FATIMA“What happened to me?” mga bagay na tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang mukha ko sa salamin. Ang putla ko na at halos hindi ko na naalagaan ng maayos ang sarili ko. Bigla nalang akong naiyak at napaupo ako sa sahig.Bumukas ang pintuan at pumasok si Conti. Nang makita niya ako sa sahig ng kwarto ko na umiiyak, agad niya akong dinaluhan at tinulungan na makatayo.“Anong nangyari sayo?” tanong niya at umiling ako kasi wala namang umaway sa akin. Pakiramdam ko lang ay gusto kong umiyak kaya umiyak ako.Niyakap niya ako at hinayaan ko lang siya. Napapagod ako sa mga bagay sa paligid ko lalo’t wala na akong maintindihan.“Conti, hindi pa ba umuuwi si mama?”Malungkot na tumingin si Conti sa akin at umiling. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa binalita niya. Gusto ko na kasing makita si mama. Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Kapag gumigising ako ay sabi ni kuya may binibili lang pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakauwi.Gusto ko ring lumabas pero hindi ako pinapa
FATIMAI became wary of my surroundings. Tinandaan ko ang sinabi ni Conti at tama nga siya. Nag-iba si kuya.Kung noong una ay pakiramdam ko ay normal lang ang lahat, ngayon na may kamalayan na ako sa paligid ko, napagtanto ko na hindi pala normal ang lahat sa paligid ko. Kuya pampers me with his gifts. Nginingitian pa rin niya ako gaya ng dati na para bang walang problema. Kung tinatanong ko kung pwede ko makita si mama, iniiwas niya ang topic at magkukunwaring wala siyang narinig. Isang linggo na ang nakalipas mula ng mapansin ko na may kakaiba. Pero hindi ako nagpahalata. Kuya Bil loves me at pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat bakit kami umabot sa ganito.Sa ilang linggo na inoobserbahan ko si kuya, marami akong natuklasan sa kaniya. Iyong mga tauhan niya, nahuhuli ko minsan na gumagamit ng illegal na droga. Hindi ko alam kung alam ba ni kuya ang pinaggagawa nila o wala siyang alam sa mga bagay-bagay. Hindi na ako nangahas na tumakas kahit na takot na takot na ako at gusto ng u
FATIMA “Fatima, is there something wrong?” tanong ni kuya Bil. Nagkatinginan kami ni Conti bago ako umiling at ngumiti kay kuya. “Kailan mo iuuwi si Axcl sa akin, kuya?” tanong ko. “It’s been a month mula ng ipangako mo siya sa akin.” “Soon princess, I’m still busy with a lot of things.” Sagot niya sa akin at hinaIikan ako sa noo. “Saan ka pupunta?” tanong ko nang makita na mukhang paalis siya. “Work,” tipid na sagot niya. Kahit na alam ko na saan siya pupunta, nagtanong pa rin ako. Hindi siya sa trabaho niya pupunta. Doon sa bar. “Late at this hour? Work?” “You know that it doesn’t matter kung umaga o gabi na ba. Work is work. Go to bed first and sleep early.” Matapos niyang sabihin iyon, umalis na siya. Tumingin ako kay Conti, para akong hiningingal sa kaisipang tatakas na kami ngayong gabi. “I’m gonna check kung ilan ang bantay sa labas,” saad niya. Tumango ako at pinagpatuloy ang paghahalo sa bulalo soup na ginawa ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa isang sle
Hindi ko alam saan kami pupunta ni Axcl. Tahimik lang siya habang nagmamaneho at ako naman ay tumigil na sa pag-iyak.Ilang oras din kaming nasa sasakyan at hindi ko na nga alam saang lugar ang pinuntahan namin. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam anong sasabihin. Parang no'ng nakaraang buwan lang, wala akong ibang gusto makuha kun'di siya lang. Ngayon kasi, gusto ko lang mabalik kami ni kuya sa dati. Kahit wala na si Axcl basta ay makasama ko lang si mama kasama na ni kuya kung maaari. Iniisip ko rin si Conti. Ayokong may mapahamak sa kanila ni kuya Bil. Alam kong hindi papatayin ni Conti si kuya dahil kilala niya ako, pero si kuya hindi ako sigurado.Akala ko mamaya pa kami makakarating sa pupuntahan namin. Nagulat nalang ako ng huminto kami sa isang parang masukal na kagubatan. Namataan ko si Shawn sa may hindi kalayuan at naluha ako ng makita si mama na nasa tabi niya. "Fatima!" sigaw niya.Umiyak ako ng todo at tinakbo ang distansya naming dalawa. Niyakap ko siya at umiyak
SHAWN “How is she, ate?” tanong ni Axcl kay ate Chona. Nasa tabi lang niya ako at nakikinig sa usapan nila over the phone habang nagyoyosi. Nasa loob naman si Wilyn para bantayan si Conti na hanggang ngayon ay nag-aagaw buhay pa rin. Himala na nga na nabuhay pa siya matapos niyang matamaan ng ganoon karaming bala ng baril. Totoo nga marahil ang kasabihang matagal mamatay ang mga masasamang damo. “I’m glad she’s fine,” napatingin ako kay Axcl ng sabihin niya iyon. “Yeah. I can’t go home now. Bil is out of control. Mas mabuting kasama ko si Fatima ngayon ng sa ganoon hindi si Ania ang pagdiskitahan niya. Yes ate, mas maganda pa rin ang magdoble ingat tayo. Dagdagan ko ang security sa inyo.” Tumingin si Axcl sa akin. Napailing ako. Ang lala ng sitwasyon. I’ve known Bil since ikasal si Axcl kay Fatima. Hindi ko aakalain na isa pala siyang psychopath. Never in my life crossed in my mind na ganoon siya ka obsessed sa kapatid niya. Akala ko sa mga psychopath, pumapatay lang si
(FRAGMENT OF HER MEMORIES) ALANA, SPECIAL REDEMPTION OF HER PAST. Inakyat ko ang bakod sa bahay ni ni Anda. Gusto ko na siyang makita at hindi ako papayag na hadlangan nila akong makita siya. Hindi na nga ako nabigyan ng pagkakataon na makasama si mama, tapos iyong nag-iisa ko pang kapatid ay ilalayo pa sa akin. “Anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na trespassing iyan?” napatingin ako sa batang alam kong ka edaran ng kapatid ko. So bata siguro siya sa akin ng mga dalawang taon. “Huwag ka maingay!” Sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya. “You can’t go inside. Magnanakaw ka ba?” “What? Hindi ako magnanakaw. I just want to see my sister!” “Lolo Bilhem, may magnanakaw dito!” Sigaw niya. Agad akong bumaba at kumaripas ng takbo paalis. Hingal na hingal ako nang makabalik ako sa bahay ni Elaine. “Saan ka na naman ba galing?” tanong ni Elaine sa akin. Lumabi ako at uminom ng tubig. “Sinubukan kong puntahan si Andania sa bahay nila pero naabutan ako ng bata na lagi niyang kasama.”
(FRAGMENT OF HER MEMORIES) ALANA, SPECIAL REDEMPTION OF HER PAST. “Ano ba! Anong gusto niyang mangyari ah? Pinatay niyo si lolo!” Sigaw ko sa kanila. Tumahimik ka! “Marami akong pwedeng gawin sa ‘yo. Don’t you know trespassing itong ginagawa mo?” “Trespassing? Paano ako magiging trespassing sa bahay ng lolo ko? Kumpara sa atin dalawa, mas may karapatan ako sa bahay na ito kesa sa inyo!” Nakita ko ang galit sa mukha ni Torya at malakas na hinablot ang buhok ko. Kulang nalang ay matanggal sa anit ko ang buhok kong hila hila niya. Alam ko na ang lahat, na kabit siya at ang anak niyang si Geneva ay hindi anak ni lolo. Kaya nila pinapahirapan ang kapatid ko. “Ikulong mo iyan!” Sabi ni Torya kay Wilson na agad akong hinila papuntang bodega dito sa bahay. “Bakit ka kasi pumunta dito? Sus, ang ganda mo pa naman!” Dinuraan ko si Wilson dahilan kung bakit isang malakas na sampal ang inabot ko sa kaniya. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Namamanhid na ang mukha ko sa dalawang sampal na n
(FRAGMENT OF HER MEMORIES)ALANA, SPECIAL REDEMPTION OF HER PAST.“Kailangan na nating patayin ang batang iyan, Geneva.” Nakapikit lang ako at hindi magawang ibuka ang mga mata para tignan sila.Malaki na ang tiyan ko. Baka nga manganganak na ako ngayong buwan.“Ma, hindi pwede. Buntis siya, madadamay ang bata.”“Wala ka naman sigurong plano buhayin ang bata? Kung ipapanganak niya ang batang iyan, at kahit pa dugo iyan ni Wilson, tangka pa rin ang bata sa yaman ni Amir.”Ang sama nila. Yaman pa rin ni lolo ang iniisip nila. Kung sakali mang maipanganak ko ang anak ko, totoo ang sinasabi nilang isa ang anak ko sa peste sa mata nila para sa yaman na iniwan sa amin ni lolo.“Ma, please… Hintayin muna natin manganak si Alana. Ipapa-adopt natin ang bata. Hinding hindi niya malalaman ang tungkol sa dugong nananalaytay sa kaniya. The child is innocent, mama. Huwag na nating idamay pa ang sanggol.”“Ewan ko sa’yo Geneva. Hindi ko alam kung tanga ka o bobo,” ang sabi ni Torya at umalis.Hindi
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede