Gabi na at kakatapos lang namin kumain. "Good night." Saad ko kay Xander bago pumasok sa kwarto ko.
Nakita ko naman ang anak ko na nakahiga na don sa kama at nakapikit ito. Dahan-dahan lang akong lumakad papalapit sakanya para hindi sya magising pero napahinto ako bigla nang binuka nya ang mga mata niya at tumingin sakin."Mommy,""Sweetie akala ko tulog ka na, ba't gising ka pa ah?" Tuluyan na akong nakalapit sakanya at umupo muna don sa gilid ng kama."Hindi ako makatulog Mommy..." Bumangon sya at niyakap ako.Tinapik-tapik ko ng mahina ang likuran nya. "Gusto mo bang kantahan ka ni Mommy hmm?" Hindi sya sumagot pero kahit ganon ay kakantahan ko parin sya. Kakanta na sana ako pero bigla syang nagsalita kaya napatigil ako.
"I'm sorry Mommy..."
"Hmm?" Medyo naguguluhan ako kung bakit sya n"Opo birthday naming dalawa ni Mommy heheh, ang galing diba?""Yeah... happy birthday sainyong dalawa.""Maraming salamat po Daddy Xander!"Masayang saad nitong anak ko at ako naman ay nginitian lang siya."You're welcome." Nakapamulsa sya ngayon habang nakatingin pa rin saming dalawa ng anak ko."So, what's your plan?" Sakin sya nakatingin ngayon kaya malamang ako ang tinatanong niya."Anong plan?" Takang tanong ko sakanya. Ano bang ibig sabihin nya? Plano saan?"Birthday ninyong dalawa diba? So, anong plano nyo? Bibili ka ba ng cake o maghahanda?"Mabilis akong umiling. "Wala akong pera," mahinang sabi ko sakanya.Tinikom nito ang kaniyang bibig at pansin ko na para bang natatawa yata sya pero pinipigilan nya lang. Nat
"Okay ka lang ba?""Mukha ba akong okay?" Inis ko syang tinignan, nakatayo sya sa harapan ko at nakapamewang pa ito.Kusa na lamang akong tumayo habang napapahawak sa pwet ko dahil sa sakit."Salamat sa tulong mo ah, sobrang thank you!"Mabilis ko syang tinalikuran at padabog na umakyat ng hagdan. Nang makaabot na ako sa itaas ay gigil kong sinara ang pintuan."Tsk, gagu yon ah! Tinignan lang ako? Di man lang ako tinulungang makatayo!" Inis kong bulaslas.Napadaing naman ako ng kunti dahil medyo masakit ang balakang ko. Ang tanga ko kase este medyo clumsy mo ngayon Elyse hayst! Pero mabuti nalang hindi nalaglag itong towel ko dahil mas nakakahiya talaga yon, makikita na nga ng anak ko tapos makikita din ako ni Xander. Birthday ko ngayon pero ba't yata ang malas ko na eh, umagang-umaga pa tapos ganito na kagad ang nangyayari.
Nasa loob na kami ng sasakyan at panay parin ang kabog nitong puso ko kahit hindi na magkahawak ang kamay naming dalawa ngayon.Impossible! May gusto ba talaga ako sakanya?Dahan-dahan ko syang nilingon at agad din akong umiwas ng mapansing lilingonin nya ako.Ba't naman kaya ako magkakagusto sakanya eh, naiinis ako sakanya minsan no! Saka ang sungit nya sakin...noon, teka noon yon eh! Iba na ngayon Elyse, bumait siya sayo kahit minsan nakakainis sya ng kunti. Pero ano namang mapapala ko? Ano naman ngayon kung gusto ko sya? Kung may nararamdaman nga ako para sakanya? Wala naman siguro syang pake kung malaman nya man o di kaya kung sabihin ko sakanya.Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Tama na Elyse, nasaktan ka na noon, niloko ka at iniwan tapos ngayon parang ikaw pa ang naghahanap ng paraan para masaktan ka ulit. Tsk, di pa nga ako nag c
Inis akong nag seatbelt pagkatapos ay hinawakan ko ulit ang noo ko at hinimas-himas 'yon.Nagka bukol na yata itong noo ko ah? Walangya! First time kong mabukolan sa birthday ko, ang malas ko naman yata.Ilang oras ang nakalipas ay bigla nyang hininto ang sasakyan at ngayon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa school ni Elizabeth."Asan na ba yong letter? Ako ba ang mag bibigay." Tanong nito sakin."Ha? Eh, nakalimutan ko..." Sagot ko sabay napakamot sa batok.Bigla naman syang napailing."Ako na ang lalabas, dyan lang kayong dalawa." Wika nya at magsasalita na sana ako pero lumabas na sya ng kotse kaya hindi ko na nasabi ang sasabihin ko.Taka lang akong nakatingin sakanyang papasok sa gate ng school nitong anak ko. "Teka sya ba ang makikipag usap sa teacher ni
Napahinto ako sa paglalakad ng huminto sya at hinila ang kamay ko para ipaharap ako sakanya."Wait, sweetheart? Asawa kita? At kelan pa?" Tanong nito habang ang isang kilay ay nakataas. Baka kung ano ang isipin nya sakin dahil sa ginawa ko kanina..."Bakit?! Ikaw nga sinabi mo sa anak ko na girlfriend mo ako, na may relasyon tayong dalawa!" Pasigaw kong saad.Asawa? Don rin naman papunta yon eh, pinaaga ko lang chos!Hay nako Elyse! Ba't mo nga naman kase sinabi yon sakanila? Baka isipin nilang sobrang attitude mo! Saka ano bang nakain mo at sinabi mo pang asawa ka? Tinawag mo pa si Xander na sweetheart?! Nasisiraan na siguro ako ng bait? Nakakainis naman kase yong babaeng humahawak-hawak sa braso ni Xander, nakakagigil! Sarap kurutin nong kamay nyang sobrang
"Para kang tanga dyan, ano ba kaseng problema?" Inis ko syang tinignan."Wala nga!" Hindi yata sya nakakaintindi, sinabing wala ngang problema! Kanina ko pa sya gustong sigawan dahil sa inis kaso nandito lang sa likod namin ang anak ko, saka ano nalang ang iisipin ni Xander? Magtataka sya panigurado kong bakit ko sya sinigawan at kung bakit ako naiinis sakanya ngayon."Mommy? Nag aaway ba kayong dalawa ni Daddy Xander?" Agad kong nilingon si Elizabeth saka ngumiti sakanya para ipakitang good mood ako ngayon kaya ba't kami mag aaway."Hindi sweetie, hindi kami nag aaway. Nag uusap--""Inaaway ako nyang mommy mo Elizabeth, pagsabihan mo nga yan."Nang binalingan ko ng tingin si Xander ay kita kong ngumisi ito.Eh? Ba't nya naman sinabi yon sa anak ko! Nakakainis talaga sya! Nakakainis sya kaya napaka imposible talagang
"H-Huh? Di kaya!" Agad akong lumingon sa ibang direction nang akmang titignan ni Xander ang mukha ko."Daddy Xander wag mo ngang masyadong pakiligin ang mommy ko, para na tuloy syang kamatis tingnan."Dahil sa sinabi ng anak ko ay tuluyan ko nang tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad. Nakakahiya at mas nakakahiya yong mga sinabi ng anak ko sakanya, para yatang gusto ni Elizabeth na ipahiya ako sa harapan ni Xander."Kinikilig?""W-Wala no, nagbibiro lang ang anak ko." Mabilis kong saad sakanya at naiilang na ngumiti, nakakailang ang titig nito sakin ngayon.Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Andaming tao sa loob kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Elizabeth para hindi sya mawala. Ayokong maulit yong nangyari nong 4 years old palang sya, nabitawan ko ang kamay nya non dahil sa sobrang dami ng tao at muntikan na syang mawala. Mabuti nalan
Nakarating na kami dito sa bahay at gabi na. Malapit nang mag 9 pm, busog ma kaming tatlo kaya hindi na ako nag abala pang magluto ng makakain.Nandito ako ngayon sa kama nakahiga kasama si Elizabeth, tulog na tulog sya ngayon at halata sa mukha nitong pagod na pagod. Hinalikan ko sya sa pisngi bago bumangon at tumayo, umupo ako dito malapit sa bintana at nagulat ako ng kunti dahil biglang nag ring ang cellphone ko.Agad kong sinagot yon ng makitang si Mindy pala ang tumatawag."Hello, Mindy?"[HAPPY BIRTHDAYYYYY!!!!] Inilayo ko ng kunti yong cellphone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses nya."Grabe ang sakit sa tenga Mindy, kailangan ba talagang sumigaw?"[Happy birthday Elyse!! Happy birthday din pala kay Elizabeth!!! Happy Birthday sainyong dalawaaaa!!!]Natawa nalang ako sakanya. Ganyan na t