Pakiramdam tuloy ni Fabian ay ang eksenang nasa harapan niya ay parang isang panaginip. Naglakad siya ng paisa-isang hakabang, at ang eksena ay lalong naging totoo. Ang sigla ng dalaga na lumulundag at winawasiwas ang kanyang raketa ay malinaw sa kanyang paningin. Samantala, ang likod ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Kasabay nito, ang lalake na nakikipaglaro ng badminton sa dalaga ay nakita si Fabian. Ito ay ang matandang butler ng villa. Nang makita nito si Fabian, kaagad itong huminto at magalang na binati si Fabian. “Sir, nakabalik na pala po kayo.”Nang marinig ito, kaagad na huminto ang babae. Sa sumunod na segundo, lumingon ang dalaga at masayang tumingin sa kanya. Sa isang iglap, naramdaman ni Fabian na ang liwanag ng palubog na araw ay kuminam sa kanya. Ang masigla at batang ngiti ng dalaga ay parang isang ipinintang larawan. Ang maselan at maliliit na tampok ng mukha sa matambok na tabas ng kanyang hugis-itlog na mukha ay t
Nabigla si Fabian, pero kusa pa rin niyang binuka ang bibig niya. Matamis na ngumiti ang babae sa harapan niya, nilagay ang prutas sa bibig ni Fabian, at pagkatapos ay masayang naglakad para hawakan ang buong plato ng mga prutas bago ito masayang kinain. Habang masayang tinignan ni Fabian ang eksena sa harapan niya, naguguluhan pa rin siya. Tinaas niya ang kamay niya at tinapik ang mukha niya. Natutulog ba siya? Gayunpaman, sumakit ang mukha niya. Paano siya nakatulog at umuwi nang ganito? "Fab, ang tamis ng pomelo na'to. Ano sa tingin mo?" Narinig niya ang matamis na boses ni Lillian. Nahimasmasan si Fabian at naglakad papalapit kay Lillian. "Lily?" nagtataka niyang tanong, ngunit ang labing na naramdaman niya nang papalapit siya ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam na si Lillian nga talaga ito. Tinaas ni Lillian ang kanyang magagandang mga mata at kumurap. "Anong problema, Fab?" "Lily, ikaw ba talaga si Lily?" "Syempre ako si Lily." Nagtatakang tinignan ni Lillian
“Fab…”"Ano to? Binigay ba to sa'yo ng lalaki mong kaklase?" Tanong ni Fabian, kalmado at malumanay ang tono niya, ngunit hindi na niya maitago ang inis sa kanyang mga mata. Hindi nagtangkang magsinungaling si Lillian kay Fabian. Bahagya siyang tumango na parang isang batang may nagawang mali. Sa sandaling tumango si Lillian, biglang bumagsak ang puso ni Fabian. Tinitigan niya ang magandang mukha sa harapan niya at bigla siyang may napansin. Lumaki na ang munting Lily mula sa taong iyon, kaya ibig sabihin nito ay matanda na rin siya. Naaalala pa niya noong unang beses niyang nakilala si Lillian. Limang taong gulang pa lang ang bata habang siya ay isang labimpitong taong gulang na binata. Labing-walong taong gulang na si Lillian ngayon at nasa masigla at masayahing edad. Samantala, isa na siyang matandang lalaki. Marahang nilapag ni Fabian ang love letter na hawak niya at dahan-dahang tumayo para pumunta sa hagdan. Tinitigan ni Lillian ang malungkot na likod ni Fabian s
"Iinumin ko to. Gawin mo na ang homework mo." "Gagawin ko ang homework ko, pero may gusto muna akong sabihin sa'yo." Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Lillian. Nilapag ni Fabian ang baso at bumilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siya na marinig si Lillian na magsabi ng bagay na hindi niya gustong marinig. "Anong gusto mong sabihin sa'kin?" "Tungkol ito sa love letter." Dumiretso sa usapan si Lillian. Napatalon na naman ang puso ni Fabian. "Anong gusto mong sabihin?" Kumunot ang noo ni Lillian habang diretsong nakatitig ang kanyang mala-salaming mga mata kay Fabian. "Fab, naaalala ko pa rin ang sinabi mo. Sinabi mo na hindi ako pwedeng umibig nang maaga at kailangan kong mag-aral nang maayos. Naaalala ko yun lahat." Nabigla si Fabian nang marinig niya iyon. Hindi niya maalalang sinabi niya iyon sa kanya. "Fab, ginawa ko ang lahat ng iyon, pero matanda na ako ngayon." Nang marinig niya ito, para bang alam na ni Fabian ang susunod na sasabihin ni Lillian.
Dumating si Fabian sa gate ng kindergarten sa tamang oras at mabilis na sinundo si Lillian. Malinaw niya pa ring nararamdaman ang mapagmahal na tingin sa kanya ni Julie, pero magalang lang siyang ngumiti at tumalikod habang karga-karga si Lillian. Maingat niyang nilagay ang seat belt kay Lillian at tinapik ang ulo ng bata nang may malumanay na ngiti. Napakabata pa ng maliit na mukha sa kanyang harapan at napakainosente pa ng kanyang kaaya-ayang ngiti. Huminto si Fabian sa kanyang paglalakad. Hindi niya mapigilang maalala ang panaginip niya kanina. Sa panaginip niyang iyon, malaki na si Lillian at naging isang matangkad at eleganteng dalaga. Kaya niyang magsalita at naging napakamasayahin at napakasigla. Ang pinakapinagpapasalamat ni Fabian ay sa panahong lumaki si Lillian mula sa pagkabata hanggang sa pagdadalaga, nakatira siya sa iisang bahay kasama niya. Ligtas at malusog siyang lumaki sa ilalim ng pag-aalaga niya. Siguro dahil matagal siyang natulala, nakaramdam si F
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u