“Kaya, hindi tayo pwedeng mag desisyon na parang mga bata pa tayo. Kailangan natin itong pag-isipan nang maingat at isaalang-alang ang lahat bago tayo gumawa ng isang desisyon.”Sumagot agad si Jacob, “Hindi ko matanggap ang sinabi mo. Alam ko na may pakiramdam ka pa rin sa akin sa kailaliman ng puso mo at may pakiramdam din ako para sa’yo. Dahil may nararamdaman pa tayo para sa isa’t isa, bakit hindi pwede na maging tayo?”Habang nagsasalita siya, tinanong nang pwersahan ni Jacob, ‘Matilda, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. May nararamdaman ka pa ba para sa’kin ngayon?”Medyo nahiya si Matilda habang sumagot siya, “Paano ko masasagot ang tanong mo? Dati, may magandang relasyon tayo at mahal natin ang isa’t isa. Tayo ang unang mahal ng isa’t isa at mahigit dalawampung taon na nating niloloko ang sarili natin.”Pagkatapos, sumagot si Matilda, “Sinabi ko na sa’yo ang nararamdaman ko tungkol dto. Hindi lang dapat natin isaalang-alang ang pakiramdam natin sa pagpapasya ng relasy
Biglang naging sobrang emosyonal si Jacob habang sinasabi ito.Tumingin siya sa mga mata ni Matilda bago niya sinabi nang emosyonal, “Matilda, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Ang lahat ng sinabi ko ay galing sa puso ko. Sa mahigit dalawampung taon pagkatapos mo akong iwan, hindi ako naging masaya. Kahit isang araw. Sobrang tanda na natin, kaya bakit hindi natin itabi ang lahat ng takot na ito at ituon ang lahat ng atensyon natin sa paghahabol ng pagmamahal natin?”Nagbuntong hininga nang mahina si Matilda at sinabi, “Jacob, pinag-isipan ko na rin ang lahat ng sinabi mo. Sa totoo lang, may ganito rin akong ilusyon sa puso ko. Pero, hindi na talaga tulad ng dati ang sitwasyon natin ngayon. Ang pinaka kinaaayawan ko sa buhay ko ay isang kabit. Kaya, ayokong maging isang kabit sa kahit kaninong relasyon. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi dapat tayo maging balisa at magpadalus-dalos sa bagay na ito. Dapat mo akong bigyan ng oras at bibigyan din kita ng oras para pag-isipan ang tungk
Habang nag-uusap silang dalawa, isang nasusunog na amoy ang biglang kumalat sa kusina.Sinabi ni Matilda, “Nako! Ang ginisang hipon ko!”Pagkatapos, nagmamadali niyang tinulak si Jacob palayo at namumula siya habang tumakbo siya papunta sa gilid ng kalan. Tiningnan niya ang kawali at bigla siyang nanangis, “Tapos na! Wala na! Sunog na ang hipon!”Nagmamadali siyang pinaalalahanan ni Jacob, “Bilis, patayin mo ang apoy! Kung hindi, mas lalo itong masusunog!”Nagmamadaling pinatay ni Matilda ang gas ng kalan. Tuluyang nasunog ang hipon sa kawali sa puntong ito. Sinabi niya nang walang magawa, “Kasalanan mo ito! Sa una ay ang ginisang hipon ang pinakamasarap na naluluto ko, pero ngayon, tuluyan na itong nasira...”Nakonsensya nang sobra si Jacob at nahiya. Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Lumabas na ba ako para bilhan ka ng isa pang bag ng hipon?”Sa sandaling ito, sina Charlie at Paul na nilalasap ang tsaa sa labas ay naamoy din ang sunog na amoy na lumalabas sa kusina. Tinanong
Patuloy na nagtrabaho ang dalawang dating magkasintahan sa kusina at sa wakas ay lumabas na sila dala-dala ang isang lamesa ng mga pagkain pagkatapos ng mahigit isang oras.Lumabas si Jacob at sinabi kina Charlie at Paul, “Maghanda na! Kakain na tayo.”Pagkatapos, tinanong ni Jacob si Paul, “Siya nga pala, Paul, gusto mo bang uminom kasama ako ngayong gabi?”Bahagyang ngumiti si Paul bago niya nilabas ang isang regalo at sinabi, “tito Wilson, nagkataon lang na nagdala rin ako ng dalawang bote ng 30-year old Kweichow Moutai na alak. Ang Kweichow Moutai na ito ay hindi lamang isang ordinaryong Moutai. Isa itong exported version ng alak na mahigit dalawampung taon na. Ang alak na ito ay na-export sa United States at tinago at prineserba ng mga kolektor sa United States hanggang ngayon. Ang bawat bote ay may bigat na dalawang kilo.”Nasorpresa nang sobra si Jacob at sinabi, “Tatlumpung taon pagkatapos ay na-export ng mahigit dalawampung taon na? Hindi ba’t limampung taon na ito ngayon?
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at hihingi ako ng tulong sa kanya. Sinong makakaalam kung may papayag na tulungan ako? Mas makapangyarihan at mas magaling sila sa atin, kaya siguradong may mas malakas na koneksyon at ugnayan sila kaysa sa atin. Marahil ay malalaman nila kung ano ang nangyari kay Mama.”Huminga nang maluwag si Claire at nagpasalamat siya, “Charlie, maraming salamat para sa lahat!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Makulit kang babae. Ako ang asawa mo, bakit sobrang galang mo sa akin?”Habang nagsasalita siya, tinapik nang marahan ni Charlie ang balikat ni Claire at sinabi, “Bumaba tayo at maghapunan muna, okay? Pagkatapos maghapunan, lalabas ako at hahanapin ko ang ilang mga kaibigan ko para tulungan ako. Kung hindi sila papayag, magmamakaawa ako. Kahit ano pa ito, pinapangako ko na ibabalik ko nang ligtas si Mama!”Tumango ang paulit-ulit si Claire at mas lalong gumaan ang pakiramdam niya sa sandaling ito.Bago
Lumakas ang ganang kumain ni Charlie sa sandaling nakita niya ang lahat ng pagkain na inihanda ni Matilda. Pero, bilang paggalang, hindi niya agad kinuha ang mga chopstick niya para subukan ang mga pagkain. Sa halip, kinuha niya ang bote ng alak bago siya naglagay ng alak sa ilang baso.Pagkatapos, kinuha niya ang baso ng alak bago siya ngumiti at sinabi, “Tita Hall, Paul, gusto kong tanggapin kayo pabalik sa Oskia at sa Aurous Hill. Gusto ko rin na bigyan kayo ng isang maligayang pagdating sa aming bahay bilang aming bisita. Magsaya tayo sa inumin ngayong araw.”Sinabi rin nang nagmamadali ni Jacob, “Tama! Magsaya tayo sa inumin ngayong araw!”Kinuha ni Matilda ang kanyang baso bago niya sinabi nang tapat, “Talagang nalulugod ako sa kabaitan mo at sa mabuting pagtanggap mo sa anak ko at sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na makakapagluto ako sa bahay ng dating kaklase ko sa unang araw ng balik ko sa Aurous Hill. Gusto talaga kitang pasalamatan para sa pagkakataon an ito.”Ngumiti
Sa sandaling ito, binigyan ni Matilda si Claire ng ilang pinausukang isda na may sarsa ng suka bago siya ngumiti at sinabi, “Claire, bakit hindi mo subukan ang isda? Isa rin ito sa mga specialty na luto ko. Pero, matagal ko na itong hindi niluluto kaya hindi ako sigurado kung ayos lang ito sa panlasa mo.”Nang makita ni Claire na masiglang nilagay ni Matilda ang isda sa kanyang mangkok, bahagyang tumango si Claire para hindi masaktan ang damdamin niya. Pagkatapos, sinabi niya, “Salamat, Tita Hall. Hindi mo na kailangang bigyan ako ng pagkain. Dapat ay kumain ka muna.”Tumango si Matilda bago siya ngumiti at sinabi, “Sige. Siguraduhin mo na kumain ka nang marami ngayon. Kung hindi mo maabot ang mga pagkain, sabihan mo si Charlie na kumuha ng pagkain para sa’yo.”Tumango agad si Claire. Pagkatapos, tinikman niya ang isda na nilagay ni Matilda sa kanyang mangkok. Hindi mapigilan ni Claire na mamangha sa gulat sa sandaling nalasahan niya ang isda.Sobrang sarap talaga at pambihira ang
Dahil sobrang pambihira ng luto ni Matilda, masaya ang lahat sa hapunan nila ngayong gabi.Kahit na medyo hindi masaya si Claire kay Matilda at medyo tinataboy siya, wala siyang abilidad na labanan ang masarap na luto niya.Karaniwan ay binibigyang pansin niya ang kanyang diet pero kumain talaga siya ng tatlong beses na mas marami sa karaniwang pagkain niya ngayong gabi.Ganito rin ang nangyari kay Charlie at sa biyenan na lalaki niya, kay Jacob. Kumain silang dalawa nang marami at inubos nila ang halos lahat ng pagkain sa lamesa.Pagkatapos niyang kumain, palihim na nilagay ni Jacob ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa para paluwagin ang kanyang sinturon upang pansamantal niyang paginhawain ang kanyang nakaumbok na tiyan.Sa parehong oras, hindi mapigilang isipin nang palihim ni Jacob: “Si Matilda talaga ang pinaka perpektong babae sa kahit anong aspeto. Magiging maganda kung mahihiwalayan niya talaga si Elaine at maging sila na lang ni Matilda. Siguradong aangat ako mula sa ika
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl