Kabanata 33PunishmentNang huminto ang mga paa ko sa tapat ng nakasaradong pinto ay agad akong nag-atubili. I stood still frozen on my feet and my back stiffen. Mas humigpit pa ang hawak ko sa baso ng gatas.Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ko pihitin pabukas ang pinto. My eyes instantly darted on his oak table. Naroon ito nakahilig sa kaniyang swivel chair habang nasa harapan niya ang bitbit na alak kanina.He looked up; hard eyes transfixed in an evil stare. I swallowed hard, pakiramdam ko ay binabalatan n'ya ako ng buhay habang nakatitig sa'kin."Please take a seat," utos niya sa single chair na nasa harapan mismo ng kaniyang lamesa.Tumango ako ng bahagya at sinunod ang sinabi n'ya. Lumagok muna ako ng gatas sa baso bago ko iyon ilapag sa lamesa."Ah, ano palang pag-uusapan natin?" Hindi ko na napigilang itanong dito. Nervousness run throughout my blood, I continued to stared at him blankly."I want to arrange our marriage as soon as possible." walang ka gatot-gat
Kabanata 34Butterflies"I will make you pregnant if that's what you're worried about..."My heart was racing and my breath came quickly. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya iyon sa'kin. Wala rin akong ideya kung bakit n'ya naisip ang bagay na 'yon.Matapos kong ipagtapat sa kaniya ang katotohanan ay inaasahan ko nang palalayasin at ipapakulong niya ako. But I didn't expect him to make a decision that will surely worsen the situation. I still can't move and my body went rigid because of his grip. My lips were parted, tears were in my eyes but I tried to look brave.Argo's eyes were drilling on mine. Tila walang bahid ng pagsuko at walang balak na itigil ang nasimulan.Ngunit kahit anong gawin kong pigil ay umalpas ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tears spilled down my cheeks as I slipped away from the couch, but he didn't let me move an inch.He wipe the tears from my eyes with his soft hand, and I suppress a sob."Stop fucking crying, Natalia!" His eyes blazing like a torch.T
Kabanata 35Cold HeartNagising ako sa malamig na hangin na dumarampi sa aking balat. Tirik na rin ang araw nang mamulatan ko ang sariling silid. Tumagilid ako ng higa at niyakap nang mahigpit ang hotdog pillow na aking dantayan.I shut my eyes firmly as I remembered what happened last night and his last words to me that leave a big cut to my heart.Alam kong galit siya sa mga nalaman, lalo na sa mga kasinungalingan ko at pagpapaikot na ginawa ko sa kanya at sa kaniyang pamilya. Namaluktot ako ng higa hanggang sa yumuyog ang balikat sa mahinang pag-iyak. Kagabi pa walang patid ang mga luha ko mula nang bumalik ako sa aking silid.Labis-labis ang pagsisi ko sa mga nagawa kong kasalanan. Pero ang mas masakit pala ay ang matuklasan kong hulog na hulog na ako sa kanya at wala akong pagpipilian kundi ang masaktan.Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakaisip ng hakbang na gagawin. Paano ko siya haharapin ngayon? Paano kung tuluyan na n'ya akong ipakulong at ang higit pa doon paano kung bawi
Kabanata 36New begginingNagising ako sa malakas na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid. Bantulot akong bumangon at tumungo sa may banyo para sumandok ng tubig sa tabo.Nakapikit pa ang isang mata ko nang lumabas ng pinto. Doon ay nadatnan kong nag-aaway ang kapitbahay kong sina Sandra at ang dalagitang si Hannah.Ang hawak kong tabo ng tubig ay isinaboy ko sa dalawa na siyang nagsasabunutan na. Natigilan ang mga ito na siyang nagpa-awat na sa mga kasama nilang mga kapwa dalaginding din."Ano ba, natutulog pa yung tao ang ingay-ingay n'yo! Kung gusto n'yo magbabag doon kayo sa baba, sa may court at huwag dito!" Pina meywangan ko pa ang dalawa na siyang pupungas-pungas naman dahil sa ginawa ko.Masamang tumingin ang nagngangalang si Hannah na siyang pinandilatan ko naman ng mata. "Ano, kakasa ka na ba? Baka isumbong kita sa nanay na puro lalaki ang inaatupag mo at hindi pag-aaral!" Mabilis naman akong bumaling kay Sandra."Ikaw naman, alam mong jowa na ng iba kinakalantare mo
Kabanata 37PictureSakay ng bus ay maaga akong tumulak patungong Batangas. Sa Lunes na magsisimula ang training ko at may isang araw pa ako para makapaghanda sa trabaho.Isang kanto lang ang layo ng apartment na titirhan ko sa restaurant na pagmamay-ari ni Andra. Walang bayad ang upa, tubig at kuryente dito pagkat sagot ng kompanya nila ang expenses pero hindi sakop noon ang pagkain. Sa tingin ko nga ay sadyang in-except niya ako sa mga bayarin dahil alam niyang wala pa akong maibabayad.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang tumigil ang mga paa ko sa tapat ng nakasaradong pinto ng apartment. Lumingon muna ako sa magkabilang pasilyo na siyang malimit lang ang tao at mukhang wala naman pakialam kung sino man ang bagong salta dito.Isa pa, hindi ito gaya sa inalisan kong building kung saan kapag may bagong salta ay halos magkandahaba ang leeg para maki-usyoso.Umiiling na binuksan ko ang pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Maliit lang ang apartment tama lang sa isang tao. May
Kabanata 38First DayMaaga pa lang ay nasa restaurant na ako. Agad naman akong dumiretso sa office para sa maikling interview."Natalia Punongbayan, 23 year old. Single and business management under graduate."Tumiim ang mga labi ko habang binabasa ng manager ng restaurant ang aking bio. Mahigpit rin ang pagsalikop ng aking kamay sa aking kandungan dahil sa matinding nerbyos.Sinulyapan n'ya ako na siyang bahagya pang ibinaba ang suot na reading glasses."Yes, Ms.Punzalan." I finally took a courage to answer."Pagtitinda sa karinderyá lang ang experience mo? Walang ibang nakasulat dito?" Kumibot ang aking mga labi. Nakita ko kasing tumaas ang kilay n'ya sa'kin."Yes po, ma'am.""Hmm... Sige, dahil ang mismong may-ari ang nagpasok saiyo dito kahit hindi ka naman qualify para sa trabaho tatanggapin kita. Three days training may allowance 'yon na araw-araw mong matatanggap. Tapos pwede ka nang magsimula as a regular employee."Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. "Salamat po ng
Kabanata 39The EncounterNaging maagan ang trabaho ko nang sumunod na mga araw. Gayon pa man ay hindi maiiwasang dagsain kami ng customer lalo na kapag may event sa hotel kung saan naroon din mismo ang restaurant.Kadalasan ay dito ang bagsak ng mga guests lalo na kapag may gathering or may mga tourist na dumarating sa hotel. Gaya ngayon may kasal daw sa conference room at bukas pa gaganapin ang kasal kaya dito ang bagsak ng mga guests ngayon.Hindi ko nga halos maramdaman ang paa ko dahil sa pamamanhid nito sa mahabang pagtayo. Buti sana kung naka-plat shoes ako ngunit kailangan kong mag heels ng medyo mataas to look more presentable and decent. Ang mga waitress naman na lalaki ang nagbibit ng tray kapag marami itong laman kaya walang problema sa akin."Hays, nakakapagod ang araw na 'to, imagine tanghali pa lang pero lipas na ang beauty ko!" Reklamo ni Shiela nang dumabi nang upo sa tabi ko sa likod. Oras ng break time kaya sinulit ko ang pagkain at pag-upo dahil tiyak mamaya dag
Kabanata 40RestaurantExcited akong pumasok kinabukasan pagkat tiyak na magiging busy ako buong araw dahil sa may kasal na gaganapin sa YF Building.Sa totoo lang ay mga caterer na nakatoka sa pagtitipon pero dahil sobrang dinagsa ang wedding kahit pa nasa 200 lang na katao ang dapat na i-accomudate namin ay tila mas nagdagdagan pa ito ng 50 dahil sa dami ng bisita na dumating. Isa pasikat raw ang building na ito gusto nilang ma-experience ang mala royal na ganda ng buong hotel."Nakita mo bang bumaba na si Mr. Falcon sa lobby?" tanong ko kay Shiela nang magtungo ako sa restaurant noong tanghali."Hindi ko napansin. Pero palagay ko hindi, tiyak naman kasi na hahanapin ka ng mga kasama natin para ikaw ang mag-serve doon," aniya.Tumango ako dito at nalubog sa malalim na pag-iisip. Ayos lang kaya siya? Maganda naman ang paghihiwalay namin kagabi, ah? Hindi ko mapigilan itanong sa sarili."Ikaw ha, mukhang nagkakaigihan na kayo ni Mr. Falcon." Tudyo niya sa'kin.Pumilatik naman ako dito
Special Chapter 1L’ amoureMatapos ng kasal ay diretso kami sa resort para batiin ang mga bisitang dumalo sa pagtitipon. Simple lang din ang naging salo-salo sa gabing ito. Halos mga piling bisita lang din ang um-attend sa reception.Halos lahat ay masaya sa tinakbo ng seremonyas lalo na sina daddy at Inay na tila hindi maampat ang pakikipag kwentuhan sa mommy ni Argo."Congratulations to our newly wed!" Malakas na bigkas ni Christof habang hawak sa kamay ang bote ng champange.Nilapitan ito ni Argo niyakap bago tapikin sa balikat. Gumawi naman ang tingin n'ya kay Paul at George na siya rin niyang niyakap."Salamat sa pagdalo, akala ko hindi na kayo makakarating.""Kami pa ba? Alam namin matagal mo na itong plano." Christof shifted his eyes on me and give a wink.So, totoo ngang naka-plano itong kasal at hindi lang basta naisipan bigla ni Argo. Talagang mamaya sasabonin ko siya ng sermon."Congrats, Natalia." Tumingala ako kay Paul na malawak ang ngiti sa'kin. Gano'n rin ang ginawa
Kabanata 58AisleHindi maampat ang aking luha habang sakay ng sasakyan. Panay naman ang alo sa akin ni Inay na walang tigil ang paghaplos sa aking likod."Huwag kang mag-alala hija. Magiging maayos rin ang lahat."Ngunit walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pwedeng kahinatnan ni Argo. Sabi ni Inay ay naaksidente ito habang patungo dito sa Calatagan. Kaya pinadiretso ko na sa pinakamalapit na ospital ang sasakyan dahil dito daw malamang dinala si Argo.Ngunit nalampasan na namin ang ilang ospital ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan. Hindi ko na binigyan pansin ang bagay na 'yon pagkat gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.Subalit nakalabas na kami ng Calatagan ay hindi pa rin humihimpil ang sasakyan sa ospital."Saan ba tayo papunta?" Hindi ko na napigilan itanong kay Inay.Ngunit hinaplos lang niya ang likod ko't tumango sa'kin.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalong tumahip ng malakas ang aking puso. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Saan
Kabanata 57LunchMaaga pa lang ay naghanda na ako para magtungo sa Nasugbu para bisitahin ang hotel doon ni Dad. Sabi n'ya ay ako na ang bahala mamahala doon mula ngayon.Naabisuhan na rin n'ya ang lahat ng staff at manager ng hotel kaya hindi na mahirap para sa akin ang magpakilala.Matapos ang kalahating oras na byahe ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel. Doon pa lang ay kita ko na ang mga staff na nakahilera na tila inaantabayanan ang pagdating ko.Naroon na rin si Rosario na siyang aking magiging personal assistant at si Shiela na aking sekretarya.Huminga muna ako ng malalim bago bumaba matapos akong pagbuksan ng isa sa aking mga security. Si Daddy ang nag request na bigyan ako ng seguridad dahil sa mga pagbabantay sa akin ni Andra at mga nangyari noong mga nakaraang linggo.Isa pa lumakalad na sa tatlong buwan ang batang dinadala ko kaya todo ingat ako sa mga kilos ko. Gustohin man akong pigilan ni Inay at mamalagi na lang sa Villa ay hindi ako pumayag.Gusto kong tulongan
Kabanata 56RealTanghali na nang dumaong ang sinasakyan naming yate sa Isla. Maluwang ang naging pag ngiti ko pagkat sinalubong kami ng ilang naka-unipormadong lalaki. May ilan pa ngang sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg na tiyak na gawa nila."Welcome to Isla Verde!" Malugod nilang pagtanggap sa amin.Gaya ng dati ay hindi pa gano'n kadami ang tao dito ngunit may ngilan-ngilan na rin na nagtatayo ng maliliit na negosyo dito para sa mga turista na gustong mamasyal.Katunayan kahit walang kuryente sa gabi ay nakadaragdag pa 'yon ng atraksyon sa mga turista na nais mag camping dito.Sa isang bungalow type kami dumiretso kung saan may inihanda na pa lang pagkain ang mga lokal para sa pagdating namin. Kasama na doon ang Mayor at ilang Konsehal na sumalubong sa amin kanina."Mabuti naman ho naisipan n'yong mag-invest dito sa Isla namin. Ang totoo ho ay nahihirapan kaming i-promote ang Isla dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente," anang Mayor kay Argo habang sinisimulan na namin ang
Kabanata 55Isla VerdeNagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Kasabay nito ang malamig na hangin na hinihipan ang puting kurtina. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa unan at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin."Good morning, L'amoure?"Mabilis ang naging pagdilat ko at pagbalikwas akong bumangon nang marinig ko ang mababang boses ni Argo na nagsalita."Why are you still here?!"Hindi ako nagdalawang isip na ibaba ang comporter sa aking katawan at bumaba ng kama. Hinanap ko agad ang mga damit ko ngunit hindi ko makita.'Are you looking for this?"Umangat ang tingin ko kay Argo na hawak sa isang kamay ang hinubad kong white lose shirt. Dahil sa sobrang gulat at hiya ay halos lundagin ko siya sa kama para maagaw mula dito ang damit."Give me that!" Imbes na ibigay ay narinig ko ang malutong niyang halakhak matapos ay hinila ang balakang ko papalit sa kanya. Shit na malagkit, Natalia. You're completely naked. Gaya ko'y hindi pa rin ito nakakapagbihis kaya malaya
Kabanata 54Sweet Fire KissLumalim ang gabi, naging magaan para sa'kin ang mga eksena maging ang pagtanggap sa'kin ng mga bisita. Hindi na rin muli pang nag-krus ang landas namin nina Andra at Florisse. Pansin ko rin ang maagang pag-uwi ng mga Greensmith at maging ng mga Villarosa.Dahil hindi ako pwedeng magpuyat ay sinubukan ko nang magpaalam kina daddy at Inay. Pinuntahan ko rin ang lamesa ni Shiela at Rosario."Ayos lang ami dito madami pa naman boylet e," ani Rosario na panay tungga ng alak sa baso."Baka naman malasing ka n'yan?" Suway dito ni Shiela."Naka-ready naman na ang guest room para sa inyo," wika ko sa mga ito."Kung pwede lang nga sana mag-leave ako sa trabaho, kaso baka mapagalitan ako ni ma'am Andra." Nginuso pa n'ya ang grupo nina Andra at Florisse na siyang nasa isang lamesa habang kausap ang ilang pulitiko at business man."Kung gusto mo pumasok ka na lang secretary ko, do-doblehin ko ang sahod mo, o di kaya ay ti-triple-hin ko pa?" Agad na nagliwanag ang mukha
Kabanata 53Whore"Let us talk. . ."Nagpatiuna na itong naglakad palabas ng bulwagan na siya kong sinundan ng tingin.Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa ngunit narinig ko ang boses ni Inay. "Natalia, ayos ka lang ba? Kung mamahinga ka muna kaya sa silid mo?" Pigil niya sa aking braso."Ayos lang ho ako.""Baka makasama saiyo at sa baby mo ang gulong nangyayri?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap dito. "Nay, ayos lang ho ako. Kakausapin ko lang ho si Argo saglit."Tila hindi pa rin ito kumbinsido sa aking sinabi kaya ngumiti na lang ako dito nang maluwang. Hindi na ako nagpapigil dito nang sundan ko si Argo palabas ng mansyon.Sa labas ay mas marami pa pala ang mga tao at bisita na siyang naagaw ko ang pansin. Naroon din ang orchestra na nagbibigay ingay sa gabing ito sa kabila ng mga bulung-bulongan.Pinagkibit-balikat ko na lang ang mga 'yon habang nakatuon ang pansin kay Argo na tiyak na patungo sa mga puno ng guyabano at mangga.Lakas loob kong hinakbang
Hindi naman ito nag-atubili at nagbigay ng daan sa bagong dating upang maisayaw ako.Lumunok ako nang maraming beses bago nagkaroon ng lakas ng loob na tingalain siya."May I dance with you?" he asked in a lower voice.I held my breath. Tumango ako at tinanggap ang nilahad niyang kamay.Sa paglapat pa lang ng mga kamay namin ay napapikit na ako. Iba ang hatid na init ng kaniyang mga palad sa'kin. His scent, his heated breath and his searing body progressively drained my power and energy.Napasinghap ako nang ang isang kamay niya'y gumapang sa aking likuran at dahan-dahan humaplos pababa sa aking balakang. Argo pulled me closer to him kaya napahawak ang dalawang kamay ko sa malapad niyang dibdib."Happy birthday, L' amoure. . ."Hindi ko napigilang pumikit nang dumantay ang mainit niyang hininga sa aking pinsgi. Tila nalasing ako sa init at amoy ng matamis na serbesa na humahalo sa kaniyang hininga. Ngunit mabilis kong pinaglitan ang sarili matapos ay tumingala dito upang salubungin a
Kabanata 51HeiressMaaga pa lang ay tumulak na kami ng patungong Calatagan Batangas. Dad wanted us to see our new home. Dito na raw kami titira mula ngayon.Sa byahe pa lang ay hindi na mawala ang kaba ko sa pananabik na makita ang villa na sinasabi ni daddy. Matagal na raw na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang villa na siyang pinamana pa kay daddy ng mga magulang n'ya.Sumilip ako sa may bintana nang matanaw ang malaking arko na sumasalubong sa amin. Naka-ukit doon ang pangalang Villa Falcon na siyang mas lalong nagbigay sa'kin ng matinding kaba."Nandito na tayo..." Narinig kong wika ni dad sa backseat.Bago namin marating ang destinasyon ay ekta-ektarya munang bungang kahoy ang madaraanan mo. Namangha ako sa nakitang puno ng calamansi at guyabano na nakahilera habang papasok kami ng bakuran. Gano'n rin ang ilang puno ng mangga sa bandang likuran, at sa tingin ko'y mas marami pang puno sa banda do'n.Hindi rin biro ang mahabang kalsada patungo sa aming destinasyon. Pakiramdam ko