“Pwede…pwede mo naman na pasalamatan na lang ako. Sino ang nagsabi sa iyo na pwede mo akong halikan?” Tinakpan ni Sirius ang pisngi na hinalikan ni Little Cupcake. Parang isa siyang nahihiya at naiinis na asawang babae ngayon.Lumapit sa kaniya si Little Cupcake pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. “Huh, bakit ka namumula? Oh…alam ko! Nahihiya ka! Hahaha…” Tinawanan niya ito nang malakas.Mas lalong nahiya si Sirius. Gayunpaman, dahil sa tigas ng kaniyang ulo, ayaw niya itong aminin. “Sinong nahihiya? Kung ano-anong pinagsasabi mo!”“Sigurado ka? Bakit ka namumula? Hindi ko inakalang sobrang inosente mo.” Para kay Little Cupcake ay normal lang na halikan sa pisngi ang ibang tao. Noong nakatira siya sa ibang bansa, madalas ay nagbebeso ang mga magkakaibigan sa tuwing nagkikita-kita.Hindi inaasahan ni Sirius na tatawanan siya nito. Walang sinuman ang naglakas-loob na tawanan siya nang ganito!“Kung wala ng iba pa, umuwi ka na. Hindi na kita kakausapin pa.” Lumitaw ang madilim na
Tumalikod si Little Cupcake at nasaksihan ang malamig at matalim na mga mata ni Dayton. Mabangis ang titig nito sa kaniya.“Oh, kayo pala…Tito.” Tiningnan niya si Sirius at saka si Dayton. Saka nagtanong, “Ikaw po ang tatay niya?”Sinabi sa kaniya ng mommy niya na masamang tao ang tito na ito. Hindi siya pwedeng makipag-usap sa kaniya.Anong magagawa niya ngayon? Siya ang tatay ni Sirius, at kaibigan at deskmate niya si Sirius…Nahihirapan siya.Kailangan niya bang putulin ang pagkakaibigan nila ni Sirius? Napakagaling nitong kumuha ng mga plushies sa claw machine. Ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan na kasisimula pa lang niyang buuin.Naningkit ang mga mata ni Dayton at pinagmasdan nang mabuti ang cute na batang babae na inosenteng tingnan. Malamig siyang ngumiti at nagtanong, “Kaklase ka ni Sirius?” Kalilipat lang niya?“Uh-huh, opo, Tito. Deskmates din kami.” Nararamdaman ni Little Cupcake ang mapanganib na aura na nagmumula kay Dayton. Siguradong mayroon itong sama ng loob sa
Bisita niya si Little Cupcake. Dahil pauwi na siya ngayon, dapat siyang ihatid sa labas ni Sirius.Gayunpaman, tumango lang siya at sinabing, “Okay.”Mayroon siya biglang naisip at sinabi niya ito, “Tama, dalhin mo ang supot ng mga gamit mo.” Tinutukoy niya ang mga plushies na nakuha niya para sa kaniya.“Huwag kang mag-alala, hindi ko iyan makakalimutan.” Gustong-gusto ni Little Cupcake ang mga plushies na iyon.Kumunot ang noo ni Dayton at tiningnan ang anak. “Anong problema? Hindi mo ba ihahatid sa labas ang bago mong kaibigan?” Dapat umakto man lang siyang maginoo, tama?“Hindi na, sasabihan ko ang butler na ihatid siya palabas.” Tiningnan siya ni Sirius. Sinabihan siya ng ama kanina na lumayo kay Little Cupcake, ngayon ay umaakto itong parang isang maasikasong host. Hindi niya kailangan na magpanggap, tama?Narinig ni Dayton na narito ang nanay ni Little Cupcake para sunduin siya. Mayroon siyang mga gustong sabihin kay Renee.Tumayo siya at sinabi sa anak, “Hindi ka rumeres
Tumalikod si Renee at pinantayan ang madilim na tingin ni Dayton. Mayroong makahulugang ngiti sa mukha nito. Lumukso ang puso niya. Hindi mabuting tao ang lalaking ito,“Oh? Ikaw pala, Young Master Night. Ito ba ang bahay mo?” Nagpanggap si Renee na walang alam.“Oo, ito ang bahay ko. Hindi ba’t alam mo naman na iyon sa simula pa lang?” Ngumisi si Dayton. Bakit siya nagpapanggap na walang alam sa harapan niya.“Nakakamangha naman ang mga sinasabi mo. Paano ko malalaman na dito ka nakatira? Hindi ako ganoon kalibre para bigyan ka ng maraming atensyon.” Sinuklay ni Renee ang mahaba at buhok niyang buhok gamit ang mga daliri.Naningkit ang mga mata ni Dayton at nagtanong, “Talaga? Wala ka talagang alam?” Parang totoo ang ekspresyon sa mukha niya.Ngumiti si Renee at sinabing, “Young Master Night, sa tingin mo ba ay palihim kitang pinagtutuunan ng pansin? Masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. At saka, sinabi ko na sa iyo na hindi ikaw ang tipo ko sa simula pa lang.”Nagdilim
“Hindi ang babaeng iyon ang nanay ni Little Cupcake.” Akala ni Sirius ay hindi siya narinig nang malinaw ng tatay niya, kaya inulit niya ang kaniyang sinabi.Mapaghinala na tiningnan ni Dayton ang anak. “Paano mo nalaman na hindi siya ang nanay niya?”“Hangal ba kayo? Siyempre dahil nakita ko na ang nanay niya.”Naalala ni Sirius ang sandali na nakita niya ang nanay ni Little Cupcake sa hotel. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang iniisip ang nanay niya sa mga nagdaang araw. Dahil ba kulang siya sa pagmamahal ng isang ina?Akala ni Dayton ay nakita ng anak niya sa eskwelahan ang nanay ni Little Cupcake. Kaya naman, hindi na siya nagtanong pa.Nagtataka siya. Kung hindi si Renee ang nanay ng batang babae, bakit siya nagsinungaling sa kaniya?Pakiramdam niya ay mayroong kakaiba sa buong sitwasyon, pero hindi karapat-dapat sa oras niya ang babaeng katulad ni Renee.Planong mag-lay low ni Dayton at obserbahan ang susunod na mangyayari. Kung talagang mayroong plano sa kani
Tama. Siya nga ang bata. Ang batang kamukha ni Dayton Night…Naramdaman ni Quincy ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Siya ba ang anak niya?“Sirius, pumunta ako sa bahay mo kagabi. Gusto mo bang pumunta sa bahay ko para maglaro?” Banayad na inimbita ni Little Cupcake si Sirius na nakatayo sa harapan niya. Laging mag-isa si Sirius. Isang himala para sa kaniya na kaya niyang tanggapin si Little Cupcake bilang kaibigan. Ayaw niyang magkaroon ng masiyadong maraming interaksyon sa kaniya.“Hindi. Gusto kong umuwi.” Pagtanggi niya nang hindi man lang pinag-iisipan.Kaagad na hinawakan ni Little Cupcake ang kamay niya nang makita niyang tumalikod na si Sirius para umalis. “Pinapalungkot mo ako. Best Friends na tayo ngayon, tama?”Kumunot ang noo ni Sirius at tinama ang sinabi niya, “Kahit na magkaibigan tayo, hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t-isa.”“Wala akong pakialam. Mag-bestfriend na tayo ngayon. Pumunta ka sa bahay ko para maglaro!” Minanduhan na siya ni Little Cupcake.Hi
Mula sa gilid ay pinapanood silang maglaro ni Quincy. Mahirap para sa kaniya ngayon na pakalmahin ang sarili.Nakatuon ang tingin niya kay Sirius. Heto ang anak niya. Ang batang araw-araw niyang pinangungulilaan sa nakalipas na apat na aon.Hindi mabilang na mga araw at gabi ang ginugol niya sa pag-iisip kung paano niya mababawi ang anak, pero hindi niya na alam ang gagawin ngayong nakita na niya ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Dayton sa bata para ipaliwanag sa kaniya kung bakit wala siya sa tabi niya pagkatapos niyang ipanganak.Mayroon ba siyang sama ng loob sa kaniya?Maraming mga bagay ang gusto niyang sabihin sa kaniya ngayon, pero natatakot siya na matakot niya ito. Natatakot siya na hindi siya nito kilalanin bilang ina.Tumalikod si Little Cupcake at nakita ang ina na nakatayo at nakatulala. Nagtanong siya, “Mommy, hindi ba’t ang sabi niyo po ay ipagluluto niyo kami ng hapunan?” Bakit kakaiba ang kinikilos ng nan
Bahagyang nadismaya si Quincy. Mukhang kailangan niya pang galingan ang pagluluto niya.Kinampihan ni Little Cupcake ang nanay niya. “Bakit mo kinukumpara ang chef sa bahay mo sa mommy ko? Simpleng pagkain lang ang hinahanda ng mommy ko. Hindi mo matitikman ang mga pagkaing ito sa ibang lugar. Limited edition sila. Alam mo ba iyon?”Suminghal siya at sinabing, “Sa tingin ko ay hindi mo lang natikman ang mga luto ng nanay mo.”Mayroong maliit na pagbabago sa ekspresyon ni Sirius. Gayunpaman, mas lalo siyang tumahimik.Nalungkot si Quincy nang makita niya ang inakto ni Sirius. Tinanong niya ito, “Hindi ka ba madalas na ipagluto ng nanay mo?”Hindi niya inaasahang ipagluluto siya ni Dayton. Hindi siya magiging ganoong kabuting ama.Matapos ang maikling sandali, biglang sinabi ni Sirius, “Wala akong nanay.”Parang puno ng galit ang mga salitang iyon.Gulat siyang pinagmasdan ni Quincy.Nagtataka siyang tinanong ni Little Cupcake, “Huh? Wala kang nanay? Oh, tama, narinig kong divor