“Ano ang ibig mong sabihin?” sulpot ng panibagong boses mula sa madilim na parte ng hardin. Suot nito ang puting uniporme na namamantsahan ng pulang dugo, parehong nasa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalan ang kamay niya. Magkahalong pagkagulumihanan at gulat ang nakapinta sa mukha nito. Gulo-gulo na rin ang buhok at bahagyang namumula ang paligid ng kaniyang mata.
Napatigil sa paghikbi at unti-unti binitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Mateo. Namuo ang pagngisi sa kaniyang labi nang maaninag kung sino ang taong iyon. Dagli nitong pinahid ang kaniyang mga luha bago muling itinaas ang ulo at naglakad palapit sa Lalaking nakakunot ang noo sa kaniyang harapan, “Mabuti naman at nariyan ka pa.”
<Ilang araw na rin ang lumipas, nakararating sa kaniya ang mga pangyayari sa labas ng mansiyon ng mga Esperanza. Ngunit walang kasagutan sa mga katanungan niyang bumubulabog sa kaniyang isipan. At maging si doña Vivian ay tanging iyon lang din ang isinasagot sa kaniya, ang napatunayang paratang na sila’y kasapi ng rebeldeng grupo na siyang sumalakay sa kuwartel at ilang kawani ng Govierno. Naging matibay ang paratang na iyon nang matagpuan sa kanilang pamamahay ang ilang mga mahahalagang dokumento at kasulatang hindi nararapat itago kahit pa ng kanang-kamay ng Gobernadorcillo. Sumabog na lamang ang usaping wala nang mga tagapagsilbi
“Wala nga akong karapatang bigyan ka ng pamimilian, ngunit mayroon ako kakayahan, Victoria.” Itinapat nito ang hawak na punyal sa leeg ni Guadalupe na mas lalong ikinalakas ng pag-iyak nito. Nagpupumiglas mula sa pagkakatali at pagkakahawak ng guwardiya si Mateo at Cielo ngunit hindi ito pinansin ni Alvaro. Akmang hahakbang papalapit na sana si Vahlia nang muling magsalita ang Lalakeng iyon. “Isang hakbang pa at tuluyang tatarak ang punyal na ito sa kaniyang leeg.”“Subukan mo, babaon ang balang ito sa iyong ulo.” Nagtatangis ang kaniyang bagang na itinutok ang baril sa direksyon ni Alvaro. Dalawang kamay ang nakasuporta sa baril upang hindi mapansin ang panginginig nito, pinanatili ang tingin at tindig na tila walang kinatatakutan. “Oh? Pangahas ka ngang talaga, tignan natin kung hanggang kailan mo magagawang
“Pagkatapos kong pirmahan ang mga papel na ito, saan ni’yo sila dadalhin?” Matatalim na titig ang kanina pa ipinupukol ni Vahlia kay Alvaro magmula nang bumungad ito sa kanilang sala mayor pagkababa pa lamang niya. Limang magkakaparehong kopya ng isang kontrata umano ang nakalatag sa lamesa. Tulad nitong nakaraang mga araw, hindi na naabutan pa ni Vahlia ang kaniyang Ama. Magmula nang mawala si Estrella, nang tuluyang bumagsak ang pamilya Villamarquez na tila naglaho ang pangalang iyon sa buong bayan, nag-iba na rin ang pakikitungo ni don Gonzalo. “Siyang kalakip ng ikatlong pahina. Malinaw na isinasaad ng mga nakatala riyan ang ating kasunduan, pumapayag kang burahin ang pangalan ng lalaking iyon kapalit ng kanilang buhay at kalayaan sa malayong
“Señorita, ipinapasabi po ni doña Vivian na bumaba na raw ho kayo sa ibaba upang mananghalian,” muling katok ng isa sa mga tagapagsilbing kanina pa nagpapabalik-balik sa kaniyang silid. Tulad ng kanina ay hindi siya sumagot at nanatiling nakadukmo sa lamesang nasa tabi ng bukas na bintana. Nakapikit ang mga mata ngunit gising na gising ang diwa, namumugto at namumula na rin ang paligid ng mga ito. Ilang araw nang ganito si Vahlia, lalabas na lamang tuwing batid niyang walang sasabulong at kakausap sa kaniya upang kumain at maligo, pagkatapos ay babalik muli sa kuwarto at magkukulong buong araw. Napapakapit siya nang mahigpit sa du
“Marahil ay isa ito sa epekto, hangga’t hindi niya magawang tanggapin ang mga pangyayaring ito. Ako’y nangangambang mas mahihirapan siyang gumaling at makabalik sa dati.” Malalim na napabuntong hininga ang mag-asawa nang marinig ang sinabing iyon ng Doktor. Sa pagkakataong ito ay agad nang umalis si doktor Flaviano nang masuri si Vahlia. Mula kahapon ay hindi pa rin nagigising ang kanilang anak, mataas din ang lagnat nito at hindi pa rin bumabalik sa dati ang pangangatawan. “Hindi ko magawang pigilan ang aking sariling manisi, Gonzalo. Sa susunod na lingo ang pinagkasunduang kasal ni Victoria at ng Alvaro na iyon. Nais kong tanungin kung ipagpapatuloy mo pa bang ipagkait sa ating anak ang natitirang kalayaang mayroon siya,” nanun
Vahlia’s POV Maingay, magulo at abalang-abala ang buong pamilihan. Mahinahon kong isinara ang bintana ng kalesang sinasakyan ko nang muling magbulungan ang mga taong nagkukumpulan, at hindi ko man tanungin ay batid kong ako ang pinapaksa nila. Magmula nang araw na lumaganap sa buong bayan ang pagkakasakdal at pagbibigay ng parusang kamatayan sa mga Villamarquez ay tila naging nakakadiring sakit ang pangalang Victoria Esperanza. Paksa ng bawat salitaan, na ang babaeng ito ay walang ibang pinili kundi ang kayamanan at kapangyarihan. Na ang babaeng ito ay hinayaang mamatay ang pamilya ng kaniyang unang asawa para lamang makuha ang mas malaking kaban ng ginto’t karangyaan sa piling
Sa pagbabago ng tagpuan ay kakaibang lamig ang bumalot sa buong katawan ko. Si Victoria na nakatayo sa muwelyo at ang kaharap nitong si Alvaro dala-dala ang ilang mga bagahe. At sa kaunting oras ay aalis na ang bangkang nasa pampang. “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Mala
Alas-nuwebe na nang nagsimulang tumakbo ang kalesang sinasakyan ko. Napapalibutan ito ng iba’t ibang bulaklak at mga sedang puti, ganoon din ang kabayong nasa harapan ay kulay puti. Maaliwalas ang araw at hindi ko maiwasang ngumiti, hindi dahil sa ikakasal akong muli… Kundi ay dahil sa magagawa ko nang tapusin ang lahat sa araw na ito. Siguradong mapupuno ang simbahan, at masasaksihan ng lahat kung anong kayang gawin ng isang Alvaro dela Cerna sa harap ng isang katulad ko. Kaunting oras na lamang. Inilabas ko ang matalim na balarao (punyal) mula sa lihim na bulsa ng aking saya at pinagmasdang maigi, kumikinang ito at pulidong-p
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit