May kinang ng pag-asa sa mga mata ni Madeline. Naisip niya na baka may nararamdaman pa para sa kanya ang lalaki. Ngunit tumingin si Jeremy kay Madeline na parang nakakita ito ng hindi niya kilala, o isang kaaway. "Sinusundan mo na naman ako. Sinong nag-utos sa'yo?" Lumalabas na inakala na naman nito na sinusundan na naman niya ito. Alam ni Madeline na wala pang alaala ang lalaki, kaya napagpasyahan niyang pigilan ang kayang damdamin. Tinignan niya ito nang malungkot at nagtanong, "Talaga bang hindi ikaw si Jeremy?" Sinubukang kilalanin ni Jeremy si Madeline sa pamamagitan ng pagtingin sa kanya. Tinitigan nito nang maigi ang malungkot at naluluha nuyang mata. Kumunot ang noo ni Madeline nang itaas niya ang kanyang kamay, habang dumadapo ang bilugan niyang daliri sa pisngi ng lalaki. Nahawakan lang niya ito nang bahagya nang hawakan ni Jeremy nang mahigpit ang kamay niya. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya, habang napakalamig ng tono at mukha niya. Mukhang nasasaktan si
Nang marinig ni Lana ang sinabi niya, huminto siya sa paninigarilyo nang lumubog ang mukha niya. Nang makita niya si Madeline na naglalakad patungo sa pinto nang walang alinlangan, kaagad siyang tumalikod. "Hans, wag mo siyang hayaang umalis." Kakapunta lang ni Madeline sa hallway nang bigla siyang hilahin ni Jeremy. Itinaas niya ang tingin niya at nakita niya ang walang pusong titig ng lalaki. "Humingi ka ng tawad sa kanya." Palautos ang tono niya at magaspang ang kanyang pag-uugali. Mayroong sakit sa puso ni Madeline, at mula sa paningin niya, nakita niya ang mga masamang ngiti ni Lana at Naomi na pinapanood ang nangyayari. Makalipas ang ilang segundo, nginitian ni Madeline ang lalaking hinahawakan siya nang mahigpit at sinabi nang marahan, "Dahil gusto ni Mr. Zimmerman na humingi ako ng tawad, edi gagawin ko." Gustong makita ni Lana at Naomi na magmukhang miserable si Madeline, ngunit ang eksena sa harapan nila ay salungat na salungat sa inakala nilang mangyayari. Ti
Nang marinig niyang tinawag siya nitong Linnie, para itong isang magandang tunog na dumapo sa puso ni Madeline. Tumingin siya sa taas sa gulat at nakitang nakangiti sa kanya si Jeremy. "Wag kang magpapahuli." Pinaalala niya ulit, habang lalong maamong pakinggan ang tono niya. Pakiramdam ni Madeline na namamalikmata na naman siya, pero totoong-totoo ang ngiti ni Jeremy. Nang mahimasmasan siya, nakalayo na si Jeremy. "Eveline, anong nangyayari?" Nagulat si Eloise. "Anong sinabi niya sa'yo kanina lang?" "Pupunta ako sa April Hill mamayang gabi," Bulong ni Madeline at tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Jeremy. Nagkaroon ng mga hinala sa puso niya. 'Linnie.' Nang maalala ni Madeline kung gaano kalambing nitong timawag ang pangalan niya kanina, muling kumislap ang mga mata niya nang may pag-asa. 'Jeremy, naaalala mo na ba ako, o hindi mo talaga ako nakalimutan?' Nang may pagdududa sa kanyang puso, nakiusap si Madeline kay Ken na dalhin siya sa April Hill. Ma
"Gusto kitang maramdaman nang higit pa sa kagustuhan kong maramdaman ang bata." "Ano?" Hindi maintindihan ni Madeline, ngunit kasunod nito, hinawakan ni Jeremy ang mukha niya. Napainit ng palad nito ang pisngi niya. Bago pa makakibo si Madeline, bigla siyang hinalikan ng lalaki sa harapan niya. Napapansin niyang may kakaiba, pero unti-unting naalis ng malalambing na halik ng lalaki ang kakayahan niyang mag-isip nang diretso. Idinilat ni Jeremy nang bahagya ang mga mata nito at tinignan si Madeline na nakapikit ang mga mata. Nalunod siya sa halik nito. Siya rin ay dahan-dahang ipinikit ang kanyang mata… Hindi alam ni Madeline kung ilang minuto na ang lumipas nang pakawalan siya ni Jeremy. Hiningal siya, habang umiinit nang sobra ang pisngi niya. Kasal sila at may tatlong anak, pero laging walang kibo si Madeline. Pinakalma niya ang nagwawalang tibok ng puso niya at magsasalita na nang marinig niyang walang bahalang sinabi ni Jeremy, "Uuwi na ako." "Babalik ka ba ka
Nang makita ni Winston na inaamin ito ni Madeline, tinignan niya ito nang gulat. Lalong nairita si Karen. "Eveline, di ka ba nahihiya sa sarili mo? Saglit pa lang mula noong yumao si Jeremy at nakahanap ka na agad ng bagong pag-ibig? Paano mo nagagawang maging imoral at gumawa ng ganitong bagay kasama ang ibang lalaki? Ikaw一" "Pwede bang makinig ka sa akin?" Sumingit si Madeline kay Karen at sinabi, "Tignan mo nang maigi at makikita mo na ang lalaki sa larawan ay si Jeremy. Buhay pa siya." "Ano?!" "Ano?!" Biglang napatayo si Winston, kasinggulat ni Karen. "Di mo ba nakikilala si Jeremy mula sa likod niya?" Iniabot ni Madeline ang larawan. Kahit na likod lang niya ito, noon pang natutukoy ni Madeline na siya ito. Nang tignan ito ni Karen, nilukot niya ang larawan at ibinato ito sa paanan ni Madeline. "Tingin mo ba porket nakakuha ka ng lalaking pareho ng sukat ni Jeremy hahayaan kitang makalusot nang madali? Sinabi mo si Jeremy ito diba? Sige, kung mapapapunta mo dito si
Bumaba siya ng kotse at naglakad patungo sa pasukan ng kindergarten. Napansin niya na ilang mga magulang ang nagbubulungan at tinuturo siya. Hindi pinansin ni Madeline ang mga usap-usapan at tinitigang maigi ang pinto. Matagal bago lumitaw ang maliit na mukha bi Lilian. "Lilian, nasaan ang kapatid mo?" Tanong ni Madeline at tumingin siya sa likod nito. Ikinurap ni Lilian ang malalaki niyang mata. "Sinabi ni Jack na gusto niyang pumunta sa banyo pero ang tagal na at di pa siya bumabalik." Lumubog ang puso ni Madeline nang marinig niya ito. Kaagad niyang naisip si Lana. Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng isang tawag mula kay Lana. "Eveline, nag-aalala ka ba kasi di mo mahanap ang anak mo?" "Saan mo dinala ang anak ko Lana?!" Nang marinig ni Lana kung gaanong nag-aalala si Madeline, tumawa lang siya at ibinaba ang linya. Naisip ni Madeline na siguro minaliit niya ang kasamaan ni Lana. Inakala niya na sisirain lang ni Lana ang reputasyon niya, pero hindi niya inasahan
Nang makita ni Jeremy si Karen na gulat na gulat, naisip niya na akala sigurl ni Karen siya ang lalaking nagngangalang Jeremy. Nang makita ni Karen na ligtas si Jeremy, namula ang mata niya. Kahit anong mangyari, sariling anak niya ito. "Jeremy! Jeremy, ikaw talaga yan! Lumalabas na buhay ka pa pala!" Naging emosyonal si Karen at tumakbo patungo kay Jeremy. Nagmamadaling hinila ni Madeline si Karen. "Pakiusap, umalis ka na dito." Sinubukan niya itong kumbinsihin, pero ihinawi lang ni Karen ang kamay ni Madeline sa inis. "Eveline, anong ginagawa mo? Buhay pa si Jeremy, bakit mo siya tinatago dito? At bakit mo ako pinagbabawalang makita ang anak ko?!" Hindi alam ni Madeline kung paano magpapaliwanag kay Karen. Noon pang hindi makatwiran si Karen at hindi pa rin siya nagbabago. Naubusan ng pasensya si Jeremy sa nangyayari at galit na nagpatuloy, "Dahil gusto niyang pumunta, edi pumunta siya." Nang marinig ito ni Karen, sumugod siya sa tabi ni Jeremy. "Jeremy, Jeremy, tignan
Natakot nang sobra si Karen na dalian niyang hinarangan ang mukha niya gamit ng kamay niya, at sumayad ang talim sa likod ng kamay niya at dumugo ang hiwa nito. "Ah!" Napasigaw sa sakit si Karen. Nabigla siya sa mga mabangis na pamamaraan ni Lana. "Ikaw, ikaw一" "Hmph." Suminghal si Lana at tumingin kay Madeline. "Eveline, ano sa tingin mo? Ayaw mo sa mother-in-law mo diba? Tutulungan kitang turuan siya ng leksyon. Di ka ba natutuwa?" Tinignan ni Karen ang dumudugong sugat. Nang marinig niya ang mga salitang iyon, ibinuhos niya ang galit niya kay Madeline. "Kagagawan mo ba ito Eveline? Malinaw na puntirya ka ng babaeng ito. Nagkaganito lang si Jeremy dahil sa'yo! Nasaktan ako ngayon dahil sa'yo! Malas ka!" "Tsk, tsk, tsk. Nakakairita naman ang bungangang yan." Ihinawi ni Lana nang naiinip ang kutsilyong hawak niya. "Eveline, dahil sobrang nakakairita siya, hayaan mong tulungan kitang patahimikin siya habang buhay." Nang marinig ito ni Karen, kaagad na namutla ang mukha niya sa