Madeline's P. O. V.Nakasimangot ako buong byahe pauwi sa bahay namin ni Raven. Nakaupo ako sa passenger seat at nakatitig lamang sa kalsada. Napipikon ako sa pang-aasar sa akin ni Roselle, parang iba na rin ang tingin sa akin ni Catalina dahil alam na rin niyang nakikipag-sex ako. Parang tingin niya kay Roselle tuwing magkukwento about sa naka-one night stand niya noon.Napabuntong hininga ako at tumingin sa aking relo dahil anong oras na, umuulan pa. Nakahinto ang aming sasakyan dahil traffic. "My love, what's your problem? You can share it with me," sambit ni Raven sa aking tabi.Tinignan ko siya, napakamot ako sa aking noo. Umiling ako, saka bumuntong hininga ulit. It will be so embarrassing. "Come on, Maddy. Tell me, what's on your mind?" tanong ni Raven sabay hawak sa kamay kong nasa hita ko.Napabuntong hininga akong muli at napanguso."Inaasar nila ako..." panimula ko. "Hindi naman ako pwede magalit sa kanila, although pikon na nga ako. Syempre mga kaibigan ko 'yon," sabi ko.
Madeline's P. O. V."Grabe, sobrang daming tao!" sigaw ko at halos mapatalon sa ganda ng mga ilaw. Nakarinig kami ng tugtog na pang-pasko. Hinawakan ko ang kamay ni Raven at hinila siya. Ilang minuto na lang at sasapit na ang pasko, ilang oras din kasi ang naging byahe namin mula Maynila."Careful, baka madapa ka pa sa mga bato," ani Raven sa akin at piniga ang kamay ko.Nilingon ko siya at tinuro ang malaking parol na nakasabit sa lumang bahay. Nilabas ni Raven ang kaniyang cellphone."Stand there, I'll take a photo of you," aniya."Wow, kabisado mo na ako, ha?" natatawa kong sabi.Umatras ako at tumayo sa tapat ng parol. Tinaas ko ang dalawa kong kamay na naging pe-letter V. Nag-heart shape rin ako gamit ang mga braso ko at kamay."Ayos ba?" tanong ko."Yup, very beautiful." Tinitigan niya ang kaniyang cellphone. Sinilip ko iyon at nakita ko ang maganda at maliwanag na kuha nito sa akin. Naisip ko namang kami ay wala pang litrato. Akmang hihilahin ko si Raven papunta sa iba pang lu
Madeline's P. O. V.Nilahad niya ang kaniyang kamay. Tinanggap ko iyon. Lumabas kami ng walk in closet at nagtungo sa banyo, naamoy ko kaagad ang mabangong sabon at napansin kong puro bula ang bath tub."The water is warm, napansin ko kasi noong naligo tayo, ginamit mo ang heater." Napangiti ako. He is very observant."Oo, salamat." Yumuko ako para tignan ang temperature ng tubig. Tamang-tama lang. Tumingin ako kay Raven, hindi niya naman siguro ako papanooring maligo at magbabad sa bath tub?"What are you waiting for? Do you want me to take off your clothes?" Pilyong sabi nito at akmang hahawakan ang damit ko."Hindi ah! Lumabas ka na, magbababad na ako," sabi ko."Nope, I'll join you." Nanlaki ang mga mata ko."Huh?""What? Mag-asawa naman tayo." Bigla niyang hinubad ang suot niyang polo.Diyos ko, rereglahin na nga ako tapos may ganito na naman. Baka may mangyare na namang milagro."Teka!"Napatigil siya."Baka kasi magkaroon na ako ng period kaya sana wala munang mangyare sa ati
Madeline's P. O. V."Happy new year!"Hinipan ko ang hawak kong torotot. Lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display, kita namin halos lahat ng nagpapaputok ngayon dito sa balcony ng hotel."Buti na lang dito mo 'ko dinala. Ang ganda pala ng view," sabi ko.Niyakap ako ni Raven mula sa likod. Sabay naming pinanood ang magagandang ilaw sa kalangitan. "Next year, I'll sponsor the fireworks display in the subdivision. Hindi ko kasi alam na gusto mo pala ng mga ganito," bulong niya sa tenga ko."Nakakatuwa kaya, ito yung pinaka-exciting part kapag new year. Yung fireworks." Bumitaw si Raven sa yakap ko at iniharap ako sa kaniya, hinawakan niya ang dalawa kong kamay sabay titig sa mga mata ko."Maddy, I want to spend every new year with you. I love you so much," aniya at dumapo ang kanang kamay sa aking pisngi.Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinabi nito. Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa akin at lumapat ang kaniyang labi sa aking labi. Napapikit ako at dinama ang
Madeline's P. O. V.Sumapit ang kaarawan ko. Sobrang effort ni Raven at ginawan pa ako ng breakfast in Bed. Mayroong pancake, chocolate drinks, at prutas sa aking harapan ngayon."Grabe, the best ka talaga!" sabi ko at ngumiti."Kumain ka na. Then we'll take a bath together." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinurot ko ang braso niya."Nasasanay ka nang lagi ako kasama maligo, ha?" pang-aasar ko."Why not? Asawa kita." Kinuha ko ang pancakes at kinain ito. Habang sarap na sarap akong kumain ay bigla siyang naglabas ng isang malaking paper bag mula sa ilalim ng kama na ikinagulat ko. Nakangiti si Raven na ibinigay ito sa akin."Happy birthday, my love." "Ano 'to? Bakit ang laki?" tanong ko at kinuha ang paper bag.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang laman nito. Isang brand new laptop, sa tingin ko ay ito pa ang bagong labas na laptop ngayon. Sobrang mahal nito!"Shocks, love! Sa akin talaga 'to!?" gulat kong sabi. Tinulungan niya ako ilabas mula sa paper bag ang
Madeline's P. O. V.Pag-uwi namin sa bahay ay naghanda kaagad si Raven sa lamesa. Pinapanood ko lang siya na naging abala sa pag-aayos. Lumapit ako at kinalabit siya sa kaniyang balikat."Huy, baka gusto mo munang mag-shower man lang?" tanong ko dahil kakauwi lang namin at nakasuot pa rin siya ng formal attire.Nilingon niya ako at tipid na ngumiti."You should dress up." Kapansin-pansin na apat na plato na ang nakalapag sa lamesa. Napahalukipkip naman ako, wala ata siyang balak sabihin."Why four plates?" tanong ko sa kaniya."Gosh... This should be a surprise, bakit ka kasi nandito?" natatawa niyang sabi.Napakunot ang noo ko, another surprise?"H-Huh?"He sighed and stop what he's doing. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mga mata ko."Sorry for ruining the moment but... Your parents will come tonight. Sinabi nila sa akin na magdi-dinner tayo dito sabay-sabay." "And the food?" tanong ko saka tumingin sa hapag na walang pagkain kundi cake."They'll provi
Madeline's P. O. V.Kakatapos lang namin kumain ng dinner kaya nagtungo ako sa kwarto para magsipilyo, habang nagto-toothbrush ako ay tunog nang tunog ang cellphone ko. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ito mula sa side table. Napataas ang kilay ko nang makitang tadtad ako ng message mula kay Carlos Lopez. Tinignan ko ang kaniyang account, napagtanto kong litrato iyon ni Mr. Repeater, marami siyang followers pero mas marami ako. Binasa ko ang mga message niya, tinadtad niya ako ng 'Hi baby' 'what you doing, baby?' na akala mo naman ay baby niya talaga ako.Gusto ko siyang reply-an ngunit naisip kong kung papatulan ko pa siya ay baka mas lalo lang itong hindi tumigil. Hindi na dapat ako gumawa ng gulo, ayoko maging issue pa ito. Ngayon pa na masaya kami ni Raven. Binlock ko ang account ni Carlos, a.k.a Mr. Repeater. Tinapos ko ang pagsisipilyo ko at pumunta sa salas dahil naroon lang si Raven.Pinupusod ko ng scrunchies ang aking buhok habang naglalakad pababa ng hagdanan."Love! Manono
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng uwian, magkakasabay kami ni Roselle at Catalina na naglalakad sa hallway."Okay ka na ba talaga?" tanong ni Catalina."Oo, binigyan naman ako ng nurse ng gamot. Saka vitamins din, gumaan pakiramdam ko after." Ngumiti ako sa kaniya."Kabadong-kabado ako kanina, akala ko dadalhin ka na sa hospital." Umiiling na sabi ni Roselle habang nakabusangot ang mukha nito.Inakbayan ko siya."Akala ko rin mamamatay na ako.""See? Nakakamatay talaga ang love. Kaya ayoko talaga ma-fall in love," sabat ni Catalina at napa-cross arms."Sinasabi mo lang 'yan, pero kapag nandoon ka na sa scenario na kaharap mo taong mapupusuan mo, talagang kusang titibok ng malakas 'yang puso mo," sabi ko kay Catalina."Pipigilan ko--""At hindi mo 'yon mapipigilan!" mabilis na sabi ni Roselle.Nag-high five kami ni Roselle. Sumimangot naman si Catalina."Pero kanina, bakit hindi dumating si Raven? Akala ko ba ni-report na ng teacher natin na nahimatay ka?" tanong ni Catalina.Napaiwas ak
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din
Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako
Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.
Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.