“Anak ng t-tupa,” daing ni Vahlia habang iminumulat ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa kan'yang mukha.
“Ay pasensiya na, Señora. Utos po ni manang Delia na hawiin ko na ang kurtina pagkat pasado alas nuwebe na ng umaga,” boses ni Karolina ang sumagot sa kaniya.
“Ano ‘ka mo? Alas nuwebe na ng umaga?” paglilinaw ni Vahlia sa pagkagulantang. Hindi inaasahang aabutin siya ng mahabang oras sa pagtulog. Maya-maya pa’y tumama sa kan'yang memorya ang oras kung kailan na nga ba sila nakatulog kagabi, pasado alas onse na kaya!
“O-Opo, Señora. Utos din po ni señor Mateo na gisingin namin kayo kapag sumobra na po ang inyong pagkakahimbing, pinapasabi rin niyang huwag na muna kayong sumunod sa
Sa sinabing iyon ng Ginang ay napangiwi si Mateo samantalang napakunot-noo naman si Vahlia dulot ng hindi niya maintindihan ang pag-eespanyol nito. “Ina, sa tingin ko'y hindi pa po ito ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” tutol ni Mateo sa sinabi ng Ina. “Nagbibiro lamang ako, mi Hijo. Kumalat ang usaping patungkol kay Victoria at Alvaro, hindi lamang sa buong Isla Oriente kundi sa mga kalapit na lalawigan. Tanyag ang mga pangalang inyong dala-dala kaya’t sa aking pakiwari ay kinukuha nila ang pagkakataong ito upang pabagsakin ang inyong pamilya,” paliwanag ng Doña na ngayo’y kalmadong sumisimsim sa kan'yang baso. “Mateo, nec
“At sakaling magkaroon nga tayo ng anak, nais kong bigyan siya ng pangalang naiiba.”“Tulad ng?” kunot-noong tanong ni Vahlia habang pinupunasang maigi ang paligid ng mga mata niya.“Atticus,” taas-noong sagot naman ni Mateo.“Atticus? Bakit naman Atticus?” muling pagtatanong niya nang makaabot na sila sa escalera ng mansiyon. “Bakit? Hindi ba kanais-nais?”“Maganda naman, pero bakit nga?”“Naisip ko lang. Hindi ko alam kung maaari bang dagdagan pa ang kan'yang pangalan ngunit nais kong taglayin ng kan'yang mga mata ang kislap ng buwan tulad ng ating unang pag
“Wala pa ba siya?”“Ay eh, wala pa po, Señora.” Isang pilit na ngiti ang namuo na naman sa kan'yang labi, tulad ng mga nagdaang araw ay ganito na lamang ang palagi niyang naitatanong kay Flora o kung hindi naman ay kay Karolina. Halos isang linggo na rin na palaging maagang umaalis si Mateo mula sa mansiyon at kung umuwi naman ay pasado alas-otso na. “Kumain na rin po kayo, Señora. Masama pong magpalipas ng gutom, baka po magkasakit kayo,” anas ni Karolina na bakas ang pag-aalala sa kaniya.“Mauna na muna kayo, hihintayin ko lang saglit si Mateo.”
“ Tres (Tatlo,)” sagot ni doña Vivian sa tanong ng Anak. “Sa halos limampung pagawaan at tindahan ay tanging tatlo pa lamang ang nagagawa nating ibalik,” dagdag naman ni Estrella. Marahang inilapag ni Vahlia ang baso ng tubig sa kaharap nilang lamesita. Pagkarating niya pa lamang kanina ay siyang pag-alis naman ng kalesang sinasakyan ni don Gonzalo. Napabuntong-hininga na lamang siya, talagang pagdating sa negosyo ng kanilang pamilyang hindi pa rin tuluyang naibabalik sa normal ay halos hatiin na ng Don ang sarili sa iba’t ibang bagay na inaasikaso. &nb
“Feliz Navidad! (Maligayang Pasko!)”“¡Te deseo una feliz navidad!(Binabati kita ng maligayang Pasko!)”“Maligayang pasko!”“At manigong bagong taon!” Sari-saring mga pagbating maririnig mula sa iba’t ibang mga tao nang makalabas na ng simbahan. Makikita ang mga ngiti sa kani-kan'yang mga labi, masasayang mukhang hindi matatawaran ng kahit ano pa mang bagay. Panahon kung kailan halos nalilimutan na ang problema at ang tanging namumuo sa bawat puso ay ang diwa ng paskong ito. “Feliz Navidad, mi Tigresa.”
Walang anu-ano’y napatayo na rin si Vahlia at kumaripas ng takbo pababa kung saan nanggaling ang putok ng baril. Tila binagsakan siya ng napakalamig na tubig nang madatnan ang isang babaeng nakaluhod sa damuhang parte ng hardin. Hawak nito ang kaliwang parte ng tiyan niya. Sa suot niyang mapusyaw na kulay bughaw ay unti-unting kumakalat ang matingkad na pulang mantsa. Kaharap nito ang lalaking bukambibig niya nang huli silang magkausap. “Handa akong kimkimin kahit ang pinakamatinik na baging, dahil hindi ko siya kayang bitawan. Kung tanging pagpapakasal lamang ang maibibigay niya sa akin, bakit pa ako tatanggi? Hilingin ko man ang puso niya ay batid kong iyon lamang ang bagay na hindi niya maibibigay sa akin.” 
“Ano ang ibig mong sabihin?” sulpot ng panibagong boses mula sa madilim na parte ng hardin. Suot nito ang puting uniporme na namamantsahan ng pulang dugo, parehong nasa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalan ang kamay niya. Magkahalong pagkagulumihanan at gulat ang nakapinta sa mukha nito. Gulo-gulo na rin ang buhok at bahagyang namumula ang paligid ng kaniyang mata. Napatigil sa paghikbi at unti-unti binitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Mateo. Namuo ang pagngisi sa kaniyang labi nang maaninag kung sino ang taong iyon. Dagli nitong pinahid ang kaniyang mga luha bago muling itinaas ang ulo at naglakad palapit sa Lalaking nakakunot ang noo sa kaniyang harapan, “Mabuti naman at nariyan ka pa.”
Ilang araw na rin ang lumipas, nakararating sa kaniya ang mga pangyayari sa labas ng mansiyon ng mga Esperanza. Ngunit walang kasagutan sa mga katanungan niyang bumubulabog sa kaniyang isipan. At maging si doña Vivian ay tanging iyon lang din ang isinasagot sa kaniya, ang napatunayang paratang na sila’y kasapi ng rebeldeng grupo na siyang sumalakay sa kuwartel at ilang kawani ng Govierno. Naging matibay ang paratang na iyon nang matagpuan sa kanilang pamamahay ang ilang mga mahahalagang dokumento at kasulatang hindi nararapat itago kahit pa ng kanang-kamay ng Gobernadorcillo. Sumabog na lamang ang usaping wala nang mga tagapagsilbi
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit