Kabanata 20Florisse "Namumutla ka, ayos ka lang ba talaga?" Hindi na napigilan magsalita ni Paul nang makapasok kami ng kusina. Napa-atras ako nang hawakan nito ang aking noong nanlalamig. Hindi ko akalain na gano'n ang epekto sa'kin ng narinig mula kay Argo."Totoo bang darating si... F-Florisse ngayon?"Paul looked at me over his shoulder. Inilapag niya sa lababo ang mga naligpit na plato."Bakit hindi paba kayo nakakapag-usap ni Florisse. Akala ko ayos na kayo since nag-usap na si Argo at Florisse."Kumunot ang aking noo walang maitindihan sa mga sinasabi niya."I mean, napagkasunduan yata nilang hihintayin ipanganak mo ang bata saka nila itutuloy ang kasal." Dagdag nito.Kumapit ako sa lababo at bahagyang yumuko. Hindi ko mapigilang kagatin nang mariin ang mga labi dahil sa mahapding kirot na gumuhit sa puso ko.Hindi ko akalain na may bago na naman akong problema bukod sa kung paano ako mabubuntis ni Argo. Tiyak na malabo nang mangyari ang mga plano ko ngayon kung nagkakaigiha
Kabanata 21ConfrontationIlang minuto rin akong nagkulong sa banyo, baka kasi bigla ulit humilab ang aking tiyan. Ayoko naman isipin nila na nagpapapansin ako kung magpapabalik-balik ako sa banyo.Kaya naisipan kong hilahin na ang bathroom tissue na nakalagay sa may istante. Naghanap din ako ng gamot sa medicine kit na naroon at swerte dahil may nakita akong diatabs. Lihim ko iyon sinuksok sa bulsa ko dahil kapag nalaman ni Argo na uminom ako ng gamot kahit bunris ako'y magtatataka na naman 'yon.Ayokong magkaroon na naman siya ng hinala sa'kin gaya nang ininom ko yung wine noong nakaraan sa restaurant. Nito lang din naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-research sa mga bawal sa isang nagdadalang tao. Kaya sobrang maingat ako ngayon.Halos kuskosin ko ang palad ko ng sabon at paliguan ng air freshener ang buong katawan bago lumabas ng banyo. Bahagya muna akong sumilip at hinanap ng mga mata si Argo ngunit wala ito roon.Dahan-dahan pa ang hakbang ko para hindi nila ako mapans
Kabanata 22French friesHindi ako nagpatinag at pinakita ang matigas kong mukha dito. Pansin kong kumunot ang noo ni Argo at unti-unting lumuwang ang hawak sa aking mga braso."You only have right for my child but you didn't own me, tandaan mo 'yan." Malakas kong piniksi ang braso ko mula dito saka siya tinalikuran na may ngiti sa mga labi.Ano siya hilo, hindi pa nga niya nahahawakan ang keps ko tapos gusto na niya akong angkinin?Ngunit natigilan ako nang bigla itong humarap sa akin kaya ako umatras. Agad din niyang sinapo ang likod ko palapit sa kaniya kaya halos mapasubsob ako sa malapad niyang dibdib.Argo looked at me with scowl face. Halos magdikit na nga ang mukha namin kung hindi lang ako umiwas ng tingin."I own you, Natalia. Baka nakakalimutan ko na dapat ay nasa kulungan ka na ngayon at humihimas ng rehas kung hindi dahil sa'kin." His voice is so deep and resonant.Langhap na langhap ko ang mainit at mabango nitong hininga na tumutupok sa aking lakas. Kung hindi nga lang
DressKinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda ng almusal ang mga bisita. Dito na kasi nakatulog si Paul at Christof habang si George ay hinatid ang dalawa pang sina Barbarra at Gellie.Pakanta-kanta pa ako nang maabutan ni Paul sa may kusina."Morning! How's your sleep?""Ayos naman. Nagising ako sa mabangong amoy ng niluluto mo."Ngumiti ako dito nang ilapag ko sa lamesa ang naluto nang tocino, hotdog, itlog at kamatis."Coffee?""Ako na, baka masyado nang nakakaabala saiyo, ikaw ano iniinom mo sa umaga?" tanong niya matapos humarap sa may coffee maker.Ang totoo niyan ay nagkakape ako sa umaga. Kaya lang dahil nagpapanggap akong buntis ay purgang purga na ako sa gatas tuwing umaga. Kung minsan nga ay lihim pa akong umiinom nito sa aking silid lalo na kapag wala si Argo."Ah, gatas lang ako. Ako na ang magtitimpla," wika ko at humarap na muli sa kalan para ituloy ang pagsasangag ng kanin."Ganito kaba talaga kasipag magluto?"Nilingon ko si Paul na siyang nakabalik na sa m
Kabanata 24HurtHabang daan ay hindi ko mapigilang hindi punasan ang mga luhang pumatak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng inaakusahan ka sa isang bagay na ginawa mo.Sobrang nagi-guilty ako ngayon sa mga patong-patong na kasalanan na ginawa ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito matatakasan.Napakurap ako nang abotan ako ni Argo ng tissue."Ayokong may nakikitang umiiyak, punasan mo na yang luha mo." Utos niya sa'kin habang hindi inaalis ang tingin sa daan.Tahimik ko naman tinanggap ang tissue at nagpunas ng luha. Suminga pa ako doon dahil sa sipon na kanina ko pa sinisinghot. Humila akong muli ng tissue at muling nagpahid ng luha."Hinintay mo na lang sana akong makabalik bago ka lumabas ng boutique." Umpisa niya sa seryosong tinig."I'm sorry, balak ko sana umuwi na."Ang totoo niyan, matapos kong malaman na kaarawan niya ngayon ay balak ko siyang bigyan ng regalo pero mukhang hindi na ako aabot pa."Ayosin mo ang sarili mo. Ayokong makita ni
Kabanata 25FirstAgad itong yumuko at inangat ang aking mukhang basang basa ng luha maging ng champagne na binuhos sa'kin ng ginang kanina."Are you alright? May masakit ba?" Agad niyang hinawakan ang puson kong walang laman.Kinagat ko nang mariin ang aking labi at umiling. Tanging ang paa kong natapilok lamang kanina ang iniinda ko sa ngayon."Ang paa ko..."Umangat ang tingin sa'kin ni Argo at sandaling naglagi ang mga tingin bago hawakan ang paa kong nasaktan."What is this means, hijo. That wowan is crazy! Baka nakakalimutan mo sinira n'ya ang dapat na kasal ninyo ni Florisse!" Halos mag histerikal na ito sa galit.Pero imbes na sumagot sa ginang ay tumaas muli ang tingin ni Argo sa'kin. "Can you still walk?" he asked.Bahagya kong ginalaw ang paa ko ngunit makirot iyon. Doon na kumilos si Argo para buhatin ako. Halos magka-ingay ang lahat sa nakita kaya wala akong pagpipilian kundi ang yumuko."Are you out of your mind?!" Halos himatayin na sa sobrang galit ang ginang dahil nak
KabanataWindblowsHabang naliligo ay hindi pa rin mawala ang kaba sa aking puso. Hindi rin mawala ang agam-agam ko sa mga susunod na mangyayari. Paano ko ngayon haharapin si Argo kung sa daliri pa lang niya ay nilalabasan na ako?Kinagat ko ng mariin ang labi. Shít na malagkit, paano kung higit pa doon ang nangyari kanina? Baka nga sampung beses pa akong lalabasan kung sakali.Hindi ko rin mapigilang pamulanaanan ng mukha. Pakiramdam ko kasi ay naroon pa rin ang mainit niyang mga kamay na tumutupok sa lakas ko. His touch, his body heat and his deep stare that making my heart convulsive.Paano na ngayon Natalia? Tiyak na masusundan pa ang gabing ito na siyang labis kong pinangangambahan. Kung noong una ay buo pa ang loob kong akitin siya at ibigay dito ang aking iniingatang dangal ngayon ay tila gusto ko nang umatras. Dahil mukhang ako pa yata ngayon ang nahuhulog sa mga bitag n'ya.At hindi ako handa kung sakaling lumabas na ang katotohanan na hindi ako buntis. Ano na lang ang sasabi
Kabanata 27BungalowI filled my lungs with glassy air while staring at him. Kung pwede lang ay bumalik akong muli sa tubig upang makapagtago ay ginawa ko na.I could still fill him inside me, pakiramdam ko nga ay naroon pa rin ang init na hatid ng kaniyang mga kamay kahit pa malakas ang hampas ng hangin sa aking mga balat.Tumigil ito ng ilang distanya mula sa'kin. Hand is now sliding in his pants pocket while he fixed me with unwavering stare."Did I tell you not to go out your room? Bakit dito ka naliligo?" May lalim ang mga boses niya halatang disgusto ang naabotan dito."Ang ganda kasi ng dagat, kahali-halina..." I smiled softly at him para ibsan ang magugulong paroparu na pilit kumakawala sa aking tiyan.Kahit madilim ay alam ko nakita niya ang ngiti ko. Mabilis itong umiwas ng tingin at ilang beses na umigting ang mga panga."This is not the right time to dip into the water. Masyado nang malamig, baka sipunin ka." aniya na hindi pa rin ibinabalik ang tingin sa'kin.I bite my to
Special Chapter 1L’ amoureMatapos ng kasal ay diretso kami sa resort para batiin ang mga bisitang dumalo sa pagtitipon. Simple lang din ang naging salo-salo sa gabing ito. Halos mga piling bisita lang din ang um-attend sa reception.Halos lahat ay masaya sa tinakbo ng seremonyas lalo na sina daddy at Inay na tila hindi maampat ang pakikipag kwentuhan sa mommy ni Argo."Congratulations to our newly wed!" Malakas na bigkas ni Christof habang hawak sa kamay ang bote ng champange.Nilapitan ito ni Argo niyakap bago tapikin sa balikat. Gumawi naman ang tingin n'ya kay Paul at George na siya rin niyang niyakap."Salamat sa pagdalo, akala ko hindi na kayo makakarating.""Kami pa ba? Alam namin matagal mo na itong plano." Christof shifted his eyes on me and give a wink.So, totoo ngang naka-plano itong kasal at hindi lang basta naisipan bigla ni Argo. Talagang mamaya sasabonin ko siya ng sermon."Congrats, Natalia." Tumingala ako kay Paul na malawak ang ngiti sa'kin. Gano'n rin ang ginawa
Kabanata 58AisleHindi maampat ang aking luha habang sakay ng sasakyan. Panay naman ang alo sa akin ni Inay na walang tigil ang paghaplos sa aking likod."Huwag kang mag-alala hija. Magiging maayos rin ang lahat."Ngunit walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pwedeng kahinatnan ni Argo. Sabi ni Inay ay naaksidente ito habang patungo dito sa Calatagan. Kaya pinadiretso ko na sa pinakamalapit na ospital ang sasakyan dahil dito daw malamang dinala si Argo.Ngunit nalampasan na namin ang ilang ospital ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan. Hindi ko na binigyan pansin ang bagay na 'yon pagkat gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.Subalit nakalabas na kami ng Calatagan ay hindi pa rin humihimpil ang sasakyan sa ospital."Saan ba tayo papunta?" Hindi ko na napigilan itanong kay Inay.Ngunit hinaplos lang niya ang likod ko't tumango sa'kin.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalong tumahip ng malakas ang aking puso. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Saan
Kabanata 57LunchMaaga pa lang ay naghanda na ako para magtungo sa Nasugbu para bisitahin ang hotel doon ni Dad. Sabi n'ya ay ako na ang bahala mamahala doon mula ngayon.Naabisuhan na rin n'ya ang lahat ng staff at manager ng hotel kaya hindi na mahirap para sa akin ang magpakilala.Matapos ang kalahating oras na byahe ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel. Doon pa lang ay kita ko na ang mga staff na nakahilera na tila inaantabayanan ang pagdating ko.Naroon na rin si Rosario na siyang aking magiging personal assistant at si Shiela na aking sekretarya.Huminga muna ako ng malalim bago bumaba matapos akong pagbuksan ng isa sa aking mga security. Si Daddy ang nag request na bigyan ako ng seguridad dahil sa mga pagbabantay sa akin ni Andra at mga nangyari noong mga nakaraang linggo.Isa pa lumakalad na sa tatlong buwan ang batang dinadala ko kaya todo ingat ako sa mga kilos ko. Gustohin man akong pigilan ni Inay at mamalagi na lang sa Villa ay hindi ako pumayag.Gusto kong tulongan
Kabanata 56RealTanghali na nang dumaong ang sinasakyan naming yate sa Isla. Maluwang ang naging pag ngiti ko pagkat sinalubong kami ng ilang naka-unipormadong lalaki. May ilan pa ngang sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg na tiyak na gawa nila."Welcome to Isla Verde!" Malugod nilang pagtanggap sa amin.Gaya ng dati ay hindi pa gano'n kadami ang tao dito ngunit may ngilan-ngilan na rin na nagtatayo ng maliliit na negosyo dito para sa mga turista na gustong mamasyal.Katunayan kahit walang kuryente sa gabi ay nakadaragdag pa 'yon ng atraksyon sa mga turista na nais mag camping dito.Sa isang bungalow type kami dumiretso kung saan may inihanda na pa lang pagkain ang mga lokal para sa pagdating namin. Kasama na doon ang Mayor at ilang Konsehal na sumalubong sa amin kanina."Mabuti naman ho naisipan n'yong mag-invest dito sa Isla namin. Ang totoo ho ay nahihirapan kaming i-promote ang Isla dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente," anang Mayor kay Argo habang sinisimulan na namin ang
Kabanata 55Isla VerdeNagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Kasabay nito ang malamig na hangin na hinihipan ang puting kurtina. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa unan at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin."Good morning, L'amoure?"Mabilis ang naging pagdilat ko at pagbalikwas akong bumangon nang marinig ko ang mababang boses ni Argo na nagsalita."Why are you still here?!"Hindi ako nagdalawang isip na ibaba ang comporter sa aking katawan at bumaba ng kama. Hinanap ko agad ang mga damit ko ngunit hindi ko makita.'Are you looking for this?"Umangat ang tingin ko kay Argo na hawak sa isang kamay ang hinubad kong white lose shirt. Dahil sa sobrang gulat at hiya ay halos lundagin ko siya sa kama para maagaw mula dito ang damit."Give me that!" Imbes na ibigay ay narinig ko ang malutong niyang halakhak matapos ay hinila ang balakang ko papalit sa kanya. Shit na malagkit, Natalia. You're completely naked. Gaya ko'y hindi pa rin ito nakakapagbihis kaya malaya
Kabanata 54Sweet Fire KissLumalim ang gabi, naging magaan para sa'kin ang mga eksena maging ang pagtanggap sa'kin ng mga bisita. Hindi na rin muli pang nag-krus ang landas namin nina Andra at Florisse. Pansin ko rin ang maagang pag-uwi ng mga Greensmith at maging ng mga Villarosa.Dahil hindi ako pwedeng magpuyat ay sinubukan ko nang magpaalam kina daddy at Inay. Pinuntahan ko rin ang lamesa ni Shiela at Rosario."Ayos lang ami dito madami pa naman boylet e," ani Rosario na panay tungga ng alak sa baso."Baka naman malasing ka n'yan?" Suway dito ni Shiela."Naka-ready naman na ang guest room para sa inyo," wika ko sa mga ito."Kung pwede lang nga sana mag-leave ako sa trabaho, kaso baka mapagalitan ako ni ma'am Andra." Nginuso pa n'ya ang grupo nina Andra at Florisse na siyang nasa isang lamesa habang kausap ang ilang pulitiko at business man."Kung gusto mo pumasok ka na lang secretary ko, do-doblehin ko ang sahod mo, o di kaya ay ti-triple-hin ko pa?" Agad na nagliwanag ang mukha
Kabanata 53Whore"Let us talk. . ."Nagpatiuna na itong naglakad palabas ng bulwagan na siya kong sinundan ng tingin.Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa ngunit narinig ko ang boses ni Inay. "Natalia, ayos ka lang ba? Kung mamahinga ka muna kaya sa silid mo?" Pigil niya sa aking braso."Ayos lang ho ako.""Baka makasama saiyo at sa baby mo ang gulong nangyayri?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap dito. "Nay, ayos lang ho ako. Kakausapin ko lang ho si Argo saglit."Tila hindi pa rin ito kumbinsido sa aking sinabi kaya ngumiti na lang ako dito nang maluwang. Hindi na ako nagpapigil dito nang sundan ko si Argo palabas ng mansyon.Sa labas ay mas marami pa pala ang mga tao at bisita na siyang naagaw ko ang pansin. Naroon din ang orchestra na nagbibigay ingay sa gabing ito sa kabila ng mga bulung-bulongan.Pinagkibit-balikat ko na lang ang mga 'yon habang nakatuon ang pansin kay Argo na tiyak na patungo sa mga puno ng guyabano at mangga.Lakas loob kong hinakbang
Hindi naman ito nag-atubili at nagbigay ng daan sa bagong dating upang maisayaw ako.Lumunok ako nang maraming beses bago nagkaroon ng lakas ng loob na tingalain siya."May I dance with you?" he asked in a lower voice.I held my breath. Tumango ako at tinanggap ang nilahad niyang kamay.Sa paglapat pa lang ng mga kamay namin ay napapikit na ako. Iba ang hatid na init ng kaniyang mga palad sa'kin. His scent, his heated breath and his searing body progressively drained my power and energy.Napasinghap ako nang ang isang kamay niya'y gumapang sa aking likuran at dahan-dahan humaplos pababa sa aking balakang. Argo pulled me closer to him kaya napahawak ang dalawang kamay ko sa malapad niyang dibdib."Happy birthday, L' amoure. . ."Hindi ko napigilang pumikit nang dumantay ang mainit niyang hininga sa aking pinsgi. Tila nalasing ako sa init at amoy ng matamis na serbesa na humahalo sa kaniyang hininga. Ngunit mabilis kong pinaglitan ang sarili matapos ay tumingala dito upang salubungin a
Kabanata 51HeiressMaaga pa lang ay tumulak na kami ng patungong Calatagan Batangas. Dad wanted us to see our new home. Dito na raw kami titira mula ngayon.Sa byahe pa lang ay hindi na mawala ang kaba ko sa pananabik na makita ang villa na sinasabi ni daddy. Matagal na raw na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang villa na siyang pinamana pa kay daddy ng mga magulang n'ya.Sumilip ako sa may bintana nang matanaw ang malaking arko na sumasalubong sa amin. Naka-ukit doon ang pangalang Villa Falcon na siyang mas lalong nagbigay sa'kin ng matinding kaba."Nandito na tayo..." Narinig kong wika ni dad sa backseat.Bago namin marating ang destinasyon ay ekta-ektarya munang bungang kahoy ang madaraanan mo. Namangha ako sa nakitang puno ng calamansi at guyabano na nakahilera habang papasok kami ng bakuran. Gano'n rin ang ilang puno ng mangga sa bandang likuran, at sa tingin ko'y mas marami pang puno sa banda do'n.Hindi rin biro ang mahabang kalsada patungo sa aming destinasyon. Pakiramdam ko