Napapikit ako sa lakas non at pag mulat ng mata ko kay biglang naging iba ang mukha ng babaeng kaharap ko ngayon."IIang m-minuto n-nalang m-magigising na s-sila." Sabi niya."Sino? Sinong nagkulong sayo dito? Sinong gumawa sayo nito?" Takang tanong ko habang tinatanggal ang nakatali niyang paa."Y-Yong dalawang matanda--" hindi ko na siya pinatapos magsalita kase parang di man kapani-paniwala ang sasabihin niya.Napahinto ako at mahinang natawa sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Ang babait ng mga 'yon at matanda sila kaya pano nila magagawa yon?? Saka may mga apo--" napatigil ako ng mag salita siya."Hindi mo naiintindihan. Y-Yong tinatawang mong bata, wag mong mabata-bata lang mga yon kase mga demonyo sila! Mga mamamatay tao, mukha lang silang mga mababait at inosente p-pero h-hindi!""Ikaw. Kung hindi ka pa aalis dito magagaya ka sakin o baka ikaw ang ipapalit. Mamatay ka kung magtatagal ka pa dito, tayo mamamatay tayo ng walang nakakaalam. G-Gusto kong makatakas at bigyan ng hustisya a
Nandito na ako ngayon nakaupo at kumakain. Nakaupo sila sa harapan ko at nakatitig silang dalawa sakin ngayon, inaamin ko na nakakailang kase nakatitig sila sakin na kumakain.Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako nong matandang babae. "Ako nga pala si Rheya ija." Pagpapakilala nito sa sarili at saka ngumiti pa."At ito nga pala ang asawa ko si Rexon." Sabay tinignan ang matandang lalake na nasa tabi niya.Oh, naalala ko na! Nabanggit nga pala niya kanina yong pangalan ng asawa nya. Yong kumatok ako sa pinto at siya ang sumalubong sakin doon, tinawag niya ang asawa nya at nagpatulong para sakin.Nilunok ko muna yong pagkain na nginunguya ko bago nagsalita. "Uhm, ako nga po pala si Vee Anika." Pagpapakilala ko."Napakagandang pangalan." Wika nito sabay ngumiti at para bang napapaisip si Rheya este uhm, Lola Rheya? Ang bastos naman kung tatawagin ko lang siya sa pangalan nya samantalang lola ang tawag sakanya ng mga apo niya. I mean, normal lang naman talaga na lola ang itawag ni
Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa katawan ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko at tumingin sa gilid, nakita ko si Lola Rheya na naglalakad palibot sakin na may dala-dalang tabo. Pansin ko naman ang suot ko ngayon, tanging panty at bra lang. Nakahiga ako at nakatali ang dalawang kamay ko pati paa kaya hindi ako makagalaw pero wala namang kahit na anong tinakip sa bibig ko. Ano pa nga bang silbi ng bibig ko eh, hindi naman ako makahingi ng tulong. Kahit anong sigaw ko walang tutulong sakin, walang ibang makakarinig sa boses ko kundi sila lang dito.Napadaing naman ako dahil sumakit ang ulo ko bigla, dahil siguro don sa pagpalo nito sakin kanina. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong maliwanag pa sa labas. Iwan ko ba kung ilang oras akong nawalan ng malay sa haba ng panaginip ko, di ko an rin natatandaan lahat ng napanaginipan ko."Kailangan mong maligo para mamayang gabi." Biglang saad nito. Napansin niya sigurong gising na ako, nakatingin naman
"Asan na ba tayo?" Mahinang tanong ko.Tinignan ko ang paligid at puro puno parin ang nakikita ko. Dapat mahanap namin kung san yong kalsada, baka may sasakyan man lang na dumaan don o tao pero pano nalang kung yong sasakyan na dadaan ay 'yon yun kumidnap sakin non? O di kaya masamang tao kagaya nong dalawang matanda? Tang*na pala ang mga tao dito eh, mga demonyo."H-Hindi ko rin alam..." Nakahawak parin ako sa braso nito at dahan-dahan kaming naglalakad pero napahinto ako ng huminto siya sabay na umupo at sumandal sa puno."A-Ang g-ginaw." Sabi nito sabay na niyakap ang sarili. Napatingin ako sa suot niya at sakin din, pareho lang kami at giniginaw rin ako kagaya niya pero siguro nga magkaiba kami kase ako kaya ko pa namang matiis 'to yong kanya hindi.Yumuko ako at hinawakan ko ang kamay niya at mahinang hinila siya patayo. "Hindi tayo pwedeng huminto sa paglalakad. Pano nalang kapag nahuli tayo ulit?""Alam mo bang mas mahirap yon? Saka babalik na naman tayo sa pagtakas, mabuti ng
"Talaga? Ilang taon ka na ba... po?" "26 years old." Sagot ko at bakas naman sa mukha nito ang gulat. Nakanganga pa nga ito ng kunti at titig na titig sa mukha ko."Nakaka shock ba ang edad ko?" Takang tanong ko sakanya. Ano? Mas matanda ba akong tignan kesa sa edad ko?? Naks, naman akala ko baby face ako, iba pala sa paningin ng iba."Hindi... po yong mukha mo kase ano--" hindi ko na siya pinatapos magsalita."Ano? Matanda tignan?" Sabay tinaasan ko siya ng kilay."Hindi po, hindi halata sa mukha mo. I mean, kase ang bata mo pa ho t-tingnan."Napairap naman ako. "Masyado kang bolera, baka gusto mong iwan kita dito mag-isa." Pabirong sabi ko sabay hinampas siya sa braso, napadaing naman ito kaya nagulat ako. Nakalimutan ko na may sugat nga pala siya don. "Pasensya na." Sabay nag peace sign ako sakanya. Nagsitawanan naman kami kahit medyo nahihirapan dahil sa mga sugat namin sa katawan na sumasakit lalo kapag gumalaw lang kami."Halika na, mag lakad na po tayo ulit... Ate Anika." Wi
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ng makita ko si James.Naiinis ako, nagagalit, naiiyak o ewan! Basta tang*na siya ba't ngayon lang sya dumating!!"A-Ate Anika k-kilala mo ba s-siya?" Nanghihinang tanong nito sakin at tumango lang ako bilang sagot."Ms. Vee!" Tawag ni James sakin. Lumabas naman ako ng sasakyan at pag tingin ko kay Gea ay nawalan na pala ito ng malay. Hindi ko namalayang nawalan na pala siya ng malay, tinignan ko pa nga siya diba at nag tanong pa nga siya sakin pero yong boses niya nga naman nanghihina na at ang sugat nito sa katawan, hindi na nakapag tataka kung mawalan siya ng malay ano mang oras.Hinawakan ni James ang kamay ko at hinila, nagkatinginan kaming dalawa at mabilis niya akong niyakap. "Nag alala ako sayo, sobra." Saad nito. Niyakap ako ng mahigpit. Tumulo ang luha ko sabay niyakap ko rin siya pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko bigla. I feel safe na andito si James sa tabi ko.Napadaing naman ako dahil sa sugat ko sa katawan at ramdam ko nama
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at dahan-dahang hiniga sya ni James don sa upuan. Napatitig ito saglit sa babae at aayusin niya sana ang paa ni Gea pero hinampas ko ang kamay niya. "Ako na!" Matalim ko siyang tinignan saka inirapan.Talagang napatitig pa siya kay Gea huh?! Ano gandang-ganda ba siya sa katawan! Tsk, mas maganda naman itong katawan ko ah, mas nag curve pa nga lalo kase wala akong kain tang*na.Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan at dahan-dahan nalang pinaupo si Gea saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Sinimulan ng paandarin ni James ang sasakyan habang ako ay sinusulyapan siya don sa salamin.Pansin ko namang napapatingin din siya sa salamin at hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o kay Gea. Pesteng bakla to ah, nakakainis gusto niya yatang tusukin ko mata niya no!?"Oh? Ba't panay tingin mo sa kasama ko?!!" Kunot noo kong tanong sakanya."I'm not looking at her." Sabi niya.Tumingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. "Di sino?""You. I'm loo
"Pwede bang umalis ka, gusto kong mapag-isa." Walang emosyon kong saad.Pero yong luha ko tutulo na at pinipigilan ko lang, masaya ako na galit kase nakita ko pa si daddy ngayon. Ang akala ko ay hindi na ako makakatakas don pero di naman magiging posible yon kung wala si Gea, nagtulungan kaming dalawa at nagtagumpay kaming makatakas sakanila.Mas worst pa ang nangyari sakin don sa kamay ng dalawang matanda kesa sa kumidnap sakin.Tumingin ako kay daddy. "V-Vee--" nahinto siya ng magsalita ako."Gusto ko sabing mapag-isa!" Seryoso kong binalingan ng tingin yong doctor saka si daddy pati na rin si James.Tumayo ng maayos si dad at huminga ng malalim bago tumalikod, naunang lumabas ang doctor. Bago pa man lumabas si dad ay binalingan niya ng tingin si James na nandito pa rin sa gilid ko nakatayo."James dyan ka lang, wag mong iiwan mag isa ang anak ko." Tanging sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko."Ikaw wala kang balak umalis?" Taas kilay kong tanong sakanya pero umupo lang siy
May biglang kumatok sa pintuan kaya naitulak ko siya at mabilis naman akong tumayo pero medyo napadaing pa ako dahil sumakit itong likod ko."S-Sino yan?" Nauutal kong tanong sa kumatok. Binuksan ni James yong pituan at wala namang tao.Napakagat naman ako ng labi dahil nanggigilgil ako don sa kumatok. Panira ng moment eh, bwes*t!Nagkatingan kami ni James pero ako na mismo ang umiwas dahil nahihiya akong tignan sya sa mata lalo na napapatingin den talaga ako sa labi niya at naaalala ko lang ang nangyaring pag halik niya sa akin.Tumikhim ako bago nagsalita. "A-Asan ba yong tubig ko? Diba inutusan kita kumuha ng t-tubig?" Nautal pa talaha ako hayst, masyado kang nagpapahalata na kinakabahan ka Vee! Pano ba naman eh, sinulyapan niya ako at tinignan saglit sa mata.Napakamot siya sa ulo niya bago nagsalita. "Ano kase... nakalimutan ko." Saad nito kaya napakunot ang noo ko kase di ako makapaniwala na nakalimutan niya eh, tanging tubig lang naman inutos ko sakanya!"Vee yong kanina nga pa
Inirapan ko siya. "Meron naman talaga akong binila ah, Ito oh." Sabay abot sakin ng isang maliit paper bag."Ano yan?" Taka kong tinignan yong paper bag, binigay niya 'yon sakin kaya tinignan ko rin naman ito."Para sakin ba to?""Hindi." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya."Bwes*t ka di ba't mo pa binigay sakin kung ganon ha!" Nag expect pa naman ako ng kunti kainis, mabuti nalang talaga di ako ngumiti kase nakakahiya kung ganon. Akala ko para sakin hayst!"Hindi ko naman binigay ah, inabot ko lang sayo para malaman mo ang laman niyan baka kasw ayaw mo maniwala na may binili ako." Saad nito pero tinignan ko lang siya ng masama.Kinuha niya pabalik yong paper bag at kinuha ang laman ni. In-open niya at nakita ko na isang kwentas 'yon."Biro lang para sayo talaga 'to Vee." Sabi niya kaya mas kumunot ang noo ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil don."Seryoso? Akin yan? Ba't mo naman ako binilhan ng kwent--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kase mas lumapit si
"Ang saya naman ata nila peste!" Tsk, mukhang enjoy na enjoy ka yata James ah, akala ko ba bakla kang putcha ka! Hmm, baka naman bisexual ano?? Akala ko ba may bibilhin lang sya ha?Sabi niya mabilis lang sya tsk. Kaya pala siguro ayaw niya akong ipasama sakanya eh, dahil pala sa babaeng yan!Nag lakad ako at nag tungo sa gawi nila. "Order-an mo nga rin ako ng coffee." Sabi ko sabay umupo ako sa tabi ni James.Halatang medyo nagulat itong babae na nasa harapan ko nakaupo ngayon at lalo na itong si James na nanlake ang matang nakatingin sa akin."Oh? Ano? Parang gulat na gulat ka ata Mr. James??" Tinaasan ko siya ng kilay."What are you doing here? Sinundan mo ba ako?" Medyo nakataas rin ang kilay nito sakin."Of course not! Sino ka ba para sundan ko ha! M-May kikitain lang ako dito ano tapos nakita kitang bakla ka!" Mahinang sabi ko sakanya sa huli."At kanino ka naman makikipag kita? Ba't wala kang sinabi sakin Vee??""Aba bakit may sinabi ka rin bang may kikitain ka ha??" Pabalik k
Lumabas ako ng kwarto kase pag gising ko wala si James. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang kakabihis lang ng pantalon niya at sinuot yong polo shift nito. Lumingon ito sa gawi ko at medyo nagulat pa sabay na tinakpan ang katawan niya. Hindi pa kase naka batones yong suot niyang polo. Tsk, ano bang tinatakpan niya e' wala naman siyang dede. "Ba't ka andito?" Tanong nito. Umupo muna ako sa gilid ng kama at tinignan siya. "James san ka pupunta? May lakad ka ba??" Takang tanong ko sakanya. Ba't yata bihis na bihis siya ngayon? Parang iba yong suot niya eh, mukha siyang may date ganon. "Sa mall, may bibilhin lang ako." Sagot nito sakin habang nakatalikod at binabatones ang suot niya. "Ha? Pano naman ako? Isasama mo ba ako?" Matutuwa na sana ako kase ilang araw na rin akong hindi nakakapunta sa mall. "Hindi. Dito ka lang sa bahay niyo po Ms. Vee." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Akala ko isasama niya ako kase nga bodyguard ko siya at dapat nasa tabi ko siya lagi par
Flashback_Naiinis kong tanong sakanya. Sino ba naman kaseng hindi magagalit kung may bigla nalang pumasok sa kwarto mo ng walang pasabi diba? Pano nalang kung kakagaling ko lang maligo at hubot hubad ako dito sa kwarto tapos ganyan sya?! Ano makikita niya akong nakahubad ganon diba hindi naman tama yon!Ano mali ba ako, sobrang sama ko pa rin ba ngayon?! Sobrang mali naman talaga ang pumasok sa kwarto ng iba."Pasensya na po Ms. Vee." Nakatalikod nitong sabi sabay sinira ang pintuan."Aray ko naman Vee! Ba't mo naman ako tinulak!" Nilingon ko si James na nakaupo ngayon sa sahig at nakahawak pa ito sa balakang niya."Eh, ano kase nagulat ako kay Keven kaya natulak kita pasensya ka na!" "Okay, mukhang hindi mo naman sinasadya talaga." May diin niyang saad.Sige sabihin na nating medyo sinasadya ko nga 'yon pero hindi ko naman talaga ginustong itulak sya okay. Inabot ko naman sakanya ang kamay ko para tulungan syang makatayo at nong aabutin na niya sana ang kamay ko ay bigla ko itong
Flashback_"Bumaba ako rito para kumain, hindi makipag chikahan po sayo." May diin kong sabi sakanya.Pano ako kakajn kung makikipag chikahan lang kami dito sa isat-isa. Tsk, wala rin naman akong interest na makipag usap sakanya o kahit makipag man chikan ng kunti.Tumikhim naman sya bago nagsalita. "You can start eating now then." Saad nito.Hindi na ako nag salita pa. Nag simula lang akong kumain at napansin ko namang ni isang kutsara ay hindi pa sumusubo si James ng pagkain."Ano pang inaantay mo? Pasko? New year?" Mahinang tanong ko tama na kami lang ang makakarinig sa boses ko.Mabuti nalang nandito si James, nandito si James makikisabay rin sa amin kumain kase kung wala sya ay di ako makikisabay at pigilan ang sarili ko "Kakain ka o susubuan pa kita?" Medyo napalakas ang boses ko at mukha narinig nilang dalawa 'yon kaya nabaling pareho ang paningin nila sakin."What?" Bagot kong tanong at ilang segundo lang ay bumalik na sila sa pag pagkain."Oo, kakain na po." Tanging sagot n
Flashback_Tulala ako nang umuwi kami sa bahay.Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang pilit na inaalala yong nangyari noon. Sa pagkakaalala ko ilang beses na akong nakidnap pero di ko talaga maalala saan don eh, at saka marami akong mga nakalimutan na nong mga nakaraan ko. Tanging si Bellie nga lang nagpapaalala sakin sa mga bagay-bagay na nangyari sakin kase ewan alangan namang tanongin ko si dad na mag kwento sakin eh, hindi nga kami close.At saka mukhang wala siyang balak ipaalala sakin yong mga nangyari noon. Ewan ko nga ba ba't nakakalimutan ko? Este ba't hindi ko maalala?? Agad akong napabangon ng may biglabg pumasok sa kwarto ko. Inayos ko yong paa ko at tinabunan ng kumot. Nakabukaka lang kase akong nakahiga at naka short lang ako, malamang nakikita na ang panty ko."Oh, James ikaw pala." Tanging nasabi ko."Wag mo na ako pansinin, humiga ka nalang ulit dyan dito lang ako sa sofa manonood ng movie." Wika niya.Napakurap-kurap ko naman siyang sinunod. Unti-un
Flashback_"James anong ginagawa natin dito?"Nag tatakang tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.Bakit dinala niya ako dito sa sementeryo? May bibisitahin ba sya? Sino naman??Nag lakad-lakad kami at huminto sya kaya huminto rin ako sa paglalakad."Well, dito nakalibing ang mommy ko."Medyo nabigla ako sa sinabi nito.Napakamot ako sa batok. "Ba't mo naman ako sinama dito?""Because I promise to her that--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil may biglang nag ring na cellphone."Cellphone mo yata yong nag r-ring." Sabi ko."Sasagutin ko muna to." Saad niya at tumango lang ako. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya at sinago yong tawag, nag lakad sya palayo sakin ng kunti at nakipag usap don sa tumawag sakanya sa telepono.Nagtataka ko naman syang tinignan mula dito. Napapataas ang kilay ko kase panay ang tawa at ngiti nitong si James yong para bang kilikiliti sya ng kung sino dyan sa gilid."Hmm, sino kaya yang kausap niya?" Takang tanong ko sa sarili.Ilang minuto
Flashback_"Alam mo umagang-umaga nambu-bwesit ka James!" Inis kong sabi sabay alis sa kama."Joke lang ito naman hindi mabiro."Inis ko syang tinignan."Tsk, kala ko ba friends na tayo tapos nang gaganyan ka sakin ngayon!" Nakakainis sya! Swerte niya pumayag ako sa gusto niya tapos mang gaganyan sya sakin ngayon! Sobrang feeling close nya yata sakin kung ganon ah!"Bakit hindi ba nang gaganito ang magkaibigan?""Hindi!" Pabulyaa kong sagot sakanya."Ang tunay kaibigan parang kapatid nag dadamayan!" Wla nga pala akong kapatid pero feeling ko naman same lang yun este tama naman siguro ako? Diba?"No, may mga kaibigan den namang na ganitong klase na kaibigan. Yung nag iinisan, nang-aasar minsan, yong kasama mo kapag masaya o malungkot ka man. Yung maasahan mo, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat handang damayan ka.""Okay, ikaw na ang tama ako na yung mali!""Alam mo Vee hindi naman masama kung minsan aminin mo na mali ka, na ikaw ang mali okay. Just take it as a lesson kapag nakakagaw