SHAWN a fragment of his forgotten memory coordinated with Alana Gawa-gawa ko lang bang iyon lahat? May kapatid ba si Anda o wala? Pero halos mag-sa-sampung buwan na buhat no’ng huli kong makita si Alana. Ah—I must be crazy. Sabi ni Anda, wala siyang kapatid. Pero bakit may nakilala akong Alana at nasaan na siya ngayon? “Shawn,” napatingin ako kay Axcl nang nagmamadali siyang lumapit sa akin. “Bakit?” “Nag-usap kami ni Ania kahapon. She said, sasama na siya sa akin at aalis na siya sa bahay nila.” “Magtatanan na kayo?” though matagal ng plano iyon na hindi natutuloy. “Oo but I can’t contact her since morning. May nangyari kayang masama sa kaniya?” Kumunot ang noo ko. “Ano bang sabi niya?” “Nag-usap kami kahapon na aalis na kami mamaya. Na lalayas siya sa kanila but naputol ang tawag no’ng pumasok siya sa bodega nila. May bodega ba sa bahay nila?” “Hindi ko alam. Hindi ko pa nalilibot ang buong bahay nila kahit nakapasok na ako doon.” “I’m worried, Shawn. Pero sabi naman niya
(FRAGMENT OF HER MEMORIES) ALANA, SPECIAL REDEMPTION OF HER PAST. Tumayo ako ng makita si Shawn na natumba at si Geneva. Alam kong maraming dugo na ang nawala sa akin, pero iyong bata sa sinapupunan ko.. Kailangan ko siyang iligtas. Sinubukan kong maglakad palayo at humanap ng taxi. Ramdam ko na rin ang pananakit ng tiyan ko. Huwag muna, anak… Huwag ka munang lumabas… Taxi… Nasaan na ba ang taxi? Hindi taxi ang una kong nakita pero hinintuan pa rin niya ako. Isang gwapong binatilyo ang lumabas mula sa isang magarang sasakyan. “Anong nangyari sayo?” kinakabahan at takot na takot na tanong niya. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa kaniya. “T-Tulungan mo ‘ko.” Bulong ko. Nanghihina na talaga ako. “Dalhin mo ‘ko sa ******.” Sinabi ko ang address ni Elaine. Hindi siya nagsalita, nagmamadali niya akong ipasok at nagmaneho siya kaagad ng sasakyan. Alam kong anytime, mamamatay na ako. Sa dami ng dugo na nawala sa katawan ko, alam kong hindi na ako magtatagal. Pero itong bata sa sinapupun
SHAWN Hinihingal ako habang nagising mula sa malalim na pagkakatulog. Napatingin ako sa tiyan ko at nakita ang peklat mula bala ng baril sa katawan ko. Napahilamos ako sa mukha ko at umiyak. Umiyak nang umiyak kung kaya lahat ng tao sa bahay ay nagmamadaling pumunta sa kwarto para tignan ako. I remembered everything now. Matapos kong mabaril at madala sa hospital, ang ala-alang iyon ay nagdulot sa akin ng trauma. “Nilooban ang bahay namin. I’m sorry nadamay si Shawn,” mga salitang narinig ko mula sa kampo ni Geneva habang tulala ako at halos hindi makausap. Iyon ang naging palusot nila kung bakit ako may tama ng baril. Lahat ng katulong sa bahay na iyon ay pinatay nila dahil sila ang witness sa nangyari. “Shawn,” tawag ni mommy sa akin. “What happened to you?” tanong niya, nag-aalala. “Ma, I remembered everything. This scar,” itinuro ko ang peklat na natamo ko mula sa pagkakabaril ni tita Geneva. “Natatandaan ko na ang lahat,” sabi ko sa kaniya. Niyakap ako ni mommy habang si
ANDANIA“Axcl, I think mas maganda kung hindi muna ako pupunta doon,” I need to decline dahil kahit pa anong gawin at sabihin niya, asawa pa rin niya si Fatima. Baka mamaya ay sinasabi lang ni Fatima na okay lang siya pero ang totoo ay hindi pa pala siya okay.Nilapit niya ako sa katawan niya. Balot na balot kaming dalawa ng kumot dahil wala kaming suot na kahit na anong saplot.“Okay, baby.. If that’s what you want then I have to respect it.” Sabi niya sa akin at hinaIikan ang noo ko. Gusto niya kasi akong isama kung nasaan sina Wilyn ngayon.Kakauwi lang niya kagabi at mabuti nalang na maayos lang siya. Ayokong mangayayat siya habang magkahiwalay kami.“How was your health? Sumasakit ba ang ulo mo?”Tumango ako. “Madalas ko ng maalala ang mga nakaraan natin dati,” sabi ko sa kaniya. “Kasama na doon iyong batang si Alana. Sa tingin ko, kaya hindi ko siya nabanggit sa’yo ay dahil masiyado pa akong bata no’ng nagkita kami. Hindi ko alam na magkapatid pala talaga kami.”“No wonder,” sa
ANDANIA Kasama ko si Axcl at Sua ngayon. Pumunta kami sa lugar kung nasaan nagtatago sina Fatima. Karga-karga ni Axcl ang anak namin habang binabaybay namin ang daan papunta sa maliit na kubong nakatayo sa gitna ng kagubatan na ito. Nakita kami ni Wilyn. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya kahit na una niya akong nginitian. Paano ako ngingiti sa anak ng pumatay kay ate Alana? Paano ako ngingiti sa kaniya? Pamilya niya ang dahilan kung bakit wala na akong natitirang pamilya ngayon. Muntik pa akong mamatay dahil sa kagagawan nila. Nag-iwas ako nang tingin at binalewala siya para lumapit kay Milan. It's been one month ng maalala ko ang tungkol sa bagay na iyon. It's my first time seeing Milan here. Kaya kami pumunta ni Axcl dito kasama ni Sua ay dahil din sa kaniya at kay Elaine. Nalaman ko rin ang totoong nangyari kay Shawn. Kagaya ko, nagkaroon rin ng trauma si Shawn. Mabuti at pinuntahan niya kami ni Axcl para sabihin ano ang nangyari sa kaniya. Kung bakit wala siyang naa
"I'm happy to meet you, Elaine." Mahinang sabi ko habang nakikipagkamay ako sa matalik na kaibigan ni ate Alana.Alam kong nagkita na kami dati. Pero ngayon ang unang pagkikita namin kung saan ay alam ko na kung sino talaga siya. Imbes na tanggapin niya ang kamay ko, agad niya akong niyakap ay humagolgol ng iyak. Hindi ako agad nakagalaw at nagulat sa biglaang ginawa niya. "Sorry Anda, alam kong hindi ikaw si Alana pero nakikita ko ang ate mo sa'yo. At miss na miss ko na siya ng sobra." Bulong niya sa akin.Dahan-dahang umakyat ang kamay ko para mayakap siya pabalik. Ang init sa pakiramdam na maliban sa akin ay may nagmamahal kay ate.Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo."I'm sorry... I'm sorry dahil sa akin napahamak si ate."Nilayo ako ni Elaine sa kaniya at hinawakan niya ang mukha ko. "Why are you saying that?"Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. "Kilala ko ang ate mo. Oras na marinig niya na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kaniya, malulungkot iyon."Patuloy
ANDANIA Walang emotion habang kaharap ko ngayon si Torya at Geneva. It’s a personal request na ginawa ko kay Shawn at matagumpay niyang nailabas ang dalawang preso sa bilangguan para makausap ko ng sabay. Gusto ko silang makausap ng sabay, buti pinayagan ako. “Anda,” “Huwag mo ‘kong tawagin sa pangalan ko Geneva. Nanggagalaiti ang kamay kong saktan ka.” Natahimik siya at si Torya naman ay masamang nakatingin sa akin. I should have known na ang mga matang iyan na dati ko pang nakikita ay may masama palang intention sa akin. Nagbulag-bulagan ako sa persepsyon na pamilya kami kaya mahal nila ako at dini-disiplina lang kahit wala akong mali na ginagawa. Dapat alam ko noon pa lang na hindi ganiyan ang tingin ng taong totoong nagmamahal sayo. “Nasaan si Wilyn?” tanong nila. Ahh right. Si Wilyn. We let her go, at hindi ko alam saan siya ngayon sumusuot. Delikado pa rin ang buhay niya, hindi nga siya nakulong pero alam niyang oras makita siya ni Bil ay mapapahamak siya. Nakakatuwa na
ANDANIA “Maayos silang nakaalis apo,” saad ni grandpa Bilhem sa akin. Mabuti naman kung ganoon. Mapapanatag na ang kalooban ko na wala na nga si Fatima, ang mama niya at si Conti dito. “Hindi mo ba sila titignan? Mamaya ang alis nila sa barko.” Sabi ni grandpa Bilhem. Umiling ako. Wala na akong plano na tignan o ihatid pa sila. Kung saan man sila makakarating sa buhay na pipiliin nila ngayon ay bahala sila.” Ginawa ko na ang parte ko para matulungan ko sila. “Kung ganoon, sasabihan ko nalang ang tauhan ko na ingatan sila.” “Salamat po grandpa,” tunay na pagpapasalamat ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako. “I’m doing my job, Anda. Isa pa, ngayon na maayos na ang lahat at nagawa ko na ang trabaho ko na inatas sa akin ni Amir, pwede na akong mamahinga.” “Hindi magandang joke iyan, grandpa.” Natawa siya. “Hindi ako nagbibiro. Matanda na rin ako at isa pa, matagal ko na ring plinano na ibigay kay Shawn ang trabahong ito.” Tumingala ako sa kaniya. “Pumayag siya?” “Hindi.” Natawa
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede