Kumuha ng maraming atensyon ang mga pambibintang ng babae. Ganoon pa man, sinubukan ni Madeline na maging kalmado. “Madam, kayo po ang nakabangga sa akin ngayon lang. At, hindi rin po ako kasambahay ng Whitman.”Nagulantang ang babae. Saka tinignan ang suot ni Madeline. Isang ngiti ng panghahamak ang makikita sa elegante nitong mukha. “Hindi ka mukhang kasambahay. Para kang isang pulubi sa tabi-tabi.”Ganoon din, may mga tawa ang maririnig sa isang gilid. Subalit, ayaw nang makipagtalo ni Madeline. Nang paalis na siya, nakita niyang naglalakad si Meredith.Maganda ang suot nito at may makeup. Nang makita niya si Madeline, gulat na gulat ang mukha niya. “Ikaw pala iyan, Maddie.”Nang marinig ng babae ang sinabi ni Meredith, tinignan niya ito ng may galit. “Mrs. Whitman, kilala mo ang pulubing ito?”Nagulantang si Madeline. Inakala ng babaeng ito na si Meredith ang asawa ni Jeremy. Subalit, hindi naman ito itatama ni Meredith. Sa kabilang banda, binigyan niya pa ito ng isang ngiti.
Tatangayin na sana si Madeline papunta sa istasyon ng pulis. Sa pagkakataong ito, isang eleganteng babae ang naglakad papunta kay Mrs. Langford at bumulong.Agad-agad na nagbago ang mukha ni Mrs. Langford. Tinignan niya si Madeline nang hindi makapaniwala at saka sinabing hindi lamang sila nagkaunawaan.Hindi alam ni Madeline kung ano ang nangyayari. Nang tignan niya ang mukha ng babae, nakita niyang puno ito ng pandidiri sa kanya.Hindi mapalagay si Madeline sa tingin nito. Sa pagkakataong iyon, lumapit si Meredith.“Maddie, iyan ang nanay ni Jeremy. Ayos na ang lahat. Hindi mo na kailangang pumunta sa istasyon, pero kailangan mong mangako na hindi na uulit gagawa ng ganitong eksena.”Sambit ni Meredith sa isang nag-aalalang tono. Sinubukang magpaliwanag ni Madeline pero nakaalis na ang mama ni Jeremy habang puno ng dismaya sa kanya.Napasinghal si Meredith. Sumunod siya rito at nanatili sa tabi niya. Tila ba masayang-masaya silang magkasama.May mga tawa na namang naririnig si
Napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa hindi inaasahang matamis na pakikitungo nito. Namula rin siya nang bahagya.Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan si Jeremy. Ang gwapo niya talaga kahit nakatagilid, subalit tila ba wala na namang paki ang mukha nito.“Andito si Lolo.”Sinabi niya ang tatlong salitang iyon nang malamig at agad itong naunawaan ni Madeline.Gusto lamang niyang magpanggap na maayos sila sa harap ng Old Master Whitman. Nanlamig na naman ang puso ni Madeline, at naramdaman niyang isang kabalintunaan ang lahat.Walang ibang tao sa hapag. Kung mayroon, si Meredith lang.Mabuti ang mga mata ni Old Master Whitman. Subalit, sa hindi maipaliwanag na dahilan, pamilyar siya. Tila ba nagkita na sila dati.Ang ikinagulat ni Madeline ay kung paanong hindi pinansin ni Jeremy si Meredith at inasikaso lamang siya nito upang mapasaya ang old master.Hindi lamang siya nito pinagdalhan ng pagkain, kundi pinagbalat pa siya nito ng hipon. Ito ang unang beses na nakita ni M
Natapos panoorin ni Jeremy ang video, at blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Saan mo ito nakuha?” Malamig ang boses niya.Para bang kalokohan ang naririnig ni Madeline. “Mahalaga pa ba kung saan ko ito nakuha? Hindi ba ang katotohanan ang dapat mong pagtuunan ng pansin.”“Ang katotohanan?” Inangat ni Jeremy ang kanyang ulo at dinelete ang video sa isang swipe ng kanyang kamay. Dinelete niya rin ang backup copy nito na nasa album ni Madeline.Gulat na gulat si Madeline sa mga kilos nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Subalit, huli na ang lahat. Wala ng laman ang album niya.“Jeremy, bakit? Bakit mo iyon ginawa? Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang hinahamak ako ngayon? Iyan lamang ang video na makapagpapatunay na wala akong ginawang kasalanan!”Naging emosyonal si Madeline.Subalit, napasinghal lang si Jeremy. “Ano bang kinalaman ng pagiging inosente mo sa akin? Magiging maayos ang lahat basta masaya si Meredith.”Hindi makapagsalita si Madeline s
Naulanan si Madeline ng malalamig na pamimintang mula sa lalaki, at para bang isang malaking biro ang lahat.“Hindi ba alam mo namang ganyan talaga ako, Mr. Whitman?”Lalong nagalit si Jeremy sa sagot ni Madeline. Inangat niya nang marahas ang baba nito at tinignan ito nang masama gamit ang kanyang mga itim na mata.“Nagpunta ka pala para hanapin ang dati mong nobyo, hmm?”‘Dating nobyo? Si Daniel siguro ang tinutukoy niya.’Magkaklase si Jeremy at Daniel. Dalawang taon na mas matanda ito sa kanya at seniors niya sila.Nang umamin si Daniel kay Madeline noong graduation ceremony, inakala ng lahat na nagdedate na sila pagkatapos no’n.Hindi alam ni Madeline na pinaniwalaan rin ni Jeremy ang mga sabi-sabing iyon.“Madeline, sinasabi ko s aiyo, kahit paalisin kita sa buhay ko, hindi ka makakapunta sa ibang lalaki. Gusto kong makita kung sino ang mangangahas na pulutin ang basurang tinapon ko na dati!”Basura.Nilalarawan siya ng lalaking ito gamit ang mga gano’ng salita.Nanana
Inakala ni Madeline na maganda ang sagot niya, subalit, nang marinig ang sinabi ni Meredith, talagang talo na siya.Kasama pala nito si Jeremy para sa kanyang maternal checkup.Isang bagay dapat ito na ginagawa ng mag-asawa; subalit ibang babae ang inuuna ni Jeremy.Naglakad si Meredith sa harap ni Madeline. “Maddie, anong mali? Nalungkot ka ba? Nasira ang puso?”Kinuyom ni Madeline ang kanyang mga kamao, pinipigilan niyang mawala ang kanyang kalma. “Hindi, iniisip ko lang na walang hiya ka.”Matapos sabihin iyon, tumingin lamang siya nang diretso sa namimilipit na mukha ni Meredith.“Meredith, hindi ko akalaing makakahanap ako ng babaeng kasing walang hiya at yabang mo; masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo kahit kabit ka lang.”“Ikaw…”“Balanga raw, malalaman rin ni Jeremy na hindi sa kanya ang dala-dala mong bata.”Tila ba napupunit ang maskara ni Meredith sa mga sinabi ni Madeline. Subalit, bigla siyang ngumiti, “Masyado akong mahal ni Jeremy kahit hindi sa kanya ang
Matapos ang ilang sandal, dumating na si Jeremy. Subalit, hindi upang makita si Maddie. Kundi, upang parangalan siya nang matindi.Madilim ang liwanag sa meeting room. Ganoon pa man, sapat na ito para makita ni Madeline ang malisya at galit sa mukha ng lalaki.Pirming sumagot si Madeline. “Hindi ko tinulak si Meredith. Nahulog lang siya sa sarili niya. Jeremy, pakiusap maniwala ka naman!”Nang marinig ang mga salita niya, inabot niya ang kanyang kamay kay Madeline. Sinunggaban niya ito sa likod ng leeg saka hinila papunta sa kanya.Para bang matatalas na kutsilyo ang tingin nito kay Madeline at saka sinabing, “Hindi lamang may ebidensya, pero may mga nakakikita pa. Pero may apog ka pa ring sabihin na hindi mo iyon kagagawan?”“Hindi ko naman talaga ginawa! Finrame lang ako ni Meredith. Hindi ko siya tinulak! Hindi!” Nagiging emosyal na si Madeline. Patuloy niyang sinasambit ang totoo sa pag-asang maniwala sa kanya ang lalaki.Subalit, lalo lamang naging nakakatakot ang mga mata n
Hindi alam ni Madeline ang kanyang gagawin ng maalala ang kanyang kalagayan.Lahat ng babae ay gusto na ipresenta ang kanilang sarili na maayos sa lalaking kanilang pinakamamahal.“Sinong nagsabi na pwede kang pumasok?” Sabi ni Jeremy pagkatapos humarang sa pinto. Tinignan siya ni Madeline at sinabi, “Dito ako nakatira, ito ang bahay ko.”“Bahay mo?” Sabay tawa ni Jeremy. “Sa tingin mo may karapatan ka na sabihin na pamamahay mo ‘to?”Nawala ang mga kislap sa mata ni Madeline. Parang sinaksak ng basag na salamin ang puso ni Madeline dahil sa mga sinabi ni Jeremy.“Kung hindi lang dahil mabait si Mer, malamang nabulok ka na sa bilanguan.” Kitang kita ang pagmamahal ni Jeremy kay Meredith sa kanyang mga sinabi.Napangisi si Madeline. “Oo, kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ako hahantong sa ganong lugar.”Kita na nagalit si Jeremy sa kanyang mga sinabi. “Pagkatapos ang mga nangyari, may lakas ka pa ng loob na sumagot?”“Hindi ko ginawa ‘yun Jeremy! Nagsasabi ako ng totoo!
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si