Si Lisa ay may opinyon tungkol kay Tiffany mula pa noong nasa eroplano sila. May alak sa kanyang system ngayon, dinuro niya ang isang daliri sa harap ni Tiffany at tinanong, "Anong Reyna? Ikaw ang bagong babae ni Mr. West? Huwag masyadong matawa sa sarili mo. Mapapatumba ng bago ang luma at mapapalitan ka rin. Nasa iisang landas tayo, kaya't hindi mo natin kailangang maging masama sa bawat isa. Bata ka pa, iyon lang, pero itatapon ka rin niya ng hindi bababa ng tatlong buwan. Nakasama ko siya ng tatlong buwan matagal na panahon na ang nakalipas, naintindihan mo? At saka, binili niya ako ng lahat ng gusto ko... Sayang, hindi ito magtatagal. Good luck sayo."Naintin at minuro ni Tiffany si Jackson sa isip niya. Bago umalis si Lisa, hinampas niya ang pintuan sa harap mismo ng mukha niya at tinext si Jackson. "'Binilhan niya ako ng lahat ng gusto ko', ito ang sinabi ni Lisa. Kahit ako nahihiya sa mga ginawa mo. Kung magising ulit ako, ika-castrate talaga kita!"Hindi sumagot si Jackson
Sinimulan din ni Eric na mangasar, "Huwag mo nang ipaliwanag. Kapag nagpaliwanag ka pa, nangangahulugang meron kang itinatago at kung ano man ang iyong tinatago ay totoo pala. Mas malala kapag lalo mo ito pinapaliwanag. Lahat tayo ay may malay sa nangyayari. Wala kang dapat ikahiya. Hindi ka na bata, Mark. Tigilan mo na ang pag-arte."Good mood si Mark kaya't hindi siya nakipagtalo sa kanila. Sa halip, tumabi siya at tumingin sa view sa malayo habang may hawak na bote ng beer. Natutuwa siya sa banayad na simoy ng dagat. Ito ay isang bihirang sandali ng kapayapaan.Nainis si Tiffany. Kinuha niya ang kanyang bote ng beer, naglakad sa tabi ni Eric at tinanong, "Gaano katagal mong plano na magbakasyon dito?"Nagkibit balikat si Eric, "Hindi ko alam. Kayo ang bahala. Okay lang ako sa kahit ano."Sa ilang nakakatuwang kadahilanan, hindi mapalagay si Jackson na makita niya sila Eric at Tiffany na magkakasamang nakaupo, "Uuwi tayo paglipas ng isang linggo. Hindi namin maiiwan ang aming mga
Tuwang-tuwa si Eric sa picture na ito; ang itsura niya ay parang nakakuha mahalagang kayamanan nang kinuha niya ang litrato na ito. "Ipi-print ko ang isang ito kapag nakabalik na tayo. Isa para sa akin at isa para sa inyong dalawa. Hindi ako sigurado kung bakit hindi ko pa napansin ito, pero kayong dalawa ay match made in heaven."Ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo at ngumiti ng mahinahon. Ngumiti din si Mark at walang habas na binalot ang braso sa balikat ni Arianne.Bumalik sila sa hotel para makapagpahinga sa sandaling nagsawa na sila.Si Jackson ay nasa labas pa rin pagdating nila sa hotel. Ini-click ni Eric ang kanyang dila, "Sa palagay ko ay magiging masaya siya ngayong gabi."Bumalik si Tiffany sa kanyang kwarto nang tahimik, siguro ay dahil sa nararamdaman niyang pagod na pagod siya ngayon. Nang makita niya ang mga bagay ni Jackson sa kanyang kwarto, naiinis siya nang itinapon niya ang mga ito. Sa una ay plano niyang makatulog ng maayos, ngunit nang humiga siya, napagtanto
Kinagulat ni Lisa ang kanyang biglaang pagbabago ng paksa, ngunit sinagot pa rin niya si Jackson, "Sa palagay ko na kapag mahal ako sa isang lalaki, ako lang ang pwedeng gumastos ng kanyang pera. Hindi ako papayag na lumapit sa kanya ang mga p*k p*k. Napakarami na ng mga babae mo, Jackson. Wala ka bang naramdaman kahit isa sa kanila?”Habang nakatitig si Jackson kay Lisa, bigla siyang nainis sa mga babaeng kagaya niya. Hindi ito pag-ibig. Ito ay hindi naiiba mula sa isang material transaction. Lalo siyang nakakatakot sa katotohanan na ang bawat babae na nakasama niya ay katulad niya. Noong nakaraan, hindi talaga siya nagmamalasakit at palaging naramdaman na ang paggastos ng pera para sa kaunting kasiyahan ay isang normal na bagay na ginagawa niya, "Sa palagay ko, hindi pa ako nagmamahal..."Hindi sila bumalik sa hotel noong gabi. Sa halip, nakakita sila ng isang magandang lugar sa tabing dagat, nag-set up sila ng isang tent at nagluto sila ng barbecue. Ang kanilang layunin ay panoori
Kumilos si Lisa na para bang walang nangyari pagbalik niya sa beach. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap at pakikipag biruan kay Jackson. Napagtanto niya na si Jackson ay masyadong abala sa mga barbecue skewer na makakain o maiinom, nagkusa siya na pakainin si Jackson ng ilang mga barbecued meat skewer at painumin ng ilang beer. Naalala pa niya na tingnan ng masama si Tiffany paminsan-minsan.Galit na galit si Tiffany, ngunit mas malinaw ang kanyang isip salamat sa malamig na simoy ng dagat. Bakit siya magagalit? Si Jackson ay pwedeng maging mabuti sa sinuman sa anumang paraan na gusto niya, at wala itong kinalaman sa kanya. Gayunpaman, bakit niya kailangang makisali?Sa eroplano pa lang ay hindi na nila gusto ang ugali ni Lisa. Hindi ba si Jackson ang dapat sisihin bilang sanhi ng lahat ng ito?Ngayong malinaw na ang kanyang isipan, hindi na siya mapakali na ikumpara ang sarili niya kay Lisa. Nakatuon siya sa pagkain at pag-inom habang nakikipag-usap siya kay Arianne paminsan-minsan.
Magkatabi sila Jackson at Tiffany noong nasa eroplano sila pauwi. Ang dalawa ay hindi nag usap sa buong biyahe. Nawalan ng lakas si Tiffany sa nagdaang mga araw. Isinuot niya ang isang eyemask nang makarating siya sa eroplano at nakatulog siya doon. Si Arianne ang gumising sa kanya nang lumapag ang eroplano.Ang bawat isa sa kanila ay umuwi na.Pasado nine o'clock na ng gabi at kakadaan lang ni Arianne sa pintuan. Nasa likuran niya si Mark na bitbit ang mga bagahe. Noong una, gusto ni Henry na magpadala ng ilang mga staff members para salubungin sila sa airport, ngunit tumanggi si Arianne dahil ayaw niyang maging agaw pansin. Kung gagawin ito ni Henry, ito ay katulad ng pagmamayabang ng kanilang kayamanan para sa kanya.Isang housemaid sa Tremont Estate ang biglang lumapit upang batiin sila, "Madam, may nagpadala ng isang bagay sayo at sinasabi na para sayo ito."Nagtataka si Arianne kung kanino ito nagmula, "Ano ito? Alam mo ba kung sino ang nagpadala nito?"Umiling ang housemaid
Ang housemaid ay nagtago sa isang sulok at takot itong magsalita. Ibinigay niya kay Arianne ang sulat ngunit hindi niya inaasahan na magdudulot ito ng kaguluhan. Tumakbo si Henry at Mary sa sala nang makita na nangyari ito. Walang nangahas na magsalita sa kanila. Ang mga lingkod na tulad nila ay hindi pinapayagan na makisali sa mga ganitong bagay.Dahan-dahang naglakad si Mark papunta sa sofa at umupo. Ang mukha niya ay madilim pa rin. Tinaas niya ang nanginginig niyang mga kamay at ipinatong sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay may nakatusok na isang libong mga kutsilyo sa kanyang puso. Ang bagay na kinatatakutan niya sa lahat ay nangyari na...Makalipas ang kalahating oras, pinilit niya ang kanyang sarili na patayin ang kanyang paghinga, "Maghanap ng tao na susunod sa kanya, pakisiguro na ligtas siya..."Sumang-ayon si Henry, tumawag siya ng isang bodyguard at mabilis itong umalis.Mag-isa lang si Arianne. Si Tiffany lang ang taong maaaring mapuntahan niya. Naglakad siya papunta
Bumili si Tiffany ng ilang beer mula sa isang maliit na tindahan at naglakad siya papunta sa daan. Biglang dumating ang isang van at hinarang siya. Bago pa siya makapag-react, dalawang matabang lalaki ang bumaba mula sa sasakyan at tinakpan ang kanyang ilong ng telang nakababad sa mga kemikal. Pagkatapos, dinala siya ng mga ito sa sasakyan. Ibinagsak niya sa lupa ang plastic bag na puno ng mga bote ng beer kaya nabasag ang mga bote. Ang huling bagay na naramdaman niya ay ang splash ng malamig na beer sa kanyang ankle.Matapos ang ilang oras, binuksan niya ang kanyang malabo na mga mata at nakita na nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Mukhang ito ay isang dating kubo. Ang lupa ay malamig at mamasa-masa at sobrang dumi. Ang isang grupo ng mga kalalakihan ay nakaupo sa isang tabi, umiinom ng beer at nag uusap ng mga maruruming salita.Gumalaw lang siya ng konti nang lumingon sa kanya ang isang lalaki, "Ay, gising na ang babae. Dalian niyo, tanungin siya kung anong gagawin. Hindi ko