Bumigay si Madeline sa isang iglap na parang manika na walang kwerdas, nawalan ng malay. Tila ba dumilim bigla ang kanyang mundo at kinain ng matinding sakit na parang nababalatan siya ang kanyang buong kamalayan. "Hindi!" Nagmadali siyang sumugod sa abo na unti-unting natatangay ng nyebe at ulan. Nagdadalamhating umiyak si Madeline, ang kanyang nanginginig na kamay ay matinding gumagasgas sa sahig habang sinusubukan niyang tipunin ang natitirang abo. Subalit, unti-unting naging pula ang abo mula sa dugo na tumutulo sa kanyang palad, at sumama ito sa ulan at niyebe. Nang ganon lang, ang natatangi niyang pag-asa ay tuluyang naglaho. Miserable siyang umiyak at tumawa, ngunit ang kanyang mapula at basang mata ay tumitig kay Jeremy. Hindi na niya ito makilala. Hindi, hindi niya kailanman ito nakilala. Nagngalit ang kanyang mga ngipin at tumingin siya sa di natitinag na lalaki, napakatulis ng kanyang mga mata. "Jeremy, pagsisisihan mo ito!" Nang makita ang may poot n
Nang marinig ang bawat salitang nagmula sa labi ni Madeline, kumunot ang noo ni Jeremy, biglang nagulo ang tibok ng puso niya. "Jeremy, kapag dk mo pa ako pinatay ngayon. Sisiguraduhin kong papatayin kita at ipaghihiganti ko ang anak ko." Mas matatag na ang malinaw niyang mata gaya ng dati. Walang-pakeng ngumiti si Jeremy. "Maghihintay ako." Tumayo siya nang sinabi niya ito at basta na lang umalis. Matapos panuorin na unti-unting naglalaho ang itim na anino sa kanyang paningin, sa isang iglap ay parang nawalan ng lakas at dugo si Madeline nang lupaypay siyang sumandal sa baul ng kanyang lolo. Muling tumulo ang maiinit na luha ngunit ang puso niya ay namanhid na sa sakit. Subalit, hindi pa ito tapos dahil biglang lumitaw si Meredith. May hawak na kutsilyo si Meredith nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sahig habang hawak ang baul. Lumapit si Meredith kay Madeline at yumuko, lumapit para hilahin ang maikli niyng buhok. "Tsk tsk, sinabi ko na sayo na huwag kang
Nang sabihin iyon ni Madeline, ang mga ekspresyon ng kanyang mga katrabaho, maging si Elizabeth, ay nagbago. Nakatingin sila kay Madeline na parang nakatingin sila sa isang kakaibang bagay. "Itong babaeng to, masyado ka namang marahas!" Mapanghamak na sinabi ng ilang mga babaeng katrabaho niya. "Anong klaseng kamalasan ba ang mayroon si Meredith para makatagpo ng ganitong baliw. Lagi siyang pinag-iinitan nito kahit saan." "Totoo. Di mo lamang inagaw ang kasintahan ng iba, inabala mo pa si Meredith, sinabi mo pa na gusto mo siyang patayin. Ang lala talaga niyan!" "Dapat lumayo tayo sa kanya, para kapag nabaliw siya di niya tayo madamay." Tahimik na nakaupo si Madeline sa kanyang upuan, nakikinig sa mga salitang sinasabi sa kanya. Hindi siya nagsalita at tumayo lamang. Nang makita siyang gumalaw, ang mga babaeng katrabaho niya na kanina pa nagsasabi ng mga katotohanan at kasinungalingan tungkol sa kanya ay nagmadaling tumakbo, sa takot na baka kung ano ang gawin sa kanila n
Nanginginig si Madeline sa hangin at tila ba naninigas ang kanyang dugo. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang tirahan, nag-impake ng ilang damit at araw-araw na pangangailangan, at lumayo buong magdamag. Wala na siyang tapang na harapin ang lalaking ito na mas nakakatakot pa sa demonyo. Hindi siya takot na mamatay, ngunit talagang takot siya sa mga malupit na pamamamaraan na ipinapakita nito. Ayaw niyang makitang muli na pinagmamalupitan nito ang mga taong mahal niya. Pagtingin niya sa sarili niya sa salamin, hinawakan ni Madeline ang malabo at kumikirot na peklat niya at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Jeremy, paano naging ganito ang kinalabasan ng pagmamahal ko sa iyo… …… Nang parating na ang bagong taon, maraming kompanya ang nagsagawa ng annual meeting sa panahong ito. Kahit na nagpumilit si Felipe na si Madeline ang sumama sa kanya sa annual meeting, sa huli ay tumanggi pa rin si Madeline. Pagkatapos ng dinner party, pumunta si Madeline sa isang karaoke bar kasa
Walang-tigil na nanginig ang kamay ni Madeline at ang susi sa kanyang kamay ay nalaglag sa kanyang paa nang maingay. Ang mga sugat sa loob at labas ng kanyang katawan ay tila ba biglang "nagising" sa sandaling ito at hindi mabilang na nakakapunit na sakit ang muling bumalot sa kanyang katawan. Sa sobrang sakit ay nawawala na siya sa ulirat at ang natitirang imahe na lang sa kanyang isipan ay ang pagsira nito sa baul ng abo ng kanyang anak. Namatay ang voice-controlled na ilaw at ang mundo ni Madeline ay tila ba biglang nagdilim. "Madeline, kinakausap kita," narinig ang dominanteng boses ni Jeremy. Kusang nanginig si Madeline. Nang hablutin ni Jeremy ang kanyang braso, mukha siyang isang parkupino na natanggalan ng mga tinik. Pagkatapos na lumayo sa takot, bigla siyang lumuhod, iniuntog ang kanyang ulo sa kagipitan. "Mr. Whitman, kasalanan ko ito! Kasalanan ko ang lahat! Hindi dapat kita minahal at hindi ko dapat ginalit si Meredith!! "Jeremy, alam kong nagkamali ako, pakius
Tumakbo siya sa kanto nang hindi tumatalikod. Isang piraso ng gleysyer ang natunaw sa kanyang puso at itim na malamig na tubig ang bumaha sa mundo niya. Wala na siyang tapang na harapin muli si Jeremy. Nasia na nang tuluyan ng malupit pamamaraan ni Jeremy ang katawan at isip niya at hindi na niya ito kakayanin. Sa sandaling ito, gusto na lamang niyang tumakas. Gusto pa niyang tumakas habambuhay. Biglang bumuhos ang ulan mula sa langit. Tumakbo si Madeline patungo sa tawiran, gustong pumunta sa kaibilang kanto. Isang kotse ang humaharurot sa direksyon niya. Hindi ito pumepreno. Nang maramdaman ang paparating na ilaw ng kotse, biglang huminto si Madeline sa gitna ng tawiran. Nang tignan ang maingay na kalye at pinapanood ang nakalinyang mga street light, bumuhos ang kanyang luha. Kung kaya niya, gusto niya talagang simulan muli ang buhay niya… Pumikit si Madeline at isang malakas na busina ang umingay. Sa sandaling ito, biglang naramdaman ni Madeline and isang malakas a
Gumasgas ang kanto ng talaarawan sa hindi pa gumagaling na sugat sa kanyang mukha at mayroong bugso ng sakit bago muling tumulo ang dugo. Subalit hindi ito napansin ni Jeremy. Dinaanan siya nito at tumama sa payat na katawan ni Madeline ang malapad nitong balikat at sa isang iglap, bumagsak siya sa tabi ng kama. Sa harap niya, ang nakabuklat na talaarawan na nilaglag ni Jeremy. Tumingin pababa si Madeline at nakita niya ang mga salitang isinulat niya. "Jez, sa wakas nakita na kitang muli…" Tinignan ni Madeline ang mga salitang nakasulat sa pahina ng talaarawan at tinawanan niya ang kanyang sarili. Tumatawa nang tumatawa hanggang sa msgsimulang kusang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mata. Tumulo sa dumudugong sugat ang mainit na tubig, kasama ng kurba ng baba, at sa huli humalo sa patak ng dugo, pumatak sa salita sa diary. Jez… Ang dati niyang Jez ay namatay na sa puso niya. Ang mahinhin na sikat ng araw, ang lalaking nagsabi na gusto siyang makasama habambuhay, ay tulu
Lumalabas na ito ay ang asawa ni Eloise, si Sean Montgomery. Nang tignan ang matangkad at matikas nitong likod, nakaramdam si Madeline ng lungkot at pighati sa kanyang puso. Ginusto niya ring magkaroong ng ama, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang ama at ina sa kanyang buhay. "Kumusta ang kalagayan ng nanay mo?" Labis na nag-aalala si Sean sa sitwasyong ito. Umiyak si Meredith, "Hindi ko alam kung anong mayroon. Mukhang may aksidente sa operasyon. Malubhang dumudugo si ina at kasalukuyan siyang inooperahan…" "Ano?" Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sean at tumakbo siya patungo sa operating room. Huminto saglit ang tibok ng puso ni Madeline. Paanong nagkaroon ng aksidente? Pinisil niya ang kanyang daliri sa pag-aalala ngunit narinig niya ang galit na boses ni Meredith na nagsasabing, "Saan biglang nanggaling ang mga taong may RH blood? Isang beses noon tapos ngayon na naman." Walang utang na loob sa tono ni Meredith, ngunit m