Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga
Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy
Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Belle “Love, papasok na ako,” paalam ni Scott kinabukasan. Papasok daw e, mahigpit pa rin nakayakap sa baywang ko. Tinulak ko hindi ako pinakawalan sa halip siniil ako ng halik sa labi ko. Ito rin ang unang tumapos nagkasya na lang na yakap ako at nakatitig siya sa ‘kin. Inirapan ko nakangisi lang talaga kahit masungit ako. “Alis na!” taboy ko sa kaniya kakamot na lang si Scott Miguel sa kilay niya napabumuntong hininga ito. Kasi naiinis ako sa hitsura ni Scott. “Palaging mainit ang ulo mo sa akin, love,” sabi pa niya matiim akong pinagmamasdan parang ang lalim ng iniisip. “Kasi papasok ka pa kaya tinataboy kita. Tanghali ka na gumising. Kanina pa si kuya nakaalis ikaw narito pa,” “May nabuo na ba tayo, mmm? Kaya palaging mainit ang ulo mo sa akin?” nakangisi niyang tanong. Naningkit ang mata ko kaya tumawa ito hinalikan ako sa noo ko. “Aalis na ako. I love you, love,” bulong niya pagkatapos humalik din sa pisngi ko. “I love you too, attorney,” sagot ko kumislap ang mata ni
Belle “Analisa buntis ka!?” Labis ang aking pagtataka sa nakalarawan galit sa mukha ng kuya Daniel ko. Kung bakit naman ganoon ang react ni kuya sa kaibigan ko parang gustong tirisin kung sino man ang kaaway nito. Si Analisa naman sandaling nakitaan ko na kinakabahan ngunit mabilis lang din ito nakabawi. May lihim na bang unawaan ang kuya Daniel ko at ang bestfriend ko? Hmm, kaya ganun na lang ba ang reaksyon ni kuya pagkakita sa PT? “Kuya hindi ka nagsabi na pupunta ka?” tinaasan ko siya ng kilay. “Tsk! I texted you. Ikaw lang little sis ang hindi nagbabasa ng message,” tinatamad n'yang sagot sa akin. “Ahehe…oo nga naroon pala sa silid ang phone ko hindi pa ako sumilip simula kanina paggising ko.” “Alas diyes na ah! Ngayon ka lang ba nagising?” Ngumiti ako't tumango. Ngunit ng tumayo si Analisa hayun ulit si kuya Daniel badtrip na naman sa PT na hawak ng kaibigan ko. Bakit hindi kasi bitiwan aba'y hawak pa rin talaga walang balak magpaliwanag sa galit kong kuya Dani
Belle Calling... Sandaling nawala ang atensyon ko kay kuya Daniel ng may tumatawag kay Analisa. Tumingin si Analisa sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ba iyan bakit titingin ka pa sa 'kin bago mo 'yan sagutin?" "Si Scott Miguel ang tumatawag." "Ah, edi sagutin mo at itanong anong kailangan niya," Nakikinig ako kay Analisa kung anong pag-uusapan nila ni Scott. Pagkatapos lang nito mag-hello aba'y binigay agad sa 'kin. "Kausapin mo ayaw mo raw sagutin sa phone mo kaya sa 'kin tumawag." "Akina na nga!" at binigay nga agad ni Analisa. "Hello, love. Isang oras na ako tumatawag at text sa 'yo. Seriously? Kahit sagutin ang tawag ko kinatamaran mo?" "Nasa k'warto. Hindi pa ako pumasok kasi narito si Analisa at si kuya Daniel." "May gagawin ka mamaya?" tanong pa ni Scott. Wala akong gagawin pero saan niya ako dadalhin. "Bakit mo naitanong?" "Susunduin kita dinner tayo sa bahay. Hinanap ka ni daddy," "Ahmm," "Please? Akong bahala hindi ka makaririnig ng m
Belle Nang makaalis si Tiya Lena. Parang pulis si kuya Daniel kung interview -in ako. Hinihimok pa akong umalis na raw kami rito sa apartment. Total lilipat din naman kami sa bahay. Bakit hindi na lang daw ngayon. Baka raw bumalik si tiya Lena anong gawin sa ‘kin. “Sus kuya Daniel. Wala iyon hayaan mo siya hanggang gan'yan lang iyang si tiya Lena. Pero hindi naman ginagawa.” “Napakatigas talaga ng ulo mo.” “Ay si kuya may ulo ba na malambot?” aba pareho silang nasamid ni Analisa ano kaya iyon. Ang berde ng utak nitong dalawa hindi ko na lang tinanong. “Anong oras ka uuwi Kuya?” tanong ko ng tumabi ito ng upo kay Analisa. “Kararating ko lang gusto mo ng umuwi ako?” may inis ang boses nito. Bumungisngis ako. “Hindi ah. Sige sa kuwarto muna ako mag-usap muna kayo r’yan ni bff ko.” “Woi besh uuwi na ako,” hinabol ako ni Analisa. Tumigil ako at nginisihan siya. “Malapit ko ng isipin na kayong dalawa ng kuya ko, ay may lihim na unawaan. Anong totoo besh? May LQ ba?" “Wala
Belle “Scott wala akong ginawa,” saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa ‘kin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. “Anong nangyari bakit kayo nag-aaway?” si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa ‘min dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. “T-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si
Belle Nang matapos kaming maghapunan. Hindi nga kami umuwi ni Scott dahil sa kanila kami matutulog. Pumayag naman ako at nag-text na lamang ako kay Jaya at kuya Daniel na hindi ako uuwi kung pupunta siya sa apartment. Si Abril ewan ko sa babaeng ito kung bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon e, alas-siyete na ng gabi naririto pa rin si Abril. Dito rin siguro matutulog ang dalaga kaya hindi lang kumilos para umuwi siya. Nasa office kasi ni tito Edward si Scott naiwan ako kina tita Mabel at asungot na si Abril, dahil ayaw kong sumama. Isinasama naman ako ni Scott hindi lang ako pumayag baka importante ang pag-uusapan nila ni Tito Edward kaya nagpaiwan ako. Ayaw pa nga akong iwanan kanina ni Scott. Matagal ko pang naitaboy kung hindi pa pinagalitan ng mommy niya at sinabihan ni tita Mabel, wala raw ba tiwala si Scott hindi naman daw nila ako gagalawin bakit ayaw akong iwanan sa kaniya. Lumipas ang thirty minutes. Hindi pa bumalik si Scott. Naiihi na ako gusto kong mag-CR
Belle Kahit paano mayroon nakipaglibing sa tiya Lena. Naihatid namin siya ng maayos sa huli niyang hantungan kahit na mabilisan lang at hindi ko na pinag-antay ng one week. Dalawang linggo na rin ang nakalipas. Balik sa dati, bahay at sa bakery lang ang daily routine ko. Sinundo ako ni Scott sa bakery dahil isasama niya ako sa kanila mayroon daw sakit ang daddy nito dadalaw si Scott. “Jaya, maaga kayong magsarado ha? At umuwi agad sa apartment ‘wag ng gumala kung saan-saan.” “Ay ang ate Love? Ganiyan naman kami parati hindi kami mahilig maglakwatsa,” laban niya. “Naniniguro lang,” tugon ko. Napangiti ako kasi napanguso ito. Biro ko lang iyon sa kanila ni Bebeng. Para din alam nila na bawal sila gumala lalo silang dalawa lang ni Bebeng sa apartment. Pero ang totoo naman may tiwala ako sa dalawa kong kapatid alam na nila ang gagawin sanay sila dati na silang dalawa lang sa bahay noong ako'y may trabaho pa. “Ate alas k'watro ba kami magsasarado?” si Bebeng ang nagtanong.
Belle “Sorry? Pinaghinalaan ko pa naman childhood sweetheart mo iyon,” pabiro kong sabi sa kaniya. Itinuloy ko ang pagkain. Mauubos ko pa yaya ang dala ni Scott na burger. Masaya lang akong pinagmamasdan ni Scott habang busy ang bibig ko sa kangunguya. Ubos na rin ang kinakain niya malaki kasi sumubo si Scott. “Tss nangalkal ka lang sa wallet ng may wallet. Hindi mo pa tinitigan ng maayos. Kamukha ko naman ah selos ka lang kasi at mas focus ka roon sa pagkuha mo ng pamasahe,” pang-aasar ni Scott, na kina bungisngis ko. Natawa na rin siya sa ‘kin. “Akala ko nga ipakukulong mo ako pagkakita natin ulit dahil pinakialaman ko ang wallet mo. Natakot kaya ako noon kunwari lang akong nagpakita ng tapang pero kapag sinampahan mo ako ng kaso baka hindi ko alam ang gagawin ko. Dami ko pa naman problema noon sa tiya Lena." “Kinulong naman kita," aniya na kinataas ng kilay ko. "Hindi nakuha ang jokes ko. Kinulong kita sa mga bisig ko nga lang,” anang Scott kinilig ako roon sa kaniyang
Belle Dumating si Scott saktong pauwi na rin ang pumuntang kapitbahay. Nakasimangot ako kay Scott pero ito chill lang kaya ako nauurat lalo sa kaniya. “Scott anong ginagawa mo bakit naka tunnganga ka r’yan maupo ka nga!” sinita ko na siya parang temang pinanonood ako. Wala naman akong ginagawa. Nakaupo habang ang atensyon ko nasa tiya Lena. Distracted sa papansin na bagong dating na si Scott. Ano naman kaya ang pautot nito’t may pamasid-masid siya sa ‘kin. “Scott Miguel!” Mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro nasa funeral homes kami. Malakas na halakhak ang maririnig ko galing dito. Seriously? Inaasar ba ako nito aliw na aliw huh? Sa pagkairita ko sa kaniya. “Love, ‘tong pinabibili mo ayaw mo bang kainin? Mainit pa kainin mo muna,” wika pa at doon lang talaga kumilos si Scott hindi pa nga lang umupo lumapit lang sa tabi ko. “Pinabili ko lang ‘yan para ikaw ang kumain,” “Really? Akala ko gusto mo ito?” gulat pa ni Scott kumunot pa ang noo. “Bakit abala ba ako sa'
BelleNang pagdating ko sa funeral homes. Labis ang aking tuwa dahil may naabutan akong kapitbahay namin na nakikiramay. Dalawa lang sila pero malaking bagay na rin para sa tiya Lena. Kahit na marami itong kaalitan sa ‘ming lugar. Kahit paano may nakaalala ngayon sa tiya Lena.Pinagpasalamat ko sa kanila ng lubos sa pag-aabalang pumunta rito. Nagulat pa sila ng ipakilala ko si kuya Daniel, bilang kapatid ko tipid na ngiti na lang din ang isinukli ko sa kanila.“Nahihiya lang kami magtanong Belle rito sa guwapo mong kuya. Sabi ni Pacing may hawig sa iyo. Sabi ko nga baka malayo n'yong kamag-anak,” ani nila na hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala sa bagong nalaman.“Opo kamukha ko kasi kapatid ko po talaga siya, aling Pacing. Mahaba pong istorya eh. Iyon na lang po hehe,” anang ko. Mabuti at nauunawaan din nila ako hindi na nila ako inusisa pa hanggang magpaalam silang uuwi na.“Kuya ikaw naman ang magpahinga rin,” saad ko rito ng kami na lang dalawa ang naiwan.“Wala kang k
Belle “Masaya pero umiiyak?” tukso ko kay Scott ng mabasag ang boses niya. Ngumiti na lamang siya pagkatapos niyakap ako sa likuran ko pinatong ang baba sa balikat ko. Sumandal ako naman ako sa dibdib niya ng ipatong ni Scott Miguel ang magkabila n'yang palad sa hindi ko pa halatang tiyan. “Gusto kong magtampo dahil ako na lang ang hindi nakakaalam pero dahil sobrang saya ko ngayon. Lahat ng tampo ko burado na. Dahil dito sa baby natin.” “Sorry na. Sasabihin ko na naman sana sa ’yo noong pauwi tayo galing sa inyo. Na busy naman tayo sa sunod-sunod na emergency nangyari,” “Woah! Tiyak matutuwa sina daddy sa ibabalita kong 'to na magkakaapo na sila. Wala ka bang gustong kainin, love? Bibilhin ko kahit ngayon ay hating-gabi na. Magsabi ka lang lalabas ako para bilhin ko? Diba ganoon maglihi ang mga preggy. Wala ka ba noon?” Umiling ako ang saya ko dahil walang kasing saya ni Scott ngayon. Tumingala ako sa kaniya hinalikan niya agad ako sa noo ko. Yumuko pa si Scott ng abutin
Belle Nang buksan ni Scott ang pinto ng apartment namin. Gising pa ang dalawa kong kapatid at bestfriend kong si Analisa. Naawa ako kay Jaya ng mapunta ang atensyon ko rito. Namumugto ang mata maging si Bebeng ngunit malala ang kay Jaya. Dahil hanggang ngayon panay pa rin punas sa mata nito senyales na umiiyak pa rin si Jaya hanggang ngayon. “Ate Belle,” sabay nila tawag sa 'kin nasa boses nila pareho marami silang isusumbong sa ‘kin. Tumayo ang dalawa sinalubong na kami at agad akong niyakap nila ni Jaya at Bebeng. Nakangiti akong ginulo pareho ng buhok nila. Hinaplos ang likuran nila upang patahanin. Apektado nga naman sila dahil bahay namin ang nawala. Doon kasi nabuo ang aming mga munting pangarap ng buhay pa ang Tatay namin. Nakaalalay ang palad ni Scott sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya dahil napako na kami tatlo nila Jaya sa pintuan. Dahil yakap pa ako ng dalawa kong kapatid ayaw pang kumilos. “Pasok ka na,” nakangiti ako nginuso si Analisa, upang doon siya pa
Belle “Kuya, basta tawagan mo agad ako kapag may problema rito, ha?” bilin ko pa sa kaniya bago kami tuluyang umalis ni Scott. “Noted bunso. Bukas ka na bumalik dito ha? Ako na muna ang bahala rito. Magpahinga ng maayos at kahit tanghali ka na pala bumalik dito, ayos lang. Alam naman ng mga tao sa minimart ang gagawin kahit hindi ako pumunta ng maaga," pagtataboy niya sa ‘kin. Nagtapikan sila ng balikat ni Scott walang katapusan ibinilin ako ni Kuya sa kaniya. Nang makarating kami sa sasakyan. Doon lang ako nakaramdam ng pagod. Inaantok agad ako kalalapat lang sa upuan. Naulinigan ko pa pinagtatawanan ako ni Scott dahil pipikit-pikit na ang talukap ko hindi ko mapigilan ang antok ko. Naulinigan ko pa ang tawang-tawa si Scott inaasar niya ako. “Kanina lang nakipagtalo ka pa sa kuya mo. Hindi raw siya pagod pero bagsak din pala,” pinaringgan ako ni Scott na kinangiti ko na lamang bago akong tuluyang hilahin ng sobra kong antok. “Love, narito na tayo sa tapat ng apartment n'y