“Siya ba ang amo mo? Iyong abogado? Magkano ba ang sahod mo sa kanya? Maga-ambagan kami kapag hindi ka nakapasok bukas. Hayaan mo na siya, uminom tayo, ngayon lang may manlilibreng ibang tao sa atin eh,” mayamaya ay sabad ni Chasey sa usapan.
Dahil doon ay agad na nanlaki ang mga mata nila sa inasal ng dalaga pero lalo rin silang nagtawanan dahil sa sinabi ni Chasey. Hindi na rin mapigilan ni Payne na tumawa at mahiya sa asal nito, nakakagulat lang din kasi na madaldal ito. At kahit pa nga ang aktor na katabi ni Chasey ay tawa ng tawa sa mga hirit niya.
“Joke lang ‘yon Sienna, baka umasa ka. Ililibre naman siguro kami nitong kaibigan ni Sacha kahit wala ka. Matulog ka na kasi Sienna para makainom na kami,” mayamaya ay bawi ni Chasey na tinawanan muli nila.
At pakiramdam ni Payne kahit ang mga nasa kabilang table ay tumatawa rin sa makulit nilang kaibigan.
“Hoy Chasey? Napakadaya mo ah! Ipagtanggol mo naman ako! Walang iinom sa pamilya na ‘to hanggat hindi niyo napapapayag ang amo ko,” mayamaya ay patutsada ni Sienna at agad siyang nagmaktol kaya muli silang nagtawanan.
“Wala akong pakialam sa pagpayag niya o hindi, Sienna. Uminom ka riyan, ito ang sampung million,” mayamaya ay seryosong-seryosong sabi ni Chasey na ikinatigil din agad nila.
Everyone became quiet kahit na ang mga nasa kabilang table, at alam ni Payne na hindi nagbibiro ang tono at ang muka ng kaibigan nila. At dahil doon ay kinabahan ng husto si Payne.
“Alam mo ikaw gaga ka talaga, nananakot ka na namang bata ka ha? May gatas ka pa sa labi ang dami-dami mo ng alam. I-send mo na lang kaya sa akin ‘yang sampung milyon na ‘yan? Huwag na riyan kay Sienna mayaman na iyan,” mayamaya ay sabi ni Harper saka sila muling nagtawanan.
“Anong gatas sa labi? Alak sa labi, okay? Gaga ka rin eh!” Hiyaw rin ni Cree kay Harper na lalo nilang ikinatawa.
“Alam niyo nakakahiya talaga kayong mga kasama. Magsaya na nga lang tayo, bilis na baka magbago ang isip ko bahala kayo. Hayaan niyo na ‘yang harang na ‘yan,” Chasey said again at muli na naman silang nagtawanan dahil sa sinabi nito.
Minsan lang ito magsalita pero kapag nagsalita ito ay hindi nila malaman kung bakit sila natutuwa. At maging si Hunter ay natatawa na lang din sa dalaga. Hinayaan na lang din naman sila ni Hunter at bumalik na sa upuan niya ang binata, ayon na rin sa sinabi ni Chasey.
Dahil doon ay saka sila nagsimulang mag-inumang muli, habang ganoon din ang mga nasa kabila. Nahihiya man si Payne sa kaguluhan ng mga kaibigan niya, alam naman niyang hindi siya nagkamali ng nilapitan dahil panandalian niya talagang nakalimutan ang inis at lungkot tungkol sa partnership na iyon.
Hindi naman nagtagal ay nagkasiyahan na muli sila, at tila hindi na rin naman napapansin ng mga kaibigan niya ang mga tao sa kabila pero alam niyang nakatingin lang ang mga ito sa kanila. Napapakamot na lamang din ng ulo si Payne sa kulit ng mga kaibigan niya. Buti na lang talaga at hindi pa sila lasing ni Chasey, kung hindi ay walang mag-aasikaso sa mga ito.
“Bumaba naman tayo, sumayaw tayo,” mayamaya ay yaya ni Thyra sa kanila.
Hindi talaga ito makatulog kapag hindi nakakasayaw sa baba, kaya palagi silang napapaaway ay dahil sa kulit ng mga ito kapag nalalasing.
“Magsasayaw tayo o manggugulo ako sa baba?” Mayamaya ay sabi ni Chasey na agad na ikinatawa ni Payne.
Pakiramdam kasi niya ay nahulasan ang mga kaibigan nila mula sa kalasingan. Alam kasi nila na kapag sinabi kasi ni Chasey ay ginagawa nito. Tumayo na lang din naman si Payne habang napapailing at sinuutan niya na ng jacket ang mga kasama nila. Mayamaya lang din naman ay tinulungan na rin siya ni Chasey, hanggang sa matapos sila. Ganito sila, palagi silang nagdadala ng jacket dahil hindi sila iinom ng walang jacket na dala, bilin ito ni Chasey.
“Akala mo naman talaga ang lalakas uminom ng mga ‘to.” Natawa na lang si Payne sa sinabi ni Chasey habang sinusuutan nila ng jacket ang mga kaibigan.
Tama ang dalaga, sa kanilang lahat ay sila lang dalawa ang may malakas na alcohol tolerance. Hindi ‘yon nakuha ng mga kaibigan nila kaya mabilis na malasing ang mga ito.
“Ikaw tama na ‘yan okay?” Paalala ni Payne sa kanya na nginisian lang naman ng dalaga.
“Tandaan mo Payne hindi ako ang mahina sa inuman,” agad na sagot sa kanya ng kaibigang si Chasey.
Dahil doon ay lalong natawa si Payne sa sinabi ng kaibigan, sabagay totoo naman kasing malakas ito sa inuman.
“Hey wanna help?” mayamaya ay tanong sa kanila ng kung sino sa kabilang table.
Nginitian ni Payne si Hunter ng mapatingin sila ni Chasey sa mga ito dahil narinig nila itong magsalita. Ngumiti lang din naman ito sa kanya at itinuloy na lang ni Payne ang ginagawa niya. Sa totoo lang akala niya ay masungit ang aktor sa personal, pero hindi naman pala.
“Kaya na namin sila, sanay na kami,” agad na sagot ni Payne sa binata at natawa na lamang si Hunter doon pero tumayo na rin siya.
“Chasey? Tama na ‘yan, bantayan mo sila baka may tumakas,” agad ding bilin ni Payne saka niya sinimulang akayin si Sacha.
Kaylangan niya kasing unahing ilabas ng bar ang kaibigang modelo para makaiwas sa mga paparazzi nito.
Hindi malaman ni Thunder kung bakit siya tumayo at tinulungan si Payne na akayin si Sacha ng makita niya ang ginawa nito. Hindi na rin naman naka-angal si Payne sa ginawa ng binata, kaya inakay na rin ni Payne si Cree saka sumunod kay Thunder.
Ginawa iyon ng dalaga para malaman nito kung saan dadalhin si Sacha, kapag kasi ganitong magiinuman sila ay hindi nagdadala ng sasakyan ang mga babae, si Payne ang nagdadala ng van para sa kanila.
Mayamaya ay sumunod na rin si Hunter sa kanila na akay naman si Thyra, at naiwan naman si Chasey na binabantayan ang iba pang mga kaibigan habang umiinom. Xavier then stood up also at inakay niya na si Sienna, hindi na rin naman nakatiis ang iba pa at inakay na rin nila ang iba pang babae.
“Isang maling galaw at isang maling hawak ay mamamatay kayong lahat,” agad na banta sa kanila ni Chasey na dahilan para mapatigil sila sa paglalakad na akay-akay ang mga kaibigan nito.
Hindi na nagsalita ang dalawa pero muli nitong tinungga ang natitira niyang alak sa baso, saka siya tumayo at naunang lumakad kaya sinundan na lang nila si Chasey hanggang makasakay sila sa van.
“You okay? Can you drive?” Thunder ask to Payne na ikinatulala sandali ng dalaga saka siya mabilis na tumango ng matauhan.
Tumango na lang din si Thunder sa kanya dahil doon, saka siya napabuntunghininga at lumayo sa van para maka-alis na sila.
“Take care, Payne? Little Chasey? Bye!” Paalala ni Hunter sa dalawang babaeng natitira sa kanilang magkakaibigan.
Chasey just tuck out her tongue to Hunter na tinawanan lang din naman ng lalaki habang prenteng-prente itong nakaupo sa tabi ni Payne sa unahan ng van, at dahil doon ay natawa na lang din si Payne.
“Thank you sa inyo,” nakangiting sabi ni Payne sa mga kalalakihan then she wave her hand saka sila umalis.
Nagmamadali namang bumalik sa kwarto ang magkakaibigan pagka-alis ng mga hinatid nila. Tahimik sila sa hindi nila malamang dahilan, at hindi sila nalasing, kaiba sa nakasanayan.
“I needed a new sets of drinks,” paghingi ni Jace ng panibagong inumin at natawa lang si Hunter sa winika ni Jace sa kanya.
“Nangangamoy kasalan ah,” pangaasar ni Hunter sa mga kaibigan saka siya muling tumawa.
Sabay-sabay naman siyang minura ng mga kaibigan na lalo lang niyang tinawanan. Dahil doon ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Hunter, at siguradong ikatutuwa niya ang gagawin niya para sa mga kaibigan niya.
Ngayong umaga lamang naramdaman ni Payne ang sakit ng ulo niya, at hindi niya alam kung dahil ba sa alak na ininom nila iyon o sa pagaasikaso sa mga kaibigan. Mukang napadami talaga ang nainom nila na hindi na nila namalayan, si Chasey nga ay hindi na pumasok sa school dahil tulog pa ito at iniwan na niya sa bahay niya.
Nauna na siyang umalis sa kanila dahil kaylangan niya ng pumasok, pero ginising naman niya ang mga kaibigan kanina kaya alam niyang nagsi-alis na rin sa bahay niya ang mga ito. Buti na lang talaga at malaki ang bahay niya, madalas kasi sila doon kaya pinasadya niya iyon lalo na noong mga bata pa sila.
“Hangover?” Natawa na lang si Payne sa sekretarya niya na naging kaibigan na rin niya, dahil sa tinuran nito pero tumango lang din siya.
Sanay na ito sa kanya, alam nito na kasama niya ang mga kaibigan niya madalas at hindi nawawala ang inuman kapag ganoon.
“I canceled all your appointments today,” muling sabi nito at agad na napakunot ang noo ni Payne sa sekretarya niya ng sabihin nito iyon at natawa lang naman ito sa kanya. “Well I guess Mr. Vidal accepted your offer, he wanted to meet you at nine.”
Napatingin agad si Payne sa relong pambisig niya saka nanlalaki ang matang napatayo, at natawa lang din naman ang sekretarya niya sa kanya.
“You didn’t read my text? Just go, I’ll text you the address,” muling sabi ng sekretarya niya kaya dali-daling dinampot ni Payne ang bag niya saka siya lumabas muli ng opisina niya.
Nakalimutan niyang magbasa ng messages bago pumasok, dapat pala ay tinawagan din agad niya ang sekretarya niya kanina pa para doon na siya dumiretso. Talaga ngang sumakit ang ulo niya sa ininom nila at ganito ang naging umaga niya.
Agad na binasa ni Payne ang text ng sekretary niya to know the address kung saan sila magkikita ni Mr. Vidal. Nang mabasa niya ang text ay nag-reply lang siya ng salamat saka siya agad na umalis para pumunta sa binata.
Mabilis na iniikot ni Payne ang mga mata niya ng marating niya ang restaurant na sinabi ng binata kung saan sila magkikita. She’s 30 minutes late, at kinakabahan siya dahil baka mag-back out na ang lalaki sa offer niya. She’s stuck in the traffic, and she didn’t know how to contact him kaya dumiretso pa rin siya.
“Here!” agad na napalingon si Payne sa nagsalita at agad niya ring nakita na si Thunder iyon.
Dali-dali niya rin namang sinundan ang lalaki at pumasok naman ito sa VIP room ng resto, kaya sumunod lang din agad siya. Pagpasok niya ay inaasahan niya na rin na nandito ang sekretarya ng binata pero sila lang ang tao sa loob, kaya bahagya siyang nagtaka.
“I am sorry, I’m late. I’m stuck in the traffic,” Payne said to him at hindi niya na rin naitago ang hingal niya.
Sa totoo lang ay nahihiya siya sa binata, pero hindi na siya nagdalawang isip na makipag-kita dito ngayon. Nakita kasi nito na malakas siyang uminom, nakita nito na ganoon sila ng mga kaibigan niya. Nahihiya rin siya sa pagtulong nito sa kanya at ngayon naman ay late siya.
Hindi naman sumagot ang binata and he just smile at her at napakunot ang noo ni Payne ng ipinaghila siya ng binata ng upuan, saka ito naupo sa upuan na katapat na upuan na hinila niya. Hindi na lang din naman pinansin iyon ng dalaga saka siya naupo, maybe its just his gestures.
“Okay lang, alam kong pagod ka sa mga kaibigan mo, and I knew how bad traffic is. Anyway, do you have hangover? Let me order some black coffee first.” Thunder then said kaya napatitig siya sa binata.
Napapantastikuhang napakunot muli ang noo ni Payne sa tanong ng binata sa kanya, saka siya mahinang natawa. Iba kasi ang asal nito ngayon, kaiba noong una silang magkita ng personal.
“Yeah, I’m tired but I’m totally fine. No hangover but I needed a black coffee, maybe?” agad na sagot ni Payne.
Mahina ring natawa ang binata sa kanya ng sabihin niya iyon saka ito sumenyas sa kakapasok lang na crew.
“You should order food, let’s have breakfast first if you don’t mind?” Thunder said to her and she did it.
Naisip niya kasi na baka hindi pa rin nagaalmusal ang binata at baka may hangover rin ito. Umorder na lang din muna siya ng pagkain saka ng kape and Thunder ordered the same. Sakto ito dahil hindi na rin siya nakapag-breakfast kahit na nagluto siya dahil late na talaga siya.
“You still drink after we leave?” Payne asks and Thunder nod at her. Tahimik ang mga ito kagabi at tumigil na maginuman habang ang ingay-ingay ng grupo nila at panay ang inom. Siguro ay hindi sila sanay sa presensya ng ibang grupo, pero walang pakialam ang mga kaibigan ni Payne doon. “Do you usually drink there?” Thunder also ask habang naghihintay sila ng pagkain. “Yeah, actually every Sunday. That’s our quality time, kasi you know busy kaming lahat palagi,” Payne casually answered at muli siyang nginitian ni Thunder ng sabihin niya iyon. “Kaya pala hindi tayo nagkakasabay, were usually there every Saturday. Matagal na rin kami roon,” agad ding sabi ng binata. Napangiti rin naman si Payne sa sinabi nito, and its unusual that this man talks to her this way. Hindi niya rin akalain na makakausap niya ito ng ganito. “Before we’re always there every weekend, kaya lang madalas kaming mapa-away sa dance hall, kaya we have decided to stay on the VVIP rooms na lang,” muling sabi ni Payne
“Thunder my friend! Taya ka na naman yata?” agad na bungad ng kaibigang si Hunter kay Thunder ng magyaya ulit siya sa mga ito sa dating lugar.Matapos nito ay sunod-sunod naman na pumasok ang iba pa nilang mga kaibigan habang kanina pa siya umiinom. Hindi na rin naman niya pinansin ang sinabi ni Hunter dahil wala naman siyang ibang gusto sa ngayon kung hindi ang malasing.Thunder still cant forget, at alam niyang hindi niya na dapat ginagawa ang mga bagay na iyon para sa babae pero matigas ang puso niya. Katulad ng puso niya ay matigas din ang ulo niya, gustong-gusto niya pa ring makita ang babaeng iyon kahit na alam niya na ayaw na nitong makita siya.She voided the contract, ibig sabihin lamang noon ay ayaw nitong makasal sa kanya, and Thunder knew it from the very start. Habang si Thunder ay handang-handa ng lumagay sa tahimik basta si Payne ang mapapangasawa nito, at wala siyang ibang nakikitang babae sa buhay niya kung hindi si Payne lamang. Pero hindi inasahan ni Thunder na sa g
“Alam natin na hindi sila basta na lang makukulong. Kaya kaylangan pa rin nating mag-ingat,” agad na babala ni Payne sa mga kaibigan na agad din nilang ikinatingin sa kanya.Alam ni Payne na kahit hindi niya sabihin, alam na rin naman ng mga kaibigan niya kung anong klaseng tao ang mga ito. Alam nilang lahat na matagal ng pagala-gala ang mga ito, at matagal na silang kilabot pero hindi naman sila nakukulong at nakakalaya pa rin sila ng paulit-ulit. Malakas ang kapit ng mga iyon, at hindi sila mapipigil maliban na lamang kung patay na sila.“We can't move either, not until we got commands,” dugtong ni Sienna.Dahil doon ay napabuga ng malakas na hangin si Payne, habang nananatiling tahimik ang iba nilang kasama. Tama si Sienna, kaylangan muna nila ng permiso mula sa mga nakatataas bago sila kumilos. Kaylangan nilang gawin ‘yon, dahil parte pa rin sila ng organization. At nasisiguro ni Payne na sa mga oras na ito, kapag nakuha na nila ang mga iyon ay hinding-hindi na sila makakatakas pa
“You know what? Hanggang ngayon talaga nagtatampo ako na hindi niyo naman kami niyaya agad na uminom,” mayamaya ay reklamo ni Sacha kay Payne na tinawanan din kaagad ng dalaga.Ito na naman sila, parang simple lang talaga ang pangyayaring iyon. At saka matagal ng nangyari iyon pero ngayon niya lang nalaman na may tampo pala ang kaibigan.“Same,” sabay-sabay ring sagot noong iba na tinawanan lang naman nila ni Chasey.“Hindi namin kayo nasabihan agad kasi occupied nga ang VVIP room noong araw na iyon hindi ba?” Payne explain to them again.Sa toto lang ay balak na nga nilang lumipat kahit sa VIP Room lang noong araw na ‘yon, bago dumating ang mga kaibigan nila. Ngunit bigla namang ganoon ang nangyari.“Alam niyo kalimutan na lang muna natin ‘yan okay?” Harper then said to them at nagtawanan lang naman sila dahil doon.Hindi tuloy malaman ni Payne kung nangaasar pa rin ang kaibigang si Harper o talagang concern siya sa dalaga.“Saan kaya dito ang bahay ng boss ko?” mayamaya ay sabi ni S
Pakiramdam ni Thunder ay pagod na pagod na siya, kahit hindi pa naman nangangalahati ang araw na ito. Kanina pa rin panay ang buntunghininga niya na kanina pa rin napapansin ng sekretarya niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya maiwasang mainis kapag naaalala niya na iniiwasan siya ni Payne. Hindi na ito katulad noon, mula ng malaman nito ang totoo ay hindi na siya nito hinahabol. Hindi katulad noong wala pa itong alam at hindi pa sila nagkikita, kahit na alam niya na hinahabol lang naman siya ng dalaga para sa kontrata. Masayang-masaya na siya noon kapag nakakatanggap siya ng proposals sa dalaga, kahit hindi niya iyon sinasagot. Kahit na siya ang umiiwas noon ay masaya na siyang malaman na nakuha niya ang atensyon ng dalaga. Pero ngayon ay hindi na ganoon ang sitwasyon, bukod pa doon ay naiinis din siya sa ginawang paglabas ng dalaga sa hospital ng walang pasabi. Sabagay, hindi niya na inaasahan na magpapaalam ang dalaga pero nakakainis pa rin iyon para kay Payne. At kanina ay tin
Kanina pa hindi makausap ng mga kaibigan si Thunder, he was abducted, he was in the middle of hell earlier pero si Payne pa rin ang nasa utak niya. She was nowhere to be seen, and he feels fvck. Pakiramdam niya ay napakahina niya dahil napatulog lang siya ni Payne ng ganoon kadali. Hindi niya na nalaman kung anong sunod na nangyari matapos siyang iligtas ng dalaga.Basta ang alam lang niya, pagkagising niya ya nasa bahay niya na siya kasama ang mga kaibiga. Pero hindi sila ang gusto niyang makita, kahit na ganoon ang nangyari gusto niya pa ring na makita ang dalaga. Gusto niyang malaman nito ang saloobin niya, gusto niyang malaman nito sa kanya lang siya sasaya at hindi kung kanino pa man.Gusto niyang malaman ng dalaga na nagpapasalamat siya sa pagligtas nito sa kanya, at hihingi rin siya ng tawad dahil naging mahina siya. Naloko siya ng mga ito, mabilis siyang nahulog sa patibong ng mga hayop na iyon. Dahil doon ay kinailangan pa siyang iligtas ng dalaga at ng mga kaibigan niya.Hin
Payne enjoyed their trip to the extent that the one-month vacation turns into 3 months; after that trip, she felt healed and refined. She misses those moments with those girls so bad at ngayon na lamang nangyari ang ganoong bonding sa pagitan nila.You know, as you turn adult you’ll realize you’ll be busy making a living that you forgot to enjoy. So as for Payne, she doesn’t want that to happen. She needed to keep in touch with her girls like how Chasey did it to be with them kahit na busy rin ito.“Ma’am? So blooming!” bati ng sekretarya niya sa kanya ng pumasok na siya sa trabaho na ikinatawa naman kaagad niya.Malamang ay marami nang trabahong naghihintay sa kanya sa ngayon. Maraming nangyari sa nakalipas na tatlong buwan at alam ‘yon ni Payne. Lalo na sa trabaho, madalas din naman kasi ang pagpapa-update niya sa sekretarya niya ng mga bagay bagay kahit na naka-bakasyon sila kaya alam niyang maraming nangyari.Sa dami nga ng nangyari, Payne felt like three months was a year. And th
“Broken hearted ka ba little Chasey?” mayamaya ay dinig nilang hiyaw ni Hunter doon but Chasey didn’t look at them.Nakatanaw pa rin siya sa malayo, habang nakatitig si Payne sa kaibigan.“Let’s pretend that we didn’t know anything. Can we? Can you do that for me? Isa pa hindi naman yata alam ng iba,” Payne then said to her friend na agad ding nakapagpalingon dito sa kanya.Tinitigan siya ni Chasey na tila ba inaalam nitong mabuti kung seryoso ba siya sa sinabi niya, kaya ngumiti si Payne sa kaibigan.“Little Chasey? Payne? Come on? sit here!” Sabay silang lumingon sa nagyaya sa kanila, its Zeus and he smile to them.At agad ding pinagsisihan ni Payne na nilingon niya ang binata, ang kaninang hiling niya ay hindi nagkatotoo. Agad na nagtama ang paningin nila sa isat-isa but Payne hurriedly look away, katabi ni Zeus si Thunder at hindi niya iyon inaasahan.Sabagay, bakit nga ba inaasahan niya na wala ang binata? Kaibigan ito ni Hunter at palagi silang magkakasamang lumabas. Bakit nga b
“Kamusta naman ang biglaang get away?” agad na bungad ng sekretarya ni Payne sa kanya na agad niya ring ikinatawa. Alam niya na kasi ang ibig nitong sabihin, siguradong magpapa-kwento na naman ito sa status ng relasyon nila ni Thunder.“Alam mo naman na palagi akong nage-enjoy kasama ang girls di ba?” pagmamaang-maangan ni Payne na agad din namang ikinatawa ng sekretarya. “Dahil lang ba talaga sa kanila?” muling tanong nito na may panunukso.Dahil doon ay muling natawa si Payne saka siya napailing, ibang klase talaga ang sekretarya niya. Talagang mausisa ito at ginawa na yatang live romance story ang buhay niya. Syempre alam nito ang tungkol sa quick get away nila dahil nag-paalam siya rito, ginawa niya iyon para alam ng sekretarya ang gagawin kapag may mga biglaan siyang appointments.“Sige na nga mamaya ka na lang mag-kwento,” muling hirit ng sekretarya niya kaya natawa n
“Alam mo ikaw napaka-arte mo! Ganyan ba talaga ang mga artista? Bakit si Sacha hindi naman ganyan?” malakas na reklamo ni Chasey kay Hunter dahilan para agad na mapalingon si Payne at ang mga kasama niya sa dalawang paparating.“Ano na namang kasalanan ko little Chasey? Kanina ka pang ganyan!” malakas na reklamo ni Hunter na agad na ikinatawa ng mga kasama nila and Chasey just sat down on the sand kasama ng iba pa habang nakapalibot sila sa bonfire.“Mukang may malalagasan na naman ng pera,” gatong ni Rain sa usapan na malakas nilang tinawanan. “Ikaw na lang kaya kuhanan ko ng pera,” singhal rin ni Chasey kay Rain na agad na natahimik at napa-zipper pa ng bibig.Dahil doon ay nagtawanan na naman sila pero nananatiling nakakunot ang noo ng dalaga habang papaupo na rin si Hunter sa tabi nito.“Ano ba kasing ginawa mo dyan kay Chasey ha Hunter?” Zeus ask Hunter pero tiningnan lang siya ng masama ng kaibigan. “Wala! Gagatong ka pa, kapag ako hiningian nito ng pera maghahati tayo,” singhal
Nasa garden na si Payne at ang mga kasama ng may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay niya. Dahil doon ay kinabahan si Payne dahil sabay-sabay na napalingon ang mga kasama niya sa sasakyan. Mukang nagkamali siya ng desisyon na huwag ng sabihin sa mga ito na ihahatid si Chasey ng kaklase. Ito nga at tila curious na curious na ang mga ito sa kung sino ang sakay ng sasakyan na iyon.Hindi nagtagal ay may bumabang lalaki mula sa driver’s seat saka ito umikot para buksan ang kabilang side kung saan bumaba sina Chasey at Sienna. Agad ding nagkatinginan ang mga kasama ni Payne kaya nauna na siyang lumapit sa mga ito at sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag ng lumabas.Sinalubong ni Payne ang dalawa at naiwan naman ang mga kasama, walang sumunod sa kanila ngunit alam ni Payne na pinagmamasdan sila nito. Paglabas niya ay naabutan niyang nagpa-paalam na ang dalawa sa lalaki kaya ngumiti na lang siya ng mapalingon ang mga ito sa kanya.
Hindi mapalagay si Payne, pakiramdam niya ay may dapat siyang gawin. Pakiramdam niya ay siya dapat ang mamagitan na nagaganap na tensyon sa pagitan ng grupo nila at ng organization. It started from her, sa kanya nagsimula ang mga nangyayari ngayon. Alam niya na dapat niya iyong ayusin. Dapat siya ang gumawa ng paraan para ayusin ang gusot na iyon. Hindi dapat si Chasey ang gumawa ng paraan, dapat ay sa kanya manggaling ang lahat. Kaya lang ay kaylangan niya ring sumunod sa procedure, kaylangan niyang sumunod sa rules. Kung may gagawin siyang hakbang dapat dadaan muna siya kay Chasey, iyon ang una niyang dapat gawin. After all Chasey’s rank in the organization is far higher than her, kaya nga siya ang lider nila kahit siya ang pinakabata. Pangatlo lang siya sa ranking ng grupo, una si Chasey sumunod ay si Cree. Isa pa ay hindi naman nila nakakaharap ang pinaka-handler nila, si Chasey lang ang may kakayahan na gumawa noon. At alam ni Payne n
“Walter?” Napalingon sila sa may main door pagpasok nila sa gate ng bahay ni Jett at nakita nila doon si Chasey, bakas na bakas pa ang mga bangas at sugat sa kanya na parang siya lang naman ang meron sa kanilang lahat. “Let’s talk, and you? ikaw na ang bahala sa mga kaibigan ko,” muling sabi ni Chasey in her cold tone. She looks so gloomy and deadly pero tumango na lang din si Thunder sa sinabi ni Chasey, saka sila umalis ni Hurricane at naiwan naman silang lahat na nakatingin sa isat-isa. “Magkakasama ba sa organization iyong mga ‘yon? Bakit parang si Chasey at Hurricane lang naman ang magkakilala?” Mayamaya ay tanong ni Rain na ikinakunot din ng noo nila dahil hindi naman nila alam kung anong sagot sa tanong na iyon. “Bumili na lang tayo ng mga pagkain at inumin kaysa isipin natin ‘yan. Hindi natin alam ang sagot dyan,” sabad ni Storm kaya kumilos na rin agad sila. Kaylangan na nilang gawin ang sinasabi ni Chasey sa kanila. Mahirap na, baka mamaya ay malintikan sila sa babae. M
Pakiramdam ni Payne ay nagkatotoo na nga ang sinabi ni Chasey sa kanya, ito nga at may mission na naman sila na hindi naman nila pwedeng ipagwalang-bahala o tanggihan. This time pakiramdam ni Payne ay iba ito kahit na sanay naman na sila sa mga misyon.Sa ngayon ay naipon silang muli sa bahay ni Payne, at sa totoo lang ay kinakabahan din si Payne sa mission na ito, na hindi naman niya naramdaman sa ibang mission nila. Maliban na lamang noong huli nilang mission na involve si Thunder, at pakiramdam ng dalaga ay involve na naman si Thunder sa mission na ito.Alam ni Payne na kaya siya kinakabahan ay dahil kay Thunder, alam niyang ang kaba na nararamdaman niya ay para sa binata. Alam niyang kahit na naiinindihan nito ang lahat ay magaalala pa rin ito, alam niyang hindi ito mapapalagay sa gagawin nila.Hindi rin alam ni Payne ang gagawin sa mga oras na ito, hindi niya alam kung sasabihin niya na ba kay Thunder ang tungkol dito o hindi pa. Hindi niya pwedeng talikuran ang mission lalong la
Those two days for Payne was so happy, masaya siya na para bang araw-araw siyang hinehele ng mga ulap. Kanina ngang umaga paggising niya akala niya ay nananaginip siya, pero hindi, hindi siya nananaginip, talagang totoo ang mga nangyari.Pinatunayan iyon ng lalaking sumundo sa kanya kanina at naghatid sa kanya sa opisina niya. Maging ang mga empleyado niya ay hindi magkamayaw ang pagbati sa kanila, lalo na si Jessica na may regalo pa sa kanila.Alam na ng lahat, alam na nila na ikakasal na siya sa lalaking mahal niya. At sa totoo lang, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Payne sa isipin na iyon. Talaga ngang kanya na ang lalaki, at alam ni Payne sa puso niya na para sa binata lang din ito. Bagay na ni sa panaginip ay hindi niya naisip noon.“You!” Napatunghay si Payne sa babaeng sumigaw, and because of her active reflexes ay agad niyang nailagan ang vase na ibinato ng babae sa kanya.“Security? Tumawag kayo ng security,” nagmamadali namang hiyaw ni Jessica ng tumawag ito sa landlin
At hindi nga nagtagal, hindi pa man sila nakakatayo sa kani-kanilang upuan, mayamaya lang ay napatigil sila sa kwentuhan nila ng sumulpot si Cree. At kasamana nga nito ang naka-posturang bad ass na naman na si Chasey. Naka-simpleng black sleeveless polo top lang ito, saka black skinny jeans, nakaitim na naman itong ankle boots at itim na cap. Dala rin nito ang gitara, at mukang alam na ni Payne kung saan ito galing.“Hey girls? Come here, lets eat?” agad na bati ng ginang sa dalawa at agad naman silang lumapit sa kanya.“Kunwari pa kayo Tita, alam ko naman na si Chasey lang ang tinatawag niyo. Ayos lang naman ho ‘yon,” agad na sagot ni Cree sa ina ni Thunder na malakas nilang tinawanan habang nananatiling tahimik si Chasey.Sa gitna rin siya ng mag-asawa naupo na ikinatuwa naman ng husto ng ginang, at hindi rin iyon minasama ng asawa nito. Agad din namang ipinulupot ng ginang ang braso nito sa dalaga at ang ama naman ni Thunder ay agad na nag-alok ng inumin sa babae.“Feeling kapatid
“Hey? don’t you wanna hold my hand? Don’t you wanna show the world that I am marrying a very lovely woman?” napatunghay si Payne sa lalaking nagsalita sa harapan niya, and she just saw Thunder there in front of her.He’s smiling at her, pero nakatitig lang siya sa lalaki because she was shock. Napatingin pa siya sa mga kaibigan niya na katabi niya pero ang mga ito ay nakangiti lang din sa kanya na parang sinasabi nilang totoo ang lahat.“It was you Payne, it is always you and no one can replace you in my heart. Now hold my hand, get up and accept my love again,” Thunder said again na nagpabalik ng atensyon niya sa binata.Hindi ba panaginip ito? Hindi ba siya nangangarap ng gising? Totoo ba ito? Hindi alam ni Payne per dahil na rin sa narinig ni Payne sa lalaki ay hindi niya na mapigilan ang sarili na yakapin ito at umiyak sa mga tinuran nito. Thunder also hug her tighter, and no noise from the crowd can ever beat the loud beating of her heart for him. Hindi makapaniwala si Payne, so