This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner and therefore don't exist.
Any recemblance to actual person's, living or dead or actual events is purely coincidental
No part of this publication maybe reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
1
HUMAHANGOS ako sa pagtakbo dala dala ang mga baunan ng kanin at ulam, kahit mabuhangin ay hindi ko ito pinansin. Ang mahalaga maabutan ko si itay, mangingisda na naman kasi ito at sa kasamaang palad naiwan nito ang baunan, mamayang hapon pa dadaong ang bangka nya kaya kailangan nya talagang mag baon. Mas binilisan ko ang takbo ng makita itong papasampa na sa bangka.
" Itay! Itay! Sandali!!!"
Malakas kong sigaw. Napatingin naman ito sa akin at kumunot ang noo. Ilang sandali pa at nakarating din ako sa kanya na hinihingal.
" Anna! Sinabi ko naman sayong wag kang tatakbo baka madapa ka! Ikaw talaga." Sermon nito.
" T-tay, n-naiwan nyo po kasi" hinihingal kong sabi sabay pakita ng baunan nito.
"Oo nga pala!" At napahimas ito sa noo. Kinuha naman nito at nilagay sa bangka.
" Salamat anak, bantayan mo ang mga kapatid mo ha! At ako'y aalis na." Tinapik ako nito sa balikat bago sumampa.
"Sige tay, aalis na ako."
Kumaway pa ako bago umalis. Hindi na ako tumakbo dahil mabilis akong hingalin.
Ilang minuto din bago ako makarating sa bahay. At ang mga kapatid ko ay busy sa mga anu anong ginagawa. Umupo ako kay ate Anne na busy sa paggawa ng polseras gamit ang mga bato na pinulot nito sa tabing dagat, binibinta nito ng limang piso o sampo, tulong na din kina itay."Tulungan na kita ate" sabi ko sabay kuha ng mga gagamitin.
Si ate Anne ang panganay samin 27 na ito at single pa. Sunod si kuya Angelo 25 at may asawa't anak na. at ang ikatatlo ay si ate Ariana, 23 single. at ikaapat naman ako 17 sunod sakin si April na 15 at ang bunso ay si Ian or pronounced as ayan na 8 taon.
"Sasama kaba sakin mamaya?" Napatingin naman ako kay ate Anne ng magsalita ito. Napaisip ako kung sasama ba. Pupunta kasi ito sa bayan at magbibinta ng polseras at kuwentas na gawa nito.
"Titingnan ko ate, at kung hindi man puwedi namang sumama si April, wala naman yang ginagawa" napatingin naman kaagad si April na busy sa pag lalagay ng make up.
"Ate Anna! Sasama ako kay Carmen eh" nakasimangot na sabi nito. Napataas naman ako ng kilay.
"Para ano? Mamimingwit ng boyfriend? Ang bata mo pa, at ano yang sa mukha mo make up? Saan naman yan galing Aber?"
Nakataas parin ang kilay ko. Kahit si ate Anne ay napailing nalang. "Hayaan mo na. Kaya ko naman"sabi ni ate.
"Pero ate!" Dinilaan lang ako ng maldita kong kapatid. Mabait naman ito pasaway lang.
"Alis na ako baka hindi pa ako makaalis mamaya." Saka ito nag martsa paalis.
"Hindi mo sana hinayaang gumalak ang malditang iyon ate!" Naiinis kung sabi.
"Hayaan mo na, alam na nya ang ginagawa. At bakit hindi ka sasama sakin?"
Napabuntong hininga nalang ako. Napakabait talaga ni ate Anne.
"Tutulong ako kay inay mamaya, ang daming nagpalabada sa kanya." Hindi na ito nagtanong at busy na sa ginagawa
Paalis na si ate at sumakay ng bangka. Ito lang naman ang sasakyan para maka alis sa isla, napapalibutan kasi ng tubig ang buong isla at kailangan mo pang sumakay ng bangka papuntang bayan, ito ang pinakamaliit na isla dito sa Isla Verde.
"Sabihan mo ang ate Ariana mo pag uwi nya na singilin si aling Angging ilang linggo nang hindi nagbabayad yun"
Tumango lang ako. Nang makaalis ang bangka ay saka ako pumunta sa tubig at naligo sandali.
Nandito kami ni nanay kina ante Babeng. Yong magpapalabada."Ito anak, dalhin mo. ako na ang kukuha ng bedsheet."
Inabot nito ang basket na puno ng mga lalabahin. Binuhat ko ito at dinala sa likod bahay. Hindi naman mayaman si ante babeng pero hindi katulad namin medyo angat sila sa buhay dahil nasa abroad ang anak nito. Sinimulan ko na ang paglalaba. Habang busy sa paglalaba dumating si inay na bitbit ang limang bedsheet na sobrang kapal! Parang nahihirapan pa ito sa bigat. Kaya kaagad akong tumayo at tumulong.
"Inay naman! Sana sinabi mong marami ang bubuhatin mo para natulungan kita!"
Nakasimangot kong sabi. Tumawa lang ito.
"Kaya ko naman Anna anak"
Pinagtulungan namin ni inay ang paglalaba at tatlong oras bago kami natapos. Pagod na pagod kami kaya nagpahinga muna kami sa sala ng bahay ni ante Babeng. Ilang sandali dumating din ito dala ang perang ibabayad samin.
"Ito Langring, 200 salamat, sa susunod ulit."nakangiting sabi nito. Tumango lang si nanay saka kami umalis. Habang naglalakad nag salita ako.
"Nay, hayaan nyo balang araw makakahanap din ako ng magandang trabaho at hindi nyo na kailangang maglabada ng ganuon ka dami at hindi na rin mangingisda si itay!" Nakangiti kung sabi. Tinapik lang nito ang balikat ko.
"Wag kang mangarap ng sobra anak dahil baka bumagsak ka, napakasakit noon" paalala nito. Hindi na ako nagsalita pero itinatak sa isip ang paalala nito.
Nang makauwi ay nadatnan namin si ate Ariana na busy sa pagluluto.
"Nariyan na pala kayo nay, sandali lang patapos na ito"
Saka itinuon ang atensyon sa pagluluto.
Naalala ko naman ang habilin ni ate Anne."Ate Ariana, singilin mo daw si aling Angging sabi ni ate Anne ilang linggo na daw iyong hindi nagbabayad."
Tumango lang ito.
Saka ako pumasok sa kwarto namin. Kaming anim na magkakapatid ay magkakasama sa lapag, walang kama dahil hindi naman kami mag kakasya at masyado nang masikit. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay.sa totoo lang parang bahay kubo lang nga ito sa liit, pero kahit ganuon masaya naman kami. Humiga ako sandali para magpahinga, nakakapagod din kasi. Marami akong pangarap para sa pamilya ko at para matupad yun kailangan kong magtrabaho sa maynila pero hindi ko alam kong matatanggap ako kung sakaling mag apply ako at wala akong pinag aralan kaya mahirap makipag sapalaran. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ng tinapik tapik ako ni inay."Anna, anak gising na kakain na." Sabay yug yug sakin. Napadilat ako at napahikab.
"I-inay" sabi ko nalang dahil humikab ulit ako.
"Talagang antok ka, sige matulog ka nalang ulit at iiwanan kita ng pagkain" Iyon nalang ang narinig ko dahil nakatulug ulit ako dahil sa pagod.
Nagising ako ng gabi na at nandyan na si itay. Tinawag ako nito sinabing kumain na. Tapos na silang kumain kaya dumulong ako sa maliit naming kusina at inihanda ang kakainin.
Nang matapos ay sinilip ko sila inay na busy sa pagkukuwentuhan kasama ang itay.
"Malalaki na sila, pero tingnan mo ang buhay natin ni walang asenso kahit araw araw pa tayong kumayod wala pa rin, mahirap parin sa daga."
Sabi ni inay. Nalungkot naman ako. Kung may maitutulong lang sana ako pero wala. Hindi naman kami nakatapos ni high school ganuon din ang mga kapatid ko. Pati si kuya Angelo palalamunin pa nila itay haaay! Kahit may sarili nang pamilya.
Hindi na ako nakinig at pumunta ng kwarto at sinilip ang alkansya. Siguro marami rami na din ito, tinago ko ulit ito baka makita pa ni kuya Angelo at hiramin.
KINAUMAGAHAN ay busy na ang lahat sa kanya kanyang trabaho. Si itay mangingisda. si ate Anne magbibinta sa palengke, si kuya Angelo naman ay magkakargador si ate Ariana naman ay raraket daw at kami ni nanay maglalabada na naman. Ang maiiwan nalang sa bahay ay si April at Ian.
"Mga anak, aalis na ako malapit ng sumikat ang araw. April anak. Bantayan mo si Ian hindi puro lakwatsya ang inaatupag." Sermon nito kay April. Umirap lang ang huli.
"Samahan na lang kita tay. Sa bayan ako pupunta baka pwedi mo akong ihatid muna sa daungan." Sabi ni ate Anne. Umalis na ang mga ito at kami nalang ni nanay ang naiwan umalis na din kasi ang iba kong kapatid. "Dalian mo anak, baka mainip ang ante Nancy mo, may pupuntahan pa ito." Nilingon ko si inay at tumango lang bago kinuha ang mga dadalhin saka kami umalis.
Sa daan ay nakasalubong namin si Tiyo Nestor, may dalang malalaking isda.
"Wow naman Nestor! Ang lalaki niyan ah!" Namamanghang sabi ni inay saka sinipat ang mga malalaking isda."Kaya nga Lagring, may mga bago kasi kaming lambat, sabihan mo naman ang asawa mo na sumama samin sa susunod."
Tumango lang si inay, binalingan lang ako ni Tiyo bago umalis.
"Anna, aalais na ako." Sabi nito. Ngumiti lang ako bago sumunod kay inay.
Maraming labahin kaya nagsimula na kami. Si inay sa mga damit ako naman ang sa pangbaba katulad ng mga pantalon na malalaki. Sa totoo lang masakit na ang mga kamay ko sa walang tigil na pagkuskus ilang araw na sunod sunod na paglaba buti sana kong kunti lang pero hindi! Napakarami na pagnatapos hindi kana makatayo! Pero magrereklamo pa ba ako? Si inay nga alam kong may iniinda ding sakit hindi lang sinasabi. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ayos ka lang nak?" Nakakunot noo nitong sabi habang patuloy parin sa paglalaba. Tipid lang akong ngumiti.
"Ayos lang po nay, ako pa ba?"
Pagbibiro ko na ikinatawa nito. Nang matapos sa napakaraming labahin ay binigyan kami ni ante Nancy ng 300. Napatitig ako dito at napaisip. Worth it ba tong 300 sa napakadaming labahin? Pero wala naman kaming karapatan na mag reklamo sa hirap ng buhay kahit 100 nga okay na. Napabuntonghininga nalang ako at napasulyap kay inay na nakatingin pala sakin, bakas ang lungkot sa kulubot nitong mukha at awa na din. Lumapit ako sa kanya at nakangiting iniabot ang pera.
"Pasencya na anak ha, ito lang ang kaya naming ibigay ng ama mo."
Lumapit ako sa kanya ng makita ko ang luha nito, kaagad ko siyang niyakap.
"Nay, kahit ganito ang buhay, basta masaya tayo at sama sama kaya wag na po kayong malungkot at umiyak." Alo ko dito dahil mas lumakas pa ang iyak nito.
"Salamat anak, napakabuti mo talaga. Swerte kami ng ama mo dahil may anak kaming napakaganda at napakabait."
Tumahan na din ito. Napangiti nalang ako at humiwalay na.
Iginaya na ako ni inay palabas para makauwi na.Gabi na at sama sama kami sa hapagkainan. Dahil maliit lang ang bahay ay maliit din ang mesa kaya si inay at itay at si Ian lang ang nakaupo sa mesa. Kami naman nila ate Anne at Ariana at April ay sa bangkong mahaba nakaupo. Galunggong ang ulam at magana kaming lahat sa pagkain. Swerte na siguro kung makakapag ulam kami ng karne, sa napakamahal na mga bilihin hindi na namin yun afford. Sa labada nga mga 500 na ang pinaka mataas na ibinibigay at ang isang kilong karneng baboy ay nagkakahalagang 350. Nag iipon pa kami para sa pag aaral ni April. Mag te third year na ito sa pasukan kaya kailangan naming magtulungan, kami wala na kaming balak na mag aral si April nalang ang aming itatawid. Pero ang pinakamalungkot pagnakatapos na ito ng high school hindi na ito papasok sa college katulad namin.
Nang matapos kumain ay nag ayos na kami ng mga sarili para matulog.
"Ate pakisabi kila itay at inay na sa kabilang bahay lang ako at manonood nang TV."
Sabi ni April. Hindi na ako nito pinasalita dahil kaagad iyong tumakbo. Napailing nalang ako, pagkatapos kung makapaghilamos sa labas dahil nanduon ang poso ay kaagad akong nahiga. Nakahiga na din sila ate Anne at ate Ariana.
"Maglalaba ba kayo bukas?" Sabi ni ate Anne. "Hindi te, sasama ako sayo bukas" tumango lang ito at hindi na nagsalita.
"Saan si kuya Angelo te?" Tanong ko.
"Sa asawa nya bati na ulit sila" si ate Ariana ang sumagot. Hindi nalang ako sumagot. Ano pa bang bago? Laging nag aaway, magbabati din naman. Buti nga at para bawas sa palalamunin. "
"Balita ko nandito na si Mar, yung best friend mong lumipat sa maynila. Kahapon lang daw nakarating."
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sabi ni ate Ariana.
"Talaga? Hala! Miss na miss ko na siya!" Excited kong sabi.
"Ate Anne! Sasama ako bukas sa bayan!"
Masaya kong sabi at niyakap pa ang bewang ni ate Anne. Si ate Anne kasi ang nasa gitna."Dapat nga makipagkita ka duon baka naman may pasalubong ka." Tugon ni ate Ariana.
"Si ate talaga! Kahit wala na. Basta magkita lang kami ulit!"
"Sasama ka ba sa kanya? Diba sabi mo pagnakadalaw siya dito sasama kana sa kanya at duon ka sa maynila maghahanap ng trabaho?" Sabi ni ate Anne na nakapikit.
"Titingnan ko ate, wala akong pamasahe" malungkot kong saad.
" May naipon ako, hiramin mo nalang muna saka mo na bayaran" sabi nito."Talaga te! Yes! Salamat te!" Niyakap ko siya ulit.
"Matulog kana, gabi na Anna!" Saway nito. Nakangiti akong natulog. Sa wakas makakapunta na din akong maynila. At matutupad ko na ang pinapangarap ko para kina inay at itay at sa mga kapatid ko.
// Please Comments or vote po para maramdaman ko naman ang mga presents niyo at mapasalamatan.😘❤️🙏
Please vote comments and share and don't forget to follow me on my account Lady Kimmy thank you!
2 MAAGA kaming gumising para sa lakad namin. Ihahatid muna kami ni itay sa bayan bago siya mangisda. Balita ko din, sasama na daw siya kina Tiyo Nestor sa pangingisda, dahil noong nakaraan may na diskubre si Tiyo at ang mga kasamahan nito ng lugar ng mga malalaking isda. "Bilisan mo na Anna! Maiiwan na kayo ni itay!" Sabi ni ate Ariana. Kaya kinuha ko na ang sumbrero at sinuot bago sumunod kina ate Anne. "Hindi kaba sasama samin te?"Umiling lang si ate Ariana at tumalikod. Tumakbo na ako para maabutan sina ate Anne. "Ang tagal mo!" Sita ni itay. Hindi ko nalang pinansin at sumakay na sa maliit na bangka ni itay." Huwag kang malikot Anna! Baka bumaliktad tayo!" Sita ni at
3 SA SAMPUNG oras na byahe sa wakas nakaabot din kami ng Maynila, at habang nakasakay sa taxi hindi ko maiwasang tumingin sa labas at mamangha. Ito palang ang unang beses na makakita ako ng malalaking building except sa TV na nakikita ko lang. Ito yong pangarap ko eh, ang makarating ng Maynila, at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Okay ka lang ba Anna! Bakit? May masama ba sayo? Bakit ka umiiyak!" Hindi mapakaling sabi ni Mar. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Salamat Mar, kung hindi dahil sayo hindi ko matutupad ang pangarap ko na makarating dito sa Maynila at makapagtrabaho, alam mo naman sa Isla Verde mahirap ang buhay roon." Mahina kong sabi. "Kala ko naman ano! Bwisit ka talaga Anna, kinabahan ako dun!" Naiinis nitong sabi na tinawanan ko lang. Alam kong parang OA masyado pero para sakin hindi, napakalaking bagay na ito sakin ito yong pangarap ko. High School lang tinapos ko at hindi na ako nangarap pa ng mas malaki tinatak ko
4 AALIS na sana ako pero napatigil ako sa huling sinabi nito. "But because Mar recommended you and i trust her then you can work effectively tomorrow" nakangiting sabi nito. Napatigil ako at napatitig sa kanya. "H-hindi po ba kayo nagbibiro?" Alanganin kong sabi, dahil sa mga pinagsasabi nito kanina malabo na makuha pa ako. "I'm not joking around and that's not my forte so? When i said you can work effectively tomorrow means you got the position" nakangiti na nitong sabi gusto kong umiyak dahil sa saya. "S-salamat p-po" hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanaya. Isininyas nito ang pintuan na nagsasabing pwede na akong lumabas. Kaya kaagad akong tumalima. "Yes!! Yes! Thank you Lord!" Nagtatalon ako sa sobrang saya at napatigil lang ng makita ang mga ibang applicant na nakatingin sakin at nagbubulungan pa. Hindi ko nalang pinansin at sobrang saya ko para lang sirain yun. Kaagad kong kinu
5ANG LAKAS parin ng tibok ng puso niya kahit malayo na siya sa lalaki. Sobrang gwapo niya at napakakisig parang yong bida sa novel na binabasa niya at sa mga tauhan sa mga pocket book na hinihiram niya kay Kim, kababata niya sa Isla na mahilig magbasa Ng mga novels. Wala sa sariling napangiti siya at sumulyap sa table 5 kung saan nakaupo Ang binata."Anna! Table 1! Kanina kapa tinatawag, sino bang sinisilip mo diyan." Sita ni Lyn na tangka atang sisilip ng bigla niyang pigilan at dinala sa kitchen para kunin ang mga order. Hindi na Ito nagtanong at dumiretso na sa counter para tumulong dahil wala si ate Bebang. Nang makuha ang order pumunta na siya sa table 1 pero pasimpleng sumisilip sa lalaking nasa table 5 na tahimik lang na kumakain. Nang matapos niyang maibigay Ang order sa table 1 pumunta na siya sa gilid Ng counter para maghinta
6HINDI PARIN ako makapaniwala sa sinabi ni Caloy kanina, Tiningnan ko ang mga braso at tama nga itong malaki ang ipinuti ko. Ngayon ko lang napansin na malaki nga ang ipinagbago ko simula ng umalis ako sa Isla Verde. At ang mas nakakagimbal ay ang balitang may gusto si John sakin! Napapansin kong panay ang tingin nito sakin pero ayaw ko namang mag assume at sa sinabi lang ni Caloy kanina ay parang hindi naman ito nagbibiro. Napabuntong hininga nalang siya saka umalis sa gilid para kunin ang tray na para kay sir Marcus. Nakita ko pa sa peripheral vision ko si John na pa simpleng tumitingin sakin. Hindi ko nalang pinansin at dali dali nang umalis dahil baka kanina pa hinihintay ang order. Nakasalubong ko pa si ate Bebang at pinapadali ang order, Napatigil sandali ako nang makitang pangdalawahan ang order nito siguro may kasamang kaibigan. Napangiti ako nang maalala ang gwapong mukha nito.
7GALIT NA TUMAYO ang lalaki at sinabing nawala na daw siyang ganang kumain. Sumunod naman ang mga kasamahan nito."Ano ba kasing nangyari" Tanong ulit ni Ate Bebang ng nasa kitchen na kami. nakakahiya ang nangyari kanina buti nalang wala ang manager naming masungit kundi patay ako! Bumalik na rin sila Caloy at john sa trabaho habang si ate Bebang nagpaiwan para malaman kong ano ba talaga ang nangyari."Haay ate Bebang! Bastos kasi yong lalaki. Gustong malaman ang pangalan ko saka balak pang hahalikan ang kamay ko kaya sa bigla hinila ko kaagad na ikina galit nito "Sumbong ko dito."Ano! Bakit ngayon mo lang sinabi sana sinapak ko para sayo!" Nanglalaki pa ang mata nito kaya wala sa loob na napatawa ako.
8MARAMI KAMING napuntahan at nabili ni Lyn, Ngayon dito kami sa Jollibee at kumakain."Hinatid ako ni sir Marcus noong nagpadala ako kina inay. Grabe ang ulan kaya naawa siguro sakin kaya niya ako pinasakay at hinatid." Mahina niyang sabi para hindi ito mabigla pero wala siyang makitang reaction nito. Nakatingin lang sa kanya habang ngumunguya ng burger at sumipsip sa juice nito."Wala ka man lang sasabihin? sisigaw at kukurutin ako?" Sabi ko dahil minsan ganito ito eh bigla nalang sisigaw at mangungurot. Pero nabigla nalang ako ng bigla itong tumawa ng malakas at muntik ng masamid."Hahahaha! alam ko nang ambisyosa ka pagdating kay sir Marcus pero hindi ko alam na assumera kana pala ngayon? hahaha"Pinunasan pa nito ang luhang tumulo
9"SORRY sir Marcus Kung natagalan." Hingi niyang paumanhin pero wala man lang itong isinagot, kaya inilagay na niya ang mga order nito sa mesa. Nang matapos ay magpapaalam na sana siyang aalis dahil kakain muna siya dahil hindi siya nakakain kanina pero nagulat siya sa sinabi nito."Sit down and join me" Malamig na sabi nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil ito ang unang beses na kinausap siya nito sa madaming tao, at iniimbitahan pa siyang umupo at sabayan ito. Baka naman binibiro siya nito, pero kailan pa nag biro ang isang Marcus Maxwell? nahihiya siyang tumangi. bawal silang sumabay sa costumer kahit pa kapamilya nila ito kailangan muna nang pahintulot. nasa kuntrata ito bago paman siya natanggap."pasensiya na po pero hindi po kasi kami pwedeng sumabay sa costumer."
MARCUSNAKANGITI siya habang nakatingin sa asawa habang buhat buhat ang bunso nila sa kandungan nito at pinapa dede, kakapanganak lang nito kanina kaya hindi pa ito maaaring tumayo. Hindi nila akalain ng asawa na mabubuntis kaagad ito pagkatapos ng may nangyari sa kanila noong galing siyang airport para bawiin ang anak na si Mario sa baliw na Nanay nito.Oo, nabaliw si Meghan at nasa pangangalaga na ito ng mental hospital. Nalulungkot din naman siya sa dating asawa lalo na't minahal niya din ito dati at marami silang pinagsamahan. Hindi niya alam na nag du-druga na pala ang dating asawa niya dahil sa impluwensiya ng mga kaibigan nito. Kaya siguro bigla nalang itong nagbago at parang hindi na niya kilala.Maybe everything happened for a reason dahil kong hindi lahat iyon nangya
WakasGALIT NA galit ang mukha ni Marcus ng mapagbuksan niya ng pintuan. Kaya kaagad siyang nabahala."Anong nangyari? nasaan si Mario?" Kinabahan ako ng hindi nito dala ang bata. Napabuntong hininga ito at tinanong kong nasaan daw ang mga bata. Sinabi kong doon muna sila sa kwarto at huwag lumabas dahil mahirap na. Hindi niya ako sinagot imbis ay inalalayan ako para puntahan ang mga anak."Papa! nasaan na si Mario?"Kaagad na tumakbo si Marky sa ama at binuhat naman ito ni Marcus saka hinalikan sa pisngi. Pinalalapit din nito si Marco na Wala sa mode na lumapit sa ama para humalik sa pisngi kahit ayaw na ayaw nito. Iyon kasi ang gusto ng lalaki kapag aalis daw siya gusto niyang salubungin siya halik.
50HINDI nakapagsalita ang dalawa matapos kong e kwento lahat, sa unang encounter namin ni Marcus kong paano ko siya unang nagustuhan at kong gaano ito kasungit noong una, hanggang sa may nangyari samin kaya may nabuong mga bata at kong paano ko tinago ang mga anak ko dahil ayaw kong malaman nito na may anak kami lalo na't may karelasyon siya noon at malapit nang ikasal at kong paano nagkita ang mag aama at pati ang naisipan ng lalaki na makipag hiwalay na sa asawa nito para subukan ang sa amin.Matapos kong e kwento ay parihas hindi nakapag salita ang dalawa hanggang sa nagulat nalang ako ng niyakap ako ni Devy at sorry ito ng sorry."Hala sorry Anna hindi namin alam, talagang may naisip akong iba sayo lalo na't bigla ka nalang nawala tapos makikita ka naming kasama si sir Marcus kasa
49NANG makabalik sa hotel ay kinausap ako ni Marcus ng maibaba na nito si Marco. Napag isipan nito na lumipat na sa cabin malapit sa cabin ni Ashton pero hindi naman nag e-stay ang lalaki doon kaya mabuti daw na doon nalang kami para iwas panaog. Malapit lang sa dagat ang cabin at magugustuhan daw namin iyon. Maganda daw mag bonfire doon dahil kong sa hotel pa kami mahihirapan siyang buhatin ang mga bata lalo na't ayaw nitong may bumubuhat sa mga anak maliban dito."Okay lang naman sakin. Mas gusto ko nga iyon para hindi na mahirapan ang mga bata kakaakyat dito sa hotel room natin."Tumango ito saka sandaling nag paalam at tumawag ng mag aasikaso sa mga gamit nila at pati ang cabin ipina handa nito. Nang busy pa ito ay lumapit ako sa mga bata para patuyuin ang mga buhok nila at inihan
48PAGKATAPOS ng mahabang kwentuhan at kulitan ay napag desisyunan naming lumabas na dahil gusto ng maligo ng dalawa. Laking pasasalamat ko na wala pang nakakapansin sakin dahil may suot akong beach hat at naka sunglasses para matago ang mukha, nang mapansin ito ni Marcus ay sinabi nitong hindi ko naman daw kailangang mahiya. Pero hindi ko maiwasan.Nang makarating sa dagat ay bigla nang naghubad ng damit si Marky at Mario at tumakbo para maligo, nasa mababaw lang sila at may inutusan si Marcus na dalawang lalaki na magbantay sa mga bata. Si Marco naman nagbabasa na naman habang nakahiga sa lounger beach bed hapon na at hindi na mainit. Tumabi ako sa kanya tinanong ito kong bakit hindi ito naligo kasama ang mga kapatid."Wala ako sa mode maligo Ma, siguro mamaya na" simpleng sagot nito
47Sorry guys more chapter to go pa, mga tatlo or dalawa nalang.NakakabitinNaman kasi kongwakaskaagad. Thank you for reading Anna hope you read it till the end thank you!LUMIPAS ang ilang araw ay naging mabuti naman ang pananatili namin sa Maxwell Mansyon, hindi na rin nanggugulo si Meghan at mas naging malapit na din ang mag a-ama ko. At ang mas nakakatuwa ay naging maganda ang trato ni Marcus sakin. Minsan sweet siya sakin at maalalahanin, tinatanong niya kong nakakain na ako or may kailangan na ikina tuwa naman ng puso ko, nagiging clingy din ito dahil minsan nagugulat nalang ako sa basta nitong pag akbay at paghawak sa waist ko. Ang hiling ko lang sana magtuloy tuloy na ito dahil aminin ko man o hindi nagugustuhan ko kong paano ako tratuhin nito.
46MATAMIS akong nakangiti habang nakatingin sa mag-aama kong masayang nagpapalipad ng saranggola, nandito kami sa park at dahil mahangin naisipan ni Marcus na magpalipad nalang na nagustuhan naman ng mga anak ko."Papa ang taas na ng akin!"Tumatalon pang sabi ni Marky."Taasan mo pa anak!"Tumatawang sabi ni Marcus at nang makitang nahihirapan itong luwagan ang tali at lumapit na ito at tinulungan. Napatingin ako kay Marco na malawak din ang ngiti sa mukha, napangiti ulit ako dahil kita sa mukha ng mga anak ko ang saya. Ngayon nagsisisi ako kong bakit ko sila tinago pero nangyari na at huwag ko nalang balikan pa.Hinanda ko nalang ang kanilang mga kakainin, gumawa din ako ng chicken
45NANG MEDYO malapit na ang ingay ay si sir Marcus na mismo ang tumayo at inalalayan ako. Parihas kaming tahimik at hindi alam ang sasabihin sa isa't isa.Tok!Tok! Tok!Narinig naming katok bago bumukas."Anna? kakain na..." Hindi nito natapos ang sasabihin ng makitang kasama ko si sir Marcus."aii nandyan ka pala Marcus hijo, sabay na kayong bumaba ni Anna at kakain"Hindi ako makatingin sa lalaki dahil sa nangyari kanina lang, nakakahiya! ano nalang sasabihin nito na napakarupok ko!" lalabas na kami Yaya Meding, inaalayan ko lang si Anna. Namamaga ang isang paa nasangga d
44KONG HINDI ka lang babae at Ina ni Mario! nunkang makakapasok kapa dito! at baka nasaktan na kita!" Matigas at malamig na sigaw ni Tito na ikina maang ni ma'am Meghan."Dad! how can you say that to me? I know I've made a mistake na iwan si Marcus para sumama sa ibang lalaki pero napag isip isip ko na mahal ko pala sila ng anak namin at na miss ko lang ang freedom ko noon kaya ko yun nagawa. But I'll never do it again if you'll gonna give me a second chance. But that would happen if that bitch will vanish in our sight!"Saka ito humarap sakin at balak pa sana akong sugurin ng hawakan na ito ni Tito ng mahigpit." But it's different now Meghan, Ina siya ng mga Apo namin kaya hindi siya pwedeng umalis dito, you can still stay here if