"Ahhhh!!! Tulong!!!" Sigaw ko.
Ilang segundo lang ang lumipas ay mabilis na lumapit sakin iyong bodyguard ko, napatawa nalang ako ng mahina kase basang-basa pa siya at naka shampoo pa ang buhok niya. Saka naka towel naman siya.
"M-May p-problema ba Ms. Vee??" Hingal nitong tanong sakin.
"Ah, ito kase oh! Hindi ko mabuksan." Saad ko sabay bigay sakanya nong garapon.
"Ito lang? T-Tapos sumigaw ka na??" Kunot noo nitong tanong sakin at para bang hindi makapaniwala.
"Oo, bakit? May problema ba?" Seryosong tanong ko sakanya, mabilis naman siyang umiling. Binuksan niya yon at dahan-dahang nilapag sa mesa.
"May kailangan pa po kayo?"
"Wala na--ay! Oh, right! Nawawala iyong ph care ko pero sa pagkakaalala ko parang nalagay ko yata iyon sa loob ng kwarto mo." Saad ko at ngumiti.
Hmm, nangangamoy ph care na iyong buhok niya. Naubos niya kaya?
"Ph care??"
"Yeah, iyong pang ano sa you know." Kinuha ko iyong tinapay at kumuha ng peanut butter doon sa garapon.
Nang sinulyapan ko siya ay nakatingin siya sakin ng masama bago umalis. Ilang minuto lang ay bumalik siya dito pero nakabihis na, dala-dala niya ang mga gamit niya at hawak niya din iyong ph care ko.
"Ito ba hinahanap mo? Binigay mo ito sakin iba at sabi mo shampoo to?!!" Tinapon niya iyon sa sahig.
Napatawa nalang ako ng pagak. "Aba malay ko bang uto-uto ka pala at bobo kase di nag babasa kong anong nakasulat don."
"Sumusobra ka na talaga!! Hindi ko na kaya iyong mga pinag gagawa mo sakin babae ka--"
"Excuse me? Babae? May pangalan ako loko-loko ka!!" Hinampas ko iyong mesa sanay tumayo at hinarap siya.
Binalingan ko ng tingin saglit si daddy na naglalakad papunta dito. "Ano bang nangyayari dito??"
"Sir, pasensya na po talaga pero aalis na ako dito. Kayo nalang po ang bahala dyan sa anak po ninyo." Mahinahon nitong sabi.
"Teka ano bang problema?" Pasulyap-sulyap sakin si dad.
"Sorry po pero di ko na kaya iyong pinag gagawa ng anak niyo sakin." Wika nito at nag bow pa kay daddy bago tuluyang umalis ng bahay.
Nakahinga nalang ako ng maluwag ng makaalis na ang lalaking iyon at uupo na sana kaso biglang nag salita si daddy. "Ano ba Vee! Di ka ba talaga titigil dyan sa kalokohan mo!?"
"Kalokohan? Bakit ano bang ginawa ko, wala naman ah." Kibit balikat kong saad.
"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko Vee, please lang nag mamakaawa ako sayo bilang daddy mo, makisama ka naman sa bodyguard mo!" Hinawakan niya pa iyong kamay ko at inalis ko naman iyon.
"Titigil lang ako kapag titigil ka na sa kaka-hired ng bodyguard! Ilang beses ko nang sinabi sayo dad na ayaw ko ng mga ganyan!"
"Para naman sa ikakabuti mo iyong ginagawa ko Vee!!" Bulyaw nito sakin.
Tinignan ko siya sa mata. "Really?" Bagot kung tanong.
"Kung umalis ka nalang kaya sa politica kung gusto mo ang nakakabuti para sakin." Yan naman talaga iyong dahilan kung bakit kailangan ko nang bodyguard kahit san ako mag punta!
"Vee!"
"Okay lang sana kung tao iyong hina-hired mong bodyguard para sakin dad eh!" Inis kong sabi at umupo nalang.
Iyong iba mukhang araw-araw nag mumukbang, pano tatakbo iyon kung mas nauuna pa ang tyan niya. Saka kaya ko naman iyong sarili ko, di ko kailangan ng mga ganyan!
"Bakit? Ano ba sila para sayo unggoy o baboy? Tumigil ka na dyan sa kakalait mo sakanila! Mga tao naman ang mga iyon Vee--"
"Eh, mas may etchura pa nga iyong mga kidnapper kesa sa kanila, naguguluhan tuloy ako kong kanino ako matatakot." Totoo naman kase talaga! Sana kung kukuha siya ng bodyguard, yong matino naman please!
"Puro ka kalokohan kelan ka ba titinong bata ka!!"
"Minsan ka lang kase nandito sa bahay at busy ka sa ibang tao! Hindi mo man lang mabigyan na kahit isang oras ang sarili mong anak, mabuti pa iyong mga ibang bata dyan nandon ka para sakanila pero sakin wala!"
"Alam ko namang nag hi-hired ka nang bodyguard para protektahan ako kase ikaw! Hindi mo kayang protektahan, mabuti pa ang ibang tao naipag tatanggol mo!"
Hindi siya nakasagot, nakatingin lang siya sakin na para bang binabasa kung anong nasaisip ko.
Inis akong pumunta sa kwarto ko at malakas na isinara iyong pintuan.
Sinipa ko ang pintuan dahil sa inis at napasandal nalang. "Bwesit!!"
Bakit kase kailangan niya pang gawin yan! Pwede namang mamuhay nalang kami ng normal para walang gulo, walang panganib!
Dapat nasa akin iyong atensyon ni daddy hindi sa ibang tao! Tsk, mga nag pa-plastikan lang naman!
Pinahiran ko ang luha ko sa pisngi imbis na tumahan ay mas lalo akong umiyak. Unti-unti naman akong nakaramdam ng init at nagsisimula akong mahirapang huminga, ang mga kamay ko nag sisimulang manginig.
Sinusubukan kong habulin iyong hinga ko. Dahan-dahan akong nag bilang ng isa hanggang tatlo.
Mga sampung minuto ang lumipas ay kumalma na ako. Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa gilid ng kama, napatingin ako sa harapan ko na may salamin.
"Anxiety attack again." Napatawa nalang ako ng pagak at humiga sa kama.
Nakakapagod tuloy, di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
_
Nagising ako ng makaramdam ng gutom, pag tingin ko sa orasan ay malapit na palang mag alas 2 ng hapon.
"Nakakainis wala man lang nag balak na gumising sakin!" Inis kong giit sa sarili. Kahit parang nanghihina ang katawan ko ay pilit akong bumangon at lumabas ng kwarto.
"Ms. Vee, may nakaluto ma pong pagkain don." Wika nong katulong namin.
"Sinong nag luto ikaw? Hindi ka naman marunong mag luto diba."
"Ayy hindi po talaga ako, iyong bagong bodyguard niyo po ang nag luto." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
Bago? Nakakasawa na talaga, kakaalis lang nong isa tapos ngayon meron na naman bago! Hindi ba siya napapagod kaka-hired ng bodyguard para sakin!!
Naglakad na ako patungong kusina at nakita ko naman iyong pagkain na nakahanda sa mesa.
"Who are you?" Tanong ko sa lalaking nakatalikod at may kung anong tinitignan sa ref namin. Parang natataranta naman siyang humarap sakin. Parang mas bata pa yata sakin ang isang ito.
"Ay kayo po pala Ms. Vee! Ako nga pala ang bago niyong bodyguard--" di ko na siya pinatos mag salita.
"Alis!"
"Ano po??" "Ang sabi ko alis! Umalis ka sa bahay namin at wag kanang bumalik!!" "Pasensya na po pero ang daddy mo lang ang may karapatan na magpa-alis sakin." Mahinahon nitong sabi, napangisi naman ako. "Eh, di aantayin ko nalang na umalis ka ng kusa." Mahinang ani ko sa sarili pero mukhang narinig niya iyon. "Hindi po mangyayari iyon." "Really?" Tinignan ko siya sa mata at tumango-tango lang ito. "Kumain na po kayo Ms. Vee, sabi ng dad niyo ipagluto daw po kita." "Hindi na, busog ak--" bigla namang tumunog iyong tyan ko. Napaiwas nalang ako ng tingin kase nag pipigil siya ng tawa ngayon at nakakahiya kase tumunog ang tyan ko. Umupo nalang ako at nagsimulang kumain. "Paki on ng tv." Utos ko sakanya at ginawa niya naman. Pagka on ng tv, lumabas naman ang mukha ni daddy at may mga tao pa sa likuran niya, may interview yata tsk. "Sobrang bait talaga ni Mr. Wisco
"Ang bastos talaga ng bunganga mo kahit kelan! Ba't di ka gumaya sa kapatid mo na mabait--""Na bakla." Mapang-asar nitong saad.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya."May gusto ka ba sa kapatid kong bakla Vee?" Bulong nito sa tenga ko at naramdaman ko pang hinalikan niya ang balikat ko."A-Ano ba bitawan mo nga ako!" Pilit ko siyang tinulak pero sobrang lakas niya, ipinalibot niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at mas hinapit iyon papalapit sakanya."Alam mo namang matagal na akong may gusto sayo diba Vee? Ba't ba ayaw mo akong pag bigyan." Hahalikan na niya sana ako kaso may biglang humila sa braso ko at bigla nalang natumba si Belly dahil sa lakas ng suntok ni Bellie sakanya."Ang kapal talaga ng mukha mo Kuya! Subukan mo lang gawin iyon ulit kay Vee mapapatay na talaga kita!" Banta nito kay Belly at hinila ako papasok sa kwarto niya."Bellie!! May araw ka din sakin tandaan mo yang bakla ka!!" Galit na
"Tumahimik ka nga dyan!" Pabulong kong sigaw sakanya at tumingin sa paligid."Vee, may problema ba?" Tanong ni Elena."Ito kase eh, pahamak." Sabay turo ko kay Keven."Ms. Vee masama yang ginagawa mo, isusumbong talaga kita sa dad mo.""Really?" Bagot kung tanong.May naisip naman ako bigla kaya binalik ko lahat ng kinuha ko at sinabihan ko rin iyong mga kaibigan ko."Oh, binalik na namin kaya hindi ka na mag susumbong ah?""Mabuti po ang ginawa niyo Ms. Vee, di po talaga ako mag susumbong kase ibinalik niyo naman lahat ng kinuha niyo.""Nagugutom na ako, kumain muna tayo." Aya ni Rhea."Right! Nagugutom na din ako." Saad ko at palihim na ngumisi."Kita ko yang ngisi mo, may balak ka na naman yatang hindi maganda."Nang tumalikod na si Keven ay kumuha ako ng dalawang lipstick at pa-simpleng nilagay iyon sa bulsan niya. Pagkatapos kong mailagay yom ay inakbayan ko siya at um-acting na parang walang gin
Tumango-tango lang siya at umalis. Kumain na ako pagkatapos ay may kung sino namang tumawag sa phone ko. Unknown number lang nakalagay don. "Hello, sino ito?" [Vee, Vee miss ko na iyong amoy mo.] Bigla naman akong kinilabutan dahil don. "Belly?! Baliw ka na ba talaga!!"" [Oo, baliw nga ako. Noon pa ako baliw na baliw sayo Vee.] Para naman akong masusuka sa boses niya. Umu-ungol ang gagu! May ginagawa yatang kakabalaghan ang lalaking ito! "Ang kapal naman niyang mukha mong tumawag sakin! Kapal di ka pa tumigil sasabihin ko ang lahat sa daddy ko at ipapapatay kitang gagu ka!!!" Sigaw ko at tinapon ang phone ko sa kung saan. "Baliw talaga!" Inis kong hinampas-hampas ang kama ko. "Ms. Vee, okay ka lang?" "Dito ka na ba talaga titira ha?!!" Sigaw kung tanong para marinig niya. "Yon po ang sabi ng daddy niyo. Kapag may kailangan ka Ms. Vee, nandon lang ako sa kabilang kwarto." Dinig kong sabi niya at wal
"Kung makapag taas ka nang boses sakin ah! Sino ba ang boss mo huh, ikaw o ako?!!" Inis kong tanong sakanya."Bakit sinabi ko bang ako?" Taas kilay nitong tanong kaya mas lalong uminit yong ulo."Aba! Attitude kang bakla ka!! Ano gusto mo ba ng away huh?" Hinahamon nya ba ako? Pwes para sabihin ko sakanya hinding-hindi ko sya aatrasan! Kahit mag sabunutan pa kami ngayon lalabanan ko talaga sya, tsk!Huminga ito ng malalim bago ulit nakipag titigan sakin. "Ms. Vee hindi po kita hinahamon ng away, wala po akong planong patulan ka. May respeto naman ako sa mga matatandang kagaya mo po." Magalang pa nitong wika at ngumiti sakin ng malapad."What? Matanda? Fyi lang huh, 26 years old palang po ako Mr. James!""Yeah, I know.""Tapos?" Kunot noo kong tanong."Tapos...?" Ginagaya nya ba ako?! Nang-aasar ba sya
Nagising ako ng may marinig na kalabog dito. Unti-unting kong minulat ang mga mata ko at nagulat nang may makitang lalaki na nagwawalis dito sa loob ng kwarto ko.Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.Mukhang di pa yata nito napansing gising na ako kase patuloy lang ito sa paglilinis at kumikimbot-kimbot pa sya para bang may pinakikinggan syang kanta kaya ito sumasayaw-sayaw nang ganyan. Ewan ko kong matatawa ako sakanya, para syang bakla sa galaw nya pero hindi naman sya mukhang bakla.Napailing na lamang ako ng maalala kong itatanong ko pa pala sa lalaking ito kung sino at anong ginawa nya sa loob ng kwarto ko."Anong ginagawa mo?" Seryoso kong tanong at kunot noo akong tumitig sya."Hoy, kinakausap kita! Anong ginagawa mo dito?"Inangat nito ang tingi
James Villanuevva's Pov.Omg! Kailangan kong bilisan, baka magalit si Mr. Wisconsin sakin kase ang tagal ko. Hayst! Ba't ba ang tagal nitong mga sasakyan, ang bibigat siguro ng mga itlog nila."Yong hindi pa ng babayad pakiabot nalang dito!" Malakas na sabi nitong konduktor sa jeep.Di ko na sya pinansin pa kase tapos na akong mag bayad sakanya, pagkasakay ko lang dito nag bayad na kaagad ako."Ohh, kulang pa isa! Miss kulang pa ng isa dito." Saad nong konduktor at pinapasok ang babae dito sa loob.Bwesit na konduktor, ang sikip-sikip na nga dito tapos sasabihin nya na kulang pa ng isa?! Di na nga makaupo nang maayos itong pwet ko ngayon dahil sa sobrang sikip, my god! Nakakagigil sya! Pag ako di nakapag timpi masasabunutan ko sya dito mismo sa harap ng mga pasahero!"Huh? Eh, wala na akong maupuan kuya." Reklamo nong babaeng kak
Nandito na ulit ako sa pintuan ng kwarto ni Ms. Vee. Nilapit ko ang tainga ko don dahil para yatang may naririnig akong ingay sa loob.Okay lang kaya sya sa loob? Kung tanongin ko kaya sya?"Ms. Vee? Ayos ka lang dyan??" Tanong ko at inantay ang magiging sagot nito."HINDI AKO AYOS TANGINA! TULUNGAN MO AKO!!" Biglang sigaw nya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kung binuksan yong pintuan at kagad ko syang nilapitan ng makita ko sya."Anong nangyaya--Ms. Vee! Anong nangyari sayo??""Tangina! Anong klaseng bodyguard ka huh!! First day mo palang pero yong binabantayan mo muntik ng mamatay!" Bulyaw nya sakanya."Sinabi ko namang dito lang ako sa loob ng kwarto mo eh! Ang tigas kase ng ulo mo Vee!" Bulyaw ko din sakanya at halatang nagulat sya don. Maski ako ay medyo nagulat pero hindi ko 'yon pinaha
May biglang kumatok sa pintuan kaya naitulak ko siya at mabilis naman akong tumayo pero medyo napadaing pa ako dahil sumakit itong likod ko."S-Sino yan?" Nauutal kong tanong sa kumatok. Binuksan ni James yong pituan at wala namang tao.Napakagat naman ako ng labi dahil nanggigilgil ako don sa kumatok. Panira ng moment eh, bwes*t!Nagkatingan kami ni James pero ako na mismo ang umiwas dahil nahihiya akong tignan sya sa mata lalo na napapatingin den talaga ako sa labi niya at naaalala ko lang ang nangyaring pag halik niya sa akin.Tumikhim ako bago nagsalita. "A-Asan ba yong tubig ko? Diba inutusan kita kumuha ng t-tubig?" Nautal pa talaha ako hayst, masyado kang nagpapahalata na kinakabahan ka Vee! Pano ba naman eh, sinulyapan niya ako at tinignan saglit sa mata.Napakamot siya sa ulo niya bago nagsalita. "Ano kase... nakalimutan ko." Saad nito kaya napakunot ang noo ko kase di ako makapaniwala na nakalimutan niya eh, tanging tubig lang naman inutos ko sakanya!"Vee yong kanina nga pa
Inirapan ko siya. "Meron naman talaga akong binila ah, Ito oh." Sabay abot sakin ng isang maliit paper bag."Ano yan?" Taka kong tinignan yong paper bag, binigay niya 'yon sakin kaya tinignan ko rin naman ito."Para sakin ba to?""Hindi." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya."Bwes*t ka di ba't mo pa binigay sakin kung ganon ha!" Nag expect pa naman ako ng kunti kainis, mabuti nalang talaga di ako ngumiti kase nakakahiya kung ganon. Akala ko para sakin hayst!"Hindi ko naman binigay ah, inabot ko lang sayo para malaman mo ang laman niyan baka kasw ayaw mo maniwala na may binili ako." Saad nito pero tinignan ko lang siya ng masama.Kinuha niya pabalik yong paper bag at kinuha ang laman ni. In-open niya at nakita ko na isang kwentas 'yon."Biro lang para sayo talaga 'to Vee." Sabi niya kaya mas kumunot ang noo ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil don."Seryoso? Akin yan? Ba't mo naman ako binilhan ng kwent--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kase mas lumapit si
"Ang saya naman ata nila peste!" Tsk, mukhang enjoy na enjoy ka yata James ah, akala ko ba bakla kang putcha ka! Hmm, baka naman bisexual ano?? Akala ko ba may bibilhin lang sya ha?Sabi niya mabilis lang sya tsk. Kaya pala siguro ayaw niya akong ipasama sakanya eh, dahil pala sa babaeng yan!Nag lakad ako at nag tungo sa gawi nila. "Order-an mo nga rin ako ng coffee." Sabi ko sabay umupo ako sa tabi ni James.Halatang medyo nagulat itong babae na nasa harapan ko nakaupo ngayon at lalo na itong si James na nanlake ang matang nakatingin sa akin."Oh? Ano? Parang gulat na gulat ka ata Mr. James??" Tinaasan ko siya ng kilay."What are you doing here? Sinundan mo ba ako?" Medyo nakataas rin ang kilay nito sakin."Of course not! Sino ka ba para sundan ko ha! M-May kikitain lang ako dito ano tapos nakita kitang bakla ka!" Mahinang sabi ko sakanya sa huli."At kanino ka naman makikipag kita? Ba't wala kang sinabi sakin Vee??""Aba bakit may sinabi ka rin bang may kikitain ka ha??" Pabalik k
Lumabas ako ng kwarto kase pag gising ko wala si James. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang kakabihis lang ng pantalon niya at sinuot yong polo shift nito. Lumingon ito sa gawi ko at medyo nagulat pa sabay na tinakpan ang katawan niya. Hindi pa kase naka batones yong suot niyang polo. Tsk, ano bang tinatakpan niya e' wala naman siyang dede. "Ba't ka andito?" Tanong nito. Umupo muna ako sa gilid ng kama at tinignan siya. "James san ka pupunta? May lakad ka ba??" Takang tanong ko sakanya. Ba't yata bihis na bihis siya ngayon? Parang iba yong suot niya eh, mukha siyang may date ganon. "Sa mall, may bibilhin lang ako." Sagot nito sakin habang nakatalikod at binabatones ang suot niya. "Ha? Pano naman ako? Isasama mo ba ako?" Matutuwa na sana ako kase ilang araw na rin akong hindi nakakapunta sa mall. "Hindi. Dito ka lang sa bahay niyo po Ms. Vee." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Akala ko isasama niya ako kase nga bodyguard ko siya at dapat nasa tabi ko siya lagi par
Flashback_Naiinis kong tanong sakanya. Sino ba naman kaseng hindi magagalit kung may bigla nalang pumasok sa kwarto mo ng walang pasabi diba? Pano nalang kung kakagaling ko lang maligo at hubot hubad ako dito sa kwarto tapos ganyan sya?! Ano makikita niya akong nakahubad ganon diba hindi naman tama yon!Ano mali ba ako, sobrang sama ko pa rin ba ngayon?! Sobrang mali naman talaga ang pumasok sa kwarto ng iba."Pasensya na po Ms. Vee." Nakatalikod nitong sabi sabay sinira ang pintuan."Aray ko naman Vee! Ba't mo naman ako tinulak!" Nilingon ko si James na nakaupo ngayon sa sahig at nakahawak pa ito sa balakang niya."Eh, ano kase nagulat ako kay Keven kaya natulak kita pasensya ka na!" "Okay, mukhang hindi mo naman sinasadya talaga." May diin niyang saad.Sige sabihin na nating medyo sinasadya ko nga 'yon pero hindi ko naman talaga ginustong itulak sya okay. Inabot ko naman sakanya ang kamay ko para tulungan syang makatayo at nong aabutin na niya sana ang kamay ko ay bigla ko itong
Flashback_"Bumaba ako rito para kumain, hindi makipag chikahan po sayo." May diin kong sabi sakanya.Pano ako kakajn kung makikipag chikahan lang kami dito sa isat-isa. Tsk, wala rin naman akong interest na makipag usap sakanya o kahit makipag man chikan ng kunti.Tumikhim naman sya bago nagsalita. "You can start eating now then." Saad nito.Hindi na ako nag salita pa. Nag simula lang akong kumain at napansin ko namang ni isang kutsara ay hindi pa sumusubo si James ng pagkain."Ano pang inaantay mo? Pasko? New year?" Mahinang tanong ko tama na kami lang ang makakarinig sa boses ko.Mabuti nalang nandito si James, nandito si James makikisabay rin sa amin kumain kase kung wala sya ay di ako makikisabay at pigilan ang sarili ko "Kakain ka o susubuan pa kita?" Medyo napalakas ang boses ko at mukha narinig nilang dalawa 'yon kaya nabaling pareho ang paningin nila sakin."What?" Bagot kong tanong at ilang segundo lang ay bumalik na sila sa pag pagkain."Oo, kakain na po." Tanging sagot n
Flashback_Tulala ako nang umuwi kami sa bahay.Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang pilit na inaalala yong nangyari noon. Sa pagkakaalala ko ilang beses na akong nakidnap pero di ko talaga maalala saan don eh, at saka marami akong mga nakalimutan na nong mga nakaraan ko. Tanging si Bellie nga lang nagpapaalala sakin sa mga bagay-bagay na nangyari sakin kase ewan alangan namang tanongin ko si dad na mag kwento sakin eh, hindi nga kami close.At saka mukhang wala siyang balak ipaalala sakin yong mga nangyari noon. Ewan ko nga ba ba't nakakalimutan ko? Este ba't hindi ko maalala?? Agad akong napabangon ng may biglabg pumasok sa kwarto ko. Inayos ko yong paa ko at tinabunan ng kumot. Nakabukaka lang kase akong nakahiga at naka short lang ako, malamang nakikita na ang panty ko."Oh, James ikaw pala." Tanging nasabi ko."Wag mo na ako pansinin, humiga ka nalang ulit dyan dito lang ako sa sofa manonood ng movie." Wika niya.Napakurap-kurap ko naman siyang sinunod. Unti-un
Flashback_"James anong ginagawa natin dito?"Nag tatakang tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.Bakit dinala niya ako dito sa sementeryo? May bibisitahin ba sya? Sino naman??Nag lakad-lakad kami at huminto sya kaya huminto rin ako sa paglalakad."Well, dito nakalibing ang mommy ko."Medyo nabigla ako sa sinabi nito.Napakamot ako sa batok. "Ba't mo naman ako sinama dito?""Because I promise to her that--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil may biglang nag ring na cellphone."Cellphone mo yata yong nag r-ring." Sabi ko."Sasagutin ko muna to." Saad niya at tumango lang ako. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya at sinago yong tawag, nag lakad sya palayo sakin ng kunti at nakipag usap don sa tumawag sakanya sa telepono.Nagtataka ko naman syang tinignan mula dito. Napapataas ang kilay ko kase panay ang tawa at ngiti nitong si James yong para bang kilikiliti sya ng kung sino dyan sa gilid."Hmm, sino kaya yang kausap niya?" Takang tanong ko sa sarili.Ilang minuto
Flashback_"Alam mo umagang-umaga nambu-bwesit ka James!" Inis kong sabi sabay alis sa kama."Joke lang ito naman hindi mabiro."Inis ko syang tinignan."Tsk, kala ko ba friends na tayo tapos nang gaganyan ka sakin ngayon!" Nakakainis sya! Swerte niya pumayag ako sa gusto niya tapos mang gaganyan sya sakin ngayon! Sobrang feeling close nya yata sakin kung ganon ah!"Bakit hindi ba nang gaganito ang magkaibigan?""Hindi!" Pabulyaa kong sagot sakanya."Ang tunay kaibigan parang kapatid nag dadamayan!" Wla nga pala akong kapatid pero feeling ko naman same lang yun este tama naman siguro ako? Diba?"No, may mga kaibigan den namang na ganitong klase na kaibigan. Yung nag iinisan, nang-aasar minsan, yong kasama mo kapag masaya o malungkot ka man. Yung maasahan mo, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat handang damayan ka.""Okay, ikaw na ang tama ako na yung mali!""Alam mo Vee hindi naman masama kung minsan aminin mo na mali ka, na ikaw ang mali okay. Just take it as a lesson kapag nakakagaw