Nang bumangga ito, nabasag ang mga bintana ng kotse nang lumabas ang usok mula sa harapan ng kotse. Ang mga gulong ay kumakaskas pa rin sa aspaltong kalsada at bumukas ang airbag sa sandaling bumangga ang kotse. Sa sandaling ito, lalong hinigpitan ni Jeremy ang yakap niya at ibinuhos niya ang lahat para protektahan si Madeline. Nang marinig ang mahihina at nasasaktang sigaw ni Madeline, wala nang pake si Jeremy sa kanyang mga sugat nang itaas niya ang kanyang mata nang nag-aalala para tignan ang kalagayan ni Madeline. Ngunit sa sandaling ito, nakita niyang magkasalubong ang kilay ni Madeline at maputla ang mukha nito. Ang lalong nagpabagabag sa kanya ay nakalaylay ang ulo ni Madeline habang nakapikit ang mga mata niya. Nagblangko saglit ang isip ni Jeremy, pakiramdam niya na nahulog sa kawalan ang puso niya. Nanlaki ang mga mata niya nang ang kanyang madugong kamay, na nahiwaan ng mga bubog ng bintana ng kotse ay hinawakan ang maputlang mukha ni Madeline. "Linnie? Linnie!"
Si Eloise at Sean na di pa nakakaalis ng ospital ay halos mapaluhod nang manghina ang kanilang binti nang malaman nila na naaksidente si Madeline at Jeremy. Sumugod sila sa emergency room at nakita si Jeremy na naghihintay sa labas. Nakaupo siya nang hindi kumikibo sa upuan habang tumutulo ang dugo mula sa kamay niya. Ang buong pagkatao niya ay mukhang naninigas, at ang katawan niya ay naglabas ng isang malamig at malungkot na hangin. Ang lumapit sa kanya ay para kang tinataga ng matatalim na yelo sa katawan niya. Naaalala pa rin ni Eloise ang nangyari noong nakaraang tatlong taon noong isugod si Madeline sa operating table, ganito din si Jeremy, natatakot nang sobra. Mukhang naunawaan ni Eloise sa sandaling ito kung bakit nakakapagtakang galit sa kanilang dalawa ni Meredith si Jeremy noon. Dahil ito sa natatakot siyang baka may mangyaring masama kay Madeline. Ngayon, kinabahan din si Eloise. Ayaw talaga niyang maulit ang nangyari noong nakaraang tatlong taon. Nang makita a
Tinignan ni doktor si Jeremy na mukhang nababahala at dinamayan ito. "Sir, di mo kailangang mag-alala masyado. Walang malaking panganib sa asawa mo at wala ring mga gasgas at pasa sa katawan niya, pero ang mga sugat sa kamay mo ay mas seryoso kaysa sa kanya." Di man lang tumingin si Jeremy sa dumudugo niyang palad. "Ang akin ay isa lamang sugat. Gusto kong malaman ang kalagayan ng asawa ko. Kung ayos lang siya, bakit siya nawalan ng malay? Kumusta na siya? Gusto kong pumasok para makita siya!" Nang magsalita siya, susugod na siya papasok ng emergency room. Noong nakaraang tatlong taon, pumasok si Madeline sa emergency room sa katulad na paraan at di na nakalabas. Ang pangyayari noong araw na yun ay nag-iwan ng matinding sugat at trauma sa puso niya. Natatakot siya na mauulit ang pangyayari noong araw na yun at di na makakalabas si Madeline pagpasok niya ng kwarto. Hindi na niya kakayanin ulit ang sakit. Nang makita ito ng mga doktor at nars, kaagad nilang hinawakan si Jer
Nang naiinis dahil malambing na nakatitig si Felipe kay Madeline, naglakad palapit si Jeremy at hinarangan ang titig ni Felipe. "Tara sa labas, may sasabihin ako sa'yo." Ngumiti si Felipe nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Tapos lumingon siya at sinundan ito palabas. Sa dulo ng pasilyo, tapatang sinabi ni Jeremy sa kanya, "Felipe, maaaring maloloko mo si Linnie, pero di mo ako maloloko. Ginagamit mo si Linnie para makuha ang pakay mo." Tahimik na nakinig si Felipe nang di nakikipagtalo. Sa halip ay ngumiti siya at sinabi, "Tama, ginagamit ko si Vera. Kung di dahil kay Vera, magiging napakahirap para sa akin na makuha ang Whitman Corporation at Whitman Manor nang ganito kabilis." Pagkatapos pakinggan ang walang pagsisising sagot nito, itinupi ni Jeremy ang kanyang daliri at nagsimulang tumunog ang kamao niya. "Felipe, talagang naoakasama mo" "Napakasama?" Tumawa si Felipe nang dumaloy ang kayabangan mula sa mata niya. "Diba masama ka rin? Sinaktan mo si Vera hanggang
Nabigla ang lahat ng nasa ward sa tanong na ito. "Eveline, ako ang nanay mo." Tinuro ni Eloise ang sarili niya habang natataranta. Tumutulo na ang luha sa mga mata niya. Mahirap para kay Jeremy na paniwalaan ito. Mas naging di kapani-paniwala ito nang makita niya na mukhang naguguluhan at nag-iingat ang taong nasa harap niya. Paano nangyari ito? Paano nangyari ang ganitong bagay? Ang babaeng minahal siya nang sobra, na minahal at kinamuhian siya ay talagang nakalimutan siya? Pagkatapos magulat, saglit lang na naayos ni Felipe ang pagtataka niya. Pagkatapos ay ngumiti siya at lumapit kay Madeline. "Vera, wag kang mag-alala. Kahit anong mangyari, nasa tabi mo ako. Patignan lang muna natin sa doktor ang kalagayan mo." Pagkatapos pakinggan nang maigi ang mga salita ni Felipe, hinayaan ni Madeline ang doktor na suriin siya. Ayaw talagang paniwalaan ni Jeremy ang nangyayari sa harap niya. Hindi siya kilala ni Madeline pati si Eloise, pero naaalala niya nang malinaw si Felip
Nang maglakad si Madeline palapit sa kanya, magalang lang na ngumiti ito. "Hello Mr. Whitman. Ako ang fianceé ni Felipe, si Vera." Dinurog ng pagpapakilala niya ang puso ni Jeremy, pero ngumiti nang matagumpay dito si Felipe. Pinilit ni Jeremy na kumalma, pero sa huli, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at bigla niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. "Linnie, di ako si Mr. Whitman. Ako ang asawa mo!" Pwersahang hinila palayo ni Madeline ang kanyang kamay nang marinig niya ang mga salitang ito. Tinignan niya ito nang masama. "Mr. Whitman, respetuhin mo naman ako. Ako ang future aunt mo." Hiss. Dumaan sa tainga ni Jeremy ang mga pamilyar na salitang ito at lalong nasaktan ang bugbog niyang puso. Napuno ng dugo ang puso niya nang mahirapan siyang huminga dahil parang pinupunit ang puso niya. "Jeremy, wag kang magbiro nang ganyan. Magagalit si Vera." Lumapit si Felipe at nagbigay ng seryosong paalala. Nakatagpo ni mata niya ang masamang tingin ni Jeremy at lalong luma
Nang marinig ang mga salitang ito, di mapigilan ni Madeline na kumunot ang noo. Itutulak na niya ang pinto nang biglang may humawak sa kamay niya. Lumingon si Madeline at nakita ang malambing na ngiti ni Felipe. "Tapos na ang proseso. Tara na." Hinawakan niya ito sa kamay at aalis na nang hawakan siya ni Madeline. "Felipe, may babae sa loob na inaapi ang isang matanda." "Di tayo dapat manigaalam sa problema ng ibang tao." Kumunot ang noo ni Felipe na parang nababahala siya, ngunit ang kanyang titig ay malambing. "Atsaka, di natin alam kung ano talaga ang nangyayari. Tara na." Tinignan ulit ni Madeline ang ward. Ang galit na mukha ni Yvonne at ang miserableng taong nasa wheelchair ay nagpabagabag sa kanya. Sinundan ni Karen si Madeline hanggang sa elevator, ngunit bago pa siya makapaglabas ng galit, sumara ant pinto sa harap niya. Nagmura siya sa galit at nang tatalikod na siya, bumukas ang pinto ng elevator sa gilid. Si Jeremy, na kakabalik lang mula sa police station,
Matapos malaman na nakalabas na si Madeline sa ospital kasama ni Felipe, kahit na medyo kinakabahan si Eloise at Sean, di sila masyadong natataranta. Kahit na di nila kilala si Felipe, sigurado silang di sasaktan ni Felipe si Madeline. … Sa kabilang banda, kaagad na dinala ni Felipe pabalik si Madeline sa dati nilang apartment. Malinaw na alam ni Madeline ang apartment na ito. Pumunta siya nang kusa sa kwarto tapos nagpalit siya ng damit pambahay. Pinanood siya ni Felipe nang maigi mula sa isang tabi. Kahit na pakiramdam niyang bihira ang magkaroon ng amnesia, ang gawi ni Madeline ay mukhang nagpapakita na talagang nawalan siya ng bahagi ng alaala niya. Ang mga alaalang ito ay puro may kinalaman kay Jeremy. Tuluyan na niyang nakalimutan si Jeremy. Kahit pagmamahal o hinanakit man ito, hindi niya ito maalala. Para kay Felipe, mabuting bagay ito. Nang makitang biglang inimpake ni Madeline ang kanyang damit, lumapit si Felipe nang nagdududa. "Vera, anong ginagawa mo?"