Sa loob ng coffee shop. Magkaharap na naupo sina Madeline at Esther. Dinampot ni Esther ang mainit na kape na kakahain lang sa kanya, ininom ito, at naunang nagsalita. "Mrs. Whitman, may tatlo lang anak, tama? Narinig ko na pinahirapan ng isang babaeng miyembro ng gang ang nag-iisa mong anak na babae hanggang sa hindi na siya makapagsalita. Pipe pa rin siya hanggang ngayon. Totoo kaya yon?" Medyo nailang si Madeline sa biglaang pagkabanggit kay Lily na sa sobrang takot kay Lana ay nawalan ng tapang na magsalita. Gayunpaman, kalmado niya pa ring tinaas ang kanyang tingin at bahagyang binuksan ang kanyang bibig. "Mrs. Mendez, pwede mong sabihin ang gusto mong sabihin. Nakarating na tayo sa puntong ito at may mga bagay na naiintindihan na kahit hindi ito pag-usapan. Hindi mo na kailangang magpaligoy-ligoy pa." Bahagyang ngumiti ang mapupulang labi ni Esther. "Hindi ko pa rin maintindihan kung anong ibig mong sabihin nang sinabi mo ang mga salitang iyan. Gusto ko lang malaman k
Pagkatapos marinig ito, malapit nang sumabog sa galit si Esther. "Ikaw… Eveline, sinusumpa mo ba ang anak ko?" "Hindi ko siya sinusumpa; sinasabi ko lang ang totoo." Isang matingkad na ilaw ang unti-unting kuminang sa mga mata ni Madeline. Mas matanda ka kaysa sa'kin kaya imposibleng hindi mo naiintindihan ang mga bagay na'to. Bilang isang ina, ikaw dapat ang magtuturo ng magandang asal sa anak mo imbis na kunsintihin mo siya at hayaan siyang maligaw ng landas." "Manahimik ka, Eveline! Wag ka nang magsalita!" Hindi na napigilan ni Esther ang sarili niya. "Hindi mo ko kailangang pagsabihan. Wala kang pakialam kung paano ko palalakihin ang anak ko. Sarili mo na lang ang isipin mo at tandaan mo to. Hindi mag-isa si Ava sa pagtulak kay Naya sa maling landas. May parte ka rin rito!" Tumalikod si Esther para umalis pagkatapos nag-iwan ng parang isang pagbabanta. Hindi nagpaligoy-ligoy si Madeline. Kaagad niyang sinundan si Esther at tahimik na tinawagan si Jeremy mula sa kanyang re
Subalit, sa kabila nito, nakuhanan ng smartwatch na suot ni Madeline nang buo ang ruta.Si Jeremy, na nasa kabilang linya ng tawag, ay nakikinig rin nang maigi sa nangyayari sa loob ng kotse. Subalit, mukhang walang usapang nagaganap sa loob ng kotse.Mukhang ligtas pa naman sa ngayon, ngunit nag-aalala pa rin si Jeremy para kay Madeline. Susundan na sana ni Jeremy si Madeline ayon sa datos na ipinadala ng smartwatch ni Madeline nang bigla niyang marinig na nagsalita si Esther. “Eveline, ang lugar kung saan kita dadalhin ay sobrang pribado, kaya kailangan mong patayin ang phone mo ngayon na. Ihubad mo ang mga alahas mo at relo. Iwan mo ‘yan sa kotse.” Tinitigan ni Esther si Madeline nang mukhang tuso. “Matagal ko nang naririnig na masyadong nag-aalala si Mr. Whitman para sa’yo, kaya naglagay siya ng mga tracking device sa mga alahas na suot mo. Kung ayaw mong hubarin ito, matatapos na dito ang paglalakbay mo.” Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin ni Esther at sinulyapan a
Tinulak ni Ava palayo si Madeline gamit ng natitira niyang lakas.Muntik nang matumba si Madeline, ngunit yakap niya pa rin si Ava na nagpupumilit na dapat umalis na siya habang maaga.“Ava, ‘wag kang matakot. Nandito ako. Hindi ko hahayaang may mang-api ulit sa’yo,” nangako si Madeline habang yakap niya ang nanginginig na si Ava. Sa napakaraming taong nakilala niya si Ava, laging tingin ni Madeline matibay at matikas si Ava. Wala itong kinatatakutan, pero ngayon, nararamdaman ni Madeline mula sa nanginginig na katawan ni Ava kung gaano itong natatakot ngayon.Habang nakatingin sa mga sugat sa katawan ni Ava, sumakit rin nang sobra ang puso ni Madeline.Hindi niya maisip ang mga ginawa ni Esther kay Ava sa maikling panahon na magbibigay ng ganito kalalang sugat kay Ava. Ang nanay ni Naya, si Esther Bay, ay mas malala pa kay Naya.Syempre naman, ang mga ganitong tao lamang ang magkakaroon ng anak na tulad nila.Niyakap ni Madeline si Ava nang lalong nababahala, habang si Esthe
Nararamdaman ni Madeline kung gaanong nag-aalala si Ava sa kanya, ngunit dahil nagpunta siya dito, hindi siya nagbalak na umalis. “Esther, ‘wag mo akong niloloko. Dahil dinala mo ako dito, alam kong wala kang balak na patakasin ang kahit isa sa amin. Diretsuhin mo kami kung ano ba talagang gusto mo.” niyakap ni Madeline nang mahigpit si Ava habang nakaharap siya kay Esther na minamaliit sila nang husto. “Hmph.” ngumisi si Esther. “Mukhang matapang ka, Eveline. Kung ganoon, gusto kong makita kung gaano ka talaga kalakas.” “Hindi!” biglang sumigaw si Ava nang lumingon siya kay Esther. “Esther, ako ang taong kinamumuhian mo nang husto. Ako rin ang taong gusto mong itumba. Walang hinanakit si Eveline kay Naya. Ang lahat ng ito ay sa pagitan lang namin ni Naya. Walang kinalaman dito ang mga kaibigan ko. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo sa akin!” Kahit na pinahirapan siya nang husto sa puntong puro sugat at pasa na siya, hindi man lang huminto sa takot si Ava.“Esther, sabi
Hindi maganda ang kalagayan ng katawan ni Ava ngayon, ngunit maayos pa naman ang pandinig niya.Pagkatapos marinig ang mga bulong ni Madeline sa kanyang tainga, medyo nabigla siya, ngunit alam rin niyang wala silang oras para mag-alinlangan.Mula sa sulok ng kanyang mata, nakikita niya ang dalawang lalaking palapit nang palapit sa kanila habang dala ang lubid. Alam rin ni Madeline na sa sandaling ito, hindi siya pwedeng mag-alinlangan. Kapag nag-alinlangan siya, hindi maganda ang mangyayari. Nang makita niyang itatali na sila ng dalawang lalaki gamit ng lubid, biglang itinaas ni Madeline ang kanyang kamay at ibinuhos ang pepper spray na hawak niya sa mata ng dalawang lalaki nang napakabilis. “Aray!” “Pu*a!” Sabay na napasigaw sa sakit ang dalawang lalaki. Ibinato nila sa sahig ang lubid na hawak nila. Hirap na hirap silang nagpunas ng mga mata nila. Subalit, dahil pinupunasan nila ito gamit ng kanilang kamay, mas lalong napunta sa mata nila ang pepper spray. Umabante si
Syempre, hindi bibitaw si Madeline. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ni Ava. Sa halip, nagtanong siya nang nag-aalala, “Ava, talaga bang hindi ka na makalakad?” “Oo, hindi na ako makalakad. Wala na akong lakas, at sobrang sakit na.” kumunot ang noo ni Ava, halos hindi na makatingala. “Maddie, makinig ka sa akin. Makakaalis ka na. Mas baliw si Esther kay Naya. Talagang kaya niyang gawin ang kahit ano.” “Edi mas imposibleng iwan kita dito para harapin nang mag-isa ang panganib,” sinabi ni Madeline at inangat niya si Ava nang mas malakas. Nang marinig niya ang nagmamadaling mga yabag sa likuran niya, kinailangan ni Madeline na magdesisyon kaagad, “Ava, magtiis ka muna saglit.” “Maddie…”Unti-unting nawalan ng malay si Ava, ngunit sumusunod pa rin ang paa niya kay Madeline.Pagaktapos hugasan ng dalawang lalaki ang mga mata nila, sila ang naunang humabol kay Madeline at Ava. Samantala, si Esther ay nakasunod sa kanila. Subalit, pagkatapos nilang makatakbo palabas ng gusali, nap
Hindi nabahala si Madeline ng magkaharap sila ni Esther na tinititigan siya ng nito ng malapitan. Tinignan ni Esther si Madeline na biglang tumakbo palayo at sumigaw sa kalituhan, “tumakbo siya! Hulihin niyo siya! Huwag niyo siya hahayaan na makatakas!”Ang dalawang lalake ay hindi inaasahan ang ganitong pangyayari, ngunit ngayon din nila napagtanto na si Madeline ay isang babae na hindi madaling pakitunguhan. Sa sobrang galit ni Esther ay hinabol niya si Madeline. Habang pinapanood niya ang mabilis na papalayo na Madeline, nanggalaiti siya. “Eveline, hindi ako naniniwala na hindi ka kayang hulihin ng dalawang lalakeng yun!” Nagngalit ang ngipin ni Esther at sa wakas ay napagtanto niya kung gaano siya naging pabaya. Maayos lang si Madeline at hindi sugatan, kaya dapat na lang niyang hayaan ang dalawang lalake na iyon na umasikaso sa kanya. Ang dapat niyang hanapin ay si Ava, na sa sama ng tama ng katawan nito ay hindi nito magawang maglakad ng mag-isa. Napansin din ni Es