Pagkatapos ng huling klase, bumalik si Samantha sa faculty room upang iligpit ang ilang libro sa kanyang locker bago umuwi. Nang maisara niya ang pintuan ng locker, napatingin siya sa kanyang kamay, sa kumikislap na singsing na ibinigay ni Jared. May ngiti sa kanyang labi, ngunit agad itong naglaho.“Bakit nga ba ako ngumingiti?” napailing niyang bulong sa kanyang sarili.May kung anong pakiramdam na hindi siya mapalagay, lalo na matapos niyang harapin si Justine at ang dalawa pang guro kanina. Bumalik sa isipan niya ang nangyari, at napaisip siya sa bigat ng kanyang ginawa.Sa hindi kalayuan, napansin ng isa sa mga guro na nakatanaw si Samantha sa kawalan at lumapit ito. Hindi sila close ngunit may pag-aalala itong naramdaman, gayong nasaksikhan niya ang nangyari kanina.“Samantha, ayos ka lang ba?” Tanong nito.Dahan-dahang tumingin si Samantha sa pinagmulan ng tinig. Si Mrs. Irish. Agad siyang ngumiti, bagama’t halatang medyo nagulat.“Magandang araw, Mrs. Irish. Nandiyan ka pala,”
Nagningning nang malamig ang mga mata ni Kyle habang pinagmamasdan si Jared na hinihila si Samantha palapit sa kanya at may binubulong na kung ano sa tainga nito. Kaya naman pala—ito na ba ang tunay na pagkatao ni Jared?Walang pag-aatubiling hinila ni Kyle pabalik si Samantha sa tabi niya, tumindig na tila handang ipagtanggol siya.“Ano bang ginagawa mo rito?” diretsong tanong ni Kyle, ang boses ay may kasamang bahid ng tanong at pag-aalala.Bahagyang kumunot ang noo ni Jared sa tanong ni Kyle, at pagkatapos ay saglit na nilingon si Samantha.“It’s work-related.” Mabilis na paliwanag ni Samantha, bahagyang dinilaan ang kanyang labi para mapalubag ang tensyon sa katawan niya.Gulong-gulo ang isip ni Samantha. Ang presensya ni Jared ay muling nagpaalala sa kanya ng nangyari kanina sa parking lot. At ang mga alaala tungkol kay Ivory ay biglang sumagi sa kanyang isipan.“Hindi ikaw ang tinatanong ko,” matalim na sagot ni Kyle, at ang titig niya ay nakatutok kay Jared. “Siya ang tinatanong
Walang alinlangan na umiling si Samantha. ‘Bakit naman ako madidismaya?’ Tanong niya sa isipan.“Nagulat lang ako. Pagkatapos ng lahat, estudyante dito si Ivory, at ako naman ay isang lecturer.” Iyon ang pangunahing alalahanin ni Samantha. Huminga siya nang malalim bago sumagot.Tinitigan niya si Jared sa kanyang malalalim na mga mata.“Alam ba ni Ivory ang tungkol sa kasunduang ito?” tanong niya ulit.Umiling si Jared sa pagkakataong ito. Pagkatapos ay sinabi niya ang isang bagay na muling nagpa-pintig ng puso ni Samantha.“Dahil ito ay isang kasunduang pakikipag-engage lamang, hindi mo na kailangang pag-ukulan ng oras ang pagkuha ng loob ni Ivory,” Saglit siyang tumigil, ang mga mata ay seryosong nakatutok sa kanya.“Maliban na lang kung talagang gusto mo akong pakasalan.” Pagbibiro nito.Hindi makasagot si Samantha, tila nawalan siya ng mga salitang maibabalik kay Jared. Hindi rin niya napansin na dumaan si Kyle patungo sa paradahan ng mga motorsiklo. Pero hindi nakaligtas iyon ka
“J-Jared?”Tawag niya sa pangalan ng lalaki.“Mmm?”Nagkatinginan sina Samantha at Jared habang patuloy na umaandar ang mamahaling sasakyan nito papalayo sa campus. Tahimik si Samantha, ang mga mata’y nakatutok sa labas ng bintana, pero ang isip niya ay hindi mapakali. Para bang may mga tanong siyang gustong itanong pero hindi niya magawa. Si Jared ay tahimik din, ngunit ang bigat ng presensya nito ay sumasapaw ito sa kanya. Tahimik, ngunit parang may isang malalim na bagay na hindi nasasabi sa pagitan nilang dalawa. “Sige na, sabihin mo na kung anuman 'yan,” ani Jared, nakatingin sa kanya habang hinihintay ang mga salitang lalabas sa kanyang labi.Ngunit si Samantha ay hindi makapagsalita. May kabigatan sa kanyang dibdib, at ang mga salitang nais niyang sabihin ay tila nagiging mahirap mailabas. Baka hindi ito tamang panahon, baka may hindi magandang epekto ang sasabihin niya.“Wala,” mabilis niyang sagot, at umiling siya, iniwasan ang mga mata ni Jared. “What’s the problem, Sama
“Arghhh!” Sigaw ni Samantha, nakatago ang mukha sa unan. Para siyang nawawala sa sarili habang iniisip ang mga sinabi ni Jared noong nakaraang gabi.Agad niyang naalala ang kaganapan nila kaninang hapon.“Mula pa noong simula pa lang, magkasundo na tayo sa kama.”At pagkatapos ay may reaksyon pa siyang sobrang taas ng emosyon. Hindi niya inasahan na maglakas-loob siyang magsalita nang ganoon.“Parang nakakalimutan mo yata ang isang bagay, Jared. Sabi mo nga sa akin, amateur lang ako. So, nasaan ang sinasabi mong magkasundo tayo?” sabi ni Samantha, medyo may inis na naramdaman.Hindi siya makapaniwala sa lakas ng loob niyang mag-react nang ganoon kay Jared. Ang init nang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.Sa posisyon nila ngayon, para bang niyayakap siya ni Jared. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Si Jared, nakangiti lang ng may kalabit na pagnanasa, ngunit hindi siya tinatanggal sa kanyang posisyon.“Naiinis ka ba?” Tanong ni Jared n
“Huwag mong guluhin si Samantha, Ivory.”Biglang saad ni Kyle na nakatingin kay Ivory, at tila may balak kunin ang karton ng gatas mula kay Samantha. Ngunit mabilis na kinuha ito ni Samantha bago pa man siya makarating.“Hindi naman ako ginugulo ni Ivory,” sagot ni Samantha nang matalim kay Kyle, na naaalala ang malupit na pagtrato ni Kyle kay Ivory kanina. Ang mga mata ni Samantha ay puno ng galit at pagkabigo sa ugali ni Kyle.Tumingin si Samantha kay Ivory. Kahit anong gawin niyang pagtatangkang alisin ang anino ni Jared kay Ivory, mukhang imposibleng mangyari. Laging present si Jared sa buhay ni Ivory, at tila ba may epekto pa ito sa bawat kilos ng batang babae.“Mag-sorry ka sa ginawa mo kanina kay Ivory, Kyle,” wika ni Samantha, na parang siya pa ang humarap para kay Kyle. Hindi na siya makapaghintay na magbigay ng seryosong leksyon kay Kyle.“Bakit ba—” tanong ni Ivory, hindi maintindihan ang biglang pagbabago ni Samantha.“Sinong nagturo sa ‘yo na maging ganoon kay Ivory? Babae
Habang papunta sila sa campus, tahimik lang si Ivory. Karaniwan ay magaan ang kanyang loob at laging magaan magsalita, ngunit ngayon ay tahimik siya, parang hindi makausap.‘Bakit kaya hindi ako kinakausap ni Kyle? Hindi ba siya magtatanong kung anong nangyari sa akin?’ naiisip ni Ivory habang tinitingnan ang likod ng nobyo.Napansin naman ni Kyle ang kanyang pagbabago. Baka nagbago ang ugali ni Ivory dahil sa nangyari sa kusina kanina. May alinlangan na pumasok sa isipan ni Kyle, at dahan-dahan niyang pinagsisihan ang kanyang mga aksyon. Alam niyang may nakakita sa kanila ni Ivory, at natatakot siya na baka magka-ideya si Samantha sa nangyari. Kaya't tumahimik na lang siya sa buong biyahe, hoping na sana ay malimutan ni Samantha ang mga nangyari.Pagdating nila sa parking, inabot ni Ivory ang helmet kay Kyle, ngunit hindi gaya ng dati, wala siyang kasamang saya. Tahimik lang siya at naglakad papalayo. Nagkatinginan sila saglit, ngunit wala ni isang ngiti na lumabas mula kay Kyle.“Mag
Sa buong buhay niya, ilang taon na rin ang inilaan ni Samantha kasama si Justine, ang kanyang matalik na kaibigan mula pa noong high school. Marami na silang pinagdaanan nang magkasama. Kaya nang makita ni Samantha ang dalawang estudyanteng nagkukulitan kung saan ang isa’y nakayakap sa braso ng kaibigan habang ang isa nama’y sinusubukang umiwas, naalala niya kung paano sila noon ni Justine.‘Ayusin mo ang sarili mo, Samantha! Miss mo lang ang mga alaalang iyon!’ paalala niya sa sarili.Nakakunot ang kanyang noo habang matiyaga siyang naghihintay kay Jared na susunduin siya ngayong hapon ng sabado. Ilang minuto na ang nakalipas nang mag-text si Jared na parating na siya sa campus, kaya nagpasya siyang maghintay sa faculty building kung saan siya nagtuturo.Habang naghihintay ay inabala ni Samantha ang sarili sa pagtingin sa cellphone niya, at muling napunta ang isip niya kay Justine na matagal na niyang hindi nakikita.At kung ano ang tinitingnan ni Samantha para ma-distract ang s
Pagkatapos makuha ang mga gamot, bumalik si Jared, at nalamang hindi nawala si Samantha kaya napahinga siya nang maluwang. “Tapos ka na ba, Jared?” Tanong ni Samantha sa kanya. “This is the medicine,” sagot ni Jared at ibinigay ang gamot na nakalagay sa isang plastic bag na naglalaman ng mga gamot na kailangan inumin ni Samantha. “If you still feel the itching, wipe it with the ointment, Samantha.”Sinigurado ni Jared na makuha ni Samantha ang instructions nang tama. Kinuha naman ni Samantha ang bag ng gamot at sinabi, “B-Bayaran na lang kita—”“Mukha ba akong walang pera para bayaran mo ako, Samantha?” ani Jared sa kanyang matalas na titig at halos tusukin na siya nito ng kanyang maitim at matalas na mga mata. Nahawakan ng mga salita ni Samantha ang pride ni Jared kaya tinitigan siya nito nang masama na siyang dahilan para hindi mapakali si Samantha. “A-Ayaw ko lang magkautang nang kahit ano,” sagot naman ni Samantha sa kanya sa katotohanan. “Hindi na kailangan para makara
Tagumpay na nahawakan ni Jared ang kamay ni Samantha at agad niya itong dinala sa kanyang itim na sasakyan. Ito lang ang tanging lugar na siguradong ligtas at ito ay ang sasakyan, malayo sa tensyon at ka-dramahan sa loob ng opisina ng dean. Tahimik naman na sumunod si Samantha, at walang anong salitang lumabas sa kanyang bibig. Pakiramdam niya, naubos lahat ng kanyang lakas tungkol sa komprontasyon na nangyari kanina lang. Pagpasok sa sasakyan, pinindot agad ni Jared ang button na naghihiwalay sa upuan ng driver mula sa passenger seat. “Pupunta tayo sa malapit na ospital,” ani Jared sa kanyang mahinahong boses.Napakurap naman si Samantha at nakuha nito ang kanyang atensyon. “Bakit tayo pupunta doon?”Napaungol si Jared sa tanong ni Samantha at halata sa mukha ang frustration nito. Parang dinadala siya ng babae sa tuktok ng kanyang galit. “Tignan mo ang kamay mo, Samantha. Anong nangyari?” Tanong ni Jared sa kanya habang tinuturo ang pulang marka sa kamay nito. Napansin nito
Malalakas na yabag ng paa ang parating sa kanilang direksyon. Si Mrs. Margaret na nakita ang pigura ng taong iyon ay agad na tumayo mula sa kanyang upuan. “Mr. Jared Aguillar,” aniya sa lalaking dumating. Nang marinig ni Samantha ang pangalan na 'yon, bigla siyang napasinghap lalo na nang maramdaman niya ang kamay na marahang hinawakan ang braso niya, at inaalok siyang tumayo sa kanyang upuan. Napatingin naman si Jared sa direksyon ni Samantha na ngayon ay nakayuko, at tinitignan ang mga tao sa loob. “Kung hindi si Samantha ang magiging chair, huwag na kayong umasa na mangyayari ang art exhibition na ito,” ani Jared sa lahat. Sino ba ang mag-aakala na magpapakita si Jared dito?Si Justine naman ay nagulat din. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, hindi niya alam kung dahil ba sa pagkagulat o dahil sa ibang bagay. “Mr. Arthur, this is Mr. Jared, the CEO of Aguillar Company, and he's the one I mentioned earlier,” paliwanag ni Margaret sa kapatid ni Justine na si Arthur Flor
Ipinanganak sa isang kilalang pamilya, na-engaged sa isang lalaking gusto ng lahat, at ang pagkakaroon ng kapatid na sinusuportahan ka, tila si Justine na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo. Kahit masaktan lang nang kaonti ang babae, alam ni Samantha na marami ang lalapit upang protektahan si Justine Flores.“Pumapayag ka ba, Samantha?” Tanong ni Mrs. Margaret upang kompirmahin ulit ito. Sa isang sulok ng mata ni Samantha, tinignan niya si Justine na ngayon ay suot pa rin ang ngiti nito sa labi. Ang isang ngiti na maaaring tunawin ang puso nang kahit na sino. Ngunit ngayon, wala na 'yong epekto kay Samantha. “Kung tatanggi ako, maaari ba 'yon?” Tanong ni Samantha at kinuha lahat ng tapang niya para masabi iyon. Samantala, ang kamay naman ni Justine na nakahawak kay Samantha ay dahan-dahang lumuwag. Bigla namang nalungkot ang mukha ni Justine. “Bakit, Sam?” bulong na tanong niya kay Samantha. At heto si Arthur na ngayon ay masamang nakatitig ang kanyang kulay brown na mg
Nanatiling naghihintay si Justine sa sagot ni Samantha at ngayon ay mukhang hindi na ito okay. “A-Ayos lang ako,” sagot ni Samantha sa kanya.Nagdesisyon siyang umupo sa kanyang upuan at nagsimulang nakaramdam ng kaba. Ilang sandali pa, muli na namang bumahing si Samantha habang ang kanyang mga kamay ay nagsimula na mangati. “Samantha?” Ang pagtawag sa kanya ay siyang dahilan para kumurap siya. Na sa tabi niya na ngayon si Justine at hinila pa ang upuan para lapitan siya. “B-Bakit?” Tanong ni Samantha na hindi tumutingin kay Justine. Sa mga sandaling ito, nagpanggap si Samantha na kalmado lamang siya. “Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ano ang problema, Sam? Galit ka ba talaga sa 'kin dahil sa nangyari kahapon?” Tanong ni Justine sa kanya. Nagbuntong-hininga si Justine at hinawakan ang kamay ni Samantha. Mabilis namang hinila ni Samantha ang kanyang kamay palayo kay Justine. Kahapon pa niya sinasabi sa kanyang sarili na ang friendship niya kay Justine ay kailanman hindi
Kung ikukumpara noong mga nakaraang araw, maagang umalis si Justine ngayon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng excitement. Hindi siya masyadong nakatulog at hindi na makapaghintay na mag-umaga. Nang maglakad siya sa corridor, wala siyang nakasalubong na kahit sino. Kahit ang opisina ng mga professors ay walang laman. Ang matataas na mga binti ni Justine ay dinala siya sa kanyang lamesa ngunit bumagal ang kanyang mga hakbang nang may makita ang mga mata niya na isang magandang kumpol ng bulaklak na nakapatong sa isang lamesa katabi sa kanya. Oo, ang bulaklak na iyon ay nasa lamesa ni Samantha. “Sino ang nagpadala ng bulaklak kay Samantha?” Tanong niya na bahagya pang natawa pagkatapos. Ngunit, may biglang nalimutan na isang importanteng detalye si Justine. Para masiguro, hindi muna dumiretso si Justine sa kanyang lamesa, kung hindi pumunta muna siya kay Samantha. “Hindi kaya, sa kanya ito?” bulong ni Justine nang kuhanin niya ang maliit na note na nakalagay
Sa gabi rin na 'yon, napagpasyahan nina Samantha at Kyle ang pumunta sa isang fried chicken restaurant na matatagpuan sa mall, tatlumpung minuto ang pagitan ng oras mula sa kanilang tahanan.“Hayaan mo akong ilibre ka,” sambit ni Samantha habang pumapasok sa nasabing lugar at pinasadahan namg tingin ang menu.Kahit kaonti na lamang ang natitirang pera ni Samantha, gusto pa rin niyang ilibre si Kyle dahil sobrang bait ng batang lalaki sa kanya.“Ano 'yan? Hindi. Ako ang magbabayad,” tanggi ni Kyle, hindi tinatanggap ang alok ng babae. Ang pride nito bilang isang lalaki ay masusugatan kapag hahayaan niyang ang babae ang magbabayad para sa kakainin nila.“Hindi na kailangan, talaga—”“Please, gusto ko lang talagang kumain ng manok kasama ka, hindi ko sinabi na ikaw ang magbabayad!” putol ni Kyle sa sinasabi ni Samantha, may namumuong lamig sa kanyang ekspresyon.“Sige, sige na nga. Ang sama mo,” Suminghap si Samantha, hindi gaanong makapaniwala sa lalaki. Bandang huli, napagpasiyahan
Bago tuluyang umalis, napagpasiyahan muna ni Patrick na suriin ang kondisyon ni Kyle. Habang pumapasok sa kuwarto ni Kyle, bumungad sa kanya ang tingin ng nakababatang pinsan, na mukhang nagulat sa pagdating niya.“Kuya Pat?!” naibulalas ni Kyle, ang tinig nito'y may bahid ng pagkalito.“Sinabi ni Sam na may sakit ka. Bakit naglalaro ka pa rin diyan sa cellphone mo?” Umangat ang kilay ni Patrick.Tama, hawak nga ni Kyle ang cellphone niya noong pumasok si Patrick, pero mabilis niya itong itinabi sa gilid ng kama, parang nahihiya.“Umalis ka na nga,” mariing sambit ni Kyle, ang madilim na mga mata nito'y bumaling sa pintuan. “Nasaan si Samantha?”Imposibleng hindi man lang nakita ni Patrick si Samantha. Bigla siyang nakaramdam nang matinding pag-aalala para sa damdamin ng babae, iniisip niya na baka may nangyaring hindi maganda.“Mmm, nandiyan lang siya,” sabi ni Patrick, tumango sa pintuan kung saan saktong pumasok si Samantha, may hawak na tray.“Pwede ka bang tumabi, Pat?” tan
“Missing Ivory, huh?”Tinutusok-tusok ni Samantha ang braso ni Kyle habang tinutukso ito. Nakahiga naman si Kyle sa kama, hindi gaanong maayos ang pakiramdam.“Tingnan mo nga oh, nilalagnat ka na dahil doon. Lovesick 'yan!” dagdag na sabi ni Samantha habang humahalakhak.“Anong ibig mong sabihin?” Iniangat ni Kyle ang kanyang ulo at tinapunan niya ito nang masamang tingin gamit ang matalim at itim niyang mga mata. “Why are we talking about Ivory?”Muling bumalik sa paghiga si Kyle, inayos nito ang cold compress at ibinalik sa kanyang noo. Tinanggal niya ang tingin kay Samantha at muling ipinikit ang mga mata habang sinusubukan magpahinga.“Well... 'di ba girlfriend mo si Ivory?” diin ni Samantha.Tumalim ang kanyang tingin sa lalaki. “Kyle, 'wag mo sabihin sa akin na mayroon kang ibang babae?” tanong nito, ang boses ay punong-puno ng pag-usisa at pagdududa.“No way!” Depensa kaagad ni Kyle.“Okay, sabi mo, e,” pagsuko niya bago bumuntong-hininga. Na-realize niya kung gaano ka