"Nakakatawa. Malinaw mong sinabi kanina lang na ipaghihiganti mo ang anak mo, pero ngayon di mo man lang kinikilala ang anak mong ito." "..." "Kahit na natamasa ni Brittany buhay ng isang anak-mayaman, nakakaawa ralaga siya na magkaroon ng isang nanay na tulad mo. Kahit hanggang sa araw na namatay si Brittany, hindi niya talaga kailanman natawag na 'Mom' ang tunay niyang ina. Kahit ngayong patay na siya, di pa rin siya mamatay nang payapa. At pagsisisihan mo ito buong buhay mo." "Ikaw, manahimik ka! Manahimik ka na lang! Wag kang magsasalita!" Nawalan na naman ng kontrol si Diana sa kanyang emosyon. Tumayo siya at gustong sampalin si Madeline. Galit na inabot at hinawakan ni Jeremy ang braso nito at itinulak ito palayo. Bumagsak si Diana sa sahig. "Kapag naglakas-loob ka ulit na saktan si Vera, sisirain ko ang libingan ni Brittany!" Ano?! Nanginig sa takot si Diana. Gumapang siya patungo kay Jeremy at lumuhod sa paanan nito, nagmamakaawa habang namumutla ang mukha. "M
Kaagad na natulala si Diana matapos marinig ang sagot na ito. Umiling siya at mukhang di makapaniwala. Di niya ito matanggap. "Paano nangyari yun? Imposible! Paanong naging ang anak ni Madam ang p*tang yun? Di siya karapat-dapat. Di siya karapat-dapat na matawag na young lady ng Montgomery. Isa lang siyang p*ta-" "Tumahimik ka!" Nagwala si Eloise. "Sino ka para murahin nang ganyan ang anak ko? Kung di karapat-dapat ang anak ko, ikaw, karapat-dapat ka ba? Ginawa mo ang lahat ng mga kasamaan at kawalanghiyaan na ito na masahol pa sa pinakamasahol, at may kapal ka pa ng mukha na laitin ang anak ko? Diana, wala kang konsensya. Sadyang di ka karapat-dapat na maging tao!" Galit siyang sinabihan ni Eloise. Nang maisip ang paghihirap na dinanas ni Madeline noong panahong nagkapalit sila, sumakit nang sobra ang puso ni Eloise. "Eloise, anong problema?" Nang makita na parang hihimatayin na si Eloise, kabado siyang hinawakan ni Sean. Lumuha si Eloise at itinaas ang kanyang kamay para ha
"Eveline…" Gumalaw ang labi ni Eloise nang ibulong niya ang pangalang ito. Medyo nabigla si Madeline, sa pagkakaalam na ito ang tunay niyang pangalan. "Nanghihingi ng tawad ang si Mom at Dad. Pasensya na talaga. Malinaw na nagpakita ka sa amin noon, pero bulag kami. Sinaktan at minaltrato ka namin nang paulit-ulit para sa masamang babaeng si Meredith… "Alam kong imposibleng makabawi kami sa'yo sa buong buhay namin. Kapag may kasunod pang buhay, sisiguraduhin kong babawi ako sa mga masamang bagay na nagawa ko sa'yo…" Inabot niya ang kanyang kamay nang luhaan ang kanyang mukha at biglang niyakap si Madeline. "Eveline, aking Eveline…" Mahina niyang tinawag habang nanginginig ang kanyang boses. Tila ba natulala siya, pero nang tignan ang mukha ni Madeline, talagang mahirap na di matulala, lalo na sa pagdadalamhati na nararanasan niya ngayon. Tahimik na hinayaan ni Madeline si Eloise na yakapin siya nang mahigpit, at nagsimulang mabasa ang kanyang kalmadong mata… Ito sigur
Nang lumingin si Madeline at nakita ang lalaking nakatayo nang di kalayuan, napagtanto niya na kusa siyang sumagot sa pagtawag nito sa kanya ng 'Maddie' ngayon lang. Nang makita ang di mawaring tingin ni Jeremy, kalmadong ngumiti si Madeline. "Maddie? Wag mong sabihing katulad ka rin ni Mrs. Montgomery, di makalimot sa palabas kanina at tinuturing pa din akong bilang Madeline?" Pinalabas ng tono niya na nagbibiro siya. Tapos naglakad siya palapit kay Jeremy nang nakangiti. "Pero tingin ko di mo tatawagin nang napakalambing si Madeline. Kahit anong mangyari siya ang babaeng kinamumuhian mo diba?" Bahagyang ngumiti di Madeline. Dumaan siya kay Jeremy at pinulot ang isang magasin. Tapos, umupo siya sa kama at nagsalita, "Di ito inaasahan. Lumalabas na si Madeline pala talaga ang tunay na anak ni Mrs. Montgomery. Higit pa rito, pinalitan siya ng isang tigasilbi sa pamilya sa sandaling ipanganak siya. "Sayang at patay na si Madeline. Huli na lumabas ang katotohanan." Tahimik n
Biglang tumawag si Felipe at pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili bago sagutin ang tawag. Nakakaakit pakinggan ang boses ng lalaking ito sa kanyang tainga. "Ayos ka lang ba? Nakita mo ba ang video?" Mukhang may malinaw na nauunawaan si Madeline. "Kakatapos ko lang itong panoorin. Salamat sa pag-aalala mo. Ayos lang ako." "Mukhang mahal ka talaga nila. Sadyang bulag lang sila noon." Paliwanag ni Felipe para kay Eloise at Sean. "Mahal…" Ngumiti si Madeline habang binubulong salitang ito, biglang kakaiba ang naramdaman niya. "Felipe, pupunta ako sa kung nasaan ka ngayon. Pag-usapan natin ang tungkol sa plano." Pagkatapos ibaba ang linya, nagmadaling pumunta si Madeline sa isang villa sa labas ng siyudad kung nasaan nakatira si Felipe ngayon. Pagdating ni Madeline, nagdala si Felipe ng black tea na tinimpla niya. Tinignan niya ang babaeng nasa harap niya nang nakangiti at malalambing ang mata. "Gusto ko talagang tapusin ito nang mas maaga. Naiisip ko ka bawat gabi kasama mo
"Tumingin ka dito." May tinuro si Eloise sa di kalayuan, at biglang nalungkot ang mata niya. "Patay na ang anak ko at alam kong di ako makakabawi sa pagisising ito sa buong buhay ko. Sa ganitong paraan ko lang maiibsan ang pagsisising ito." "Alam naming napakamakasarili ng hiling na ito at medyo malaki. Kung ayaw mo, Ms. Vera, di namin ito ipipilit." Malumanay ang tono ni Sean habang ang mata niya ay puno ng pagmamakaawa. Tinignan ni Madeline ang photo studio sa di kalayuan at ngumiti. Lumalabas na gusto nilang hiramin ang mukha niya para sa isang family portrait. Tama si Felipe. Minsan ang isang patawad ay hindi taos-pusong sinasabi. Gusto lang nila na gumaan ang pakiramdam nila, wala nang iba. Magiging masaya na sila kapag nakuha nila ang family portrait, pero paano naman siya? Tumawa si Madeline. Ipinikit niya ang kanyang mata at nakikita pa rin niya nang malinaw ang mga eksenang ang sama ng trato sa kanya ni Eloise at Sean noon. Tingin na niya sapat na ang naibigay ni
Nagmadali ding sumugod si Eloise at ang mga mata niya ay puno ng pagkabahala. "Ms. Vera, bakit ka biglang tumakbo sa kalsada? Delikado yun! Ayos ka lang ba?" Nang marinig ito, nahimasmasan na siya nang tuluyan. Umiling siya at sinabi, "May iniisip ako kanina. Salamat, aalis na ako." Pakiramdam ni Eloise at Sean na parang kakaiba ang inaasal ni Madeline at medyo nag-alala sila, pero kaagad na nakasakay ng taxi si Madeline sa may tabi ng kalsada. Bumaba siya ng kotse nang makarating siya sa gusali ng Whitmab Corporation. Habang nasa daan, kanina pa iniisip ni Madeline ang narinig niya kanina. Di kaya? 'Siguradong walang kinalaman sa akin ang libingang ipinakita sa akin ni Jeremy nitong nakaraan. 'Ayaw na ayaw niya sa akin. Bakit niya ako gagawan ng libingan, at mababaliw pa siya sa kakahanap ng abo ko?' Tahimik na inisip ni Madeline habang naglalakad siya patungo sa pinto. Sa sandaling papasok na siya, isang malakas na amoy ng pabango ang bigla niyang naamoy. Tapos tinamaan
Arogante niyang tinuro si Madeline pagkatapos itong sabihin. Ngunit sa sandaling iabot niya ang kanyang kamay, walang pake siyang dinaanan ni Jeremy at sa halip ay dumiretso ito kay Madeline. "Cousin Jeremy?" Tinitigan ni Yvonne Yalemen si Jeremy na di man lang siya tinignan. Tinignan ni Jeremy ang kape na natapon sa sahig at nag-aalalang tinignan si Madeline. "Ayos ka lang ba? Napaso ka ba?" Ngumiti si Madeline. "Di naman ito masyadong mainit, pero…" Huminto siya at tinignan ang babae na medo nagbago ang mukha. "Nabangga ako ng babaeng ito nang dalawang beses. Medyo masakit ang balikat ko." "..." Siguro hindi inasahan ni Yvonne na sasabihin ito ni Madeline kay Jeremy. Nagmukha siyang nahihiya at sumagot, "Cousin Jeremy, di ko siya nabangga. Siya ang nakabangga sa akin!" Habang sinasabi ito, galit niyang tinitigan si Madeline. "Gusto kong isalba ang dignidad mo sa harap ng pinsan ko pero mukhang ayaw mo na talagang magtrabaho dito. Cousin Jeremy, sisantehin mo dapat siya