Sa buong buhay niya, ilang taon na rin ang inilaan ni Samantha kasama si Justine, ang kanyang matalik na kaibigan mula pa noong high school. Marami na silang pinagdaanan nang magkasama. Kaya nang makita ni Samantha ang dalawang estudyanteng nagkukulitan kung saan ang isa’y nakayakap sa braso ng kaibigan habang ang isa nama’y sinusubukang umiwas, naalala niya kung paano sila noon ni Justine.‘Ayusin mo ang sarili mo, Samantha! Miss mo lang ang mga alaalang iyon!’ paalala niya sa sarili.Nakakunot ang kanyang noo habang matiyaga siyang naghihintay kay Jared na susunduin siya ngayong hapon ng sabado. Ilang minuto na ang nakalipas nang mag-text si Jared na parating na siya sa campus, kaya nagpasya siyang maghintay sa faculty building kung saan siya nagtuturo.Habang naghihintay ay inabala ni Samantha ang sarili sa pagtingin sa cellphone niya, at muling napunta ang isip niya kay Justine na matagal na niyang hindi nakikita.At kung ano ang tinitingnan ni Samantha para ma-distract ang s
Kahit pa man na ang lahat nang ito ay isang kasunduan lamang, naramdaman ni Samantha na pinakitunguhan naman siya nang maayos ni Jared na para bang tunay nitong fiancée. “I already told you before that you're different, Samantha,” sambit ni Jared sa kanya.Parang kaya namang tanggapin ni Jared ang pagkatao ni Samantha kahit pa man na malaki ang pagkakaiba nila ngunit hindi maikakaila ang kanilang pagkakaiba. ‘Bakit ko ba iniisip kung mahalaga ba ako o hindi? Ang sabi ni Jared ay problema niya na 'yon at ang trabaho ko ay ang tanggapin ito,’ sambit ni Samantha sa kanyang isip. Ang pag-ayaw kay Jared ay wala na ring halaga dahil palagi namang nakaka-intimidate ang lalaki na palaging sinasabi ang mga gusto niya.Katulad na lang ng sinuot ngayon ni Samantha. Ang damit na suot niya ay si Jared ang pumili. Isang maroon velvet na dress na hanggang tuhod at sobrang fit na fit sa kanya. Nang gabing iyon ay hindi na nagreklamo si Samantha tungkol sa kanyang itsura dahil pinasimple na lah
Napagtanto ni Samantha na ang ginawa niya ay isang katangahan. “Ano ba ang ginawa mo, Samantha!” aniya na tila pinapagalitan ang sarili dahil sa ginawa. Nagmukha siyang katawa-tawa sa harap ng mag-ama. Imbes na magpakita ng kumpiyansa sa sarili, sinira lamang niya ang kanyang pangalan. Dumako ang ulo ni Samantha patungo sa direksyon ni Jared. Gumalaw naman ang kanyang labi na walang kahit anong tunog na lumabas.“Ano ang gagawin ko?” sambit niya kay Jared nang bigyan niya ito nang tingin at nagsusumamo. “Jared, tulungan mo 'ko.”Ang manipis na labi naman ni Jared ay gumalaw at gumuhit ng isang pilyong ngiti. Inilagay niya ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pants habang kaswal na naglakad sa direksyon ni Samantha.Sa mga oras din na iyon, si Ivory na kanina ay nakatayo lamang dahil sa gulat ay lumapit na rin. Nagulat siya na makita ang bagong professor, at kakilala ni Kyle ay biglang naroon sa mansyon ng kanilang pamilya. “Daddy…” sambit ni Ivory sa kanyang ama sa mahinhing
Katulad nang sinabi ni Ivory kanina, ang buong pamilya ni Jared, ang pamilya Aguillar ay nagtipon, at hinihintay silang dalawa sa isang mahabang hapagkainan sa kanilang malawak na bakuran.Ang mga mukha na nakita ni Samantha sa dokumento na binigay sa kanya ni Jared ay ngayon nasa harapan niya na. Mula sa mga magulang ni Jared na sina Krystal at Alejandro Aguillar, ang kanyang lola na si Xandra, at pati na rin ang kanyang tita na si Elyse kasama ang maliit na pamilya nito. Tumikhim muna si Ivory saka niya sinabing, “Ivory's future mom has already arrived!”“Ivory,” sambit ng isang babae na halos puti na lahat ng buhok nito. Si Xandra na lola ni Jared ay niluwagan ang kanyang suot na glasses at napatingin sa tao na nasa tabi ni Ivory.Napangiti naman si Xandra pati na rin ang iba na mainit na sinalubong ang pagdating ni Samantha ngunit hindi si Elyse, ang tita ni Jared na ang ngiti ay nagmukhang pilit lang. “Welcome sa pamilya, Iha,” ani Krystal, ang ina ni Jared.Tumango nama
‘I care for Samantha. That's why I chose her.’Mariing ipinikit ni Samanta ang kanyang mga mata. Nang imulat niya ang mga ito, natagpuan na lamang niya ang sariling nasa harapan ng salamin sa pang-bisitang banyo.“Mapanganib talagang lalaki si Jared,” sambit ni Samantha habang dahan-dahang iniiling ang ulo.Mayroon talagang trick ang lalaki para patahimikin siya. Nagawa pa nitong mapapayag si Samantha para mag-overnight sa Aguillar family residence. Hindi iyon parte ng plano. Inimbitahan lamang siya nito para kumain ng hapunan. Ngunit bakit ngayon ay biglang kailangan na niyang manatili rito buong magdamag?Lumabas siya sa banyo nang nakasimangot, ngunit halos mapatalon siya sa gulat nang sumalubong sa kaniya sa labas lamang ng pintuan ang isang babae.“Ivory!”Napasinghap si Samantha, sabay hawak nito sa dibdib, sa tapat ng kanyang puso.Oo, si Ivory nga. Ang ekspresyon nito ay punong-puno ng pagsisisi.“Miss Samantha, pasensya na sa istorbo, pero may gusto lang sana akong sabi
Sa gilid ng kanyang mga mata, mabilis na sumulyap si Jared. Bigla na lamang lumitaw si Samantha sa tabi niya. Naka-krus ang mga braso nito at diretsong nakatitig. Kahit paano, ang damit pantulog ni Ivory ay perpektong kumasya kay Samantha.Nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. “I... don't mind.”‘Ano bang masama?’ Sa isip ni Samantha. Mabilis siyang gumalaw upang harapin si Jared.“Pakiusap, Jared. Huwag mo sanang masamain. Hindi ko sinusubukang kunin ang loob ni Ivory.”Ngunit ngumiti lamang si Jared. Ang naging dating nito kay Samantha ay parang nanunuya ito. Kaya nilinaw niyang muli ito sa sarili. “Seryoso ako. Isa pa, Ivory is with Kyle—”Napatigil si Samantha sa gitna ng pagsasalita, inalala nito ang sinabi kanina ni Ivory, na alam ni Jared ang tungkol kay Kyle.Kumunot ang noo niya. “Jared,” tawag nito.Napansin ni Jared na nawala ang pagka-ilang ng babae sa pagtawag sa kanyang pangalan.Progreso na ba ito?“Jared,” muling tawag nito, ngunit hindi siya sumago
Sa sumunod na umaga, maagang gumising si Samantha. Inipon niya lahat ng lakas ng loob niya para lisanin ang guest room at pumunta sa isang lugar... Sa kwarto ni Jared.Ipinakita sa kanya ni Jared ang kanyang kwarto noong isang gabi.“Kung may kailangan ka, pumunta ka lang sa kwarto ko, Samantha.” Ito ang mga katagang sinabi ni Jared sa kanya sa oras na 'yon.‘Tunog inosente naman 'yon, 'di ba?’ Pero dinagdagan pa ni Jared ang sinabi, “Ivory is in another room.”Hindi na kasalanan pa ni Jared kung naging mali ang pagkakaintindi ni Samantha sa sinabi niya. Para kay Samantha, may iba pang ibig sabihin ang sinabi ng lalaki.May katamtamang distansya ang kwarto ni Jared mula sa kwarto niya. Ang kwarto ng lalaki ay nasa kanang bahagi, samantalang sa kanya naman ay nasa kaliwang bahagi. Habang naglalakad patungo doon, hindi maiwasan ni Samantha na mamangha sa eleganteng arkitektura ang malaking bahay.Hindi agad pumasok si Samantha nang marating ang kwarto ni Jared. Kinuha nito ang ce
“Hindi ko sinasadyang istorbohin kayo. Pasensya na!”Sa unang pagkakataon, halos masaksihan ni Ivory ang pagiging mapusok ng kanyang daddy sa isang babae sa kanyang mga mata. Bigla tuloy siyang nagsisi sa pagpunta niya sa ganitong pagkakataon. Nakita ni Ivory kung paano nataranta si Samantha nang tumingin ito sa kanya pagkatapos kumalas kay Jared.Nag-aalala naman ang mukha ni Jared ngayon. “Anong problema, Ivo?” Tanong niya kay Ivory sa tila paos niyang boses.“Akala ko kasi nawawala si Miss Samantha dahil hindi ko siya mahanap sa kanyang kwarto nang hanapin ko siya. Balak ko sanang tanungin ang daddy ko ngunit makikita ko pala si Miss Samantha dito,” sagot ni Ivory habang napapangiwi at napapakamot sa kanyang batok.“A-Ah... Oo, nagpunta ako rito dahil gusto kong kausapin ang daddy mo tungkol sa isang bagay,” sagot naman ni Samantha at awkward na nakatingin kay Jared. ‘Sige na, Jared! Depensehan mo rin ang sarili mo!’ ani Samantha sa kanyang isip at umaasa na iyon ang gawin
Pagkatapos makuha ang mga gamot, bumalik si Jared, at nalamang hindi nawala si Samantha kaya napahinga siya nang maluwang. “Tapos ka na ba, Jared?” Tanong ni Samantha sa kanya. “This is the medicine,” sagot ni Jared at ibinigay ang gamot na nakalagay sa isang plastic bag na naglalaman ng mga gamot na kailangan inumin ni Samantha. “If you still feel the itching, wipe it with the ointment, Samantha.”Sinigurado ni Jared na makuha ni Samantha ang instructions nang tama. Kinuha naman ni Samantha ang bag ng gamot at sinabi, “B-Bayaran na lang kita—”“Mukha ba akong walang pera para bayaran mo ako, Samantha?” ani Jared sa kanyang matalas na titig at halos tusukin na siya nito ng kanyang maitim at matalas na mga mata. Nahawakan ng mga salita ni Samantha ang pride ni Jared kaya tinitigan siya nito nang masama na siyang dahilan para hindi mapakali si Samantha. “A-Ayaw ko lang magkautang nang kahit ano,” sagot naman ni Samantha sa kanya sa katotohanan. “Hindi na kailangan para makara
Tagumpay na nahawakan ni Jared ang kamay ni Samantha at agad niya itong dinala sa kanyang itim na sasakyan. Ito lang ang tanging lugar na siguradong ligtas at ito ay ang sasakyan, malayo sa tensyon at ka-dramahan sa loob ng opisina ng dean. Tahimik naman na sumunod si Samantha, at walang anong salitang lumabas sa kanyang bibig. Pakiramdam niya, naubos lahat ng kanyang lakas tungkol sa komprontasyon na nangyari kanina lang. Pagpasok sa sasakyan, pinindot agad ni Jared ang button na naghihiwalay sa upuan ng driver mula sa passenger seat. “Pupunta tayo sa malapit na ospital,” ani Jared sa kanyang mahinahong boses.Napakurap naman si Samantha at nakuha nito ang kanyang atensyon. “Bakit tayo pupunta doon?”Napaungol si Jared sa tanong ni Samantha at halata sa mukha ang frustration nito. Parang dinadala siya ng babae sa tuktok ng kanyang galit. “Tignan mo ang kamay mo, Samantha. Anong nangyari?” Tanong ni Jared sa kanya habang tinuturo ang pulang marka sa kamay nito. Napansin nito
Malalakas na yabag ng paa ang parating sa kanilang direksyon. Si Mrs. Margaret na nakita ang pigura ng taong iyon ay agad na tumayo mula sa kanyang upuan. “Mr. Jared Aguillar,” aniya sa lalaking dumating. Nang marinig ni Samantha ang pangalan na 'yon, bigla siyang napasinghap lalo na nang maramdaman niya ang kamay na marahang hinawakan ang braso niya, at inaalok siyang tumayo sa kanyang upuan. Napatingin naman si Jared sa direksyon ni Samantha na ngayon ay nakayuko, at tinitignan ang mga tao sa loob. “Kung hindi si Samantha ang magiging chair, huwag na kayong umasa na mangyayari ang art exhibition na ito,” ani Jared sa lahat. Sino ba ang mag-aakala na magpapakita si Jared dito?Si Justine naman ay nagulat din. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, hindi niya alam kung dahil ba sa pagkagulat o dahil sa ibang bagay. “Mr. Arthur, this is Mr. Jared, the CEO of Aguillar Company, and he's the one I mentioned earlier,” paliwanag ni Margaret sa kapatid ni Justine na si Arthur Flor
Ipinanganak sa isang kilalang pamilya, na-engaged sa isang lalaking gusto ng lahat, at ang pagkakaroon ng kapatid na sinusuportahan ka, tila si Justine na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo. Kahit masaktan lang nang kaonti ang babae, alam ni Samantha na marami ang lalapit upang protektahan si Justine Flores.“Pumapayag ka ba, Samantha?” Tanong ni Mrs. Margaret upang kompirmahin ulit ito. Sa isang sulok ng mata ni Samantha, tinignan niya si Justine na ngayon ay suot pa rin ang ngiti nito sa labi. Ang isang ngiti na maaaring tunawin ang puso nang kahit na sino. Ngunit ngayon, wala na 'yong epekto kay Samantha. “Kung tatanggi ako, maaari ba 'yon?” Tanong ni Samantha at kinuha lahat ng tapang niya para masabi iyon. Samantala, ang kamay naman ni Justine na nakahawak kay Samantha ay dahan-dahang lumuwag. Bigla namang nalungkot ang mukha ni Justine. “Bakit, Sam?” bulong na tanong niya kay Samantha. At heto si Arthur na ngayon ay masamang nakatitig ang kanyang kulay brown na mg
Nanatiling naghihintay si Justine sa sagot ni Samantha at ngayon ay mukhang hindi na ito okay. “A-Ayos lang ako,” sagot ni Samantha sa kanya.Nagdesisyon siyang umupo sa kanyang upuan at nagsimulang nakaramdam ng kaba. Ilang sandali pa, muli na namang bumahing si Samantha habang ang kanyang mga kamay ay nagsimula na mangati. “Samantha?” Ang pagtawag sa kanya ay siyang dahilan para kumurap siya. Na sa tabi niya na ngayon si Justine at hinila pa ang upuan para lapitan siya. “B-Bakit?” Tanong ni Samantha na hindi tumutingin kay Justine. Sa mga sandaling ito, nagpanggap si Samantha na kalmado lamang siya. “Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano ang problema, Sam? Galit ka ba talaga sa 'kin dahil sa nangyari kahapon?” Tanong ni Justine sa kanya. Nagbuntong-hininga si Justine at hinawakan ang kamay ni Samantha. Mabilis namang hinila ni Samantha ang kanyang kamay palayo kay Justine. Kahapon pa niya sinasabi sa kanyang sarili na ang friendship niya kay Justine ay kailanman hindi
Kung ikukumpara noong mga nakaraang araw, maagang umalis si Justine ngayon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng excitement. Hindi siya masyadong nakatulog at hindi na makapaghintay na mag-umaga. Nang maglakad siya sa corridor, wala siyang nakasalubong na kahit sino. Kahit ang opisina ng mga professors ay walang laman. Ang matataas na mga binti ni Justine ay dinala siya sa kanyang lamesa ngunit bumagal ang kanyang mga hakbang nang may makita ang mga mata niya na isang magandang kumpol ng bulaklak na nakapatong sa isang lamesa katabi sa kanya. Oo, ang bulaklak na iyon ay nasa lamesa ni Samantha. “Sino ang nagpadala ng bulaklak kay Samantha?” Tanong niya na bahagya pang natawa pagkatapos. Ngunit, may biglang nalimutan na isang importanteng detalye si Justine. Para masiguro, hindi muna dumiretso si Justine sa kanyang lamesa, kung hindi pumunta muna siya kay Samantha. “Hindi kaya, sa kanya ito?” bulong ni Justine nang kuhanin niya ang maliit na note na nakalagay
Sa gabi rin na 'yon, napagpasyahan nina Samantha at Kyle ang pumunta sa isang fried chicken restaurant na matatagpuan sa mall, tatlumpung minuto ang pagitan ng oras mula sa kanilang tahanan.“Hayaan mo akong ilibre ka,” sambit ni Samantha habang pumapasok sa nasabing lugar at pinasadahan namg tingin ang menu.Kahit kaonti na lamang ang natitirang pera ni Samantha, gusto pa rin niyang ilibre si Kyle dahil sobrang bait ng batang lalaki sa kanya.“Ano 'yan? Hindi. Ako ang magbabayad,” tanggi ni Kyle, hindi tinatanggap ang alok ng babae. Ang pride nito bilang isang lalaki ay masusugatan kapag hahayaan niyang ang babae ang magbabayad para sa kakainin nila.“Hindi na kailangan, talaga—”“Please, gusto ko lang talagang kumain ng manok kasama ka, hindi ko sinabi na ikaw ang magbabayad!” putol ni Kyle sa sinasabi ni Samantha, may namumuong lamig sa kanyang ekspresyon.“Sige, sige na nga. Ang sama mo,” Suminghap si Samantha, hindi gaanong makapaniwala sa lalaki. Bandang huli, napagpasiyahan
Bago tuluyang umalis, napagpasiyahan muna ni Patrick na suriin ang kondisyon ni Kyle. Habang pumapasok sa kuwarto ni Kyle, bumungad sa kanya ang tingin ng nakababatang pinsan, na mukhang nagulat sa pagdating niya.“Kuya Pat?!” naibulalas ni Kyle, ang tinig nito'y may bahid ng pagkalito.“Sinabi ni Sam na may sakit ka. Bakit naglalaro ka pa rin diyan sa cellphone mo?” Umangat ang kilay ni Patrick.Tama, hawak nga ni Kyle ang cellphone niya noong pumasok si Patrick, pero mabilis niya itong itinabi sa gilid ng kama, parang nahihiya.“Umalis ka na nga,” mariing sambit ni Kyle, ang madilim na mga mata nito'y bumaling sa pintuan. “Nasaan si Samantha?”Imposibleng hindi man lang nakita ni Patrick si Samantha. Bigla siyang nakaramdam nang matinding pag-aalala para sa damdamin ng babae, iniisip niya na baka may nangyaring hindi maganda.“Mmm, nandiyan lang siya,” sabi ni Patrick, tumango sa pintuan kung saan saktong pumasok si Samantha, may hawak na tray.“Pwede ka bang tumabi, Pat?” tan
“Missing Ivory, huh?”Tinutusok-tusok ni Samantha ang braso ni Kyle habang tinutukso ito. Nakahiga naman si Kyle sa kama, hindi gaanong maayos ang pakiramdam.“Tingnan mo nga oh, nilalagnat ka na dahil doon. Lovesick 'yan!” dagdag na sabi ni Samantha habang humahalakhak.“Anong ibig mong sabihin?” Iniangat ni Kyle ang kanyang ulo at tinapunan niya ito nang masamang tingin gamit ang matalim at itim niyang mga mata. “Why are we talking about Ivory?”Muling bumalik sa paghiga si Kyle, inayos nito ang cold compress at ibinalik sa kanyang noo. Tinanggal niya ang tingin kay Samantha at muling ipinikit ang mga mata habang sinusubukan magpahinga.“Well... 'di ba girlfriend mo si Ivory?” diin ni Samantha.Tumalim ang kanyang tingin sa lalaki. “Kyle, 'wag mo sabihin sa akin na mayroon kang ibang babae?” tanong nito, ang boses ay punong-puno ng pag-usisa at pagdududa.“No way!” Depensa kaagad ni Kyle.“Okay, sabi mo, e,” pagsuko niya bago bumuntong-hininga. Na-realize niya kung gaano ka