Tumango nang mahigpit si Charlie. Dahil gusto nilang manatiling mapangahas at matigas ang ulo, hindi niya kailangan bumigay.“Lola, dahil wala kang lugar na matitirahan, paano kung mag-ayos ako ng lugar para sa’yo? May kasama na itong pagkain at tirahan at wala itong bayad.”“Manahimik ka!” Sinumbat nang nanghahamak ni Lady Wilson, “Gusto mong tumira ako sa lumang apartment kung saan kayo dati nakatira, hindi ba? Imposible! Ayokong tumira sa pangit na lugar! Lilipat ako sa villa ng Thompson First ngayong araw!”Sinabi ni Charlie, naaliw siya, “Ah hindi, Lola, masyado mo itong pinag-iisipan. Binili namin ang lumang apartment at hindi ka namin patitirahin doon nang libre, syempre.”Agad niyang nilabas ang kanyang cellphone at nag-text kay Isaac.“Pumunta ang pamilya wilson para gumawa ng gulo sa Thompson First. Magtawag ka ng tao para ikulong ng dalawang linggo ang mga taong ito sa detention center.”Sumagot nang mabilis si Isaac, “Okay, Mr. Wade, gagawin ko na ito ngayon din.”Na
Sumingit nang nagmamadali si Elaine, “Officer, huwag kang makinig sa akanya! Matagal na niyang pinaalis at sinira ang relasyon niya sa asawa ko!”Tumingin ang officer kay Elaine, pagkatapos ay kay Lady Wilson, at tinanong nang nagdududa, “Totoo ba ang sinabi niya?”“Syempre hindi!” Sinabi ni Lady Wilson, “Sinabi ko lang ito nang hindi nag-iisip!”“Hindi nag-iisip?!” Napukaw ang galit ni Jacob. “Ma, matagal mo na akong pinalayas sa bahay mo, tinanggal mo ako at si Claire sa Wilson Group, binawasan mo ang pensiyon namin ni Elaine sa kumpanya, at sinira mo ang relasyon natin! Ngayong pabagsak ka na, biglang mo na lang sasabihin na sinabi mo ito nang hindi nag-iisip?!”Kumunot ang noo ng pulis sa pagkalito. Tinanong niya, “Kanino ang villa na ito?”Sinabi ni Charlie, “Sa akin.”Tumango ang pulis at tinanong, “Anong relasyon mo sa matandang babae?”“Nagkibit balikat nang walang pakialam si Charlie. “Hindi talaga kami magkamag-anak. Lola siya ng asawa ko.”Humarap ang pulis kay Lady
Habang may dalawang pulis na nakahawak sa kanyang mga braso, tumingin nang masama si Charlie sa poot habang kinakaladkad siya palabas ng bahay at sumigaw, “Hoy, g*go, kagagawan mo ba ang lahat ng ito?”Ngumisi si Charlie. “Hulaan mo.”Sumigaw nang malakas si Christopher, “Charlie Wade, pagbabayaran mo ito! Ako mismo ang papatay sa’yo!”Sinaway ng pulis, “Manahimik ka.”Pagkatapos, hinatid ng mga pulis ang apat sa kanilang kotse at pumunta na sila sa police station.Habang pinapanood ni Elaine ang umaalis na sasakyan, nasabik siya nang sobra at nagpaikot-ikot siya, sumasayaw at nagsasaya, “Sa wakas! Napaalis na natin sila dito! Natikman ng patay na matandang babae ang sarili niyang medisina!”Nagbuntong hininga si Jacob sa pagtutol. “Ingatan mo ang pananalita mo. Ayos lang kung ayaw mo siyang patirahin dito, pero siya pa rin ang ina ko.”Ngumuso nang mapanghamak si Elaine, “Huh, pwede mong tawaging ina ang babaeng iyon basta’t hindi siya titira sa bahay ko!”Si Claire, na kanina
Inisip ni Elaine na hindi maglalakas-loob si Charlie, ang talunan, na suwayin siya kung hihingi siya ng pera sa kanya nang direkta.Sa sandaling makuha niya ang pera sa kanya, maiimbitahan niya ang mga kaibigan niyang kumain sa isang marangyang restaurant pagkatapos ay pupunta sila sa spa at magpa-facial treatment. Ito ang tinatawag nilang buhay ng mga mayayaman.Umiling si Charlie sa hiling niya. “Ma, hindi ko pwedeng ibigay sa’yo ang pera.”“Bakit hindi?” Sumimangot si Elaine, nalilito siya.“Si Papa na ang namamahala ng pera at gastusin ng bahay na ito. Kung gusto mong gumamit ng pera, kailangan mo munang makuha ang pahintulot ni Papa.”“Anong sinabi mo?!” Mabilis na sinabi nang galit ni Elaine, “Hindi na mahalaga ang mga sinasabi ko ngayon, hindi ba?”Tumango si Charlie. “Kapag tungkol ito sa pera, kailangan mo munang lumapit kay Papa.”“Hoy, huwag kang mangahas na gamitin si Jacob para gapiin ako! Ako ang biyenan na babae mo at kung hinihingi ko ang pera, kailangan mo iton
Tumakbo si Elaine sa hagdan papuntang pangalawang palapag at sinubukang buksan ang kwarto nina Charlie at Claire. Ngumisi siya nang matagumpay nang madaling umikot ang hawakan ng pinto.Sa sandaling nakapasok siya sa kwarto, hinialungkat niya ang mga gamit nila.Pero, ito ang unang araw na lumipat sila sa villa. Wala pa silang oras para ilagay ang mga gamit nila sa mga aparador at walang mahalagang gamit na nakalapag sa paligid.Naghanap nang matagal si Elaine pero hindi niya nakita ang wallet o bank card ni Charlie. Nang nasa kalagitnaan siya ng kabiguan, kumurap nang masigla ang mga mata niya nang makita niyang nakasabit sa aparador ang jacket ni Charlie. Nagmamadali niyang hinalungkat ang mga bulsa nito. Sa wakas, nahanap niya ang isang black and gold bank card sa isa mga bulsa.Ang card na ito ay puno ng mga salita na galing sa ibang lenggwahe at hindi niya ito maintindihan bukod sa katotohanan na ang card ay galing sa Citibank.Hindi niya alam kung anong klaseng bank card ito
Nagbuntong hininga si Mrs. Lewis, “Trabaho ko na tanggalin ka sa kalye at ilagay ka sa bahay ampunan, pero wala kang obligasyon na alagaan ako at bayaran ang panghospital ko. At saka, alam ko kung ano ang buhay mo sa pamilya Wilson…”Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Huwag kang mag-alala, Charlie, maghahanap ako ng paraan para bayaran ka.”Naantig si Charlie. Talagang tinrato siya ni Mrs. Lewis bilang kanyang sariling anak at minamalasakit siya ng sobra ni Mrs. Lewis.Sinabi niya sa tapat na tono, “Mrs. Lewis, hindi mo na kailangan mag-alala tungkol sa pera o bayaran din ako.”“Hindi, hindi ko pwedeng gawin ito! Malaking pera ito, kailangan kitang bayaran!”“Hindi, Mrs. Lewis. Palagi kong naalala ang kabaitan mo sa akin. Tungkulin kong gumastos para sa paggamot sa iyo. Kung pipilitin mo pa rin na bayaran ako, tinatrato mo na akong hindi kakilala at marahil ay ayaw na kitang makita kung gano’n!”Ngumiti nang mabait si Mrs. Lewis sa kanyang sinabi, pero alam niya na hindi niya pwedeng
Nilagay agad ni Elaine ang anibersaryo ng kasal nina Charlie at Claire sa ATM.Sinabi ng screen, “Hello, honorable Citibank Supreme VIP member, your password is incorrect, you have one attempt left today.”“Letse!” Minura ni Elaine. “Mali nanaman? P*ta, may isang pagkakataon na lang ako…”Balisa siyang pumapadyak, pero, biglang may pumasok sa kanyang isipan. Maaari ba na sariling kaarawan ito ni Charlie?Sabik siyang subukan ito, pero bigla niyang naalala na hindi niya alam kung kailan ang kaarawan niya. Nahihiya niyang nilabas ang kanyang cellphone at tinawagan si Claire.Tinanong niya nang nagmamadali sa sandaling may sumagot sa tawag, “Claire, kailan ang kaarawan ni Charlie?”Tinanong nang nagdududa ni Claire, “Ma, bakit gusto mong malaman?”Alam niya na palaging minamaliit ng ina niya si Charlie, kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla niya gustong malaman ang kaarawan ni Charlie.Sinabi ni Elaine, habang nahihiya, “Ah, erm, binigyan tayo ng villa ni Charlie, hindi ba
Tinitigan ni Elaine ang mga numero sa ATM, nagulat siya at nagulo ang isipan niya!Naramdaman niya na parang gumuguho na ang mundo sa paligid niya.Masiglang tumitibok ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit may dalawampung bilyon si Charlie sa kanyang account!“Imposible! Paano ito posible! Dalawampung bilyon! Baliw ba ako o si Charlie? Saan siya nakakuha ng napakalaking pera?”Nanginginig nang sobra ang mga kamay ni Elaine. Dalawampung bilyon! Hindi dalawang daang dolyar, hindi dalawang milyong dolyar, ngunit dalawampung bilyon!Kailanman ay hindi siya nanaginip na may ganitong pera siya sa kanyang buhay!Saan nakuha ni Charlie ang ganito kalaking pera? Niloko niya ba si Bill Gates nang hindi nila nalalaman?Sa sandaling iyon, ang unang naisip niya ay tawagan si Charlie at tanungin ang tungkol sa pera.Pero sa sumunod na segundo, umiling siya nang malakas. “Hindi! Hindi ko siya pwedeng tawagan! Malalaman niya na ninakaw ko ang card niya!”Ang dapat niyang gawin
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl