Share

Chapter 44

last update Huling Na-update: 2023-10-04 21:07:18

Malakas ang kutob niya na ang pupuntahan ni Lish Anne ay ang magiging susi ng katotohanan. Hindi niya man alam kung ano ang malalaman niya pero tiyak siyang may kinalaman ito sa buhay ng asawa niya. Ang lokasyon na tinuturo ng tracker ay hindi pamilyar sa kaniya. Kung doctor niya ang pupuntahan ni Lish Anne ay tiyak siyang isasama siya nito.

"Fuck," mura niya nang nakita niyang mas papalayo pa ang asawa niya.

Mahigpit siyang nakahawak sa manibela ng sasakyan niya. He was eager to see that someone his wife would be seeing.

Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang ipalipad na lamang ang kaniyang sasakyan upang matunguhan agad niya ang paroonan ng asawa niya.

Muli siyang tumingin sa screen ng smartphone niya. Both edge of his lips were lifted. "Gotcha," aniya nang makita na huminto ang asawa niya sa isang lokasyon.

He zoomed the place at nakita niyang isa itong lumang warehouse. Mas lumalim ang duda niya sa kaniyang asawa. Kung doctor ang makikipagkita sa kaniya ay tiyak na sa clinic
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
ngayon.lish ann naranasan mo rin mas subra pa ang naranasan ni greta, sa kamay ni parker,sabi ko na nga ba hindi mo anak si mattina
goodnovel comment avatar
Jiezel Fernandez
Pinadanas din ni Parker kay Lish Ann yong ginawa niya noon kay Greta sa office niya,noong araw na sinabi ni Greta na buntis sya at si Parker ang ama,pero di naniwala si Parker at Menolisya niya si Greta..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Anghel de Puta   Chapter 45

    Nakatulala siya at malalim ang iniisip. Tumungo siya sa balkonahe ng bahay nila at nakatitig siya sa malayo. Kaniyang pinakawalan ang marahas na hangin na kanina pa niya tinigilan. Biglang tumunog ang smartphone niya kaya ay tumitig siya rito. "Hello, this is Margarita. Kung oorder po kayo ng mga bulaklak ay mabuting ang kaibigan ko po ang inyong kontakin. May—""Greta, it's me. Parker." Bigla niyang naramdaman ang pagtaas ng kaniyang BP. Naiinis siya sa tuwing naririnig niya ang boses ng lalaki. Inisip niya kung saan nakuha nito ang numero niya? Noon ay hanap-hanap niya ang lalaki. Pantasya niya ito sa bawat gabing dumating. Pangarap niyang magising sa umaga na nakahiga sa bisig ng lalaki. Iba na ngayon. Tunay na ang nais niya na lang ay kabutihan para sa kanilang mag-ina. Kahit na ang katumbas ng katahimikan na iyon ay ang paglisan sa lugar na nakasanayan ay kaniya itong pipiliin. "Saan mo nakuha ang numero ko?" tanong niya sa lalaki. Narinig niya ang paghinga ng lalaki nang m

    Huling Na-update : 2023-10-05
  • Anghel de Puta   Chapter 46

    Ligaya ang nadarama ni Megumi habang yakap-yakap siya ng kaniyang ama. Hindi niya man kayang ikulong ang katawan ng kaniyang ama sa loob ng munti niyang mga bisig ay yumakap na rin siya rito. Ilang minuto ang tinagal ng pagyayakapan nila ng ama. Dahil sa yakap na iyon ay unti-unting napuno ang puwang sa puso niya. Bigla na lamang niyang naramdaman kung paano nabuo ang bawat basag na bahagi ng puso niya. Humiwalay ang ama niya sa kaniya. Tumitig ito sa mga mata niya. Magka-iba man sila ng kasarian ay para bang nakatitig siya sa salamin. Kuhang-kuha niya ang halos lahat ng detalye sa mukha ng ama niya. "Anak, tara na. Sumama ka sa akin," anyaya ng ama niya.Tumango siya. Hawak-hawak ng kaniyang ama ang munting kamay niya hanggang sa makarating sila sa kotseng kumikintab na pagmamay-ari ng ama. Napangiti ang munting puso niya. Ganito pala ang pakiramdam ng may ama? Kompleto at hindi siya nakaramdam ng malubhang kalungkutan. Para siyang isang prinsesa. Pinagbuksan siya ng ama niya ng

    Huling Na-update : 2023-10-06
  • Anghel de Puta   Chapter 47

    Kung hindi pabalik-balik si Greta sa dalawang direksyon ay tiyak na nasa gitna na siya ng EDSA dahil kanina pa siya lakad nang lakad. Puno ng pag-aalala ang puso niya. Sa katunayan ay halos sasabog na ang ulo niya sa sakit nito. Napagod siya dahil marami silang delivery ni Lexi ngayong araw. Ang pinakamalapit ay Antipolo. Pawis na pawis siya at ilang beses na rin siyang napamura. "Humanda talaga sa akin ang hayop na lalaking iyon mamaya! Wala siyang karapatan sa anak ko!" banta niya. Halos mamatay siya sa pag-aalala samantalang ang lalaking iyon ay nagpakasasa kasama ang anak niya. Hindi puwedeng maglapit ang dalawa dahil mapapahamak lamang sila ng anak niya. Napatitig siya sa kotseng paparating. Hindi siya nagkamali na ang lalaki nga ito. Unang bumaba ang lalaki at pinagbuksan nito ng pintuan ang anak niya. Binuhat ng lalaki ang bata upang makababa ito. "Nag-enjoy ka ba, anak?" tanong ng lalaki. Napapikit siya nang marinig ang boses ng lalaki na tinawag na “anak” ang anak niya.

    Huling Na-update : 2023-10-07
  • Anghel de Puta   Chapter 48

    Uminit ang dugo niya nang marinig ang pagbabanta ng asawa niya kay Greta. Pinasunod pala siya nito sa mga tauhan nito. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, Lish Anne?! Enough of that foolishness!"Napalingon sa kaniya ang asawa niya at nanlaki ang mga mata nito. Hindi nito akalain na gising pa siya. Tatapusin niya ang kahibangan nito. Kinaumagahan noong nakaalala siya ay tumawag siya sa mga pulis upang ireklamo ang asawa niya. Nang nalaman niya ang relasyon nito kay Larry at plano nilang dalawa ay isinama niya na ring sampahan ng kaso ang lalaki. "P-Parker, it's a good idea! Tatapusin ko ang kahibangan ng babae mo," gulat na sambit ni Lish Anne. "Are you crazy? Kailan magiging good idea ang ipahamak ang iba? Ikaw ang hibang at hindi si Greta! Alam natin pareho na mali ang ginagawa mo. And I am not going to tolerate you this time. Tama na ang kahibangan mo, Lish Anne!"Lumapit sa kaniya ang asawa niya. Niyakap siya nito subalit wala siyang reaksyon. Nakatingin lamang siya sa kisami

    Huling Na-update : 2023-10-07
  • Anghel de Puta   Chapter 49

    Maalikabok ang shop. Kinuha niya ang pamunas at sinimulan niyang alisin ang mga alikabok na nasa transparent glass na dingding. Wala pa namang kustomer dahil sobrang aga pa. Hindi niya pinapasok ang anak niya sa eskuwela dahil natatakot siya na baka makipagkita na naman ang ama nito rito. Batid at ramdam niya na nais na ni Megumi na mas makilala pa si Parker kaya ay habang mas maaga pa ay dapat na niyang harangin ang hangarin ng anak niya. Alam niyang mali, subalit ginawa niya iyon upang maputol na ang koneksyon niya sa pamilya Sherlock. Hindi niya hahayaang mapalagay ang loob ng bata sa ama nito. Napasinghap na lamang si Greta nang naalala niya ang maling desisyon na ginawa niya. Pelaez na lang sana ang apelyidong pinadala niya sa bata at hindi ang apelyido ng ama nito. Hanggang mag-umaga ay hindi siya nakaidlip man lang. Maingay sa social media at mga balita ang pangalan ni Lish Anne at kalaguyo nitong hindi nahuli ng mga pulis. Tama ang hinala niya na hindi anak ni Parker si Ma

    Huling Na-update : 2023-10-09
  • Anghel de Puta   Chapter 50

    Napansin niya ang pagkadismaya ng kaibigan niyang si Lexi dahil sa ginawa niya. Namumuo pa ang mga luha ng kaibigan niya. Malamang ay naawa ito sa lalaking kaniyang iniwan sa labas na nanatiling nakaluhod. "Greta, kailangan ba talaga na pahirapan mo nang ganoon si Parker?"Hindi siya sumagot. Kaniyang tinungo ang mga gamit niya at inayos niya ang mga ito. Kusang gumalaw ang mga mata niya at tumitig ang mga ito sa labas. The man was still there. Nakaluhod at nakatitig sa semento. She sighed. Ang damdamin niya kasi ay tuluyan nang naging matigas. Noon ay alipin siya ng pag-ibig niya sa lalaki. Hindi na tulad nang dati ang lahat. Marami na talagang nagbago. Mahirap talaga na turuan ang puso niya na patawarin ang lalaki. Wala na kasing pakialam ang puso niya sa lalaki. Oo, alam niya na sinsiro ang lalaki subalit ayaw niyang bigyan ito ng pagkakataon. Halos ikamatay niya noon nang pinagtabuyan siya ng lalaki. Parang huling hininga na lamang niya iyon dahil sa takot na harapin ang bukas

    Huling Na-update : 2023-10-11
  • Anghel de Puta   Chapter 51

    Napansin niya ang pagbabago ni Mattina. Hindi na ito ang Mattina na palaging mapagmataas, nagmamata, at masungit. Wala na rin itong nagiging kasama sa halos lahat ng pagkakataon. Maging sa mga school activities ay wala na ring nakikigrupo rito. "You heard it right, girl. Hindi siya anak ng daddy niya. Anak kasi siya ng isang mayaman nga pero drug lord. Ngayon, natapos na ang pantasya niya.""Karen, tigilan niyo nga ang pag-uusap-usap tungkol kay Mattina. Hindi niya naman kayo inaaway," sabi niya sa kaklase niya. Wala si Mattina. Malamang ay nasa restroom ito kaya naman ay malaya ang mga kaklase nila na pag-usapan ang isa. "Ayaw mo noon, Megumi? Ikaw na ang magiging Queen Bee kapag highschool na tayo rito sa Safe Haven.""Yeah, right! Ikaw naman talaga ang may karapatan na maging Queen Bee in the future, dahil ikaw ang totoong anak mayaman. Iyang si Mattina, she's nothing but a trying hard queen.""She's funny, right?""Super funny!" "Bahala na nga kayo sa mga buhay niyo. Kung ako

    Huling Na-update : 2023-10-12
  • Anghel de Puta   Chapter 52

    Sa halip na mainis at magalit sa batang kasalo nila ng anak niya ngayon sa hapag ay awa ang naramdaman niya para rito. "Ganito pala kayo kasaya, Megumi? Hindi ko naranasan ang magdinner na hindi nag-aaway sina mommy at daddy— I mean, daddy mo.""Huwag mo nang isipin iyong mga masamang parte ng nakaraan mo, Mattina. Alam ko na darating ang bukas na makakasama mo ang mga magulang mo, at magiging masaya ang dinner niyo. Kami ni mommy, kahit simpleng dinner lang basta ba ay magkasama kami ay masaya na kami.""Pansin ko nga."Kumuha si Greta ng isang hipon na mataba at binalatan niya ito bago nilagay sa plato ni Mattina. "'Yan, Mattina, kumain ka na lang at huwag isipin ang mga iyon." "Thanks, tita," sabi ni Mattina sa kaniya.Napangiti siya. Masaya ang puso niya nang marinig na tinawag siyang tita ni Mattina. Kung gaano siya kabuwesit na buwesit sa batang ito noon ay ganoon na lang siya ka-naaawa rito. Hinayaan niya ang dalawang bata na nagkuwentuhan na para bang mga matatanda na. Ang

    Huling Na-update : 2023-10-15

Pinakabagong kabanata

  • Anghel de Puta   Epilogue

    Parang kailan lamang ay isang malaking tubo sa ibabaw ng entablado ang kinakapitan ni Margarita Pelaez o mas tanyag sa pangalang Greta habang sumasayaw para sa sandamakmak na kalalakihan. Ginawa niya ang lahat upang mapanatili ang sikat na imahe, noo’y isa siyang sellable prostitute sa bar kung saan siya nagbebenta ng aliw. Hindi niya inakala na ang noo'y malaking tubo na kakapitan niya ay napalitan ng isang matibay na braso, brasong hindi siya sasaktan kun'di aalalayan siya, hindi lamang habang sila ay marahang naglalakad sa ibabaw ng pulang alpombra patungo sa altar kung saan naghihintay ang pari na siyang magkokonsekra sa kanilang kasal kun'di aalalayan sa bawat hamon ng buhay na darating.Pareho silang nakangiti subalit ang mga luha ay pumaibaba sa mga mata nila ng lalaki. Huminga siya nang malalim habang si Parker ay marahan na minasahe ang mga daliri niya sa kamay niyang hawak nito. Tumingin siya sa madla. Una niyang nakita si Jade at sumunod naman ay ang mga bata. Sina Nate at

  • Anghel de Puta   Chapter 61

    Ilang buwan ang lumipas at ang mga pangarap ni Greta noon ay nakuha na niya. Hindi na lamang nanatiling pantasya niya si Parker sapagkat sa bawat umagang dumating sa buhay niya ay ang lalaki na ang una niyang nakikita. Nasa iisang bahay na lamang sila, kasama ang tatlong bata.Hanggang ngayon ay malaki ang pasasalamatan ni Parker kay Nate. Ito ang inisip niyang karibal at mortal na kaaway sa pag-angkin sa puso ni Greta, pero hindi niya inakala na ito rin ang siyang tutulong sa kaniya upang masalba ang relasyon nila ni Greta.“I decided that time, Nate, but thanks because you came!”Tinungga muna ni Nate ang hawak na bote. Matapos siyang lumagok sa lamang alak ng bote ay nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa na yari sa marmol. “Ayaw ko lang na masira ang relasyon niyo ni Greta dahil sa maling akala. Kaibigan ko ang nobya mo, pare, kung hahayaan ko kitang umalis ay mawawasak na naman ang puso niya. I witnessed how she became obsessed of the pain you caused. Iyak siya nang iyak palagi, at

  • Anghel de Puta   Chapter 60

    She can almost not be able to make steps off the building where someone who's said to be waiting for her is there. Lumingon siya kay Nate and her gaze is asking the man about the eff that is happening right now. Hindi niyan man matukoy kung ano, pero alam niya na may mali sa sinabi ng kaibigan niya.“Bilisan mo na, Greta, why it's not late.”Bahala na. Wala na siyang pakialam kung ano ba talaga ang ang ibig-sabihin ni Nate. Bunalik niya sa unahan ang kaniyang mga sulyap. Lumabas si Lexi mula aa isang room at malapad iting nakangiti sa kaniya. Bakit ganito kasaya si Lexi? Why everyone seemed to be playing with her?“Greta! Pumunta ka na rito, bilisan mo.”Pumunta siya sa gawi ni Lexi. Hinawakan niya ang braso ni Lexi at pinaharap niya sa kaniya ang kaibigan.“Lexi, paano mo ako nagawang lokohin? Pinagkatiwalaan kita dahil naniwala ako na kaibigan kita.”“Ha?” “Sinabi na ni Nate sa akin ang totoo, Lexi. He told me that you are selling our shop even that I'm not aware of it.”“What?!”

  • Anghel de Puta   Chapter 59

    Halos maiyak siya sa nabasa niyang mensahe mula sa lalaki. [Greta, Alam ko na pinaasa kita noon but God knows na minahal kita at may puwang sa puso ko na nakalaan para sa iyo. I will leave tomorrow. Masyado akong nasaktan sa nakita ko. Alam ko rin na deserve ko ang naramdaman ko. But after your friend talked to me and told me everything, mas lalo akong nawalan ng mukha na ihaharap sa iyo. I am an idiot, Greta. Pasensya ka na kung hindi na ako magpapakita pa sa iyo. Its all my fault . Masyado akong nadala ng emosyon. Nagselos ako na hindi ko man lang inalam ang totoo. This time, aalis na ako sa Pinas to fix myself and try to build courage in my heart upang sakaling magkita tayong muli ay kaya na kitang harapin. Take care of the children, wala rin namang papayag na na sumama sa akin. Mas pinili ka nila. Sana, Greta, kapag nakabalik na ako ay mahal mo pa rin ako at handa mo akong patawarin. I love you, Greta. Good bye.Yours faithfully,Parker.]"Mommy? Saan ka pupunta?!"Iniwan niya a

  • Anghel de Puta   Chapter 58

    Sumuntok siya sa sahig. Wala nang natira sa kaniya. Pati ang anak niyang si Keila ay pumunta na kay Greta.Masakit ang ulo niya. Ilang araw na siyang hindi kumain. Inisip niya ang nakita niya. Alam niya na deserve niya kung ano man ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Honestly, kulang pa ito kumapara sa sakit na dinulot niya kay Greta. But then, minahal niya si Greta, mahal niya si Greta. Hindi rin siguro siya masasaktan kung hindi niya iniibig nang tunay ang babae. Tumayo siya at inisa-isa niyang pinulot ang bote ng alak sa sahig. Umupo siya at muling humagulhol. This pain is killing him little by little. Naligo siya at nagbihis matapos niyang linisin ang sala. Hindi niya na inasa pa sa mga maid ang paglinis ng kanilang sala. Bukod pa sa hindi naman ang mga ito ang nag-inom at naglasing ay alam niya kung ano ang responsibility niya. Tumungo siya sa labas upang asikasuhin ang flight niya. Naisip niya na magpakalayo na lamang upang kahit papaano ay unti-unting niyang mahilom ang s

  • Anghel de Puta   Chapter 57

    Nalulumbay siya marahil ay hindi siya kinakausap ng lalaki hanggang ngayon. Lubos din ang kaniyang pangamba matapos niyang malaman na buntis siya ng isang buwan at dalawang linggo. Hindi niya pa sinabi kahit kanino ang bagay na ito. Maging sa kaibigan niyang si Lexi ay nilihim niya ito. Pati rin kay Parker ay hindi niya ito sinabi. Ayaw niyang isipin ng lalaki na ginagamit niya lang ang pagbubuntis bilang isang baraha upang mahawakan niya ito sa leeg. Suminghap siya. Naduduwal siya kaya ay tumayo siya at agad na tumakbo sa banyo. Hindi niya na inisip na may mga bata siyang kasama. Pati na rin si Keila ay naglayas at tumira na rin kasama nila nina Megumi at Mattina. Nang makabalik siya ay agad siyang binigyan ni Keila ng isang basong tubig. Ininom niya ito, at doon lamang siya nakaramdam na nawawala ang pagkahilo niya."Tita, okay ka lang po ba?" tanong ng bata sa kaniya. Tumango siya. Kung masaya ang bahay nila noong sila lang ni Megumi ang magkasama ay mas lalo na ngayon. Naiisip

  • Anghel de Puta   Chapter 56

    Nahiya siya sa ginawa ni Parker sa kaibigan niya. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang buhok niya. Tuloy sila sa pag-party, pero sa ikatlong araw na mula noong nangyari ang pagsapak ni Parker kay Nate. Hindi na nga sana siya sasama pero mapilit si Lexi at Nate. Sinundo siya ni Nate. Ayon sa lalaki ay iisang sasakyan na lang ang dadalhin nila upang kapag pauwi na ay matiyak nito na ligtas silang dalawa ni Lexi. Dinaanan nila si Lexi bago sila tumuloy sa bar na pupuntahan nila. Nag-aalala siya na baka ay tuluyan na siyang hindi kakausapin ni Parker. Pinaliwanag naman niya sa lalaki ang lahat pero tila ba ay may malaking harang sa tainga nito na siyang dahilan kung bakit ayaw siyang pakinggan ng lalaki. "Kumusta naman si Parker? Kinausap ka na niya?"Umiling siya at kaunting ngumiti. "Hindi ko alam sa lalaking iyon kung bakit ayaw niya akong pakinggan, Lex. Sinabi ko naman sa kaniya na kung ano man ang nangyari sa nakaraan namin nitong si Nate ay wala na iyon. Kinalimutan na

  • Anghel de Puta   Chapter 55

    Binabad niya ang sarili niya nang ilang oras sa pagligo na para bang may pinaghahandaan. Isang puting lingerie ang sinuot niya. Maagang natulog ang mga bata dahil napagod siguro ang mga ito sa paaralan. She applied a light make-up to her face. Alam niyang hindi siya lalabas ngayong gabi pero may kung anong umudyok sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Malapad na ngiti ang kaniyang nakita sa repleksyon niyo."You don't need to put colors on your face, baby. Ang ganda mo na para sa akin," sabi ng lalaking nakatayo sa kaniyang likod.Daig pa ng lalaki ang multo dahil sa ugali nitong pasulpot-sulpot kung kailan nito nais. Tumayo siya at humarap siya sa lalaki. "Mister Sherlock, bakit bigla ka na lang sumusulpot? Nagmessage na ba ako sa iyo?"Lumakad papunta sa kaniya ang lalaki. Napakapit siya sa braso nito nang pinihit ng lalaki ang kaniyang baiwang palapit rito. Isang matamis na halik ang inalay ng lalaki sa kaniya."I can't wait any longer, baby. Gusto na kitang makita. Para akong mab

  • Anghel de Puta   Chapter 54

    Hirap na hirap siyang matulog. She couldn't find out what was happening to her. Huminga siya nang malalim kaya ay nagising ang lalaking nakatagilid at nakayakap sa kaniya. "Baby, okay ka lang? Anong oras na? You need to sleep.""Oo, Parker. I'm fine. Sadyang hindi lang ako makatulog. I don't know why. Iniisip ko siguro ang nangyari. Ang bilis kasi.""Masaya ka lang siguro," sabi ng lalaki na halatang sobra na itong inaantok. "Walang mabilis o mabagal sa mga taong nagmamahal, Greta. Sabi ko naman sa iyo na makinig ka sa puso mo. Tama ako hindi ba? Edi, napatawad mo ako dahil iyon ang totoong gusto ng puso mo."Kaunti siyang ngumiti. Tama ang lalaki na masaya siya pero sa likod nito ay nakahimlay ang takot na baka maudlot na naman ang ligaya niya sa piling ng lalaki. Tama rin ang lalaki na iyon ang sinisigaw ng puso niya, na patawarin ang lalaki. Sadyang napuno lamang ng galit ang puso niya kaya nahirapan siyang makita ang maliit na bahagi nito na nagsasabing patawarin niya ang lalaki.

DMCA.com Protection Status