Madeline's P. O. V.Kinakagat ko ang dulo ng aking kuko habang mabilis na pinapadyak ang kanan kong paa, nakatayo ako at hindi mapakali habang pinapanood ang pregnancy test na magkaroon ng guhit. It's either one line or two lines. "What's the result? Matagal pa ba?" rinig kong sambit ni Raven mula sa labas ng banyo.Humarap ako sa salamin, huminga ako ng malalim at pumikit. Lord, kayo na pong bahala sa akin. I know you will always have a plan on everything, anything..." Nang idilat ko ang mga mata ko, binalik ko ang tingin ko sa pregnancy test at napaawang ang labi ko nang makitang one line lamang iyon, hindi ako buntis."SHOCKS!" I shout out of excitement."What!? Anong nangyayare!?" biglang bumukas ang pinto at pumasok si Raven sa banyo, bakas ang pagkataranta sa kaniyang mukha.Hinawakan ko ang pregnancy test at pinakita kay Raven. "Ow... You're not pregnant," tila ba may lungkot sa kaniyang boses. Ngumiti rin siya agad at hinila ang braso ko para yakapin ako. "Now you would no
Madeline's P. O. V.Pagdating sa bahay ay hindi ako kinikibo ni Raven, pumunta siya kaagad sa kwarto niya at naiwan ako sa sala. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin, never ako nanuyo, buong buhay ko. Napabuntong hininga ako at nagtungo sa kwarto ko. Parang gusto ko na lang sa kwarto ni Raven, kahit na official na kami... Mas pinili ko pa ring matulog sa kwarto ko.Lutang akong pumasok sa banyo para mag-half bath. Habang dumadaloy sa katawan ko ang maligamgam na tubig mula sa shower ay napatulala ako sa aking reflection sa salamin. Napayakap ako sa dibdib ko. Hindi ko akalain na nakita niya na ang lahat ng 'to. Nakakahiya man pero gusto kong masanay na ako, asawa ko siya. "Magluto kaya ako para sa kaniya?" bulong ko.Napailing ako dahil wala naman akong alam sa kusina, anong lulutuin ko? Pritong hotdog? I need something special. Para naman mapatawad niya ako, 'yong convincing.Nang matapos akong maligo, kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. Bumungad kaagad sa screen ang m
Madeline's P. O. V.Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng alarm, pagdilat ko ay napansin kong wala ako sa aking silid. Napagtanto kong narito ako sa kwarto ni Raven at nakaramdam ako ng lamig sa katawan. Napatingin ako sa aking katawan, napalunok ako ng ilang beses nang makitang wala akong saplot."Sh*t, y-yung nangyare kagabi---putcha!" napasapo ako sa noo ko.Sobrang wild, parang nag-iinit na naman ako kapag naiisip ko kung paano namin ginawa 'yon. I also can't believe I'll do that lollipop thingy in my life. Ganito pala kapag nadadala ka ng romansa, I never regret it and I love doing it also, lalo na at kay Raven ko ginawa. Sa taong mahal ko, kaya wala akong pinagsisisihan. Magaan ang pakiramdam ko, lalo na nakikita ko kung gaano niya ako kamahal. Bumukas ang pinto, agad kong hinila ang kumot para takpan ang nakalitaw kong dibdib. Nakita ko si Raven na may dalang tray, may plato, chocolate drink at sliced apple. Agaw pansin naman ang nakalitaw niyang abs, sobrang matcho ng kat
Madeline's P. O. V.Nakasimangot ako buong byahe pauwi sa bahay namin ni Raven. Nakaupo ako sa passenger seat at nakatitig lamang sa kalsada. Napipikon ako sa pang-aasar sa akin ni Roselle, parang iba na rin ang tingin sa akin ni Catalina dahil alam na rin niyang nakikipag-sex ako. Parang tingin niya kay Roselle tuwing magkukwento about sa naka-one night stand niya noon.Napabuntong hininga ako at tumingin sa aking relo dahil anong oras na, umuulan pa. Nakahinto ang aming sasakyan dahil traffic. "My love, what's your problem? You can share it with me," sambit ni Raven sa aking tabi.Tinignan ko siya, napakamot ako sa aking noo. Umiling ako, saka bumuntong hininga ulit. It will be so embarrassing. "Come on, Maddy. Tell me, what's on your mind?" tanong ni Raven sabay hawak sa kamay kong nasa hita ko.Napabuntong hininga akong muli at napanguso."Inaasar nila ako..." panimula ko. "Hindi naman ako pwede magalit sa kanila, although pikon na nga ako. Syempre mga kaibigan ko 'yon," sabi ko.
Madeline's P. O. V."Grabe, sobrang daming tao!" sigaw ko at halos mapatalon sa ganda ng mga ilaw. Nakarinig kami ng tugtog na pang-pasko. Hinawakan ko ang kamay ni Raven at hinila siya. Ilang minuto na lang at sasapit na ang pasko, ilang oras din kasi ang naging byahe namin mula Maynila."Careful, baka madapa ka pa sa mga bato," ani Raven sa akin at piniga ang kamay ko.Nilingon ko siya at tinuro ang malaking parol na nakasabit sa lumang bahay. Nilabas ni Raven ang kaniyang cellphone."Stand there, I'll take a photo of you," aniya."Wow, kabisado mo na ako, ha?" natatawa kong sabi.Umatras ako at tumayo sa tapat ng parol. Tinaas ko ang dalawa kong kamay na naging pe-letter V. Nag-heart shape rin ako gamit ang mga braso ko at kamay."Ayos ba?" tanong ko."Yup, very beautiful." Tinitigan niya ang kaniyang cellphone. Sinilip ko iyon at nakita ko ang maganda at maliwanag na kuha nito sa akin. Naisip ko namang kami ay wala pang litrato. Akmang hihilahin ko si Raven papunta sa iba pang lu
Madeline's P. O. V.Nilahad niya ang kaniyang kamay. Tinanggap ko iyon. Lumabas kami ng walk in closet at nagtungo sa banyo, naamoy ko kaagad ang mabangong sabon at napansin kong puro bula ang bath tub."The water is warm, napansin ko kasi noong naligo tayo, ginamit mo ang heater." Napangiti ako. He is very observant."Oo, salamat." Yumuko ako para tignan ang temperature ng tubig. Tamang-tama lang. Tumingin ako kay Raven, hindi niya naman siguro ako papanooring maligo at magbabad sa bath tub?"What are you waiting for? Do you want me to take off your clothes?" Pilyong sabi nito at akmang hahawakan ang damit ko."Hindi ah! Lumabas ka na, magbababad na ako," sabi ko."Nope, I'll join you." Nanlaki ang mga mata ko."Huh?""What? Mag-asawa naman tayo." Bigla niyang hinubad ang suot niyang polo.Diyos ko, rereglahin na nga ako tapos may ganito na naman. Baka may mangyare na namang milagro."Teka!"Napatigil siya."Baka kasi magkaroon na ako ng period kaya sana wala munang mangyare sa ati
Madeline's P. O. V."Happy new year!"Hinipan ko ang hawak kong torotot. Lumiwanag ang kalangitan dahil sa fireworks display, kita namin halos lahat ng nagpapaputok ngayon dito sa balcony ng hotel."Buti na lang dito mo 'ko dinala. Ang ganda pala ng view," sabi ko.Niyakap ako ni Raven mula sa likod. Sabay naming pinanood ang magagandang ilaw sa kalangitan. "Next year, I'll sponsor the fireworks display in the subdivision. Hindi ko kasi alam na gusto mo pala ng mga ganito," bulong niya sa tenga ko."Nakakatuwa kaya, ito yung pinaka-exciting part kapag new year. Yung fireworks." Bumitaw si Raven sa yakap ko at iniharap ako sa kaniya, hinawakan niya ang dalawa kong kamay sabay titig sa mga mata ko."Maddy, I want to spend every new year with you. I love you so much," aniya at dumapo ang kanang kamay sa aking pisngi.Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinabi nito. Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa akin at lumapat ang kaniyang labi sa aking labi. Napapikit ako at dinama ang
Madeline's P. O. V.Sumapit ang kaarawan ko. Sobrang effort ni Raven at ginawan pa ako ng breakfast in Bed. Mayroong pancake, chocolate drinks, at prutas sa aking harapan ngayon."Grabe, the best ka talaga!" sabi ko at ngumiti."Kumain ka na. Then we'll take a bath together." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinurot ko ang braso niya."Nasasanay ka nang lagi ako kasama maligo, ha?" pang-aasar ko."Why not? Asawa kita." Kinuha ko ang pancakes at kinain ito. Habang sarap na sarap akong kumain ay bigla siyang naglabas ng isang malaking paper bag mula sa ilalim ng kama na ikinagulat ko. Nakangiti si Raven na ibinigay ito sa akin."Happy birthday, my love." "Ano 'to? Bakit ang laki?" tanong ko at kinuha ang paper bag.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang laman nito. Isang brand new laptop, sa tingin ko ay ito pa ang bagong labas na laptop ngayon. Sobrang mahal nito!"Shocks, love! Sa akin talaga 'to!?" gulat kong sabi. Tinulungan niya ako ilabas mula sa paper bag ang
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din
Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako
Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.
Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.