“Hindi ang babaeng iyon ang nanay ni Little Cupcake.” Akala ni Sirius ay hindi siya narinig nang malinaw ng tatay niya, kaya inulit niya ang kaniyang sinabi.Mapaghinala na tiningnan ni Dayton ang anak. “Paano mo nalaman na hindi siya ang nanay niya?”“Hangal ba kayo? Siyempre dahil nakita ko na ang nanay niya.”Naalala ni Sirius ang sandali na nakita niya ang nanay ni Little Cupcake sa hotel. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang iniisip ang nanay niya sa mga nagdaang araw. Dahil ba kulang siya sa pagmamahal ng isang ina?Akala ni Dayton ay nakita ng anak niya sa eskwelahan ang nanay ni Little Cupcake. Kaya naman, hindi na siya nagtanong pa.Nagtataka siya. Kung hindi si Renee ang nanay ng batang babae, bakit siya nagsinungaling sa kaniya?Pakiramdam niya ay mayroong kakaiba sa buong sitwasyon, pero hindi karapat-dapat sa oras niya ang babaeng katulad ni Renee.Planong mag-lay low ni Dayton at obserbahan ang susunod na mangyayari. Kung talagang mayroong plano sa kani
Tama. Siya nga ang bata. Ang batang kamukha ni Dayton Night…Naramdaman ni Quincy ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Siya ba ang anak niya?“Sirius, pumunta ako sa bahay mo kagabi. Gusto mo bang pumunta sa bahay ko para maglaro?” Banayad na inimbita ni Little Cupcake si Sirius na nakatayo sa harapan niya. Laging mag-isa si Sirius. Isang himala para sa kaniya na kaya niyang tanggapin si Little Cupcake bilang kaibigan. Ayaw niyang magkaroon ng masiyadong maraming interaksyon sa kaniya.“Hindi. Gusto kong umuwi.” Pagtanggi niya nang hindi man lang pinag-iisipan.Kaagad na hinawakan ni Little Cupcake ang kamay niya nang makita niyang tumalikod na si Sirius para umalis. “Pinapalungkot mo ako. Best Friends na tayo ngayon, tama?”Kumunot ang noo ni Sirius at tinama ang sinabi niya, “Kahit na magkaibigan tayo, hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t-isa.”“Wala akong pakialam. Mag-bestfriend na tayo ngayon. Pumunta ka sa bahay ko para maglaro!” Minanduhan na siya ni Little Cupcake.Hi
Mula sa gilid ay pinapanood silang maglaro ni Quincy. Mahirap para sa kaniya ngayon na pakalmahin ang sarili.Nakatuon ang tingin niya kay Sirius. Heto ang anak niya. Ang batang araw-araw niyang pinangungulilaan sa nakalipas na apat na aon.Hindi mabilang na mga araw at gabi ang ginugol niya sa pag-iisip kung paano niya mababawi ang anak, pero hindi niya na alam ang gagawin ngayong nakita na niya ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Dayton sa bata para ipaliwanag sa kaniya kung bakit wala siya sa tabi niya pagkatapos niyang ipanganak.Mayroon ba siyang sama ng loob sa kaniya?Maraming mga bagay ang gusto niyang sabihin sa kaniya ngayon, pero natatakot siya na matakot niya ito. Natatakot siya na hindi siya nito kilalanin bilang ina.Tumalikod si Little Cupcake at nakita ang ina na nakatayo at nakatulala. Nagtanong siya, “Mommy, hindi ba’t ang sabi niyo po ay ipagluluto niyo kami ng hapunan?” Bakit kakaiba ang kinikilos ng nan
Bahagyang nadismaya si Quincy. Mukhang kailangan niya pang galingan ang pagluluto niya.Kinampihan ni Little Cupcake ang nanay niya. “Bakit mo kinukumpara ang chef sa bahay mo sa mommy ko? Simpleng pagkain lang ang hinahanda ng mommy ko. Hindi mo matitikman ang mga pagkaing ito sa ibang lugar. Limited edition sila. Alam mo ba iyon?”Suminghal siya at sinabing, “Sa tingin ko ay hindi mo lang natikman ang mga luto ng nanay mo.”Mayroong maliit na pagbabago sa ekspresyon ni Sirius. Gayunpaman, mas lalo siyang tumahimik.Nalungkot si Quincy nang makita niya ang inakto ni Sirius. Tinanong niya ito, “Hindi ka ba madalas na ipagluto ng nanay mo?”Hindi niya inaasahang ipagluluto siya ni Dayton. Hindi siya magiging ganoong kabuting ama.Matapos ang maikling sandali, biglang sinabi ni Sirius, “Wala akong nanay.”Parang puno ng galit ang mga salitang iyon.Gulat siyang pinagmasdan ni Quincy.Nagtataka siyang tinanong ni Little Cupcake, “Huh? Wala kang nanay? Oh, tama, narinig kong divor
Ang totoo ay laging mahina ang kondisyon ng kalusugan ni Sirius simula pa noong maliit pa lamang siya. Madali siyang magkasakit.Noong una, ginugugol ni Dayton ang lahat ng oras sa paghahanap kay Quincy. Noong panahon na iyon, hinayaan niya ang isang nanny at pediatrician na alagaan ang anak nya.Hindi niya pinagtuunan masiyado ng pansin ang pag-aalaga sa anak niya sa mga nakalipas na taon. Hindi siya nag-aalala basta walang sakit ang anak o mayroong doktor na gagamot sa bata kapag nagkasakit.Kaya naman, bihira lang mag-usap ang mag-ama. Madalas ay hindi rin gustong makipag-usap sa kaniya ni Sirius.Nasanay na si Sirius na mag-isang magpagaling sa mga sakit niya, kaya hindi niya inaasahang makatanggap ng pag-aalaga o pag-aalala ng sinuman.Bahagya siyang nabigla nang mapansin ang istrikto ngunit nag-aalala na ekspresyon ni Quincy. Hindi siya nito anak. Bakit sobra siyang nag-aalala sa kaniya?Kaya naman, patuloy niyang tinanggihan ang alok nito. “Iinom ako ng gamot kapag nakauwi
Hindi sinabi ni Sirius sa butler kung gusto niyang umuwi. Nagtanong lang siya, “Nasaan ang dad ko?”“Ang Young Master…abala siya sa trabaho. Hindi siya makakauwi sa susunod na dalawang araw,” Tapat na sabi ng butler.Nagdilim ang mga mata ni Sirius. Ganito na naman ang nangyayari…Madalas ay butler, mga taga silbi at doktor lang ang nasa tabi niya kapag mayroon siyang sakit. Uuwi lang ang tatay niya mula sa trabaho kapag magaling na siya.“Bumalik ka na. Hindi ako uuwi ngayon. Mayroong mga tao na nagbabantay sa akin dito,” Sabi ni Sirius.Tiningnan ng butler si Little Cupcake at nagtatakang nagtanong, “Ang kaibigan mo ba ang mag-aalaga sa iyo?”“Aalagaan namin ng Mommy ko si Sirius. At saka, uminom na siya ng gamot para sa lagnat. Gagaling na siya kaagad.”Nagulat nang bahagya ang butler. Uminom ng gamot ang Little Young Master?Kailangan nilang magpakahirap para mapainom siya ng gamot noon. Mukhang mayroong sariling diskarte ang bagong kaibigan ng Little Young Master.“Umuwi
Habang nananaginip, naramdaman ni Sirius na bumalik na ang nanay niya. Sinubukan niya ang lahat para alalahanin ang itsura ng ina, ngunit isang malabong imahe lang ang nasa isip niya.Sa likod ng utak niya ay mayroon nagsasabi na siya ang nanay niya. Mahigpit niya itong hinawakan at nilapitan. Gusto niya ng init at pagmamahal nito. “Mommy, huwag kang umalis…Huwag mo akong iwanan…”Ayaw na niyang maging isang bata na walang ina…Tumutulo ang mga luha sa sulok ng mga mata ni Quincy nang makita niya ang pagtawag ni Sirius sa ina habang mayroong sakit. Parang mayroong nakasaksak na kutsilyo sa puso niya sa sobrang sakit nito.Simula nang ipinanganak ang anak niya ay nalayo na ito sa tabi niya. Hindi man lang niya nakita ang itsura nito!Kung hindi sinunog ni Tia ang operating room, hindi siya mapipilitan na magmadaling umalis.Tia Smith…Hindi niya ito patatakasin sa pagbabalik niya ngayon!Hindi niya rin patatakasin si Dayton Night! Napakasasama nilang mga tao!Buong gabing binanta
“Hindi! Bakit mo inaagaw sa akin ang mommy ko?” Si Little Cupcake na nagising kani-kanina lang ay tumalon pababa sa kama at tumakbo para yakapin ang nanay niya. Nakasimangot niyang sinabi kay Sirius, “Akin ang mommy ko. Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Tiningnan siya ni Sirius nang walang anumang bahid ng kahihiyan. “Hindi ko siya inaagaw sa iyo. Gusto ko lang na maging mommy ko rin siya.”“Hindi mo rin iyon pwedeng gawin. Akin ang mommy ko. Ako lang ang anak niya. Pwede mong hanapin ang totoo mong nanay kung gusto mo ng mommy.” Napakasensitibo ni Little Cupcake sa ganitong usapin. Lalo na at isa siyang bata na minsan nang inabanduna.Ayos lang ang anumang bagay, pero hindi niya kayang makihati ng nanay sa iba.Kumunot ang noo ni Sirius at tiningnan si Quincy. Nagtanong siya, “Ano sa tingin niyo? Ayaw niyo ba ng anak na lalaki?”“...” Hindi alam ni Quincy ang sasabihin. Paano siya makakasagot sa tanong na iyon?Mayroon siyang anak na lalaki. Siya ang anak niya, pero…hindi n