Abala siyang nag-aayos ng mga sertipiko ni Megumi sa loob ng kuwarto nito. Nakangiti niyang hinawakan ang sertipikong nasa picture frame na.Gumuhit ang kaunting kirot sa kaniyang puso. Kaniyang naisip ang kaniyang anak. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon ang anak niya na may matawag na ama noong unang pagkakataon na bumigkas ito ng salita. "Mommy, alam mo po ba, ang sabi ng mga classmate ko ay smart daw ako! Ang sabi ko naman sa kanila, I am smart because I inherited it from you."Inayos niya ang buhok ng anak niya. Hinalikan niya ang pisngi nito. Binuhat niya ang kaniyang anak at pinahiga niya ito sa kama. "Hindi naman matalino ang mommy mo. Walang pinag-aralan si mommy mo, Megumi. Naging matalino lang ako noong pinili kitang buhayin," sabi niya sa bata."Mommy, hindi ba ako kilala ng daddy ko? Hindi ba ay si Parker Sherlock ang daddy ko? Iyon ang sabi ni Tinang Lexi, mommy."Hindi nakapagsalita si Greta. Ito na naman ang sensitibong paksa ng pag-uusap nila ng anak niya.Kani
Unang araw ng klase ng anak niya sa bago nitong paaralan. Tinitigan niya ang mukha ng bata at nakita niyang dumungaw sa mga mata nito ang saya na may halong kaba. "Megumi, ready ka na ba para sa bago mong classroom, classmates, at teachers?" "Oo, mommy. Medyo kinakabahan lang po ako pero masaya ako dahil wala na ang mga kaklase ko na mahilig manakit ng damdamin ng iba," tugon ng baya. Lumuhod si Greta upang malevel ang mukla niya sa mukha ng bata. Niyakap niya nang mahigpit ang anak niya. Nang niluwal niya ang bata ay inasam na niya na mapabuti ang lagay nito."Pasensiya ka na, anak, kung palagi kang hinahabol ng pangit na nakaraan ni mommy mo. Sorry talaga, anak. Hindi na kasi mababago pa ni mommy ang past niya," malungkot niyang sabi subalit gumuhit ng ngiti ang kaniyang mga labi."Mommy, kung hindi ka ganoon ay wala ako ngayon. Hayaan mo na ang past mommy. Happy naman tayo, hindi ba? Concentrate na lang tayo sa ngayon nang sa ganoon ay hindi tayo parang nakakulong sa past na iyon
Akala niya ay nagsimula na ang klase nila kaya ay tumungo siya sa classroom. Nasa unang baitang na siya ngayan. Bumuga ng hangin ang inosenteng si Megumi. Umupo siya sa kaniyang upuan na napili. Gusto niyang umuupo sa gilid, sa tabi ng bintana. Mapakla siyang ngumiti nang makita ang isang bata na tinulungan ng ama nito na bumaalba mula sa kotse. Nakita niya rin na sumenyas ang ama ng bata na halikan ito nito sa pisngi. Iyon nga ang ginawa ng batang babae. Malabo man dahil may kalayuan ang mag-ama mula sa kaniyang kinauupuan ay malinaw naman na mahal na mahal ng ama ng bata ang anak nito. Iniisip niya minsan kung ano ang pakiramdam ng may ama sa tabi. Paggising niya sa umaga ay palaging ang mommy niya ang kaniyang nakikita at palagi niyang nakakasama. Mahal na mal siya ng mommy niya pero hindi niya maiwasan ang mangulila sa pagmamahal ng isang ama. Tinagago niya sa kaniyang mommy na gusto na talaga niyang magkaroon ng daddy sa tabi niya. Iyong tipong ituturin siyang prinsesa nito a
"Ano pa ba ang mga kailangan mo, anak? Bilhin mo na lang habang nandito pa tayo sa mall," sabi niya sa kaniyang anak.Nasa mall ngayon si Greta kasama ang anak niya. Kalilangan na bumili ni Megumi ng mga bagong kagamitan dahil nasira ito noong tinapon ng kaklase nito na si Mattina ang mga gamit nito. "Wala na, mommy, iyong mga crayons at ibang mga papel lang ang kailangan kong palitan. Nakakainis kasi ang maldita na iyon!" Umiling si Greta. Kahit saan niya paaralin ang anak niya ay may sumusunod na hindi magandang nangyayari sa bata. "Anak, tell me if you want to enroll in another school. Marami naman akong alam na school na puwede mong lipatan." "Mommy, I'm not gonna run away from Safe Haven Academy because of that brat. Kung maldita siya ay mas maldita ako sa kaniya. Pinalaki mo kaya akong palaban. Hindi ba, mommy? Ang sabi mo sa akin, alagaan ko ang sarili ko. Sabi mo pa nga, kailangan kong matutuhan na ipagtanggol ang sarili ko dahil walang magtatanggol sa akin bukod sa aking
Hanggang ngayon ay hindi pa naalis sa puso ni Greta ang kaba. Bigla na lang kasing nawawala itong anak niya. Hindi siya nasasanay na hindi nagpapaalam ang anak niya kapag may pupuntahan ito. Takot na takot siya na mahiwalay sa kaniya ang anak niya. Ang papuntahin sa paaralan sa halos araw-araw ang anak niya ay malaking pagsubok na ito para sa kaniya, ito pa kayang bigla na lang nawawala ang bata?"Saan ka ba galing, anak!?" tanong niya sa bata.Hindi sumagot si Megumi. Patuloy lang ito sa pag-aayos ng buhok ng laruan nitong manyika. "Megumi, I'm asking you. Pinakaba mo ako. Alam mo naman na hindi ka puwedeng aalis na lang na hindi ka nagpapaalam sa akin. Kausap ko lang sa phone kanina ang ang tinang mo, at nang tumingin ako sa swing ay wala ka na. Saan ka nagpunta, Megumi?"She released a deep breath. Umiling na lang siya at niliko niya ang kotse niya. It was a secondhand car bought from the first owner. Binili niya ang kotse na ito dahil bukod sa mura ay hindi ito mahirap na imaneho
Wala na naman sa shop si Lexi dahil may importante itong gampanin sa paaralan ni Chloe. Presidente ng mga magulang sa section ni Chloe si Lexi. Ewan na lang ni Greta sa kaibigan niyang iyon, ang hilig lang talaga nito na sumalo ng papel sa mundo. "Good morning, ma'am. Here's your order." Hindi man lang nagawang ngumiti ng babae sa kaniya. Gayunpaman ay nanatili ang ngiti sa labi niya. "Hay naku!" aniya lamang at umupo na siyang muli. She was busy posting flowers and bouquets on their website. Naisipan nila na para lumawak pa ang audience nila ni Lexi ay dapat na magkaroon din sila ng online shop para sa negosyo nila. "Five bouquets of white roses," anang boses na pamilyar sa kaniya.Bigla na lang siyang nanginig. Ang smartphone na hawak niya ay bumagsak sa sahig dahil sa boses na narinig niya. Hindi niya makontrol ang panginginig niya. He was silently struggling to chase after her breath. She must be dreaming. Tahimik niyang kinurot ang sarili niya. Mahina siyang kumawala ng bun
"Parker! Where are you, son of a fucking bitch!?"Agad siyang bumaba nang marinig niya ang sigaw ni Lish Anne. The woman was grabbing the arm of his daughter. "Let Mattina's arm go! Nasasaktan na ang bata. What the hell is your problem!? Why are you shouting!?"Pinakawalan nga ng asawa niya ang braso ng anak nila. Umanghang ang pisngi niya dahil sa ilang beses at malalakas na sampal na ginawad ng kamay ni Lish Anne."Fuck! Ano ba ang problema mo?"Hindi niya nakita na nagalit na tulad nito ang asawa niya. His wife was staring at him the way a killer would stare at its target. "Argh!" Lish Anne screamed so loud. "Lish? Hon, ano ba ang nangyayari sa iyo!?""Ano ang nangyayari sa akin!? I'm just fucking getting mad because of you fucking asshole!" "What's the fucking problem!?"He witnessed how bullets of tears rushed to roll above Lish Anne's face. "Niloko mo ako. P-Pinagmukha mo akong tanga. Pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako pero naglihim ka sa akin, Parker! How could you che
Siguro ay napuntuhan ng lalaki na hindi siya kumportable. Humiwalay sa kaniya si Parker at tumungo ito sa katapat na upuan ng kinauupuan niya. She sighed. Pinilit niya ang sarili niya na pagkatiwalaan ang lalaki. She was with this man before. Hindi maikakaila na kaniyang nakilala ang lalaki. Kahit papaano ay nababasa niya ang lalaking ito. "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, Parker. Marami pa akong aasikasuhin."Ngayon ay hindi niya nakikita sa lalaki na may iba itong plano sa kaniya. Gayunpaman ay may kinapa siya sa loob ng kaniyang bag. Tinanggal niya ang ang takip ng bottle spray na may lamang dinikdik na sili at paminta. Palagi na siyang may dala nito simula noong nangyari sa kaniya ang ginawa ng lalaki. "First of all—argh— I—I just want to say sorry. I should not do that to you. A-Akala ko kasi ay hindi ko anak ang bata," anang Parker. Bigla na lamang nanubig ang mga mata niya. Nasasaktan na naman siya dahil sa mga alaala ng mismong araw na 'yon. "Tinawag mong ha
Parang kailan lamang ay isang malaking tubo sa ibabaw ng entablado ang kinakapitan ni Margarita Pelaez o mas tanyag sa pangalang Greta habang sumasayaw para sa sandamakmak na kalalakihan. Ginawa niya ang lahat upang mapanatili ang sikat na imahe, noo’y isa siyang sellable prostitute sa bar kung saan siya nagbebenta ng aliw. Hindi niya inakala na ang noo'y malaking tubo na kakapitan niya ay napalitan ng isang matibay na braso, brasong hindi siya sasaktan kun'di aalalayan siya, hindi lamang habang sila ay marahang naglalakad sa ibabaw ng pulang alpombra patungo sa altar kung saan naghihintay ang pari na siyang magkokonsekra sa kanilang kasal kun'di aalalayan sa bawat hamon ng buhay na darating.Pareho silang nakangiti subalit ang mga luha ay pumaibaba sa mga mata nila ng lalaki. Huminga siya nang malalim habang si Parker ay marahan na minasahe ang mga daliri niya sa kamay niyang hawak nito. Tumingin siya sa madla. Una niyang nakita si Jade at sumunod naman ay ang mga bata. Sina Nate at
Ilang buwan ang lumipas at ang mga pangarap ni Greta noon ay nakuha na niya. Hindi na lamang nanatiling pantasya niya si Parker sapagkat sa bawat umagang dumating sa buhay niya ay ang lalaki na ang una niyang nakikita. Nasa iisang bahay na lamang sila, kasama ang tatlong bata.Hanggang ngayon ay malaki ang pasasalamatan ni Parker kay Nate. Ito ang inisip niyang karibal at mortal na kaaway sa pag-angkin sa puso ni Greta, pero hindi niya inakala na ito rin ang siyang tutulong sa kaniya upang masalba ang relasyon nila ni Greta.“I decided that time, Nate, but thanks because you came!”Tinungga muna ni Nate ang hawak na bote. Matapos siyang lumagok sa lamang alak ng bote ay nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa na yari sa marmol. “Ayaw ko lang na masira ang relasyon niyo ni Greta dahil sa maling akala. Kaibigan ko ang nobya mo, pare, kung hahayaan ko kitang umalis ay mawawasak na naman ang puso niya. I witnessed how she became obsessed of the pain you caused. Iyak siya nang iyak palagi, at
She can almost not be able to make steps off the building where someone who's said to be waiting for her is there. Lumingon siya kay Nate and her gaze is asking the man about the eff that is happening right now. Hindi niyan man matukoy kung ano, pero alam niya na may mali sa sinabi ng kaibigan niya.“Bilisan mo na, Greta, why it's not late.”Bahala na. Wala na siyang pakialam kung ano ba talaga ang ang ibig-sabihin ni Nate. Bunalik niya sa unahan ang kaniyang mga sulyap. Lumabas si Lexi mula aa isang room at malapad iting nakangiti sa kaniya. Bakit ganito kasaya si Lexi? Why everyone seemed to be playing with her?“Greta! Pumunta ka na rito, bilisan mo.”Pumunta siya sa gawi ni Lexi. Hinawakan niya ang braso ni Lexi at pinaharap niya sa kaniya ang kaibigan.“Lexi, paano mo ako nagawang lokohin? Pinagkatiwalaan kita dahil naniwala ako na kaibigan kita.”“Ha?” “Sinabi na ni Nate sa akin ang totoo, Lexi. He told me that you are selling our shop even that I'm not aware of it.”“What?!”
Halos maiyak siya sa nabasa niyang mensahe mula sa lalaki. [Greta, Alam ko na pinaasa kita noon but God knows na minahal kita at may puwang sa puso ko na nakalaan para sa iyo. I will leave tomorrow. Masyado akong nasaktan sa nakita ko. Alam ko rin na deserve ko ang naramdaman ko. But after your friend talked to me and told me everything, mas lalo akong nawalan ng mukha na ihaharap sa iyo. I am an idiot, Greta. Pasensya ka na kung hindi na ako magpapakita pa sa iyo. Its all my fault . Masyado akong nadala ng emosyon. Nagselos ako na hindi ko man lang inalam ang totoo. This time, aalis na ako sa Pinas to fix myself and try to build courage in my heart upang sakaling magkita tayong muli ay kaya na kitang harapin. Take care of the children, wala rin namang papayag na na sumama sa akin. Mas pinili ka nila. Sana, Greta, kapag nakabalik na ako ay mahal mo pa rin ako at handa mo akong patawarin. I love you, Greta. Good bye.Yours faithfully,Parker.]"Mommy? Saan ka pupunta?!"Iniwan niya a
Sumuntok siya sa sahig. Wala nang natira sa kaniya. Pati ang anak niyang si Keila ay pumunta na kay Greta.Masakit ang ulo niya. Ilang araw na siyang hindi kumain. Inisip niya ang nakita niya. Alam niya na deserve niya kung ano man ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Honestly, kulang pa ito kumapara sa sakit na dinulot niya kay Greta. But then, minahal niya si Greta, mahal niya si Greta. Hindi rin siguro siya masasaktan kung hindi niya iniibig nang tunay ang babae. Tumayo siya at inisa-isa niyang pinulot ang bote ng alak sa sahig. Umupo siya at muling humagulhol. This pain is killing him little by little. Naligo siya at nagbihis matapos niyang linisin ang sala. Hindi niya na inasa pa sa mga maid ang paglinis ng kanilang sala. Bukod pa sa hindi naman ang mga ito ang nag-inom at naglasing ay alam niya kung ano ang responsibility niya. Tumungo siya sa labas upang asikasuhin ang flight niya. Naisip niya na magpakalayo na lamang upang kahit papaano ay unti-unting niyang mahilom ang s
Nalulumbay siya marahil ay hindi siya kinakausap ng lalaki hanggang ngayon. Lubos din ang kaniyang pangamba matapos niyang malaman na buntis siya ng isang buwan at dalawang linggo. Hindi niya pa sinabi kahit kanino ang bagay na ito. Maging sa kaibigan niyang si Lexi ay nilihim niya ito. Pati rin kay Parker ay hindi niya ito sinabi. Ayaw niyang isipin ng lalaki na ginagamit niya lang ang pagbubuntis bilang isang baraha upang mahawakan niya ito sa leeg. Suminghap siya. Naduduwal siya kaya ay tumayo siya at agad na tumakbo sa banyo. Hindi niya na inisip na may mga bata siyang kasama. Pati na rin si Keila ay naglayas at tumira na rin kasama nila nina Megumi at Mattina. Nang makabalik siya ay agad siyang binigyan ni Keila ng isang basong tubig. Ininom niya ito, at doon lamang siya nakaramdam na nawawala ang pagkahilo niya."Tita, okay ka lang po ba?" tanong ng bata sa kaniya. Tumango siya. Kung masaya ang bahay nila noong sila lang ni Megumi ang magkasama ay mas lalo na ngayon. Naiisip
Nahiya siya sa ginawa ni Parker sa kaibigan niya. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang buhok niya. Tuloy sila sa pag-party, pero sa ikatlong araw na mula noong nangyari ang pagsapak ni Parker kay Nate. Hindi na nga sana siya sasama pero mapilit si Lexi at Nate. Sinundo siya ni Nate. Ayon sa lalaki ay iisang sasakyan na lang ang dadalhin nila upang kapag pauwi na ay matiyak nito na ligtas silang dalawa ni Lexi. Dinaanan nila si Lexi bago sila tumuloy sa bar na pupuntahan nila. Nag-aalala siya na baka ay tuluyan na siyang hindi kakausapin ni Parker. Pinaliwanag naman niya sa lalaki ang lahat pero tila ba ay may malaking harang sa tainga nito na siyang dahilan kung bakit ayaw siyang pakinggan ng lalaki. "Kumusta naman si Parker? Kinausap ka na niya?"Umiling siya at kaunting ngumiti. "Hindi ko alam sa lalaking iyon kung bakit ayaw niya akong pakinggan, Lex. Sinabi ko naman sa kaniya na kung ano man ang nangyari sa nakaraan namin nitong si Nate ay wala na iyon. Kinalimutan na
Binabad niya ang sarili niya nang ilang oras sa pagligo na para bang may pinaghahandaan. Isang puting lingerie ang sinuot niya. Maagang natulog ang mga bata dahil napagod siguro ang mga ito sa paaralan. She applied a light make-up to her face. Alam niyang hindi siya lalabas ngayong gabi pero may kung anong umudyok sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Malapad na ngiti ang kaniyang nakita sa repleksyon niyo."You don't need to put colors on your face, baby. Ang ganda mo na para sa akin," sabi ng lalaking nakatayo sa kaniyang likod.Daig pa ng lalaki ang multo dahil sa ugali nitong pasulpot-sulpot kung kailan nito nais. Tumayo siya at humarap siya sa lalaki. "Mister Sherlock, bakit bigla ka na lang sumusulpot? Nagmessage na ba ako sa iyo?"Lumakad papunta sa kaniya ang lalaki. Napakapit siya sa braso nito nang pinihit ng lalaki ang kaniyang baiwang palapit rito. Isang matamis na halik ang inalay ng lalaki sa kaniya."I can't wait any longer, baby. Gusto na kitang makita. Para akong mab
Hirap na hirap siyang matulog. She couldn't find out what was happening to her. Huminga siya nang malalim kaya ay nagising ang lalaking nakatagilid at nakayakap sa kaniya. "Baby, okay ka lang? Anong oras na? You need to sleep.""Oo, Parker. I'm fine. Sadyang hindi lang ako makatulog. I don't know why. Iniisip ko siguro ang nangyari. Ang bilis kasi.""Masaya ka lang siguro," sabi ng lalaki na halatang sobra na itong inaantok. "Walang mabilis o mabagal sa mga taong nagmamahal, Greta. Sabi ko naman sa iyo na makinig ka sa puso mo. Tama ako hindi ba? Edi, napatawad mo ako dahil iyon ang totoong gusto ng puso mo."Kaunti siyang ngumiti. Tama ang lalaki na masaya siya pero sa likod nito ay nakahimlay ang takot na baka maudlot na naman ang ligaya niya sa piling ng lalaki. Tama rin ang lalaki na iyon ang sinisigaw ng puso niya, na patawarin ang lalaki. Sadyang napuno lamang ng galit ang puso niya kaya nahirapan siyang makita ang maliit na bahagi nito na nagsasabing patawarin niya ang lalaki.