Siguro ay napuntuhan ng lalaki na hindi siya kumportable. Humiwalay sa kaniya si Parker at tumungo ito sa katapat na upuan ng kinauupuan niya. She sighed. Pinilit niya ang sarili niya na pagkatiwalaan ang lalaki. She was with this man before. Hindi maikakaila na kaniyang nakilala ang lalaki. Kahit papaano ay nababasa niya ang lalaking ito. "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, Parker. Marami pa akong aasikasuhin."Ngayon ay hindi niya nakikita sa lalaki na may iba itong plano sa kaniya. Gayunpaman ay may kinapa siya sa loob ng kaniyang bag. Tinanggal niya ang ang takip ng bottle spray na may lamang dinikdik na sili at paminta. Palagi na siyang may dala nito simula noong nangyari sa kaniya ang ginawa ng lalaki. "First of all—argh— I—I just want to say sorry. I should not do that to you. A-Akala ko kasi ay hindi ko anak ang bata," anang Parker. Bigla na lamang nanubig ang mga mata niya. Nasasaktan na naman siya dahil sa mga alaala ng mismong araw na 'yon. "Tinawag mong ha
"Palagi na lang tayong napapaaway sa mga iyon, mommy. Pagod na po ako. I want to transfer to another school," anang anak niya. Nilagyan niya ng ointment ang pasa ni Megumi na dinulot ng pagpisil ni Lish Anne sa braso nito. Hindi maalis ang inis niya sa babaeng iyon. Hindi niya pinagbubuhatan ng kamay ang anak niya pero itong si Lish Anne ay lakas-loob na sinaktan ang bata."Hindi tayo iiwas sa kanila, anak. Hindi naman tayo naghahabol sa daddy mo kaya hayaan mo silang mainis sa ating dalawa. Walang lilipat ng school, Megumi. Hindi natin tatakasan ang mga taong iyon, sa halip ay haharapin natin sila at hindi uurungan. Wala tayong ginagawa sa kanila," aniya."Mommy, bakit ba masyadong galit sa atin sila Mattina at mommy niya? Hindi ko naman inano iyong maldita na 'yon. Naglalaro lang kami ng mga friends niya. Bigla siyang nagsumbong sa mommy niya kaya niya ako sinugod!""Grabe talaga ang babaeng iyan. Alam ko naman na nagkamali ako sa kaniya. Kasalanan kasi ang ginawa ni mommy, anak, k
"Hindi ka ba talaga titigil, Lish Anne!?" "At bakit ako titigil? Hindi ko kayo titigilan ng kabit mo, Parker! If you think that I'm an easy wife to let you cheat on me again, then, fuck off! Hindi kita titigilan, at lalong hindi ko titigilan ang kabit mo!"Hinagis niya ang kaniyang mga kamay sa ere. He was controlling himself because his mind already done processing and decided to hurt Lish Anne."Lish Anne, tama na! I'm reminding you again. Stop this bullshit and move on!" "At kung hindi ako titigil? Ano ang gagawin mo? You'll make all the fucking ways to help the woman escape from me? Itatago mo siya? Tulad noon? Hindi ko hahayaan iyon, Parker! I spit on my grave if I let you do that shit! You are mine and you only belongs to me!" Tumawa si Lish Anne. Napalunok si Parker. Pakiramdam niya ay bumabalik na naman ang sayad ng asawa niya. "Mommy! Daddy! Tama na!" iyak ni Keila. Nasa gitna nila ang bata. Yumuko si Lish Anne at hindi ito nagdalawang-isip na itulak ang bata. "Lish An
Napatingin si Greta sa karagatan. It's been a long time after she was back here. Mabuti na lang at ang Ligaya Beach ang pinili ng Safe Haven kung saan magaganap ang outing ng mga bata. Nauna na sa cottage nila ang dalawang bata na sina Chloe at Megumi kasama si Lexi. Siya naman ay nakatayo sa dalampasigan. Nakahalukipkip at mapayapang nakatanaw sa karagatan. Sinabayan ng mga alon ang kaniyang paghinga. Sa tuwing hihigop siya ng hangin ay humahalik sa dalampasigan ang alon at sa tuwing bumubuga siya ng hangin ay iyon naman ang pagkakataon na binabawi ng dagat ang alon nito. Dito siya namuhay noong musmos pa lang siya. Dito siya nanlilimos sa mga tao para lang matapos ang araw na may maipasok siya sa sikmura niyang nangangalam. Kung minsan ay sa basurahan na lang siya kumakalkal ng mga tirang pagkain ng mga mayayamang naliligo rito.Napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman ang malamig na bagay rito. Napaiyak siya dahil sa masakit na ala-ala ng buhay niya. Habang binabalikan
Umupo siya sa labas ng kanilang malaking tent. Tulog na ang asawa niya at ang mga anak niya. Lumunok siya. Inabot niya ang bote ng alak na malapit sa maliit na bonfire na siya ang lumikha. "Fuck," mura niya nang naisip niya ang nangyari kanina. Hindi puwedeng umibig sa iba si Greta. Hindi niya matatanggap na mapupunta sa iba ang babae. May anak sila at iyon ang Alas niya. Ang problema ay malayo ang loob ng bata sa kaniya."Parker, bakit hindi ka pa natutulog?"Isang tungga niya lang sa bote na hawak niya ay naubos niya agad ang sobra sa kalahati ng laman ng bote. Lumingon siya sa asawa niya na tumabi sa kaniya. The woman woken up and she was now sitting beside him. Niyakap ng babae ang braso niya at sinandal nito ang ulo sa balikat niya. "Bakit nandito ka sa labas? Pumasok na tayo," anang Lish Anne."I can't sleep," aniya lamang. Inubos na niya ang laman ng bote. Tinapon niya sa Tabi ng apoy ang bote. "May problema ka ba?" Marami siyang problema. Sobrang dami. Sa halip na suma
Hindi pa man natapos ang family outing ay agad na dinala ni Greta pauwi ang anak niya. She's struggling now. Halos hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya. Kanina pa siyang hindi mapakali."Hindi puwedeng kunin sa akin ang anak ko, Lexi. I will not let him do that! Ipaglalaban ko si Megumi. Hindi ko kayang gumising na wala na sa piling ko ang anak ko, Greta.""Greta, kumalma ka naman. Para ka nang baliw riyan."Tinapon niya sa ere ang mga kamay niya bago nila pina-landing ang mga ito sa tuktok ng ulo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo kahit hindi naman ito makati. "Argh! Paano ako kakalma? Lumabas na sa bibig ng lalaking 'yon na kukunin niya sa akin ang anak ko, Lexi. Sinabi niya! Narinig mo iyon kanina!"Umupo siya at napahawak siya sa noo niya. Iniisip niya ang bata. Apektado si Megumi sa sinabi ng lalaki. Mabuti na lang at nakatulog ang anak niya."Hindi pa naman nangyayari iyon, Greta. Habang nasa iyo pa ang bata ay wala kang dapat na ikatakot.""Lexi, dala ng anak ko ang
Nang inihatid siya ni Nate sa shop ay sinilip niya muna kung may mga tao sa labas. Bumaba siya nang matiyak niya na walang nakakita sa kaniya. "Nate, thank you so much," aniya. "Thank you for trusting me, Greta. I won't break this.""Salamat din sa tiwala na binigay mo sa akin, Nate. Pinagkatiwalaan mo ako. Kinuwento mo sa akin ang iyong karanasan."Ngumiti siya bago siya pumasok sa shop.Tulala siya. Tumatakbo sa isipan niya ang kuwento ni Nate sa kaniya. "Tulad ni Megumi ay napamahal ako kay mommy, Greta. She raised me by herself without the help of my father. Noong sinabi ni mommy sa ama ko na pinagbubuntis niya ako ay hindi naniwala ang gagong iyon. Ang ginawa niya pa ay pinahiya niya sa gitna ng maraming tao si mommy. Parang gusto na lang ni mommy na lamunin siya ng lupa noong panahon na iyon. Umalis si mommy at minabuti niyang lumayo kay daddy. Kinuwento ni mommy sa akin ni mommy na halos ipakuha niya ako dahil sa galit niya kay daddy. Hindi ako nagalit kay mommy dahil naiint
Habang nagmamaneho siya pauwi ay agad na tumunog ang kaniyang smartphone. It was Nate. Agad niyang sinagot ang tawag. She was using a bluetooth earphones. "Nate?" Nakasanayan niyang banggitin ang pangalan ng tumatawag kumpara sa sabihing hello o ano pa. "Kumusta?" Kasama niya kanina ang lalaki pero kinamusta na siya agad nito. Hindi niya maiwasang ngumiti. Iba talaga ang tao kapag may sadya. "Nate, hindi ba ay nagkita tayo kanina? Makakumusta ka sa akin ay para bang ilang taon tayong hindi nagkita.""Gusto ko lang malaman kung okay ka lang ba. Ano? Okay ka lang?""Nagkita na naman kami ni Parker. Natatakot na sa kaniya ang bata, Nate.""Kung nakita ko lang na ginugulo kayo ng lalaking iyon ay tiyak na magkakaalaman kami!""Si Tito Nate ba iyan, mommy? Iyong Tito Nate na partner mo sa beach noong may parlor games?" usisa ng anak niya. Tumango lang siya. "Is that Megumi?" "Oo, Nate. Napangiti lang ito kasi tumawag ka. Kanina, takot na takot siya.""I want to talk to her," sabi ng
Parang kailan lamang ay isang malaking tubo sa ibabaw ng entablado ang kinakapitan ni Margarita Pelaez o mas tanyag sa pangalang Greta habang sumasayaw para sa sandamakmak na kalalakihan. Ginawa niya ang lahat upang mapanatili ang sikat na imahe, noo’y isa siyang sellable prostitute sa bar kung saan siya nagbebenta ng aliw. Hindi niya inakala na ang noo'y malaking tubo na kakapitan niya ay napalitan ng isang matibay na braso, brasong hindi siya sasaktan kun'di aalalayan siya, hindi lamang habang sila ay marahang naglalakad sa ibabaw ng pulang alpombra patungo sa altar kung saan naghihintay ang pari na siyang magkokonsekra sa kanilang kasal kun'di aalalayan sa bawat hamon ng buhay na darating.Pareho silang nakangiti subalit ang mga luha ay pumaibaba sa mga mata nila ng lalaki. Huminga siya nang malalim habang si Parker ay marahan na minasahe ang mga daliri niya sa kamay niyang hawak nito. Tumingin siya sa madla. Una niyang nakita si Jade at sumunod naman ay ang mga bata. Sina Nate at
Ilang buwan ang lumipas at ang mga pangarap ni Greta noon ay nakuha na niya. Hindi na lamang nanatiling pantasya niya si Parker sapagkat sa bawat umagang dumating sa buhay niya ay ang lalaki na ang una niyang nakikita. Nasa iisang bahay na lamang sila, kasama ang tatlong bata.Hanggang ngayon ay malaki ang pasasalamatan ni Parker kay Nate. Ito ang inisip niyang karibal at mortal na kaaway sa pag-angkin sa puso ni Greta, pero hindi niya inakala na ito rin ang siyang tutulong sa kaniya upang masalba ang relasyon nila ni Greta.“I decided that time, Nate, but thanks because you came!”Tinungga muna ni Nate ang hawak na bote. Matapos siyang lumagok sa lamang alak ng bote ay nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa na yari sa marmol. “Ayaw ko lang na masira ang relasyon niyo ni Greta dahil sa maling akala. Kaibigan ko ang nobya mo, pare, kung hahayaan ko kitang umalis ay mawawasak na naman ang puso niya. I witnessed how she became obsessed of the pain you caused. Iyak siya nang iyak palagi, at
She can almost not be able to make steps off the building where someone who's said to be waiting for her is there. Lumingon siya kay Nate and her gaze is asking the man about the eff that is happening right now. Hindi niyan man matukoy kung ano, pero alam niya na may mali sa sinabi ng kaibigan niya.“Bilisan mo na, Greta, why it's not late.”Bahala na. Wala na siyang pakialam kung ano ba talaga ang ang ibig-sabihin ni Nate. Bunalik niya sa unahan ang kaniyang mga sulyap. Lumabas si Lexi mula aa isang room at malapad iting nakangiti sa kaniya. Bakit ganito kasaya si Lexi? Why everyone seemed to be playing with her?“Greta! Pumunta ka na rito, bilisan mo.”Pumunta siya sa gawi ni Lexi. Hinawakan niya ang braso ni Lexi at pinaharap niya sa kaniya ang kaibigan.“Lexi, paano mo ako nagawang lokohin? Pinagkatiwalaan kita dahil naniwala ako na kaibigan kita.”“Ha?” “Sinabi na ni Nate sa akin ang totoo, Lexi. He told me that you are selling our shop even that I'm not aware of it.”“What?!”
Halos maiyak siya sa nabasa niyang mensahe mula sa lalaki. [Greta, Alam ko na pinaasa kita noon but God knows na minahal kita at may puwang sa puso ko na nakalaan para sa iyo. I will leave tomorrow. Masyado akong nasaktan sa nakita ko. Alam ko rin na deserve ko ang naramdaman ko. But after your friend talked to me and told me everything, mas lalo akong nawalan ng mukha na ihaharap sa iyo. I am an idiot, Greta. Pasensya ka na kung hindi na ako magpapakita pa sa iyo. Its all my fault . Masyado akong nadala ng emosyon. Nagselos ako na hindi ko man lang inalam ang totoo. This time, aalis na ako sa Pinas to fix myself and try to build courage in my heart upang sakaling magkita tayong muli ay kaya na kitang harapin. Take care of the children, wala rin namang papayag na na sumama sa akin. Mas pinili ka nila. Sana, Greta, kapag nakabalik na ako ay mahal mo pa rin ako at handa mo akong patawarin. I love you, Greta. Good bye.Yours faithfully,Parker.]"Mommy? Saan ka pupunta?!"Iniwan niya a
Sumuntok siya sa sahig. Wala nang natira sa kaniya. Pati ang anak niyang si Keila ay pumunta na kay Greta.Masakit ang ulo niya. Ilang araw na siyang hindi kumain. Inisip niya ang nakita niya. Alam niya na deserve niya kung ano man ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Honestly, kulang pa ito kumapara sa sakit na dinulot niya kay Greta. But then, minahal niya si Greta, mahal niya si Greta. Hindi rin siguro siya masasaktan kung hindi niya iniibig nang tunay ang babae. Tumayo siya at inisa-isa niyang pinulot ang bote ng alak sa sahig. Umupo siya at muling humagulhol. This pain is killing him little by little. Naligo siya at nagbihis matapos niyang linisin ang sala. Hindi niya na inasa pa sa mga maid ang paglinis ng kanilang sala. Bukod pa sa hindi naman ang mga ito ang nag-inom at naglasing ay alam niya kung ano ang responsibility niya. Tumungo siya sa labas upang asikasuhin ang flight niya. Naisip niya na magpakalayo na lamang upang kahit papaano ay unti-unting niyang mahilom ang s
Nalulumbay siya marahil ay hindi siya kinakausap ng lalaki hanggang ngayon. Lubos din ang kaniyang pangamba matapos niyang malaman na buntis siya ng isang buwan at dalawang linggo. Hindi niya pa sinabi kahit kanino ang bagay na ito. Maging sa kaibigan niyang si Lexi ay nilihim niya ito. Pati rin kay Parker ay hindi niya ito sinabi. Ayaw niyang isipin ng lalaki na ginagamit niya lang ang pagbubuntis bilang isang baraha upang mahawakan niya ito sa leeg. Suminghap siya. Naduduwal siya kaya ay tumayo siya at agad na tumakbo sa banyo. Hindi niya na inisip na may mga bata siyang kasama. Pati na rin si Keila ay naglayas at tumira na rin kasama nila nina Megumi at Mattina. Nang makabalik siya ay agad siyang binigyan ni Keila ng isang basong tubig. Ininom niya ito, at doon lamang siya nakaramdam na nawawala ang pagkahilo niya."Tita, okay ka lang po ba?" tanong ng bata sa kaniya. Tumango siya. Kung masaya ang bahay nila noong sila lang ni Megumi ang magkasama ay mas lalo na ngayon. Naiisip
Nahiya siya sa ginawa ni Parker sa kaibigan niya. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang buhok niya. Tuloy sila sa pag-party, pero sa ikatlong araw na mula noong nangyari ang pagsapak ni Parker kay Nate. Hindi na nga sana siya sasama pero mapilit si Lexi at Nate. Sinundo siya ni Nate. Ayon sa lalaki ay iisang sasakyan na lang ang dadalhin nila upang kapag pauwi na ay matiyak nito na ligtas silang dalawa ni Lexi. Dinaanan nila si Lexi bago sila tumuloy sa bar na pupuntahan nila. Nag-aalala siya na baka ay tuluyan na siyang hindi kakausapin ni Parker. Pinaliwanag naman niya sa lalaki ang lahat pero tila ba ay may malaking harang sa tainga nito na siyang dahilan kung bakit ayaw siyang pakinggan ng lalaki. "Kumusta naman si Parker? Kinausap ka na niya?"Umiling siya at kaunting ngumiti. "Hindi ko alam sa lalaking iyon kung bakit ayaw niya akong pakinggan, Lex. Sinabi ko naman sa kaniya na kung ano man ang nangyari sa nakaraan namin nitong si Nate ay wala na iyon. Kinalimutan na
Binabad niya ang sarili niya nang ilang oras sa pagligo na para bang may pinaghahandaan. Isang puting lingerie ang sinuot niya. Maagang natulog ang mga bata dahil napagod siguro ang mga ito sa paaralan. She applied a light make-up to her face. Alam niyang hindi siya lalabas ngayong gabi pero may kung anong umudyok sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Malapad na ngiti ang kaniyang nakita sa repleksyon niyo."You don't need to put colors on your face, baby. Ang ganda mo na para sa akin," sabi ng lalaking nakatayo sa kaniyang likod.Daig pa ng lalaki ang multo dahil sa ugali nitong pasulpot-sulpot kung kailan nito nais. Tumayo siya at humarap siya sa lalaki. "Mister Sherlock, bakit bigla ka na lang sumusulpot? Nagmessage na ba ako sa iyo?"Lumakad papunta sa kaniya ang lalaki. Napakapit siya sa braso nito nang pinihit ng lalaki ang kaniyang baiwang palapit rito. Isang matamis na halik ang inalay ng lalaki sa kaniya."I can't wait any longer, baby. Gusto na kitang makita. Para akong mab
Hirap na hirap siyang matulog. She couldn't find out what was happening to her. Huminga siya nang malalim kaya ay nagising ang lalaking nakatagilid at nakayakap sa kaniya. "Baby, okay ka lang? Anong oras na? You need to sleep.""Oo, Parker. I'm fine. Sadyang hindi lang ako makatulog. I don't know why. Iniisip ko siguro ang nangyari. Ang bilis kasi.""Masaya ka lang siguro," sabi ng lalaki na halatang sobra na itong inaantok. "Walang mabilis o mabagal sa mga taong nagmamahal, Greta. Sabi ko naman sa iyo na makinig ka sa puso mo. Tama ako hindi ba? Edi, napatawad mo ako dahil iyon ang totoong gusto ng puso mo."Kaunti siyang ngumiti. Tama ang lalaki na masaya siya pero sa likod nito ay nakahimlay ang takot na baka maudlot na naman ang ligaya niya sa piling ng lalaki. Tama rin ang lalaki na iyon ang sinisigaw ng puso niya, na patawarin ang lalaki. Sadyang napuno lamang ng galit ang puso niya kaya nahirapan siyang makita ang maliit na bahagi nito na nagsasabing patawarin niya ang lalaki.