Hello, po. Isang chapter lang po talaga ang kaya ko ilapag na update po rito mga, labs. Pasensya na po talaga. Maraming salamat po sa nag-aabang ng update.
Belle “Good morning,” namamalat ang boses ko paggising ng umaga. Nakaupo si Scott sa gilid ko saan kaya ito galing hindi ko lang namalayan wala ito sa tabi paggising ko. “Dumating kasi ang pagkain natin pinadeliver ko galing ako sa living room,” sagot nito tila nabasa yata niya ang aking iniisip. Lumingon ako sa wall clock. Alas-otso na pala ng umaga pero naririto pa si Scott Miguel sa condo unit niya. Wala ba itong balak magtrabaho? “Hey, bakit hindi ka pa nakabihis? Kahit hindi mo na ako ihatid pauwi. Mag-ta-taxi na lang ako. Umaga naman walang magtatangka kumanti sa akin,” saad ko pa sa kaniya. “Good morning, love,” sagot lang nito't pagkatapos yumuko binigyan ako ng mabilis na halik sa labi ko. Hindi lang nandiri ni mumog ay wala pa ako. Kaya pasimple ko tuloy kinapa ang gilid ng labi ko baka mayroon pang naiwan na laway galing sa pagtulog ko. “The smell is still fresh, lasang matamis na lips,” saad ni Scott. Talagang alam niya ang inaalala ko kahit hindi ko naman sinambit.
Belle “Salamat sa paghatid. Dito na lang ‘wag ka ng bumaba para hindi ka gaano'n ma late sa office,” “Itinataboy mo agad ako?” “Hindi ah. Kasi tanghali na,” “Kapag nakarating ka sa bakery tsaka ako aalis,” laban ni Scott. Bubuksan ko na sana ang pinto sa tagiliran ko. Pinigilan ako nito nagtataka ako nilingon siya. Aysus naman kiss pala hinihingi sa “kin parang hindi lang nagsawa aba. Humarap ako dapat sa pisngi ko lang siya hahalikan kaya lang pilyo talaga nitong ni Scott Miguel. Hindi pumayag sa pisngi. Dahil saktong lalapat ang labi ko sa pisngi niya humarap ito sa 'kin timing sa labi ko dumikit ang labi niya. Nilaliman nito ang halik. Pinagbigyan ko yumakap ako sa batok niya mabuti na man naisip din putilin kahit napilitan si Scott. “Pwede na akong bumaba diba?” natatawa na lang ako nakikita sa mata niya, nabitin pa sa halik na aming pinagsaluhan. Kaya lang no choice siya. “Ingat ka kapag nasa office kana tawagan mo ako,” “Ano pa nga ang magagawa ko kahit gusto k
Belle Dalawang linggo na rin ang nakalipas na simula ng hindi na ako pumapasok sa Elite club, at sa loob ng dalawang linggo. Maayos naman ang takbo ng bakery ko. Nagustuhan ko na ang daily routine ko. Bahay pagkatapos ay sa bakery umiikot ang buong maghapon ko. Isa rin sa pinakagusto ko ako ang gumigising sa umaga para sa pagluluto ng baon at almusal ng dalawa kong kapatid. Matagal ko itong hindi nagawa simula ng kami'y naulila ni Tatay. Si Nanay ewan kung may balak pa kami kumustahin. Pero okay na rin naman kasi hindi na kami umaasa maalaala niya kami. Parang ulilang lubos na kami kasi wala na talaga hindi na siya nakaalala bumalik sa ‘min. Ayaw ko pang bumangon kaya lang may tumatawag sa phone ko. Pumasok na ang dalawa kong kapatid pero ako tamad pang bumangon kasi maaga akong nagising kanina dito kasi natulog si Scott kagabi. Napilitan akong sagutin. Siya pala ang tumatawag. Kagagaling lang dito kagabi tatawag agad ngayon. Naiiling nalang ako at napangiti. Kasi matiyaga
Belle Nang makarating ako ng bakery ko. Naabutan ko ang bestfriend kong busy sa chismisan sa dalawa kong tindera. Kilala na si Analisa ng dalawa kong tindera. Kapag nagkataon na wala ako pinapapasok na siya sa loob dahil kilala na si Analisa. “Aba may naligaw na bisita ah. Anong atin besh? Hindi ka yata natulog parang walang pasok mamayang gabi,” “Kinausap ka na ni Mamasang?” tugon sa ‘kin. Kaya pala pumarito ito siguro iyon din ang ibabalita akala’y wala pa akong alam. “Oo galing na ako roon sobrang saya ko beshsyup. Dahil lumabas na din ang totoo,” sabi ko pa na may kasamang giggle. “Iyon nga sana ang ibabalita ko. Mabuti nga kay Bea! Hindi na talaga tinanggap ni Mamasang. Balita ko roon sa kapitbahay niya, na kasamahan nating waitress. Nagtitiyaga raw ngayon magtrabaho sa videoke bar na malapit sa bahay nila. Bagay lang sa kaniya pala away masyadong bully akala kung sinong umasta.” Mahihirapan kasi humanap si Bea at Gerlie ng trabaho sa panahon ngayon mahirap ang buhay.
Belle “Delivery po kaya ma'am Lovebelle Lozano?” Napunta ang atensyon namin sa bagong dating na delivery boy. Tapos na rin kaming kumain. Nagpapahinga lang si Analisa uuwi na rin ito mamaya. Sumama pa talaga si Analisa ng lapitan ko ang delivery boy. Nag-ring ang phone ko. Alam ko na si Scott ito kasi sabi niya, rito niya pinadeliver itong hawak ni kuya na malaking box. “Scott Miguel. Narito na,” anang ko kahit wala pa itong naitatanong sa ‘kin. “Love, X-press courier service ba ang dumating?” aniya. “Yeah kararating lang. Ito na ba iyon?” “Iyan na, Love,” sagot nito tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Walang sinabi si Scott kung pupunta ba siya ng apartment mamaya. Ayaw ko rin naman magtanong hiya ko lang dito baka busy lang din si Scott. Ganito naman ‘to biglang susulpot kahit walang sinasabi pupunta siya. “Wait lang Scott! Tatawagan kita mamaya receive ko lang at check ko ang nasa loob ng box.” “Copy ma'am Lazano. I will wait for your call later,” tugon ni Scott. “
Belle “Sir Daniel, woi bakit natulala ka na r’yan?” tanong ko ng pag-upo ko sa harapan niya tulala ito nakatitig siya sa mukha ko. “Luh! Sir Daniel? Nakakatakot naman iyon ang creepy mo ha?” anang ko pinitik ko ang daliri ko sa harapan ng mukha niya kaya ayun sa wakas na tauhan si sir Daniel. “I'm sorry,” doon lang ito nagising kumurap nakangiti na ngayon. Nasa loob kami ng food court ni sir Daniel. Dito namin naisip na magkita. May order na si sir Daniel na pagkain ngunit hindi pa nagagalaw dahil sa paninitig niya sa akin. “Ano nga pala ang kailangan mo bakit ka Nakipagkita sa akin? At ang inaakto mo sir Daniel, iyong totoo okay ka ba?” dinaanan ko sa biro. “Belle,” anang nito hinawakan ang kamay ko kaya namilog ang mata ko mabilis ko iyon binawi. “Bakit ganito sir Daniel? Magkaibigan tayo ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa gusto mo,” “What do you mean, Belle?” sabi nito siya pa ang naguguluhan. Aba anong nangyari dito umuwi lang ng Mindoro parang sinap
Flashback “Daniel, paki bantayan mo ang kapatid mo. May lakad kami ng daddy mo,” bilin ni mommy sa ‘kin isang umaga kagigising ko lang iyan agad ang bumungad sa ‘kin. Alas nueve ng umaga pagtingin ko sa pambisig kong relo. Malamig kasi ang panahon kaya masarap matulog tinanghali ako ng gising lalo na sabado walang pasok. “May lakad po ako ngayon ng mga classmate ko, mommy. May tatapusin po kaming research,” tugon ko sa mommy ko. Huling taon ko na sa college. Akala nga ng parents ko. Hindi na ako susundan pa. Dahil fourteen years old na ako bago pa mabuntis si mommy sa bunso kong kapatid na babae. Hindi kami sobrang yaman may isang mini mart kami. Pareho si mommy at daddy magkatuwang nag-ma-manage sa mini mart at napalago nila iyon. Iisa lang ang kasama namin sa bahay si mommy kasi ay hands-on sa ‘min. Isinasama lang sa mini mart ang kapatid ko tuwing araw kaya wala itong yaya. Ngayon iyong tinutukoy ni mommy na pupuntahan nila ni dad na bagong property. Sa Tagaytay raw i
Belle Mariin akong napapikit. Wala akong maalala sa sinasabi ni Sir Daniel. May pakay ba ito sa ‘kin anong motibo? Hindi naman kami mayaman walang ari-arian na p'wedeng dahilan. Kahit talaga pukpukin ko pa ang ulo ko. Wala talaga akong naalala sa nakaraan. Wait nagka amnesia ba ako? Umiling agad ako kasi wala akong makapa sa aking sarili na nagka amnesia ako. Sobrang tagal na. Kung may amnesia ako dapat maalala ko na iyon. Mag twenty two na ako ngayon iyon kasi ang alam ko. “Hindi kita pipilitin sa ngayon little sis. Alam ko naman mahirap paniwalaan sa ngayon. Pero kung duda ka. Maari tayong magsagawa ng DNA test, para maniwala ka ako ang kuya mo na pabaya,” malungkot na saad ni sir Daniel kaya ako'y napangiti. Magaan naman talaga ang loob ko sa kaniya una pa lang. Sabi ko mabait ito pero ayaw ko muna ngayon maniwala mahirap na baka magkamali ang imbestigador ni sir Daniel. Hindi pala ako ang kapatid niya. “Sige sir Daniel. Payag ako na magpa DNA test.” “Talaga?” “Oo pa
Belle “Scott wala akong ginawa,” saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa ‘kin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. “Anong nangyari bakit kayo nag-aaway?” si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa ‘min dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. “T-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si
Belle Nang matapos kaming maghapunan. Hindi nga kami umuwi ni Scott dahil sa kanila kami matutulog. Pumayag naman ako at nag-text na lamang ako kay Jaya at kuya Daniel na hindi ako uuwi kung pupunta siya sa apartment. Si Abril ewan ko sa babaeng ito kung bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon e, alas-siyete na ng gabi naririto pa rin si Abril. Dito rin siguro matutulog ang dalaga kaya hindi lang kumilos para umuwi siya. Nasa office kasi ni tito Edward si Scott naiwan ako kina tita Mabel at asungot na si Abril, dahil ayaw kong sumama. Isinasama naman ako ni Scott hindi lang ako pumayag baka importante ang pag-uusapan nila ni Tito Edward kaya nagpaiwan ako. Ayaw pa nga akong iwanan kanina ni Scott. Matagal ko pang naitaboy kung hindi pa pinagalitan ng mommy niya at sinabihan ni tita Mabel, wala raw ba tiwala si Scott hindi naman daw nila ako gagalawin bakit ayaw akong iwanan sa kaniya. Lumipas ang thirty minutes. Hindi pa bumalik si Scott. Naiihi na ako gusto kong mag-CR
Belle Kahit paano mayroon nakipaglibing sa tiya Lena. Naihatid namin siya ng maayos sa huli niyang hantungan kahit na mabilisan lang at hindi ko na pinag-antay ng one week. Dalawang linggo na rin ang nakalipas. Balik sa dati, bahay at sa bakery lang ang daily routine ko. Sinundo ako ni Scott sa bakery dahil isasama niya ako sa kanila mayroon daw sakit ang daddy nito dadalaw si Scott. “Jaya, maaga kayong magsarado ha? At umuwi agad sa apartment ‘wag ng gumala kung saan-saan.” “Ay ang ate Love? Ganiyan naman kami parati hindi kami mahilig maglakwatsa,” laban niya. “Naniniguro lang,” tugon ko. Napangiti ako kasi napanguso ito. Biro ko lang iyon sa kanila ni Bebeng. Para din alam nila na bawal sila gumala lalo silang dalawa lang ni Bebeng sa apartment. Pero ang totoo naman may tiwala ako sa dalawa kong kapatid alam na nila ang gagawin sanay sila dati na silang dalawa lang sa bahay noong ako'y may trabaho pa. “Ate alas k'watro ba kami magsasarado?” si Bebeng ang nagtanong.
Belle “Sorry? Pinaghinalaan ko pa naman childhood sweetheart mo iyon,” pabiro kong sabi sa kaniya. Itinuloy ko ang pagkain. Mauubos ko pa yaya ang dala ni Scott na burger. Masaya lang akong pinagmamasdan ni Scott habang busy ang bibig ko sa kangunguya. Ubos na rin ang kinakain niya malaki kasi sumubo si Scott. “Tss nangalkal ka lang sa wallet ng may wallet. Hindi mo pa tinitigan ng maayos. Kamukha ko naman ah selos ka lang kasi at mas focus ka roon sa pagkuha mo ng pamasahe,” pang-aasar ni Scott, na kina bungisngis ko. Natawa na rin siya sa ‘kin. “Akala ko nga ipakukulong mo ako pagkakita natin ulit dahil pinakialaman ko ang wallet mo. Natakot kaya ako noon kunwari lang akong nagpakita ng tapang pero kapag sinampahan mo ako ng kaso baka hindi ko alam ang gagawin ko. Dami ko pa naman problema noon sa tiya Lena." “Kinulong naman kita," aniya na kinataas ng kilay ko. "Hindi nakuha ang jokes ko. Kinulong kita sa mga bisig ko nga lang,” anang Scott kinilig ako roon sa kaniyang
Belle Dumating si Scott saktong pauwi na rin ang pumuntang kapitbahay. Nakasimangot ako kay Scott pero ito chill lang kaya ako nauurat lalo sa kaniya. “Scott anong ginagawa mo bakit naka tunnganga ka r’yan maupo ka nga!” sinita ko na siya parang temang pinanonood ako. Wala naman akong ginagawa. Nakaupo habang ang atensyon ko nasa tiya Lena. Distracted sa papansin na bagong dating na si Scott. Ano naman kaya ang pautot nito’t may pamasid-masid siya sa ‘kin. “Scott Miguel!” Mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro nasa funeral homes kami. Malakas na halakhak ang maririnig ko galing dito. Seriously? Inaasar ba ako nito aliw na aliw huh? Sa pagkairita ko sa kaniya. “Love, ‘tong pinabibili mo ayaw mo bang kainin? Mainit pa kainin mo muna,” wika pa at doon lang talaga kumilos si Scott hindi pa nga lang umupo lumapit lang sa tabi ko. “Pinabili ko lang ‘yan para ikaw ang kumain,” “Really? Akala ko gusto mo ito?” gulat pa ni Scott kumunot pa ang noo. “Bakit abala ba ako sa'
BelleNang pagdating ko sa funeral homes. Labis ang aking tuwa dahil may naabutan akong kapitbahay namin na nakikiramay. Dalawa lang sila pero malaking bagay na rin para sa tiya Lena. Kahit na marami itong kaalitan sa ‘ming lugar. Kahit paano may nakaalala ngayon sa tiya Lena.Pinagpasalamat ko sa kanila ng lubos sa pag-aabalang pumunta rito. Nagulat pa sila ng ipakilala ko si kuya Daniel, bilang kapatid ko tipid na ngiti na lang din ang isinukli ko sa kanila.“Nahihiya lang kami magtanong Belle rito sa guwapo mong kuya. Sabi ni Pacing may hawig sa iyo. Sabi ko nga baka malayo n'yong kamag-anak,” ani nila na hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala sa bagong nalaman.“Opo kamukha ko kasi kapatid ko po talaga siya, aling Pacing. Mahaba pong istorya eh. Iyon na lang po hehe,” anang ko. Mabuti at nauunawaan din nila ako hindi na nila ako inusisa pa hanggang magpaalam silang uuwi na.“Kuya ikaw naman ang magpahinga rin,” saad ko rito ng kami na lang dalawa ang naiwan.“Wala kang k
Belle “Masaya pero umiiyak?” tukso ko kay Scott ng mabasag ang boses niya. Ngumiti na lamang siya pagkatapos niyakap ako sa likuran ko pinatong ang baba sa balikat ko. Sumandal ako naman ako sa dibdib niya ng ipatong ni Scott Miguel ang magkabila n'yang palad sa hindi ko pa halatang tiyan. “Gusto kong magtampo dahil ako na lang ang hindi nakakaalam pero dahil sobrang saya ko ngayon. Lahat ng tampo ko burado na. Dahil dito sa baby natin.” “Sorry na. Sasabihin ko na naman sana sa ’yo noong pauwi tayo galing sa inyo. Na busy naman tayo sa sunod-sunod na emergency nangyari,” “Woah! Tiyak matutuwa sina daddy sa ibabalita kong 'to na magkakaapo na sila. Wala ka bang gustong kainin, love? Bibilhin ko kahit ngayon ay hating-gabi na. Magsabi ka lang lalabas ako para bilhin ko? Diba ganoon maglihi ang mga preggy. Wala ka ba noon?” Umiling ako ang saya ko dahil walang kasing saya ni Scott ngayon. Tumingala ako sa kaniya hinalikan niya agad ako sa noo ko. Yumuko pa si Scott ng abutin
Belle Nang buksan ni Scott ang pinto ng apartment namin. Gising pa ang dalawa kong kapatid at bestfriend kong si Analisa. Naawa ako kay Jaya ng mapunta ang atensyon ko rito. Namumugto ang mata maging si Bebeng ngunit malala ang kay Jaya. Dahil hanggang ngayon panay pa rin punas sa mata nito senyales na umiiyak pa rin si Jaya hanggang ngayon. “Ate Belle,” sabay nila tawag sa 'kin nasa boses nila pareho marami silang isusumbong sa ‘kin. Tumayo ang dalawa sinalubong na kami at agad akong niyakap nila ni Jaya at Bebeng. Nakangiti akong ginulo pareho ng buhok nila. Hinaplos ang likuran nila upang patahanin. Apektado nga naman sila dahil bahay namin ang nawala. Doon kasi nabuo ang aming mga munting pangarap ng buhay pa ang Tatay namin. Nakaalalay ang palad ni Scott sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya dahil napako na kami tatlo nila Jaya sa pintuan. Dahil yakap pa ako ng dalawa kong kapatid ayaw pang kumilos. “Pasok ka na,” nakangiti ako nginuso si Analisa, upang doon siya pa
Belle “Kuya, basta tawagan mo agad ako kapag may problema rito, ha?” bilin ko pa sa kaniya bago kami tuluyang umalis ni Scott. “Noted bunso. Bukas ka na bumalik dito ha? Ako na muna ang bahala rito. Magpahinga ng maayos at kahit tanghali ka na pala bumalik dito, ayos lang. Alam naman ng mga tao sa minimart ang gagawin kahit hindi ako pumunta ng maaga," pagtataboy niya sa ‘kin. Nagtapikan sila ng balikat ni Scott walang katapusan ibinilin ako ni Kuya sa kaniya. Nang makarating kami sa sasakyan. Doon lang ako nakaramdam ng pagod. Inaantok agad ako kalalapat lang sa upuan. Naulinigan ko pa pinagtatawanan ako ni Scott dahil pipikit-pikit na ang talukap ko hindi ko mapigilan ang antok ko. Naulinigan ko pa ang tawang-tawa si Scott inaasar niya ako. “Kanina lang nakipagtalo ka pa sa kuya mo. Hindi raw siya pagod pero bagsak din pala,” pinaringgan ako ni Scott na kinangiti ko na lamang bago akong tuluyang hilahin ng sobra kong antok. “Love, narito na tayo sa tapat ng apartment n'y