiintriga niyang tanong at umupo sa tabi nito habang umiinom ng lady's drink. "Ayaw akong palabasin ni Emma nakakainis!" Ungot nito at kulang na lang ay magtatatadyak ito sa sobrang inis.Napatawa naman siya ng mahina. "Bakit daw?" Naiintriga niyang tanong dahil ngayon lang hindi pumayag si Emma na palabasin si Dulce at hindi tumanggap ng customers.Nakita niyang umirap ito at ibinaba ang baso sa lamesa. "May appointment daw tayo bukas ng hapon. Isang bachelor party. "Napataas naman ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin na tayo?" Magkasalubong ang tanong niyang tanong

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 9

    IXALAS-TRES ang usapan nila na magkikita-kita sila sa club pero quarter to four na sa suot-suot niyang relo. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Astrid. Nakatulog siya kanina at hindi niya inasahang makakatulog siya ng ganun katagal.Napabuntung-hininga siya at hinagilap ang kaniyang cellphone sa bag. Tinawagan niya si Dulce at kahit nakailang ring na ito ay hindi ito sumasagot marahil ay busy na ito.Mabuti na lang at paglabas niya sa kalsada ay may agad siyang nasakyang taxi. Agad niyang sinabi sa driver ang destinasyon niya na kung saan sa isang sikat na building. Hindi siya mapakali habang lulan ng taxi. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Isa pa ay late na siya sa performance nila. Hindi na sana siya tutuloy ang kaso lang ay nabasa niya yung text ni Emma kanina at sinabi nitong sumunod na lamang siya.Hindi niya namalayang tumigil na pala sa pagtakbo ang sinasakyan niya. Kung hindi pa siya kinausap ng driver ay hindi pa niya ito mapapansin.Dali-dali siyang n

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 10

    XIGINIYA ni Davin ang kamay niya sa balikat nito. Agad namang sumunod ang kamay niya na tila may sarili ring isip.Ang halik nito ay unti-unting tumutupok sa buo niyang pagkatao. Ang bawat dinaraanan ng kamay nito ay tila sinisilaban ng naglalagablab na apoy.Lahat ng pagmamahal na pilit niyang isinantabi nitong mga nakalipas na taon ay muling nabuhay dahil sa init ng halik nito.Sa bawat galaw ng labi nito ay ramdam na ramdam niya ang pagguhit ng init sa pagitan ng hita niya. Napapikit siya at mas ibinuka ang kaniyang bibig upang mas bigyan pa lalo ng daan ang dila nito sa paggalugad sa bunganga niya.Idinagan nito ang sarili sa kaniya at ramdam na ramdam niya sa kaniyang puson ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito at ng dahil doon ay mas lalo pang uminit ang nararamdaman niya. Hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Hindi niya na magawang pigilan ito sa ginagawa nito sa katawan niya dahil alam niya sa sarili niya na gusto niya rin ang nangyayari sa kanila.Hindi niya namalayang nabuks

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 11

    XIMABILIS pa sa alas kwatro na nagbihis si Astrid pagkatapos nilang magniig. Kailangan niya ng umalis. Hinayaan naman siya nitong magbihis ngunit ng makapagbihis siya ay agad din itong nagsuot ng boxer at hindi na nagsuot pa ng pang itaas. Wala siyang imik habang nagbibihis at pagkatapos ngang magbihis ay aalis na sana siya ngunit laking gulat niya ng hawakan siya nito sa kamay.Gulat na napatingin siya rito. "I dont even know your name." He said as he looked at her intenly. Lalo na sa kaniyang nakaawang na labi.Gusto niya mang sagutin ito ay mas pinili niya na lamang na huwag na itong sagutin pa.Pilit niyang inalis ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya at tinitigan niya ito sa mata."Hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko dahil ito ang una at huling beses na magkikita tayo." Nakangiting sagot niya rito at nilagpasan na ito.Bawat hakbang na ginawa niya ay tila pinipiga ang puso niya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ng oras na iyon dahil ang tagal niyang hini

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 12

    XIIPADABOG na binitiwan ni Davin ang hawak-hawak na ballpen at sumandal sa kaniyang swivel chair. Napapikit siya at napahugot ng isang malalim na buntung-hininga. Its been two weeks after that day but still he cannot moved on yet. Tila siya mababaliw dahil ginugulo ng babaeng iyon ang isip niya. Sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang ang itsura nito habang nakasuot ng maskara. How seductive.Shit! He cursed under his breath when he felt his groin hardened. Just thinking about that woman makes him erect. Dammit!Naiinis na siya sa sarili niya dahil hindi na siya makapag-focus sa kabiyang mga ginagawa dahil talaga namang ginugulo ng babaeng iyon ang isip niya.He brushed his hair using his fingers. This is the second time na may babaeng nakapagpagulo sa isip niya maliban kay...Sa pagkaalala na naman sa taong iyon ay sumibol na naman ang galit niya sa dibdib niya. He was still mad sa ginawa nito. Kung sana sinabi na lamang nito ng maayos na ayaw niya pala sa halip na pag-antay

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 13

    XIII"HEY bro!" Untag ni Scott kay Davin. Hindi niya namalayang lumilipad na pala ang isip niya.Bigla siyang napalingon kay Scott at sa iba pa nilang kasama sa lugar na iyon, nakita niyang nakatingin ito sa kaniya at bahagyang umiling. Si Keizer at si Vein ay lumingon lang saglit at nagpatuloy din sa kanilang pinag-uusapan. "Oo nga. Kanina pa kita tinatanong kung kailan ang date ng kasal niyo ni Miya." Naiiling na sabi ni Axe na nasa tabi ni Gion. Napalingon siya kay Baxter na abala sa pagpindot sa cellphone nito. Nakita niyang napatigil ito saglit at nagpatuloy na naman sa pagpindot sa cellphone nito.Napabuntung-hininga siya at napasandal sa inuupuan niya."I don't know." He answered."What the hell is that? Ikaw yung groom tapos hindi mo alam kung kailan?" Nakakunot noong tanong ni Scott. "Unless, ayaw mo talaga siyang pakasalan..." Bigla niya itong binatukan kaya napahimas ito sa kaniyang ulo."Huwag mo ngang sinasabi yan. Its not that na ayaw ko siyang pakasalan. May gumugu

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 32

    XXXIIISANG linggo na mula ng makalabas si Astrid sa ospital. Sa isang linggong iyon ay hindi pa nagpakita sa kanya si Davin. Pagkatapos niyang lumabas sa ospital ay dumiretso sila sa bahay ni Davin. Ito raw ang nag-utos na doon sila tumuloy ni Debbie ngunit ni anino nito ay hindi niya pa nakikita.Sa unang araw niya sa bahay nito ay naging bisita niya sina Dulce at Emma.Katatapos lang nilang mag-agahan ng oras na iyon, nakaupo siya teresa ng silid niya habang si Debbie ay nasa silid naman nito.Hindi pa rin gumaling ang mga pasang tinamo niya mula sa nangyari sa kanya. Napagpasyahan niya ang tumayo at maligo na lang muna para mapreskuhan naman ang pakiramdam niya.PAGLABAS niya ng kanyang silid pagkatapos niyang maligo at dumiretso siya sa baba ng may madatnan siyang hindi inaasahang tao sa sala.Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at agad-agad na lumapit sa kanya. Nahawakan siya nito sa kanyang balikat at awtomatikong kumilos ang mga kamay niya, agad niyang pinalis ang kamay ni

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 31

    XXXIPUTING kisame ang namulatan ni Davin. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng matingding kirot, naramdaman niya na may benda ang kanyang ulo. Unti-unti siyang bumangon at ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya. Napahawak ulit siya sa may benda niyang ulo at napamura ng ilang beses.Damn!Ilang saglit pa ay napalingon siya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa sina Baxter at Scott."O gising ka na pala," nakangiting sambit ni Scott habang papalapit ito.Hindi niya ito sinagot at tiningnan lang ang mga ito.Iiling-iling itong umupo sa paanan ng kanyang kama habang si Baxter ay nakamasid lang sa kanya."Akalain mo yun pare akala ko talaga mamamatay kana," humagalpak ito ng tawa. "Totoo nga talaga na ang masamang damo ay mahirap mamatay," nakangising sabi nito habang nagpipigil ng tawa.Hindi lang masakit ang katawan niya ay malamang na nasipa niya na ito, pasalamat ito at nanghihina pa siya dahil sa tinamong bugbog mula sa mga lalaking iyon.Inirapan niy

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 30

    XXXTUMIGIL ang sinusundan niyang sasakyan sa isang lumang building na halos nababalutan na ng mga damo at may mga nakaparadang mga sirang sasakyan.Hindi siya agad lumapit dito dahil baka makahalata ang mga ito na may sumusunod sa kanila. Sa liwanag ng isang ilaw na nagmumula sa poste ay nakita niyang binuhat muli ng lalake si Astrid at ipinasok sa loob ng building.Agad siyang bumaba sa sasakyan at dahan-dahang naglakad at nag-ingat na hindi makagawa ng kahit anong klaseng ingay.Sinundan niya kung saan nagpunta ang dalawang magkasunod na lalaki, nakita niyang pumasok ang mga ito sa loob ng gusali, hindi naman siya nahirapang sundan ang mga ito lalo na't wala namang nagbabantay sa papasukan niya.Kung dadalawa lang ang mga ito ay kayang-kaya niyang patumbahin ang mga ito dahil nag aral naman siya noon ng self-defense at martial arts.Palinga-linga siyang pumasok sa loob ng gusali at nagdadahan-dahan, nakita niyang may ilaw sa dulo ng hallway at nasisiguro niyang doon dumiretso ang m

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 29

    XXIXNAPAPIKIT si Astrid at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mukha. Nasa club siya ng mga oras na iyon dahil para tuluyan ng magpaalam kay Emma at pati na rin kay Dulce. Naramdaman niya naman ang paghagod ng kamay sa likod niya, hindi man niya lingunin ito ay alam niyang si Dulce iyon. Kaninang dumating siya roon ay saktong nagbibihis ito at hindi pa nakakalabas kaya kinausap niya ito, kwinento ang lahat ng nangyari."Wala ka namang kasalanan Astrid, wala ka lang choice," sabi nito at patuloy pa rin sa paghagod sa likuran niya. Naramdaman niya na naman na magtutubig ang kaniyang mga mata, naisip niya si Debbie, si Davin? Paano kapag nalaman nito ang totoo?Napahikbi siya, hindi niya na mapigilang lumabas ang emosyon na pilit niyang pinipigil.Naramdaman niya niyakap na siya ni Dulce, "Tama na Astrid, maiintindihan din ng anak mo ang lahat." Sabi nito.Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Kaninang pag-alis ni Marietta ay pilit niyang kinatok

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 28

    XXVIIINAPAPIKIT si Davin at napatingala, pagod na siya sa maghapong trabaho. Ang dami kaseng papeles na kailangang-kailangan niyang tapusin. Isang mahabang buntung-hininga na lamang ang pinakawalan niya. Ngunit biglang nag-ring ang telepono na nasa kaniyang desk kaya napilitan siyang sagutin ito.Napakunot-noo siya ng masagot ang tawag at napalingon sa orasang nakasabit sa dingding ng opisina niya. Mag-aalas sais na ng oras na iyon at halos magdidilim na rin dahil nakikita mula sa kaniyang opisina ang paglubog ng araw."Davin," Napa sandal siya sa kaniyang swivel chair ng marinig ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya. Napahilot siya sa kaniyang sentido bago nagsalita."What?" Walang-gana niyang tanong dito, marahil ay kukulitin na naman siya nito tungkol sa pagpapakasal kay Miya."Did you see it?" Tanong nito na ikinakunot ng kaniyang noo."See what?" He asked perplexedly, dahil hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito.Ilang sandaling hindi ito umimik bago muling nagsalita

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 27

    XXVIIYUN ang unang gabi nila Astrid sa pad ni Davin at hindi niya alam kung makakapasok siya ngayong gabi sa club dahil baka mahuli siya nitong lumabas ng gabi. Okay lang sana kung dadalawa lang sila ni Debbie pero ibang usapan na ito ngayon kaya agad niyang tinawagan si Emma."Mahabang kwento Emma, ipapaliwanag ko ang lahat kapag nagkita tayo." Sabi niya rito sa telepono. Nagpaalam siya na hindi muna siya makakapasok ng ilang gabi. Napabuntung-hininga na lamang siya pagkatapos na patayin ang telepono at napatitig sa kisame. Hanggang kailan niya kailangang magtrabaho sa club? Hanggang kailan niya maitatago kay Davin na siya at si Faye ay iisa?Napalingon na lamang siya sa kaniyang anak at pagkatapos ay niyakap ito. Payapa na itong natutulog dahil gabi na. Hinalikan niya muna ang noo nito bago rin siya pumikit upang matulog na.ISANG mahinang katok ang narinig ni Astrid habang nagluluto siya ng tanghalian nila ni Debbie. Pangalawang araw na nila ngayon sa pad ni Davin, lagi naman i

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 26

    XXVIKITANG-KITA ni Astrid kung paano nagulat ang donya pagkakita sa kaniya. Halos lumuwa ang mata nito at bahagyang umawang ang mga labi at pagkaraan ng ilang sandali ay napalitan ang ekspresyon nito ng pagkamuhi at tila nakakita ng isang basura sa harap niya dahil sa ekspresyon nito ay halatang diring-diri.Nilagpasan siya nito at mabilis na pumasok sa loob at nagtungo sa sala. Agad itong pumunta sa harap ni Davin at hinarangan ang telebisyon. Nameywang ito at itinuro siya."Anong ginagawa ng babaeng yan dito Davin?!" galit na sigaw nito. "At yan," turo nito kay Debbie, "Sino ang batang yan?" Agad siyang lumapit sa anak at niyakap ito samantalang si Davin naman ay tumayo upang pakalmahin ang kaniyang ina."Siya si Debbie, Ma. Anak ko." Malumanay na sagot nito.Halos tumirik ang mata nito sa galit at tinapunan silang mag-ina ng nakamamatay na tingin. Nagpumiglas ito sa hawak ni Davin at naglakad sa harap nila. Sinapo nito ang sentido at marahang hinilot. Tyaka ito humarap sa kanila.

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 25

    XXV"HINDI mo siya pwedeng ilayo sakin! Hindi mo siya pwedeng kuhanin saakin!" Sigaw ni Astrid at maluha-luhang tiningnan si Davin. Iyon pala ang pakay nito kaya nagpunta ito ng maaga sa bahay nila, ang kunin si Debbie mula sa kaniya. Ang ilayo si Debbie sa piling niya. "Ako ang ina niya." Nang oras na iyon ay hindi na napigil ni Astrid ang kaniyang luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Ako rin ang nagpalaki sa kaniya, simula sanggol----""Stop it, Astrid!" Galit na napatayo si Davin sa kinauupuan nito at biglang nagtagis ang mga bagang dahil sa galit. "Kung sana noon pa sinabi mo na may anak ako, na may anak tayo sana hindi tayo umabot sa ganito." Malumanay pero may diin ang bawat salitang binibitawan nito.Wala siyang naisagot sa sinabi nito, hindi niya nagawang sumagot dahil alam niya sa sarili niya na kapag ini-explain na naman niya ang side niya ay magmumukha na naman siyang masama, na nagtatagpi at gumagawa na naman siya ng kwento para paniwalain ito.Ang tanging nagawa niy

  • BACHELOR SERIES 1: STRIPPER   Chapter 24

    XXIVMAAGANG gumising si Astrid nung araw na iyon. Hindi siya pumasok sa club kagabi sa takot na baka itakas ni Davin si Debbie at hindi niya na ito makita pa kaya nagpasya na lamang siyang huwag munang pumasok. Nagpaalam naman siya kay Emma at mabuti na lamang at pumayag itong umabsent siya.Maaga siyang naghanda ng almusal nilang mag-ina.Nang bumangon si Debbie at pumunta sa kusina ay saktong nakaluto na siya kaya hinanda niya na ang lamesa para makakain na sila."Halika na anak, habang mainit pa itong sinangag na niluto ko." Nakangiting yakag niya rito at ipinaghila ito ng upuan. Agad naman itong umupo pero hindi ito gumalaw bagkus ay nangalumbaba ito at tinitigan siya."Kilala mo naman pala ang Papa ko 'Ma, bakit hindi mo siya hinanap?" Tanong nito. Bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at walang maapuhap na salita na isasagot sa anak niya.Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Alam mo ang buong pangalan niya 'Ma, pero hindi mo siya hinanap. Ang tagal kong pinangarap

DMCA.com Protection Status