Share

Kabanata 5869

Author: Lord Leaf
Tumango si Charlie. “Marahil ay iniwan muna niya ang kotse, saka siya tumalon paibaba.”

Mabilis na nagtanong si Vera, “Young Master, hindi mo rin naman balak tumalon mula dito, hindi ba?”

Ngumiti si Charlie. “Hindi. Ganito ang plano. Magmaneho ka papunta sa susunod na labasan ng highway at hintayin mo ako sa bayan. Bababa ako mula rito.”

Agad na hinawakan ni Vera ang kamay ni Charlie at sinabi ng may kaba, “Huwag! Gusto kong sumama sa’yo!”

Napabuntong-hininga si Charlie, binuksan ang mapa sa console, itinuro niya ang kasalukuyan nilang kinaroroonan at pagkatapos ay ang bayan kung saan muling nakita si Fleur. “Alam nating tumalon si Fleur mula rito at lumitaw siya sa bayang iyon. Pero hindi natin alam kung anong ruta talaga ang dinaanan niya. Kung malapit lang ang pagitan ng dalawang lugar, madali natin itong masusundan. Pero kung malayo, maaaring mahaba ang tinahak niyang ruta at magiging napakalawak ng lugar na kailangang saliksikin. Kapag sumama ka sa akin pababa, baka hindi mo i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5870

    Dahil sa mga sinabi ni Vera, napaisip nang seryoso si Charlie sa tanong na, ‘Buhay pa kaya si Marcius’, isang tanong na sa unang tingin ay parang imposible.Walang nakatala sa Apocalyptic Book tungkol sa sinumang nabuhay ng mahigit isang libong taon, kaya matagal na itong nasa labas ng kanyang saklaw ng kaalaman.Sa katunayan, kahit ang Eternal Pill ay hindi rin nabanggit sa Apocalyptic Book.Kung si Vera nga ay nasa labas ng kaalaman ni Charlie, paano pa kaya si Marcius?At kahit wala silang malinaw na ebidensya kung buhay pa si Marcius o hindi, hindi nagpadalos-dalos si Charlie. Para sa kanya, mahalaga ang mag-ingat at hindi maaaring balewalain ito.Kaya, sinabi niya kay Vera, “Miss Lavor, sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. Pero ngayong nandito na tayo, wala ng rason para umatras. Sundin natin ang mungkahi mo at mag-imbestiga tayo nang magkasama.”Alam ni Vera na hindi ganoon kadaling sumuko si Charlie, at pinagbigyan niya na siya na samahan siya, kaya tumango siya agad at si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5871

    Pagdating nila sa paanan ng bundok, nahati sa dalawa ang daan. Ang isa, sa kanan, ay patungo pa sa mas malalim na bahagi ng bundok. Ang isa naman, sa kaliwa, ay paakyat sa tuktok ng isang mas maliit na bundok. Ngunit kumpara sa bundok na inaakyat nina Charlie at Vera, mas maliit ito. Sa tuktok nito, may maliit na bahagi ng mapula-pulang kayumangging gusali, pero hindi malinaw kung para saan iyon.#Kahit na kalagitnaan na ng taglagas, likas na mainit at mahalumigmig ang klima sa Mount Tason. Kaya’t napakalago ng mga halaman dito. Maging ang mga dalisdis, tuktok, at lambak ay puro luntiang-lunti, at sa ilalim ng sikat ng araw, napakaganda ng tanawin, malinis at walang bahid ng modernong mundo.Nakasunod si Vera sa likod ni Charlie habang pinagmamasdan ang paligid. Napansin niya ang kagandahan ng tanawin at hindi napigilang purihin ito. “Sabi nga ng matatanda, 'ang liko-likong daan ay patungo sa tagong ganda.' Hindi ko akalaing ang daang paakyat sa Mount Tason, na datia y kinatatakutan,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5872

    Nasorpresa sina Charlie at Vera sa sinabi ng madre. Hindi nila inaasahan na makikilala sila sa harap ng isang monasteryo sa Mount Tason nang hindi nailalantad kay Fleur.Kaya hindi na hinintay ni Charlie na magsalita pa si Vera at agad niyang tinanong ang madre habang may maingat na ekspresyon, “Sino ka? Nagkukunwari ka bang madre at naghuhugas ng damit dito para lang hintayin kaming dumaan?”Magalang na yumuko ang madre at pinagdaup ang kanyang mga kamay, at sinabi, “Sir, hindi ako nagkukunwaring madre. Isa akong bhikkhuni sa Quiant Monastery at doon ako nagsasanay ng Budismo. Alam ng aming abbess na dadaan kayo rito ngayong araw kaya inutusan niya akong hintayin kayo dito.”Pagkatapos ay tumingin siya kay Vera at sinabi nang tapat, “Benefactor, sinabi ng aming abbess na malalim ang koneksyon ninyo sa Budismo. Nais niya kayong imbitahan sa monasteryo para sa isang maikling pag-uusap. Hindi ito tatagal.”Pagkatapos pag-isipan saglit, bahagyang tumango si Vera at sinabi, “Sige. Aaba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5873

    Nang makita ni Vera na walang tigil si Charlie, tumango siya nang mabilis at sinabi, “Okay! Dalawampung minuto lang!”Nang makita ito, yumuko ulit nang magalang ang madre kay Charlie at sinabi, “Sir, mangyaring maghintay ka nang kaunti.”Pagkatapos ay humarap siya kay Vera nang may magalang na ekspresyon at sinabi, “Benefactor, mangyaring sumama ka sa akin.”Tumango si Vera at ngumiti nang sigurado kay Charlie, binulong nang malambot sa tainga niya, “Mangyaring maghintay ka muna dito, Young Master. Babalik agad ako.”Tumango nang bahagya si Charlie at pinanood si Vera at ang madre na umakyat nang magkasama sa bundok.Pinanood sila ni Charlie na papalayo nang papalayo, nakita silang umakyat sa tuktok, at nakita niya na binuksan ng madre nang magalang ang pinto ng monasteryo para kay Vera. Nakita niya pa na lumingon si Vera at kumaway sa kanya bago pumasok, pero hindi niya mapigilan na mabalisa nang kaunti.Pakiramdam niya na kahit hindi masama ang kabila, nanlamig pa rin ang gulug

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5874

    Nang marinig ang tanong ni Vera, ipinaliwanag nang tapat ng abbess, “Sa totoo lang, Miss Lavor, ang lugar na gusto niyong puntahan ni Mr. Wade ay limampung milya lang. Pero, Miss Lavor, kahit na pwede kang pumunta doon at kahit pwedeng pumunta doon si Fleur Griffin, hindi pwedeng pumunta doon si Mr. Wade.”“Master, kilala mo si Fleur?”Nang marinig ni Vera na binanggit ng abbess si Fleur, mas lalo siyang nagulat.Hindi niya maintindihan ang katauhan ng abbess na ito, lalo na kung bakit may pambihirang abilidad siya. Isang bagay na alam niya ang tungkol sa kanila ni Charlie, pero alam niya rin ang tungkol kay Fleur.Dahil nabanggit niya ang pangalan ni Fleur, pinapatunayan nito na may alam siya sa buhay ni Fleur.Sa ibang salita, alam niya siguro na mahigit tatlong daang taon nang nabubuhay si Fleur hanggang ngayon.Palihim na natakot si Vera sa puso niya habang nakatingin siya sa abbess, iniisip niya, ‘Alam niya ang mga sikreto ni Fleur, kaya alam niya rin siguro ang sikreto ko?’

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5875

    Pagkasabi nito, luluhod na sana si Vera.Nang makita ito, mabilis siyang umabante, sinuportahan ang katawan ni Vera bago pa siya makaluhod, at sinabi, “Nakita na ni Miss Lavor ang mga malalaking pagbabago sa mundo sa loob ng daang-daang taon. Hindi ako mangangahas na sumobra sa harap mo. Sana ay huwag mong gawin ang engrandeng kilos na ito.”Habang sinuportahan niya si Vera, nagpatuloy siya, “Miss Lavor, siguradong alam mo ang mga misteryo ng tadhana. Kahit sa Book of Changes at Eight Diagrams, ang pinakamaliit na pagbabago ay maaaring humantong sa napakalaking kaibahan ng resulta. Kung masyadong marami ang masasabi ko, may panganib na magkaroon ng pagkontra. Kung gusto mo talagang tulungan si Mr. Wade, mas mabuti na paliitin ang ganitong panganib. Masasabi ko sayo nang malinaw na may mga panganib para kay Mr. Wade, at kailangan mo lang siguraduhin na susukuan ni Mr. Wade ang pagpunta doon. Ito ang pinakamagandang resulta. Kung masyadong marami kayong alam ni Mr. Wade, mas malaki ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5876

    Nahulaan na ni Vera ang ibig sabihin ng mga sinabi ng abbess, kaya agad siyang nagtanong, “Master, ang ibig n’yo po bang sabihin ay nakadepende kay Mr. Wade kung muling mabubuhay si Master Marcius Stark?”Sinabi nang walang ekspresyon ng abbess, “Marami na akong nasabi. Subukan mong pag-isipan na lang muna ang ilang bagay, pero tandaan mo, huwag mong ipapaalam kay Mr. Wade ang tungkol dito.”Nang makita ni Vera na ayaw na talagang magsalita pa ng abbess, agad siyang nagtanong, “Master, may iba pa po ba kayong bilin?”Magalang na pinagdaup ng abbess ang mga kamay niya at sinabi, “Wala na. Matagal ko nang naring ang tungkol sayo, Miss Lavor. Ngayon na nakita kita, natupad na ang isa sa mga hangarin ko. Naghihintay pa si Mr. Wade sa paanan ng bundok, kaya bumaba ka na at subukang kumbinsihin siyang bumalik sa Aurous Hill.”Hindi pa rin sumusuko si Vera kaya agad siyang nagtanong, “Master, ano po ba ang dapat gawin ni Mr. Wade? Kung hindi siya makakausad ngayon, baka mapahamak siya. Sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5877

    Sinabi ni Charlie, “Pareho pa tayong hindi sigurado kung sino talaga ang kabila. Hindi ko pwedeng isuko ang lahat ng pinlano natin dahil lang sa sinabi niya.”Nag-aalalang sinabi ni Vera, “Young Master, may nakakaalam na paparating tayo rito at kinalkula pa ang ruta natin para abangan tayo. Ibig sabihin, kilalang-kilala tayo ng taong iyon. Kahit wala siyang masamang balak, kailangan pa rin nating amining nalantad na ang mga pagkakakilanlan natin. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon, kaaway man siya o kakampi, malaki ang posibilidad na mapahamak tayo.”Sandaling natulala si Charlie sa mga sinabi ni Vera. Napaisip siyang muli sa buong sitwasyon. Gaya ng sabi ni Vera, kaibigan man o kaaway ang abbess, totoo nang nalantad na sila. Kung alam na sila ng abbess, baka may iba pang nakakaalam. Kung ipipilit niyang magpatuloy, bukod sa posibleng panganib, paano kung may ibang tao pang makaalam ng tunay niyang pagkatao? Paano kung makarating pa ito sa Qing Eliminating Society? Ano na l

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5912

    Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5911

    Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5910

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status