Malungkot na bumalik si Ava sa tabi ni Daniel. Nag-aalala si Madeline na baka mag-aksaya si Ava ng oras sa pag-iisip sa mga hindi malulutas na problema, kaya naman nagdesisyon siya na manatili sa tabi ni Ava. Kasabay nito, nagpadala din siya ng mensahe kay Jeremy. Natanggap ni Jeremy ang mensahe mula kay Madeline pagkatapos lang niyang ihatid ang kanilang anak na lalake sa eskwelahan. Pagkatapos niyang tignan ito, kaagad niyang tinawagan ang ilang kinauukulan upang hanapin kung ano ang nangyari. Pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa sitwasyon, kaagad niyang sinagot ang mensahe ni Madeline. Nang makita niya ang sagot ni Jeremy, may malaking hula si Madeline sa kanyang puso. Sa may kotse ng mga pulis. Itinago ni Naya ang kanyang pagkataranta sa kanyang puso at nanatiling mahinahon. Gusto niya sana talagang malaman kung anong tulong ang gusto ng mga pulis sa kanya. Subalit, natatakot siya na baka kapag nagtanong pa siya, baka magsuspetya ang mga pulis. Kaya naman, nanahi
Pagkatapos magmaneho papunta roon, medyo nag-aalangan si Naya habang nakaupo siya sa loob ng kotse. Gayumpaman, dahil nandito na siya, paano pa siya aatras sa oras na ito? Kung kaya't kailangan na niyang umalis. Pagkatapos itong pag-isipan ni Naya, bumaba siya ng kotse at diretsong naglakad papunta sa isa sa mga parking space. Sa araw na iyon, hindi niya inisip na kinuhanan siya ng larawan ng kahit na sino o ng bidyo ng kahit na anong surveillance camera. Gayunpaman, hindi na siya sigurado. Iyon ay dahil nilapitan siya ng pulis para magtanong. Ang dahilan siguro kung bakit ginawa ito ng pulis ay malamang may nakuha silang ebidensya. Nang maisip niya ito, naging kakaiba ang tibok ng puso ni Naya. Hindi siya makakatakas dito, kaya kailangan niyang bumalik sa pinangyarihan ng krimen para tignan kung mayroon pang ebidensyang natitira na maaaring magamit laban sa kanya. Gayunpaman, biglang huminto ang mga hakbang ni Naya. Mula sa malayo, para bang may nakita siyang isang pamil
"Mapagkakatiwalaan yun." Sigurado si Jeremy. "Walang ginawang kahit na ano ang lalaking pumasok sa kotse ni Ava. Pagkatapos niyang bumalik, pinakita niya sa mga kaibigan niya na nakakuha siya ng pera pagkatapos niyang pumasok sa kotse at magpanggap. Sa gabing iyon, ginamit niya ang pera para pumunta sa bar at magsaya. Ginastos niya ang lahat ng pera sa isang gabi."Kung ganun, hindi siya nagsinungaling at nagsagawa pang polygraph test ang pulis sa kanya. Pumasa siya sa test. Mukhang ibang tao nga ang gumalaw sa kotse ni Ava. Tinaas ni Madeline ang bagay na napulot niya. "Malamang ang taong yun ang nakaiwan ng bagay na to." "Ganun din ang nasa isip ko." Sumang-ayon si Jeremy. Tinaas niya ang mga mata niya at tumingin sa paligid. "Sa kasamaang palad, isa tong blind spot para sa mga surveillance camera. At nag-imbestiga na nang maigi ang mga pulis sa abot nang makakaya nila. Linnie, bumalik na tayo." Gumaan ang loob ni Naya sa mga sinabi ni Jeremy. Makabubuti sa kanya ang kawalan
Kumirot ang puso ni Raegan. Hindi siya masyadong nag-isip bago siya dumiretso sa tabi ni Ava at umupo. "Ava," malambing na tinawag ni Raegan ang pangalan ni Ava habang nag-abot ng tisyu. Tinignan ni Ava ang tisyu nang may luhaang mga mata. Hindi siya nagsalita at tahimik na kinuha ang tisyu. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mukha niya at nagpatuloy na kumain. Sinubukan niyang magpanggap na walang pakialam, pero patuloy na tumulo ang mga luha niya. Kumirot ang puso ni Raegan nang makita niya ito. "Ava, gusto mo bang…" "Pwede ka bang lumabas muna?" Sa wakas ay nagsalita si Ava, pero lumamig ang puso ni Raegan sa mga salita niya. Gayunpaman, hindi siya tatanggi sa pakiusap ni Ava. "Sa labas lang ako. Pwede mo kong tawagin kung may kailangan ka." Tumalikod si Raegan pagkatapos sabihin ito. Nang sinasara niya ang pinto, hindi mapigilan ni Raegan na silipin nang ilang beses si Ava. Pagkatapos makita ni Ava si Raegan na lumabas, bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga
Si Ava, na umiiyak habang kumakain, ay kaagad na binaba ang kanyang pagkain nang marinig niya ang ingay. Pinunasan niya ang mga luha niya. Kahit na mabilis kumilos si Ava, nakita pa rin siya ni Naya na nagpupunas ng luha. Tumawa si Naya at ngumisi. "Tanging ikaw lang at ang nanay mo ang gagamit ng ganitong paraan para masarili mo si Dan." Pinakalma ni Ava ang mga emosyon niya at tinignan si Naya. Wala siyang balak na makipagtalo kay Naya. At saka makatuwiran na gustong makita ng nanay ni Daniel si Daniel, kaya inisip ni Ava na lumabas muna para umiwas sa gulo. Gayunpaman, nang tatalikod pa lang si Ava, narinig niya ang namumuhing sinabi ni Naya mula sa likuran. "Mrs. Graham, tignan mo. Hindi naman gumigising si Dan hindi kagaya ng sinabi ng doktor kanina. Sumunod lang ang doktor sa utos ng iba at sinadyang sabihin iyon para mag-isang manatili ang taong yun sa tabi ni Dan." Narinig ito ng nanay ni Daniel at tinignan ang hapo at maputlang mukha ni Daniel. Sa gilid ng kanyang
Alam ni Raegan na tama ang pagkakarinig niya, pero nang lumabas ang salita mula sa bibig ni Ava, pakiramdam ni Raegan ay nananaginip siya. "Ma," sabi niya. Para kay Raegan, pakiramdam niya ay parang isang panaginip ang salitang iyon. Habang nakatulala pa rin si Raegan, nagsalita ulit si Ava. "Nagpapasalamat talaga ako sa'yo. Salamat sa pag-aalaga mo sa'min ni Danny. Salamat mula sa kaibuturan ng puso ko." Sinsero si Ava. Naramdaman ni Raegan na humapdi ang gilid ng kanyang mga mata. Isa siyang kalmadong tao, pero ngayon, sobra siyang nasasabik at hindi siya makapagsalita ng kahit na ano. "I-Ito ang dapat kong gawin," bahagyang nautal si Raegan nang magsalita siya, mas lalong nanginig ang puso niya sa kanyang nasasabik na mga emosyon. "Ava, handa ka bang patawarin ako?" Hindi mapigilan ni Raegan na magtanong pagkatapos ng ilang sandali. Tinignan ni Ava ang mga umaasang mata ni Raegan at binaba ang kanyang mga mata sa dismaya. "Walang dapat na patawarin. Alam ko lang
Nakatayo si Naya sa likod ng pinto ng ward. Nang makita ang eksena mula sa labas ng pinto mula sa maliit na bintana, galit siyang umirap. Sa hindi inaasahan, ang pang-iinis niya ngayon ang naging dahilan kung bakit nagbati si Ava at Raegan. Higit pa ito sa inaasahan nila. Nagkaskasan ang ngipin ni Naya at tinignan niya pabalik si Daniel, na hindi humikibo sa ospital. Nabahala siya at nairita. ‘Pakiusap huwag mo akong sisihin, Dan. ‘Hindi ko ginustong sisihin ka. Kung may gusto kang sisihin, sisihin mo si Ava. ‘Magkababata tayo at bagay tayo sa isa’t isa. Si Ava, isang tagalabas, ang biglang nanghimasok sa relasyon natin. ‘Kung hindi dahil sa babaeng ito, naniniwala akong ikinasal na sana tayo. ‘Dapat namatay si Ava. Dapat ligtas ka ngayon.’ ‘Hay, kailan kaya magigising si Dan. Ilang araw na at ganito pa rin siya.” Nahimasmasan si Naya nang marinig niya ang pag-aalala ni Mrs, Graham. Pagkatapos, nagpanggap siyang mabuting babae at lumapit para pagaanin ang loob nito.
Hinawakan ni Naya ang pihitan, at hindi mukhang bubuksan niya ang pinto para papasukin ang iba. Subalit, nang marinig niyang ang taong kumakatok sa pinto ay si Madeline, ang aroganteng mukha niya ay naglaho sa isang iglap. “Mrs. Whitman, ikaw pala ‘yan.” Ngumiti si Naya habang nagpapanggap na kalmado. Subalit, ang naiisip lang niya ay tungkol sa nahanap ni Madeline at Jeremy sa parking lot. Hindi pa niya alam kung anong nalaman ni Madeline sa oras na iyon. Ngumiti si Madeline nang bahagya. “Oo, ako ito, Ms. Mendez. May importante akong itatanong sa’yo.” Sinabi ni Madeline at sumulyap siya sa ward. “Lumabas ka at magsalita. Hayaan mong magpahinga si Dan.”“Anong hindi pwedeng sabihin dito? Bakit kailangan niya pang lumabas para magsalita?” Lumapit ang nanay ni Daniel nang naiinis, ang mga mata niya ay puno rin ng pagdududa. “Mrs. Whitman, hindi mo naman kami niloloko para mapapasok ang mga hindi mahalagang tao sa sinasabi mo, tama?” Nang makitang kausap ng nanay ni Daniel s