Nandito na ako ngayon nakaupo at kumakain. Nakaupo sila sa harapan ko at nakatitig silang dalawa sakin ngayon, inaamin ko na nakakailang kase nakatitig sila sakin na kumakain.Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako nong matandang babae. "Ako nga pala si Rheya ija." Pagpapakilala nito sa sarili at saka ngumiti pa."At ito nga pala ang asawa ko si Rexon." Sabay tinignan ang matandang lalake na nasa tabi niya.Oh, naalala ko na! Nabanggit nga pala niya kanina yong pangalan ng asawa nya. Yong kumatok ako sa pinto at siya ang sumalubong sakin doon, tinawag niya ang asawa nya at nagpatulong para sakin.Nilunok ko muna yong pagkain na nginunguya ko bago nagsalita. "Uhm, ako nga po pala si Vee Anika." Pagpapakilala ko."Napakagandang pangalan." Wika nito sabay ngumiti at para bang napapaisip si Rheya este uhm, Lola Rheya? Ang bastos naman kung tatawagin ko lang siya sa pangalan nya samantalang lola ang tawag sakanya ng mga apo niya. I mean, normal lang naman talaga na lola ang itawag ni
"Ah, ganon po ba? Asan na nga po pala yong kapatid niyo po?" Tanong ko."Wala na siya ija, matagal nang patay ang kapatid ko." Bigla akong natahimik sa naging sagot niya.Kinagat ko ang labi ko. "Pasensiya na po." Ba't ko pa nga ba kase tinanong hayst!"Ayos lang ija wala namang masama mag tanong." Ngumiti ako ng pilit bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.Nang matapos na akong kumain ay nilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo. "Ija ako na dyan, mabuti pang magpahinga ka nalang muna don pero bago yan gamotin natin yang sugat mo sa paa dahil baka magka infection yan."Saad niya habang nakatingin sa paa ko. Ngayon ko pa napansin na may maliliit na bakas ng dugo sa sahig dahil pala dito sa sugat ko."San ba yan nasugatan?" Nagtatakang tanong ni Lola Rheya."Sa sanga po, nasugatan ako sa kakatakbo saka biglaan yong pag ulan muntikan na akong madulas at madapa-dapa.""Nako-nako kawawa ka namang bata ka. Paniguradong hinahanap ka na ng mga magulang mo, nag aalala na ang mga 'yon sayo." Wika n
Nilagapag niya 'yong unan at kumot sa sofa pero kinuha niya ang kumot at inabiot sakin 'yon. "Hito mag kumot ka ng mabuti dahil malamig. Akoy babalik na sa kwarto, goodnight sayo ija."Hinawi nito ang buhok ko at saka ngumiti sakin. "Matanong lang ija may boyfriend ka na ba?""Wala po.""Ex?""Hindi pa ho ako nag b-boyfriend." Pag amin ko sakanya."So, virgin ka pa kung ganon?" Ngumiti na lamang ako sa tanong niya."Mabuti." Sabi nito at medyo kakaiba yata ng tono ng boses nito. Ilang segundo niya akong tinitigan na nakangiti pa bago umalis."Ang bait niya, nila." Mas lalo ko tuloy na miss si Lola at Lolo, sana ganito rin sila sakin kung nabubuhay pa sila.Pero teka ba't ang weird yata ni Lola Rheya? Yong ngiti at tingin niya sakin kanina ang weird ah. Praning yata ako, gosh! Mukhang kailangan ko na matulog para bukas makaalis na ako pero bago pa ang lahat ay manghihiram ako ng cellphone sakanila baka sakanilang matawagan ko si James o di kaya ang mga kaibigan ko.Inayos ko na yong un
"IIang m-minuto n-nalang m-magigising na s-sila." Dagdag niya."Sino? Sinong nagkulong sayo dito? Sinong gumawa sayo nito?" Takang tanong ko habang tinatanggal ang nakatali niyang paa."Y-Yong dalawang matanda--" hindi ko na siya pinatapos magsalita kase parang di man kapani-paniwala ang sasabihin niya.Napahinto ako at mahinang natawa sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Ang babait ng mga 'yon at matanda sila kaya pano nila magagawa yon?? Saka may mga apo--" napatigil ako ng mag salita siya."Hindi mo naiintindihan. Y-Yong tinatawang mong bata, wag mong mabata-bata lang mga yon kase mga demonyo sila! Mga mamamatay tao, mukha lang silang mga mababait at inosente p-pero h-hindi!""Ikaw. Kung hindi ka pa aalis dito magagaya ka sakin o baka ikaw ang ipapalit. Mamatay ka kung magtatagal ka pa dito, tayo mamamatay tayo ng walang nakakaalam. G-Gusto kong makatakas at bigyan ng hustisya ang b-bestfriend, gusto ko silang ipakulong para sa g-ginawa nila sa kaibigan ko."Teka kaibigan? Anong kaibigan?
At sabay na tumalikod saka tumakbo hanggang sa makakaya namin pero dahil sa sugat ko sa papa at sya naman ay di rin makatakbo ng maayos.Pareho kaming napadaing ng matumba kami pareho. Pag lingon ko sa harapan ay andon si Lolo Rexon at isasaksak na nito samin iyang hawak niyang kutsilyo mabuti nalang ay pareho naman kaming umusog sa gilid kaya nakailag kami. Sinipa ko naman sya sa tyan kaya natumba ito at nabitawan ang kutsilyo. Tumayo ako saka mabilis na tinulungang makatayo tayo ang babaeng kasama ko pero nabitawan ko siya ng may humila sa buhok ko at nakitang si Lola Rheya 'yon. "At san niyo ba balak pumunta ha??" Para bang nag iba ang boses nito, hindi na kagaya nong una kaming nag usap. Nakakakilabot ang boses nilang dalawa ng asawa niya."Ano ba bitawan mo ako!!" Sigaw ko at sinubukan ang alisin ang kamay niya sa buhok ko. Tinulungan naman ako nong babae at pareho naming tinulak ang matanda sabay inalalayon ko siya at tumakbo na."Teka alam mo ba ang daan palabas sa lugar na t
"Alam mo ba kung asan ang katawan ng kaibigan mo?""H-Hindi ko alam kung saan nila tinago pero sure ako na nasa loob ng bahay nila."Tinignan ko siya at bigla kong napagtanto na wala nga pala syang damit na suot at short man lang, tanging panty at bra lang ang suot nito. Napatingin naman ako sa damit ko at mahaba ito kaya hinubad ko ang suot ko na damit saka inabot sakanya. Naka bra naman ako at pajama, mas okay nato kesa naman sa wala akong bra diba saka para may pang takip sya ng katawan man lang.Taka niya naman akong tinignan. "Anong ginagawa mo? Ba't mo hinubad ang damit mo??""Suotin mo. Tingnan mo nga yang suot mo ngayon? Ano?? Magtatago tayo na nakaganyan ka lang? Pano kung maabutan tayo ng gabi dito di giginawin ka at saka yong pagkain, mamatay tayo sa gutom dito--" napahinto ako ng magsalita siya."Sanay na naman akong di kumakain." Saad niya. Napairap ako kase kung sya sanay na hindi kumakain pwes ako hindi, sa tingin niya ba pareho kami ha?!"Halata naman sa katawan mo, a
Ngayon ko pa nakitang may bitbit pala itong pamalo, kaya siguro hindi ko napansin kase itago niya 'yon sa likuran niya. Magsasalita sana ito pero huli na dahil pinalo na siya nong babae sa ulo. Kita ko naman nabitawan nito ang hawak na palakol sabay pag bagsak nito sa lupa."Buti nga sayong matanda ka!!" Lakas nitong sabi sa matanda at papaulian sana ito ulit pero bigla kong naramdaman ang isang malakas na palo sa ulo ko, biglang nandilim ang paningin ko kasabay ang pag bagsak ko sa lupa.Medyo kita ko pa ang isang matanda na papalapit don sa babae at pinalo siya sa ulo gamit ang isang baseball bat, tuluyan na akong nawalan ng malay matapos itong bumagsik din sa lupa._"F**k." Mahinang mura ko sa sarili sabay kinapa-kapa ang katawan ko at hinawakan ang ulo ko pati na rin ang noo para tingnan kung may dugo pa o kahit na anong sugat pero wala naman.Pansin ko na medyo lumiliwanag na sa labas, tumayo ako at tumingin sa bintana. Hindi ko alam kung anong oras na kase wala nga akong dalang
Napapikit ako sa lakas non at pag mulat ng mata ko kay biglang naging iba ang mukha ng babaeng kaharap ko ngayon."IIang m-minuto n-nalang m-magigising na s-sila." Sabi niya."Sino? Sinong nagkulong sayo dito? Sinong gumawa sayo nito?" Takang tanong ko habang tinatanggal ang nakatali niyang paa."Y-Yong dalawang matanda--" hindi ko na siya pinatapos magsalita kase parang di man kapani-paniwala ang sasabihin niya.Napahinto ako at mahinang natawa sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Ang babait ng mga 'yon at matanda sila kaya pano nila magagawa yon?? Saka may mga apo--" napatigil ako ng mag salita siya."Hindi mo naiintindihan. Y-Yong tinatawang mong bata, wag mong mabata-bata lang mga yon kase mga demonyo sila! Mga mamamatay tao, mukha lang silang mga mababait at inosente p-pero h-hindi!""Ikaw. Kung hindi ka pa aalis dito magagaya ka sakin o baka ikaw ang ipapalit. Mamatay ka kung magtatagal ka pa dito, tayo mamamatay tayo ng walang nakakaalam. G-Gusto kong makatakas at bigyan ng hustisya a
May biglang kumatok sa pintuan kaya naitulak ko siya at mabilis naman akong tumayo pero medyo napadaing pa ako dahil sumakit itong likod ko."S-Sino yan?" Nauutal kong tanong sa kumatok. Binuksan ni James yong pituan at wala namang tao.Napakagat naman ako ng labi dahil nanggigilgil ako don sa kumatok. Panira ng moment eh, bwes*t!Nagkatingan kami ni James pero ako na mismo ang umiwas dahil nahihiya akong tignan sya sa mata lalo na napapatingin den talaga ako sa labi niya at naaalala ko lang ang nangyaring pag halik niya sa akin.Tumikhim ako bago nagsalita. "A-Asan ba yong tubig ko? Diba inutusan kita kumuha ng t-tubig?" Nautal pa talaha ako hayst, masyado kang nagpapahalata na kinakabahan ka Vee! Pano ba naman eh, sinulyapan niya ako at tinignan saglit sa mata.Napakamot siya sa ulo niya bago nagsalita. "Ano kase... nakalimutan ko." Saad nito kaya napakunot ang noo ko kase di ako makapaniwala na nakalimutan niya eh, tanging tubig lang naman inutos ko sakanya!"Vee yong kanina nga pa
Inirapan ko siya. "Meron naman talaga akong binila ah, Ito oh." Sabay abot sakin ng isang maliit paper bag."Ano yan?" Taka kong tinignan yong paper bag, binigay niya 'yon sakin kaya tinignan ko rin naman ito."Para sakin ba to?""Hindi." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya."Bwes*t ka di ba't mo pa binigay sakin kung ganon ha!" Nag expect pa naman ako ng kunti kainis, mabuti nalang talaga di ako ngumiti kase nakakahiya kung ganon. Akala ko para sakin hayst!"Hindi ko naman binigay ah, inabot ko lang sayo para malaman mo ang laman niyan baka kasw ayaw mo maniwala na may binili ako." Saad nito pero tinignan ko lang siya ng masama.Kinuha niya pabalik yong paper bag at kinuha ang laman ni. In-open niya at nakita ko na isang kwentas 'yon."Biro lang para sayo talaga 'to Vee." Sabi niya kaya mas kumunot ang noo ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil don."Seryoso? Akin yan? Ba't mo naman ako binilhan ng kwent--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kase mas lumapit si
"Ang saya naman ata nila peste!" Tsk, mukhang enjoy na enjoy ka yata James ah, akala ko ba bakla kang putcha ka! Hmm, baka naman bisexual ano?? Akala ko ba may bibilhin lang sya ha?Sabi niya mabilis lang sya tsk. Kaya pala siguro ayaw niya akong ipasama sakanya eh, dahil pala sa babaeng yan!Nag lakad ako at nag tungo sa gawi nila. "Order-an mo nga rin ako ng coffee." Sabi ko sabay umupo ako sa tabi ni James.Halatang medyo nagulat itong babae na nasa harapan ko nakaupo ngayon at lalo na itong si James na nanlake ang matang nakatingin sa akin."Oh? Ano? Parang gulat na gulat ka ata Mr. James??" Tinaasan ko siya ng kilay."What are you doing here? Sinundan mo ba ako?" Medyo nakataas rin ang kilay nito sakin."Of course not! Sino ka ba para sundan ko ha! M-May kikitain lang ako dito ano tapos nakita kitang bakla ka!" Mahinang sabi ko sakanya sa huli."At kanino ka naman makikipag kita? Ba't wala kang sinabi sakin Vee??""Aba bakit may sinabi ka rin bang may kikitain ka ha??" Pabalik k
Lumabas ako ng kwarto kase pag gising ko wala si James. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang kakabihis lang ng pantalon niya at sinuot yong polo shift nito. Lumingon ito sa gawi ko at medyo nagulat pa sabay na tinakpan ang katawan niya. Hindi pa kase naka batones yong suot niyang polo. Tsk, ano bang tinatakpan niya e' wala naman siyang dede. "Ba't ka andito?" Tanong nito. Umupo muna ako sa gilid ng kama at tinignan siya. "James san ka pupunta? May lakad ka ba??" Takang tanong ko sakanya. Ba't yata bihis na bihis siya ngayon? Parang iba yong suot niya eh, mukha siyang may date ganon. "Sa mall, may bibilhin lang ako." Sagot nito sakin habang nakatalikod at binabatones ang suot niya. "Ha? Pano naman ako? Isasama mo ba ako?" Matutuwa na sana ako kase ilang araw na rin akong hindi nakakapunta sa mall. "Hindi. Dito ka lang sa bahay niyo po Ms. Vee." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Akala ko isasama niya ako kase nga bodyguard ko siya at dapat nasa tabi ko siya lagi par
Flashback_Naiinis kong tanong sakanya. Sino ba naman kaseng hindi magagalit kung may bigla nalang pumasok sa kwarto mo ng walang pasabi diba? Pano nalang kung kakagaling ko lang maligo at hubot hubad ako dito sa kwarto tapos ganyan sya?! Ano makikita niya akong nakahubad ganon diba hindi naman tama yon!Ano mali ba ako, sobrang sama ko pa rin ba ngayon?! Sobrang mali naman talaga ang pumasok sa kwarto ng iba."Pasensya na po Ms. Vee." Nakatalikod nitong sabi sabay sinira ang pintuan."Aray ko naman Vee! Ba't mo naman ako tinulak!" Nilingon ko si James na nakaupo ngayon sa sahig at nakahawak pa ito sa balakang niya."Eh, ano kase nagulat ako kay Keven kaya natulak kita pasensya ka na!" "Okay, mukhang hindi mo naman sinasadya talaga." May diin niyang saad.Sige sabihin na nating medyo sinasadya ko nga 'yon pero hindi ko naman talaga ginustong itulak sya okay. Inabot ko naman sakanya ang kamay ko para tulungan syang makatayo at nong aabutin na niya sana ang kamay ko ay bigla ko itong
Flashback_"Bumaba ako rito para kumain, hindi makipag chikahan po sayo." May diin kong sabi sakanya.Pano ako kakajn kung makikipag chikahan lang kami dito sa isat-isa. Tsk, wala rin naman akong interest na makipag usap sakanya o kahit makipag man chikan ng kunti.Tumikhim naman sya bago nagsalita. "You can start eating now then." Saad nito.Hindi na ako nag salita pa. Nag simula lang akong kumain at napansin ko namang ni isang kutsara ay hindi pa sumusubo si James ng pagkain."Ano pang inaantay mo? Pasko? New year?" Mahinang tanong ko tama na kami lang ang makakarinig sa boses ko.Mabuti nalang nandito si James, nandito si James makikisabay rin sa amin kumain kase kung wala sya ay di ako makikisabay at pigilan ang sarili ko "Kakain ka o susubuan pa kita?" Medyo napalakas ang boses ko at mukha narinig nilang dalawa 'yon kaya nabaling pareho ang paningin nila sakin."What?" Bagot kong tanong at ilang segundo lang ay bumalik na sila sa pag pagkain."Oo, kakain na po." Tanging sagot n
Flashback_Tulala ako nang umuwi kami sa bahay.Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang pilit na inaalala yong nangyari noon. Sa pagkakaalala ko ilang beses na akong nakidnap pero di ko talaga maalala saan don eh, at saka marami akong mga nakalimutan na nong mga nakaraan ko. Tanging si Bellie nga lang nagpapaalala sakin sa mga bagay-bagay na nangyari sakin kase ewan alangan namang tanongin ko si dad na mag kwento sakin eh, hindi nga kami close.At saka mukhang wala siyang balak ipaalala sakin yong mga nangyari noon. Ewan ko nga ba ba't nakakalimutan ko? Este ba't hindi ko maalala?? Agad akong napabangon ng may biglabg pumasok sa kwarto ko. Inayos ko yong paa ko at tinabunan ng kumot. Nakabukaka lang kase akong nakahiga at naka short lang ako, malamang nakikita na ang panty ko."Oh, James ikaw pala." Tanging nasabi ko."Wag mo na ako pansinin, humiga ka nalang ulit dyan dito lang ako sa sofa manonood ng movie." Wika niya.Napakurap-kurap ko naman siyang sinunod. Unti-un
Flashback_"James anong ginagawa natin dito?"Nag tatakang tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.Bakit dinala niya ako dito sa sementeryo? May bibisitahin ba sya? Sino naman??Nag lakad-lakad kami at huminto sya kaya huminto rin ako sa paglalakad."Well, dito nakalibing ang mommy ko."Medyo nabigla ako sa sinabi nito.Napakamot ako sa batok. "Ba't mo naman ako sinama dito?""Because I promise to her that--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil may biglang nag ring na cellphone."Cellphone mo yata yong nag r-ring." Sabi ko."Sasagutin ko muna to." Saad niya at tumango lang ako. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya at sinago yong tawag, nag lakad sya palayo sakin ng kunti at nakipag usap don sa tumawag sakanya sa telepono.Nagtataka ko naman syang tinignan mula dito. Napapataas ang kilay ko kase panay ang tawa at ngiti nitong si James yong para bang kilikiliti sya ng kung sino dyan sa gilid."Hmm, sino kaya yang kausap niya?" Takang tanong ko sa sarili.Ilang minuto
Flashback_"Alam mo umagang-umaga nambu-bwesit ka James!" Inis kong sabi sabay alis sa kama."Joke lang ito naman hindi mabiro."Inis ko syang tinignan."Tsk, kala ko ba friends na tayo tapos nang gaganyan ka sakin ngayon!" Nakakainis sya! Swerte niya pumayag ako sa gusto niya tapos mang gaganyan sya sakin ngayon! Sobrang feeling close nya yata sakin kung ganon ah!"Bakit hindi ba nang gaganito ang magkaibigan?""Hindi!" Pabulyaa kong sagot sakanya."Ang tunay kaibigan parang kapatid nag dadamayan!" Wla nga pala akong kapatid pero feeling ko naman same lang yun este tama naman siguro ako? Diba?"No, may mga kaibigan den namang na ganitong klase na kaibigan. Yung nag iinisan, nang-aasar minsan, yong kasama mo kapag masaya o malungkot ka man. Yung maasahan mo, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat handang damayan ka.""Okay, ikaw na ang tama ako na yung mali!""Alam mo Vee hindi naman masama kung minsan aminin mo na mali ka, na ikaw ang mali okay. Just take it as a lesson kapag nakakagaw