DanielTodo ang effort ko dito kay demonyeta yun naman pala ay hindi ito pumasok. Akala ko pa naman ay may hide and seek ng mangyayari pero hanggang akala ko lang pala. Hayst sayang ang effort ko na mag pa late pa ng pasok at hindi na naman pag kain sa may Canteen yun naman pala ay wala ang balak ko na taguan. Ano na kayang nangyari foon? Baka Hindi kaya ay tumakas na ito sa kanila at nag tatago na ngayon para lang maka iwas ito sa akin na ma e kasal sya.Hayst ganun na ba talaga ka undesirable ang itsura ko sa kanya at ganun na lang kung ayawan niya ako. Hmmm okay na rin kung hindi ma tuloy ang kasal namin dahil alam ko naman na tutulong pa rin ang parents ko kay Toto Carlito sa business nya. Hindi naman mag dadalawang salita si Tito sa mga ito. Maging ako din naman ay handang tumulong dito kung kinakailangan. Handa akong maging tauhan nito sa kanyang company upang matulungan sya sa pag papa takbo nito. Walang problema sa akin yun. Pero sana hindi na lang tumakas itong si demonyet
DanielNang maka alis si demonyeta ay sumunod na rin ako dito na lumabas. So tuloy na tuloy na nga ang kasal namin na dalawa. Kailangan na makausap ko nito ang aking mga magulang. At ang kondisyon ko sa mga ito ay doon kami titira sa condo ko. Dahil kailangan ko rin na ma e layo si demonyeta sa kanila. Alam na alam ko na kasi ang mangyayari base pa lang sa mga pinag sasabi nito kanina. At wala din naman ako plano na ipag kalat ang tungkol sa aming dalawa nito. Sabi ko nga gusto ko lang ang tahimik na buhay. Sure naman kasi ako na pag nalaman sa buong campus ang pag papakasal namin nito ay malamang na mahalukay din kung sino ba ako talaga. Ayaw ko na mangyari ang bagay na yun. Tama na ang pag kilala lang nila sa akin ay isa lamang akong ordinary na estudyante doon at umaasa lamang sa pagiging scholar ko kaya ako nakakapasok sa eskwelahan na iyon. Kung alam lang nila na isa kami sa major stockholder dito ay baka mangilag din lang sila sa akin at matakot na gawin ang mga pinag gagawa
DanielMatapos ang dinner namin na halos hindi naman ako naka kain ng maayos ay umakyat na rin ako. Hindi na rin naman ako nakipag kwentuhan pa sa parents ko. Bahala silang dalawa na mag away dyan. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang pag punta namin sa hospital bukas. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni demonyeta kapag nakita niya ako doon bukas tapos kasama ko pa ang parents ko. Hindi na rin ako mag tataka pa kung mas lalo lang tumindi ang hinala nito na ako nga ang may pakana ng lahat ng nangyayari na ito. Na kahit naman sa hinagap ko ay hindi man lang sumagi sa isipan ko ang bagay na yun. At saka hindi ko nga alam na siya pala ang only daughter ni Tito eh. Basta ang alam ko lang ay may anak itong babae. Ang layo naman kasi ng personality nito sa kanyang ama. Kung si Tito ay mabait na may authority ang anak nito demonyeta na ewan. Hayst bahala na bukas kung ano man ang kalabasan ng mga magaganap. Nandito na kami ngayon sa hospital kung saan naka admit si tito. Hindi n
DanielTapos na ang kasal namin ni demonyeta at ngayon nga ay na e lipat na rin dito sa condo ko ang kanyang mga gamit. Pero halata ko na isang maleta lang ang dala ko at alam ko na hindi rin puno yun. Hindi naman halata na pang isang linggo lang ang kanyang pag stay dito. Pero hindi na lang ako umimik pa dito. Bahala siya kung ganyan ang gusto niya. Sabi ko nga ay malaki naman na ito at alam na niya ang kanyang ginagawa. Basta ba hindi ito makakasama sa kanya ay okay lang naman sa akin yun. At tsaka kung wala naman mag sasabi sa parents ko at tatay niya ay wala kaming magiging problema pa doon. Baka naman balikan na lang nito ang iba niyang gamit. Pero sabi ko nga ay hindi ko na lang pinansin pa ang bagay na yun. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin nito. Ganyan na yan mula pa kanina nung nasa bahay nila kami. Oo nga pala sa kanila kami ikinasal. Sa harap mismo ng father nito. Pero walang kiss the bride na naganap ha. Alam ko naman ang estado ng relasyon namin na ito e
KathrynPauwe na ako sa condo ni Nerd kung saan ay doon kami nakantira ngayon. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag pakasal sa nerdy na yon. Wala eh masyado na niyang na bilog ang ulo ni Daddy. Tanggi pa ito na wala siyang kinalaman sa kasalan na yan. Eh masyado naman itong halata. Kung hindi nga lang nangyari ang ganun kay Dad ay nunka na mag papakasal ako s nerdy na yun. Ang kapal lang ng mukha nito na itanggi pa ang bagay na yun. Huwag ako. Kaya kahit napilitan ay pumayag na ako sa kagustuhan nila. Wala eh. Hindi ko kayang mawala na ng tuluyan si Dad. Di bali good for 1 year lang din naman ang aming kasal eh. After nun sa unang araw pa lang ng taon ay mag pa file na kaagad ako ng annulment namin. Dahil hinding hindi ko na makakaya pa na naka tali dito. Basta ganun ang gagawin ko. Pero ngayon ay pag babayarin ko muna ito sa mga pinag gagawa niyang ito. Bakit sa tingin ba nito ay hahayaan ko na lang na walang gawin at baliwalain na lang ang lahat. hahaha masaya sya. Pero ngayo
KathrynMatapos ko kumain ay inilagay ko na lang sa sink ang mga pinag kainan ko. Hindi din naman kasi ako marunong mag hugas ng plato kahit na gustuhin ko man. Baka ma basag ko lang ito. Magalit pa itong si Nerdy sa akin. Pero hindi naman ako papayag na mapa galitan lang nito no. Baka siya pa ang pagalitan ko dyan. Kaya wag syang ano dyan. Nang ma e lagay ko na lahat doon ay pumunta na ako sa sala. Mabuti naman at nandito pa rin ang nerdy na ito. Sa wakas ay maka pag uusap na kaming dalawa. Pero pansin ko lang na naka sando lang ito ngayon. Hindi ko na lang masyado pinansin ang itsura nito ngayon na parang ang fresh na fresh niya sa kanyang itsura ngayon. Parang ang bango kasi nito. Pansin ko din na parang bagong pa gupit ito. Hayst bahala na kailangan na makausap ko ito ngayon ng masinsinan. "Nerdy mag usap nga tayong dalawa ngayon. Hindi pwede yang ginagawa mo na ipina alam mo pa talaga dyan sa may lobby na asawa mo ako. Nag iisip ka ba ha? o sadyang tanga ka lang? Paano na Lan
KrystalNagising na lang ako kinabukasan sa alarm ng phone ko. Paunti unti na nag mulat na muna ako ng aking mata at pinatay na muna ang alarm. Saka tuluyan na bumangon na.Ginawa ko na muna ang aking daily routine bago tuluyan ng lumabas ng aking kwarto. Hindi na ako nag abala pa na palitan ang aking suot na damit. Ano pa nga ba ang itatago ko dito kay nerdy kung nakita na rin naman niya ako na ganito. Tsaka nag usap na kami na walang ibang pag sasabihan ito ng about sa aming dalawa. Wala akong paki sa iisipin nito. Pero halata naman na hindi ako nito judge sa nakita niya sa akin. Parang cute na cute pa nga ito eh. Hayst hindi pwede ang cute lang. Dapat gandang ganda ito kasi maganda naman talaga ko duh. Pag labas ko ng room ay naabutan ko pa itong nasa kusina pa sya at nag pe prepare ng food namin para sa lunch. Mukhang tapos naman na itong kumain ng agahan. Nakita ko na nahugasan na rin yung pinag baunan ko na lunch box kaya lihim naman na napangiti ako dahil doon. Kahit na gus
KathrynPagka layo namin kila nerdy ay agad na bumitaw ako sa pag kakahawak sa akin ni Derick. Hindi kk kasi feel ang magaspang nitong kamay. At saka parang feeling ko ay may ginagawa akong kasalanan pag ganun na hindi ko naman dapat maramdaman dito. Sa totoo lang naging jowa ko lang naman ito dahil sa isa itong sikat at sya ang captain ng basketball dito sa campus na always naman kulilat sa mga league ng mga university. Medyo nakakahiya nga lang sa part na yun. Kaya nga pag may laban ang mga ito ay hindi ako nanonood at nahihiya ako na always na lang talo ang team. Mabuti pa ang ibang sports ng school kahit paano ay na nanalo din. Balita ko na malakas kasi ang mga ito sa coach kung kaya ay sila ang mga napili at hindi ang mga deserve talaga. Minsan nga kausapin ko itong si Dean na kung pwede ay ayusin niya ang issues na iyon. Kasi nakakahiya talaga. Agad na akong tumuloy muna sa cr upang mag hugas ng kamay at e check na rin kung super duper na maganda pa rin ako. baka kasi nag hu