Hindi napansin ni Nina ang galit sa kanyang boses, "Haha... palalayasin mo ako? Mababaw ba ang pinagsamahan natin para sayo? Akala ko malapit tayo sa isa't isa para pag-usapan natin ang lahat. Hindi ba ako pwedeng makatulog sa higaan mo?"Nanatiling tahimik si Mark at hindi agad siya sumagot. Lumabas siya mula walk-in closet matapos magpalit ng damit at agad siyang bumaba. Ang mga salitang iniwan niya kay Nina, "Hindi tayo malapit sa isa't isa. Bahay ko ito kaya dapat mong sundin ang patakaran ko. Minsan ko lang ito sasabihin."Hinintay ni Nina ang kanyang sasakyan na umalis sa Tremont Estate bago siya umakyat sa kanyang kama.Hindi na casual at walang pakialam ang kanyang itsura. Sa loob ng puso niya, alam niya na ang lalaking ito ay hindi dapat maliitin. Gayunpaman, siya rin ang rason kung bakit siya nababaliw sa lalaking ito. Napilitan siyang sumuko nang makita niya pagmamahalan ni Mark at Arianne. Ngayon, sa wakas ay naghiwalay na sila. Ayaw niyang sumuko at gusto niyang subukan
Hindi kailanman sa buong buhay ni Charles Moran na sinampal niya ang mukha ng kanyang anak na babae.Umalingawngaw ang malakas na hampas sa buong lugar at makikita na tulala si Nina sa unti-unting namumula niyang pisngi na tinatakpan ang kanyang mga kamay. Binalot ng kaba ang kanyang maluha-luhang mga mata habang nakatutok ito sa kanyang ama."Bakit ... Bakit mo ako sinaktan ?! Mali ba ako?" Sabi niya. "Mga tauhan mo lang naman ang nandito, kaya bakit ka kumikilos na parang hindi ko dapat sinabi iyon?"Hinugot ni Charles ang pill na naipasa sa kanya ng kanyang bodyguard. Huminahon siya ng kaunti at doon lang siya sumagot, "Ang-ang lalaking ito ay ang parehong tao na pumatay sa kanyang kapatid na lalaki nang hindi man lang nakokonsensya sa ginawa niya. Sino ka para isipin na magiging mabait siya sayo? Kung gusto ka niya, ikaw ay hahawak sa kanyang puso. Kung hindi, hindi ka ililigtas ng kalandian mo mula sa galit niya!"“Ikaw lang ang anak kong babae, Nina. Sa palagay mo kaya kong p
Nag-pause si Mark at napa-isip, "Alam mo, huwag na tayong lumabas para kumain. Medyo late na at tayong dalawa lang rin naman ang magkasama. Pupunta tayo sa apartment mo at lutuin ang kahit anong nandoon. Hindi mo ba alam kung paano gumawa ng ramen?"Naalala pa niya ang ramen na ginawa ni Arianne? Iyon lamang ang pagkain na kaya niyang lutuin ng maayos. Bukod pa dito, ito ay masarap lamang sa kanyang sariling mga standard at higit sa lahat ay nakasalalay kung ito ang niluto ng maayos o hindi, "Okay... pero hindi ito masyadong masarap, kaya't tiisin mo na lang ito. Gagawa ako ng paraan na magkaroon ng libreng oras bukas at bibilhan kita ng pagkain para magpasalamat sa regalo mo sa akin."Sumimangot si Mark ngunit hindi siya sumagot. Nararamdaman niya na ayaw ni Arianne na magkaroon siya ng utang sa kanya dahil sa regalo na iyon, kaya ito ang kinagalit niya. Gayunpaman, hindi na siya nakipagtalo kay Arianne nang maalala niya na babalik ito sa kanya pagkatapos ng isang taon.Binuksan ni
Ang tatay ni Jackson? Ngayon lang narinig ni Arianne ang tungkol sa kanya, kaya lalo siyang naging curious, "Siyempre, pupunta ako. Pero teka, ang tatay niya? Hindi ko pa naririnig tungkol sa kanya noon…"Hindi ito masyadong ipinaliwanag ni Mark, “Masyadong komplikado ang sitwasyon ng pamilya niya. Kapag bumalik ka sa capital, manatili ka na lang sa Tremont Estate. Makikita mo rin sina Henry at Mary."Hindi niya binigyan ng anumang pagkakataon si Arianne na tumanggi. Alam niya na hindi pabagu-bago ang isip ng babaeng ito at malamang ay namimiss na niya sila Mary at Henry. Samakatuwid, ginamit niya ang mga ito bilang isang dahilan para bumalik si Arianne sa Tremont Estate. Hindi siya dapat magkaroon ng anumang dahilan para tumanggi kung pansamantala lamang ito… tama?"Pag-uusapan natin ito kapag malapit na itong mangyari. Pagod na ako. Good night,” nakapikit na si Arianne pagkatapos nito. Napagod talaga siya sa araw na iyon. Buong araw nga naman siyang nagtrabahoWala nang sinabi p
Ang pasensya ni Tiffany ay halos mauubos na. Ano ang nagbigay sa kanya ng karapatang bigyan si Tiffany ng overtime kahit na hindi dapat ito sa kanya? Si Henrietta ay malinaw na abala lang sa kanyang cellphone sa oras ng pagtatrabaho at nanonood pa siya ng anime. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang trabaho. Nilunok ni Tiffany ang galit at magiliw niyang said, “Mayroon din akong gagawin. Hindi kita matutulungan sa overtime mo. Ikaw na mismo ang bahala. Kailangan ko nang umalis."Itinapon ni Henrietta ang mabibigat na tumpok ng mga dokumento sa mesa ni Tiffany, "Magagawa mo rin ito, kahit papaano. O sa palagay mo ang opisina ay isang lugar lamang para magpakasaya ka sa aircon? Dapat mo man lang gawing sulit ang para ang bill sa air-conditioning. Hindi mo ba dapat mong ibigay ang iyong mga kontribusyon sa kumpanya para sa araw at bigyan ang kumpanya ng kaunting halaga dahil kakapasok mo pang din naman? Hiniling ko lang sa iyo na mag-photocopy ng ilang mga dokumento
Pagkatapos ng ilang pag-iisip, napagtanto ni Tiffany na imposible para sa kanya na magkaroon siya ng isang lihim na engagement. Kung tutuusin, ang pamilyang West ay isang mayamang pamilya. Buhay pa rin ang mga magulang ni Jackson. Kung ang mga magulang ni Mark ay buhay pa, hindi sila magkakaroon ng tahimik na kasal. Ang mga elite ay nangangailangan ng dignidad. Hindi siya maaaring maging makasarili, "O sige na... Pasensya na. Hindi sumagi sa isip ko iyon. Gawin mo na lang ang gusto mo. Kailangan kong umuwi pagkatapos ng hapunan at kailangan kong bumangon ng maaga para sa trabaho bukas. Hindi ako katulad mo, hindi ko kayang makatulog kahit kailan ko gusto. Sa sobrang abala ko, parte na ng lupa ang mga paa ko. Hay...”Nagdamdam si Jackson, "Napag-usapan na natin ang tungkol living arrangements natin... Mukhang hindi na natin ito pag-uusapan? Stepping stone lang ba ako sayo? Makakapagtrabaho ka pa rin naman kung nakatira ka sa bahay ko. Pwede pa kitang ihatid papunta sa trabaho tuwing um
Bago pa siya mag-shower, nagulat si Arianne nang mapansin niya ang isang ekstrang sipilyo sa tasa na nakapatong sa kanyang lababo. Ginamit na ito ni Mark dati. Pagkatapos ng ilang pag-iisip, nagdesisyon siya na huwag itong itapon. Wala namang problema kung mananatili ito sa kanya. Hindi niya inaamin sa kanyang sarili ang posibilidad na hinayaaan niyang manatili si Mark sa kanyang bahay sa hinaharap. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ginalaw ang toothbrush...Sinuri niya ang kanyang cellphone nang lumabas siya sa banyo at na meron siyang missed calls sa hindi kilalang number. Maaaring ito ay isang spam call kung isang beses lamang ito tumawag, ngunit tumawag ang number na ito ng pitong beses. Hindi niya ito narinig dahil nasa loob siya ng banyo sa mga oras na iyon.Nagtaka siya sinubukan niya itong tawagan ulit at hindi nagtagal ay sinagot ito. May isang pamilyar na boses ng middle-aged na lalaki ang nagsalita mula sa tatanggap, "Miss Wynn, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag
Dahil sa tanong ni Arianne, ang babaeng nasa edad na nag-angkin na siya ay tiyahin ay nagsimulang ibahagi ang kanyang mapait na pighati, “Dumating na tayo sa punto na kailangan nating pag-usapan kung bakit kami bumisita dito. Lumapit ako sayo dahil wala na akong ibang pagpipilian. Siya ang lola mo, okay? Wala na ang tatay mo, kaya kailangan mong magbigay ng suporta. Hindi lang ako ang mag-aalaga sa kanya, di ba? Napaka bata mo pa noon, kaya hindi ka namin pinayagan na buhatin ang pasanin na iyon. Pero ngayon, kasal ka na at sa pamilyang Tremont ka pa kinasal! Hindi ba dapat magkaroon ng bahagi ang lola mo sa lahat ng meron ka ngayon?"Ang lola mo ay nakipag-away sa tatay mo dahil nagalit ito sa kanya sa hindi pagtupad sa kanyang inaasahan. Pinilit niyang pakasalan si Helen Cameran. Ang away niya ay walang kinalaman sa yo. Inalagaan ko siya sa loob ng maraming taon at ang lola mo kamakailan ay nasangkot sa isang maliit na aksidente. Sa kanyang edad, hindi na siya dapat nahihirapan. Hin