2 months later
"Thank you for working with us for five years, Yaya."
"You're welcome, Ma'am." I hugged her then she hugged me back.
Kailangan kong gawin ito kase wala na akong pera na ipapa-sweldo sakanya.
Kailangan narin naming umalis sa bahay na tinitirhan namin ngayon dahil beninta ko na ito, inantay ko nalang yong bumili nito ngayon, ibibigay niya na kase ang pera.Nag hiwalay na kami ni Daren at nagnakaw pa talaga siya ng malaking pera sa companya na pinaghirapan ko, sinubukan niya pa akong siniraan.
"Mommy, anong kakainin natin ngayon?" Tinignan ko iyong anak ko at hinawakan ang pisngi niya.
"Pasensya ka na sweetie, walang dalang pagkain si Mommy. Pero may apple pa naman don sa ref kunin mo nalang tapos kainin sa ngayon, antayin mo na natin iyong buyer ng house natin pagkatapos bibili tayo ng food na gusto mo."
"Okay," she smiled.
Narinig ko ang pag tunog ng doorbell kaya kaagad akong tumayo at binuksan iyon.
"Hello, good morning--" nagulat ako nang dalawang makita ang limang lalaki na biglang walang pasabing pumasok sa bahay at sinimulang sirain ang mga kagamitan dito sa bahay.
Nakita ko si Elizabeth na may kagat-kagat na apple, kakagaling lang nito sa kusina. Kita ko ang gulat sa mga mata niya at nahulog sa kamay nito ang apple na hawak-hawak niya.
Mabilis akong tumakbo sa gawi niya at niyakap siya.
"Elizabeth go to your room now!" I mutterd and she immediately run to her room.
"Ano bang ginagawa niyo!! Sino ba kayo!!" Sigaw ko sakanila pero di sila nakinig. Sinubukan kong pigilan iyong isang lalaki na basagin iyong family picture namin pero tinulak niya ako kaya naupo ako sa sahig.
"PUTANGINA TUMIGIL NA KAYO!!!!" Sigaw ko at napaupo nalang sa gilid nang maramdamang nawawalan nang lakas itong tuhod ko habang pinapanood silang sinisira lahat ng kagamitan sa bahay. Mukhang di naman sila magnanakaw at parang ang pagsira lang ng mga gamit dito ang pakay nila.
Ilang minuto pa ang lumipas di ko namalayang wala na pala iyong limang lalaki, na naramdaman ko nalang na buglang yumugyug sa balikat ko.
"Mommy? Mommy?!" Bigla akong natauhan at nakita ko naman si Elizabeth na nakatayo sa harapan ko.
"Are you okay Mommy?" that question made me cry, hinawakan ko ang pisngi niya at tinignan ang buong katawan kong may sugat ba ito, nakahinga ako nang maluwag kase mukhang okay naman siya.
"O-Oh y-yeah, Mommy is okay sweetie." I forced myself to smile at her. I can't show my daughter that I'm weak, I have to be strong for her.
Alam ko na kung sino ang may pakana nito!! Hindi na nga siya nahinang mag nakaw sa companya tapos ngayon ito?!! Ang kapal talaga nang mukha mong gagu ka! May araw ka din sakin tandaan mo yan!! That shameless jerk, ginigigil niya ako! He didn't even feel sorry for her daughter!
Sige lang ipagpatuloy mo lang iyan, sirain mo man ang pagkatao ko, wala akong pake! Kunin mo na lahat nang pera ko, wala akong pake! Basta wag mo lang balak kunin itong anak ko... mag kakamatayan muna tayo bago mangyari iyon!
_
"Ibebenta ko sana iyong mga gamit sa bahay pero sinira nila lahat." Paliwanag ko kay Mindy.Nandito kami ngayon ng anak ko sa bahay ng pinsan ko na si Mindy. Naturulog na si Elizabeth ngayon, pinatulog ko na siya kase gabing-gabi na at alam kong napagod iyon sa byahe papunta dito. Yong bibili lang bahay at lupa ay maliit lang na amount ang binigay niya sakin kumpara don sa napag kasunduan dahil narin sa nga basag na gamit at iba pang damage sa bahay.
Wala naman akong ibang magagawa kase kailangan ko talaga nang pera, wala na kaming makain ng anak ko kung di ko tatanggapin iyon. Pati kase iyong savings sa bank sa para sa anak ko kinuha rin nang gagung iyon! Sobrang kapal talaga!
Mag hahanap ako nang trabaho para magka pera. Nakatapos nga ako nang pag-aaral kahit na nabuntis ako, naging ina at asawa at the same time. Natupad ko ang pangarap kong makapag patayo ng sariling companya, nakaya ko iyon lahat tapos ito lang susukuan ko pa?
Ako iyong tipo ng babae na hindi madaling sumuko, nalagpasan ko nga iyong mga pagsubok dati kaya ito makakaya ko ito. Hindi pa naman magugunaw ang mundo kaya ba't ako susuko, kakayanin ko ang lahat para sa anak ko, hindi ako susuko.
"So, san mo balak tumira niyan Elyse? Dito?" Tanong niya sakin. Napakamot ako sa leeg ko at sinubukan siyang tignan sa mata.
"Hindi ko na talaga alam Mindy, pwede bang dito muna kami? Ikaw nalang kase talaga iyong malalapitan ko. Tutulungan naman kita sa mga bayaran sa bahay at paglilinis."
"Ano ka ba Elyse, okay lang sakin na dito muna kayo. Ako lang naman mag isa dito sa bahay eh." Ngumiti siya sakin.
"Pumapayag ka na dito muna kami??"
"Syempre naman! Sa lahat lahat ng pinsan ko, ikaw ang paborito ko. Nakalimutan mo na bang ikaw ang tumulong sakin na mag tayo nitong bahay, tinulungan mo akong makapag tapos ng pag-aaral. Ang laki-laki ng naitulong mo sakin at ngayon ako naman ang tutulong sayo." Napangiti ako sa sinabi niya.
Oo, ako ang tumulong sakanya. Madami-dami rin naman akong tinulungan na kamag-anak kong makapag tapos ng pag-aaral. Tulungan silang makahanap ng trabaho, sino pa nga ba ang mag tutulungan? Eh, di kami rin mga magka pamilya.
Yon nga lang, nong naghirap sila tumulong ako. Pero nong ako ang naghirap at kailangan ng tulong... sa dinami ng natulungan ko si Mindy lang yata ang gustong tumulong sakin. Ganyan talaga eh, nakakalimot na, kapag wala ka nang pera bigla-bigla nalang hindi ka na kilala.
"Maraming salamat, maraming maraming salamat talaga Mindy!" Saad ko bago siya niyakap. "Ikaw nalang kase talaga iyong ang huling taong malalapitan ko Mindy." Dagdag ko pa.
"Shhh... wag ka nang umiyak, baka marinig ka ng anak mo." Pinahiran niya iyong luha ko.
"Saka nga pala, kailan mo balak mag hanap ng trabaho?" Tanong niya at nag kibit balikat naman ako.
"Don sa restaurant na pinag ta-trabahoan mo nag hahanap ba sila ng employee? Kahit pag ja-janitor nalang, kahit pansamantalang trabaho lang."
"Wala eh, pasensya ka na Elyse."
"Okay lang, ako na ng bahala. Mag hahanap nalang ako sa online baka may makita ako." Saad ko.
Nag buntong hininga ako at ngumiti. Kahit pangit ang araw ko dapat di ko parin kalimutan na ngumiti. Ba't naman ako malulungkot diba? Dapat nga mag pa salamat ako kase healthy ako at pati narin ang anak ko, pera at asawa lang ang nawala sakin hindi iyong anak ko.
Ang manloloko na lalaki ay mapapalitan iyan pero iyong anak hindi, oo pwede naman akong magka-anak pa pero hindi naman mapapalitan non si Elizabeth kase iba siya. Si Daren, pwede ko siyant palitan ng lalaking mamahalin ako ng totoo at di ako lolokohin.
Natulog na kami, kinabukasan ay hinatid ko si Elizabeth sa bagong school niya. Sinimulan ko na ang pag hahanap ng mga trabaho sa online.
Nandito lang ako nakaupo sa bench habang focus na focus dito sa phone ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone, mahirap na baka ma nakaw ito. Dapat mag ingat ako, di ko pa naman afford bumili ng phone ngayon, dapat unahin ko iyong pagkain kesa sa gadget.
"Hiring assistant--" hindi ko na natapos basahin iyon dahil biglang may umagaw sa phone ko, nanlaki naman ang mata ko ng mapagtantong magnanakaw iyon.
Mabilis ko namang hinabol iyong lalaking naka hoodie na kulay itim.Habang tumatakbo ay sinubukan kong tanggalin iyong isang sapatos ko, walang sintas itong sapatos ko kaya madali siyang tanggalin. Wala na akong pakialam kong pag tinginan ako ng mga tao dito.
"Hoy ibalik mo iyong phone kong mag nanakaw ka!!!" Sigaw ko don sa lalaki, lumingom siya sakin pero patuloy parin sa pag takbo. Pogi mo sana kaso mag nanakaw!
"Tang*na matamaan ka sana!" Pinikit ko ang isang mata ko at tinapon ng malakas iyong sapatos. Para naman akong nabuhayan ng tumama iyon sa ulo niya at bigla siyang natumba. Mabuti nalang at hindi sa ibang tao tumama iyong sapatos ko, di naman masyadong marami iyong tao dito.
Mabilis akong tumakbo ako papalapit don sa lalaki bago pa siya makabangon at takbuhan ako. Bago pa siya makatayo ay hinila ko ang buhok niya at sinuntok ang likod niya, pilit kong hinila iyong phone ko at napag tagumpayan ko nga.
"Bwesit ka!! Akala mo di kita mahahabol, hoy runner ako nong highschool! Gold medalist ako!"
Bigla niya akong tinutulak kaya napaupo ako sa sahig, mabilis siyang tumakbo papalayo sakin. Napadaing ako kase masakit iyong siko ko.
Dahan-dahan kong kinuha iyong phone ko na malapit lang sa akin, pag tingin ko rito ay may crack na at di ma open.
Napatampal ako sa noo ko at napakagat nalang rin ng kuko. "Nakuha ko nga iyong phone ko pero sira naman!"
Ba't ba ang swerte-swerte ko ngayon taon!
Nag lalakad ako ngayon at napahinto ng may madaanan akong isang pamilyar na restaurant."Teka nga lang... dito nag ta-trabaho si Mindy diba?" Tanong ko sa sarili."Get out!! Wag ka nang bumalik dito magnanakaw ka!!" Nagulat ako ng makita si Mindy at tinutulak ito papalabas sa restaurant."Ma'am, wala akong ninakaw! Wala akong ninakaw s-sakanya. M-Maniwala po kayo, nag s-sasabi ako ng totoo!!" Napakunot ang noo ko nang makitang lumuhod pa si Mindy sa harapan nong babae. Kita ko din naman iyong isa pang babae na nasa likuran at nakangisi pa itong nakatitig kay Mindy.Ano ba kaseng nangyayari, bakit pinag bibintangan si Mindy!Hindi na ako makatiis, mabilis akong nag lakad papunta sa gawi nila at hinila ang kamay ni Mindy patayo."Bakit ka ba lumuluhod sa babaeng 'yan Mindy! Hindi siya santo para luhuran mo!" Binaling ko nang masamang tingin iyong babaeng naka white t-shirt at black skirt."She's my boss Elyse, pabayaan mo nalang akong g
"I'm sorry but we don't accept single mother." Tsk, ano namang ngayon kung may anak na?! Kapag ba may anak na di na makakapag trabaho!? Kung sabihin nalang kaya nila na ayaw nila sa akin hindi iyong gagawa sila ng ibang rason!Kasalanan talaga ito ng Daren na iyon! "Okay." I went out and started walking.Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, kita ko naman iyong mga mag jowa na ang sweet-sweet sa isat-isa. Yong iba naman ay pamilya na ang saya-saya kasama ang anak nila. Naalala ko bigla iyong dati, ganyan na ganyan din kami ni Daren at nang dumating si Elizabeth samin. Pero ngayon bigla nalang nag bago, parang kahapon lang nangyari lahat-lahat. _ "Ano?? Anong sabi mo!?" "They don't accept single mothers." "Tang*na! What kind of reason is that? Baliw yata sila eh!" "Baliw nga siguro." Pag sang-ayon ko. Napansin ko namang tumunog iyong phone niya at tinignan niya iyon. "Elyse, mauuna na akong umuwi."
T-Tangina naman kung ganon. Napatawa nalang ako ng pagak. "29 na pala siya." Mahinang saad ko at para bang hindi parin makapaniwala.Ayos lang yan Elyse! Mas okay nga iyon kase baka mag kaseng vibes lang kayo non.Muntik na akong mapatampal sa noo ko. Anong magka vibes eh, di nga masyadong nagsasalita Elyse!"Katulad ng sabi ko sayo kanina, mabait naman ang anak ko.""Sure po kayo?" Tanong ko at umiling naman siya. Ang gulo niyang kausap, ano ba talaga?"Oh! By the way, how old is your daughter?""She's already 10 years old--" di ko na tinapos ang sinasabi ko ng parang nagulat ito bigla sa narinig?"You got pregnant at 17??""O-Opo.""Wow, ang bata-bata mo pa pala ng mabuntis ka.""Oo nga po pero hindi naman ako nagpabuntis ulit, sapat na sakin yong isa." Ewan ko lang
"Okay lang naman sakin kung ganon eh, kaso pano ako makakapag trabaho?" Parang nag aalala pa nitong tanong.Napaisip ako sa sinabi nito. Maghahanap pa naman siya ng trabaho diba? "Ano nalang, di mo na kailangan mag trabaho. Ako na gagastos sa lahat! Ang kailangan mo lang gawin ay bantayan si Elizabeth habang wala ako dito.""Nakakahiya naman kapag ganon Elyse, para na yatang ikaw ang bumubuhay sakin. Parang bumabalik na naman tayo sa dati, yong sayo lang ako umaasa.""Ano ka ba! Ayos lang yon sakin." Tumayo ako at pumunta sa gawi, saka niyakap ito."Alam mo Mindy, para na kitang kapatid. Matagal na tayong magkakilala at hanggang ngayon talaga parang nahihiya ka pa? Saka wala namang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang, diba nga ang pamilya nagtutulungan?" Dahan-dahan itong tumango.
"Ano??"Anong hahanapan ng bagong daddy? Eh, wala na nga akong balak na mag asawa o ulit o kahit makipag relasyon."Joke lang hihih, si mommy naman ang seryoso talaga." Natawa nalang ako ng pagak. Mabuti at biro lang pala yon kase kung totoo man, dagdag problema na naman."Matulog ka na Elizabeth, maaga ka pa sa klase bukas."Natulog lang ako ng nasigurado kung tulog na talaga siya._Maaga akong gumising pero mas maaga pa palang nagising si Elizabeth at Mindy kesa sakin. Nakaluto na ng pagkain si Mindy at nakabihis na ang anak ko, parang ako nalang yata ang mabaho dito ah."Anong meron? Ang aga mo yatang nagluto ngayon Mindy?" Nagtatakang tanong ko sakanya."Para mas maaga ka nang makaalis." Sagot nito."Parang excited ka pa yata ah." Natatawang sabi ko."Hindi naman, ayaw lang kitang ma late.
"Kilala mo ba siya ija? Kilala mo ba ang anak ko??""Ahh, ehh di po ako sigurado. Baka kamukha lang hihih pasensya na po dahil nagulat kayo dahil sakin." Pilit akong ngumiti at nag bow pa.Isang lalaking nakasalamin at puro itim ang suot. Wala man lang akong makitang emosyon sa mga mata nito at napakaseryoso kung tumingin."Xander, she's Elyse--" di na natapos ni Mrs. Ferrer ang sinasabi ng talikuran siya nong Xander."Nice to meet you den daw." Natutuwa nitong sabi sakin at napangiwi naman ako. Wala kaya akong narinig na may sinabing 'Nice to meet you' ang lalaking iyon? Ang weird niya tapos medyo weird na rin si Mrs. Ferrer kase parang wala lang sakanya na talikuran siya ng anak niya kahit nagsasalita pa ito.Pag ako talaga naging nanay nito papaluin ko siya gamit ang kaldero para matauhan."Oh my god ija! I forgot to tell you na isa lang
Grabe yong kabog ng puso ko dahil wala na akong maatrasan.May inabot siyang isang papel sakin at pagkatapos ay umalis na ito. Para naman akong nakahinga ng maluwag."Ano ba to?" Takang tanong ko sa sarili habang tinitigan yong papel na inabot niya sakin kani-kanilang.Pinaharap ko yong papel dahil may kung anong nakasulat yata rito. "Poo...anong poo? Saka anong letter ba yan? Ayy nako, baliktad pala iyong papel." Binaliktad ko yon at food pala ang nakalagay.What? Gusto niya lang pala ng pagkain tapos kailangan pa talaga may paganito? Pwede niya namang sabihin sakin eh, required ba na parang pakabahin niya pa ako at may pa hakbang-hakbang pa siya patungo sakin.Tsk, ano yon? Gusto niya ba gawing pelikula yong buhay namin huh? Tapos ano? Mahuhulog ako sakanya den mahuhulog siya sakin, magmamahalan kami ganon? Eh, pasensya nalang pero wala sa isip ko ang mag asawa o ma
"Masarap ba?" Natutuwang tanong ko sakanya pero pagkatapos nyang sumubo ulit ay umalis siya.Ang sungit ah! Di naman ganyan si Mrs. Ferrer sakin tapos sya grabe kung di makapansin sakin.Nag kibit balikat nalang ako at pumunta sa mesa pero napanganga nalang ako ng wala na pala yong ulam. "Eh? Ba't wala na yong laman?? Inubos ba niya? Lahat?!" Napahawak ako sa ulo ko.Umiinit talaga yong ulo ko kapag gutom kaya wag na wag ka talagang magpapakita sakin Sir Xander kase baka di ka na sisikatan ng araw! Tsk, di man lang ako tinirahan, hindi pa nga ako kumakain!Ano ba yan! Gutom na gutom na talaga ako kanina pero inantay ko talaga siya. Kanina parang wala pa siyang balak na kumain tapos ito ngayon wala na, inubos niya! Nasarapan yata sa luto ko samantalang kanina tinapon niya yong etlog na niluto ko den. Abay sino ba naman ang kakain non Elyse eh, ang alat nga diba?!"Ano kaya pwede ko
"Wow! Ang ganda ng new house nice Mommy!" Natutuwang giit ng anak ko habang patakbong tumingin-tingin sa paligid."Daddy thank you sa new house!" Niyakap nya si Xander.Si Mike ay umalis na, hindi nya sinabi kong san sya pupunta at alam ko lang ay masaya sya, para samin ni Xander.Mag malapit na mag two months itong tyan ko pero hindi ko pa nasasabi kay Xander na buntis ako. Pansin nya naman ang paglaki ng tyan ko at akala nya lang ay busog ako kase lagi akong kumakain. Sinasabi nya pang mahal na mahal nya parin ako kahit na mas lumaki pa ang tyan o tumaba man ako.Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likuran. "Nagustuhan mo ba?" Tanong nya sakin at tumango ako."Sobra. Thank you Xander.""You're welcome sweetheart." Hinalikan nya ako sa ulo kaya napangiti ako
Nandito na ako sa tapat ng bahay nya at sobrang tahimik ng paligid. Kagaya nong dati...Hinawakan ko ang tyan ko bago tuluyang naglakad patungo sa pintuan. Kakatok na sana ako pero pansin ko na nakabukas ito. Pagkapasok ko sa loob ay sobrang kalat at dumi.Nanlaki ang mata ko ng may makitang mga patak ng dugo. Mga ilang araw na to na dugo sigurado ako.Sinundan ko yon hanggang sa nakarating ako sa taas, sa kwarto ni Xander."Xander...?" Tawag ko sakanya.Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko naman syang nakahiga sa kama nya, pawis na pawis.Patakbo akong lumapit sakanya. "Xander? Xander!" Pansin ko na sobrang init nya kaya nagmadali akong kumuha ng bimpo at tubig.Hinubad ko ang damit nya at pinunasan sya. Pansin ko na may mga pasa sya sa katawan at yon
_Elyse Marie Arcevedo Pov'sIlang araw na ang lumipas, simula nong huling magkausap kami ni Xander at nong araw na 'yon nalaman kong buntis nga ako. Ayokong sabihin sakanya na buntis ako at sya ng ama pero may side sakin na gusto kong malaman nya."Hey? Ayos ka lang ba?"Medyo nagulat ako dahil kay Mike.Bumuntong hininga ako. "Hmm, oo ayos lang.""Nagkausap na ba kayo ni Xander?"I actually miss him so much...At sobra naman talaga akong naguluhan nong sinabi ni Mike sakin ang tungkol don._(Flashback)Napabuntong hininga ako habang nakahinga lang dito sa kama. Bumangon ako kagad ng marinig ang boses ni Mike.May gusto lang kase akong itanong. Lalabas na sana ako ng kwarto pero pansin kung iba yata ang aura nya ngayon kaya hin
"H-Huh? B-Biro lang eh, sobrang p-pikonin mo talaga!" Utal-utal nitong sabi."Nakahalik lang sakin kagabi tapos bigla na syang nagka ganyan." Bulong nito sa sarili."Ano??" Tanong ko, as if na hindi ko narinig yong sinabi nya."W-Wala po,"Sumimangot sya kaya agad ko syang hinalikan ng smack sa labi."Hoy ano ba! Kung makahalik ka dyan para namang jowa kita ah!" Inis nitong sabi sabay sinuntok ako sa dibdib.Tinawanan ko lang sya. "Bakit? Hindi ba?""What?! Baliw ka ba!""That's what I said to your daughter early, that we have a relationship am I not right?" Paalala ko."Uhm? Are we sweet to each other right now? Is this sweet for you? We're not even holding hands, hugging or kissing--""My god shut up! Wala ka ng
"You didn't eat yet, didn't you?" Tanong ko sakanya. "Dumating kase bigla yong Mommy mo,""Okay, you should eat now then." Hinawakan ko ang kamay nya at hinila papunta sa kusina."Ba't mo nga pala kasama si Elizabeth pauwi? Diba ihahatid muna sya papuntang skwelahan?" Tanong nito sakin."May sakit ang teacher nya kaya walang pasok." Sagot ko."Owws, pano mo nalamang may sakit yon?""I have talked to other teachers in that school and that's what they said.""Mommy alam mo bang parang mga crazy yong teacher don, panay kase ang tingin nila kay Daddy Xander saka yong mga bibig nakabukas kala mo naman may kung anong papasok don sa bibig nila.""Halatang na g-gwapohan sila sa Daddy Xander ko! Tsk, dapat walan
"Xander? Why are you here drinking alone?" Lumingon ako at nakita ko sya.Si Elyse...I don't why...my heart beats like this. Dahil siguro sa alak?"Alangan namang isasama ko yong baliw sa pag iinom diba?"Natawa ito at napailing."Pilosopo ka talaga, nag tatanong ako ng maayos."Umakyat din sya dito sa taas. Nilagay nya ang bote ng alak sa likuran ko at tumabi sya sakin. Wala akong sinabi, nagpatuloy lang ako sa lag-inom."May problema ba?" Basag nito sa katahimikan."Nothing, I just want to be alone...""You...do you want me to leave you?" Tanong nya pero hindi ko kagad yon nasagot."O-Okay, I'll leave. Babalik nalang ako sa kwarto.""Stay, please stay, don't leave me."Hinawakan ko ang kamay nya at
"Sir Xander! Sir gusto kitang kausapin! Hoyyy, lumabas ka muna!!" Sigaw nito sabay malakas na kumatok-katok sa pintuan ng kwarto ko.Tumayo ako."Sir aalis po ako mabilis lang promise babalik naman ako! May kailangan lang talaga akong puntahan--" binuksan ko ang pintuan at seryoso ko syang tinignan."Pwede bang umalis? Kahit saglit lang?" Tanong nya sakin."Go," bulaslas ko.Ngumiti naman sya nang sabihin ko yon. "If lalabas ka na dyan sa pintuan na yan, di ka na makakabalik." "Anong di na makakabalik?! Ano tatanggalin mo ako eh, first day ko palang! Saka yong mom mo ang nag hired sakin kaya siya lang ang pwedeng magpaalis sakin! Aalis ako kase may importante akong pupuntahan, bahala ka dyan sa buhay mo Mr. Lonely!!" Bulyaw nya sakin.Mr. Lonely?! Sarap din takpan itong bibigy
"Jeff sabihin mo magpahinga muna ang lahat." Pagkausap ko sakanya sa kabilang linya.[Boss?]"Magpahinga muna ang lahat. Give me 3 days to rest, and you know what to do kapag wala ako sa companya at sa iba pa."[Okay, boss copy!] Binabaan ko na sya ng linya at huminga na ako sa kama.Nandito ako ngayon sa bahay ko. Sa itim kong bahay kung san ayaw ni Elyse pero gusto naman ng anak nya. Napabuntong hininga ako pumiikit...Nakakapagod. Parang nawala yata lahat ng energy ko dahil kay Mike! At saka don sa sinabi nya! Walang hiya talaga inunahan ako bwesit!Napatingin ako sa gilid ng kama at nandito pala yong isang notebook ko na may mga drawing ng mga mukha ni Elyse."I miss her..." Bumuntong hininga ako.Naalala ko bigla yong una syang pumunt
"Elyse! Mas paniniwalaan mo pa talaga sya kesa sakin?! Ano? Sinabi nya bang sasaktan kita katulad nong lalaking 'yon? Sa tingin mo ba magagawa ko yon sainyo??""Hindi ko lang naman basta narinig lang galing sakanya, may video Xander! May video! Naniniwala ako don sa ibedensya at hindi sakanya!""Aalis na ako."Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan."Once you get out of my car...ibig sabihin non wala na tayo." Malamig kong saad habang ang mga mata ay nasa harapan."May I remind you? Walang tayo Xander, ni hindi ka nanligaw sakin. Yong mga nangyayari satin sa tingin mo ayos na yon? Na dahil nag s-s*x tayo sa tingin mo tayo na! Tang*nang pag iisip yan, wala ka nga talagang alam!""Saka wala tayong dapat na tatapusin okay, kase wala naman t