Habang nakatayo silang dalawa, dumagundong ang kulog sa gitna ng madidilim na ulap, nanatili ito sa itaas ng tuyong lupa.Sa sandaling iyon, biglang bumagsak mula sa madilim na mga ulap ang isang kidlat na kasinlaki ng mangkok at tumama nang direkta sa tuyong lupa.Sa isang iglap, nagliwanag ang buong kalangitan na parang umaga. Kasabay nito, isang napakalakas na dagundong ang umalingawngaw, parang libo-libong bomba ang sumabog sa tabi ng kanilang mga tainga, halos nabingi sila sa lakas nito.Kasabay ng pagbagsak ng kidlat, biglang bumuhos ang matagal nang namumuong ulan. Bumagsak ang tubig mula sa langit, parang walang katapusang sinulid na nagdudugtong sa kalangitan at lupa.Wala nang matakbuhan sina Charlie at Vera, kaya agad silang nabasa mula ulo hanggang paa.Pero kahit basang-basa, hindi ito pinansin ni Vera. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa bahaging iyon ng tuyong lupa, kung saan nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation.Nagulat si Charlie sa
Sa sandaling iyon, ang buong atensyon ni Vera ay nasa punla na nasa harapan niya. Nakaluhod siya sa lupa at nakatitig dito nang hindi kumukurap, bakas sa kanyang mukha ang labis na pananabik.Si Charlie, na nakatayo sa tabi niya, ay nakatingin din sa malagong punla, sobrang nalilito.Pakiramdam niya, parang hindi na sapat ang laman ng utak niya para ipaliwanag ang lahat ng ito. Hindi niya maintindihan kung paano, pagkatapos ng isang matinding ulan, ay bigla na lang naglaho nang walang bakas ang lahat ng tubig-ulan.Sa loob ng siyam na taong pormal na edukasyon na natanggap niya, iisang bagay lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ngayon: “Hindi ito siyentipiko. Hindi talaga ito siyentipiko.”Sinuri niya ang sarili niya mula ulo hanggang dibdib, mula dibdib hanggang likod, mula likod hanggang bukung-bukong. Hindi niya rin napigilan ang sarili niya na hubarin ang mga sapatos niya para kapain ang loob nito. Pero kahit saan siya humawak, tuyo ang lahat, wala ni isang bakas na n
Seryosong sinabi ni Charlie, “Sa tingin ko, pwedeng ipaliwanag ang cultivation gamit ang siyensya. Ang problema lang, hindi pa naaabot ng teknolohiya natin ang totoong paliwanag dito. Ang Reiki ay isang mas mataas na anyo ng enerhiya, parang atomic energy. Noong unang panahon, mahirap paniwalaan na ang isang kilong nuclear fuel ay kayang maglabas ng enerhiya na katumbas ng libu-libong tonelada ng uling. Siguro, ganito rin ang Reiki, isang hindi nakikitang enerhiya na hindi pa lubos na nauunawaan.”Ngumiti si Vera at sinabi nang tapat, “May punto ka. Baka nga ang Reiki ay isang uri ng mas mataas na enerhiya na hindi pa natutuklasan o napag-aaralan ng karamihan.”Nagpatuloy si Charlie, “Pero kahit ang Reiki ay dapat sumusunod sa batas ng conservation of energy, hindi ba? Sobrang daming ulan kanina. Tumigil na ang ulan, pero dapat nandiyan pa rin ang tubig, iyon ang energy conservation. Pero ngayon, saan napunta ang tubig?”Dinugtungan pa niya, “At saka, ginamit ko ang halos lahat ng R
Medyo nagulat si Charlie at binigyan niya ng thumbs up si Vera bago sinabi, “Miss Lavor, ang talino mo talaga! Ngayon, mas naiintindihan ko na kung ano ang isang Transcendent dahil sa paliwanag mo.”Pagkatapos, muling tumingin si Charlie sa punla at tinanong siya, “Miss Lavor, sigurado ka bang ito ang Mother of Pu’er Tea?”Tumango nang matatag si Vera at sinabi, “Walang duda! Ang aura niya ay eksaktong kapareho ng sa Mother of Pu’er Tea. Bukod pa roon, kung isasaalang-alang ang lahat ng mga nangyari kanina, sigurado akong ito nga ang Mother of Pu’er Tea.”Bahagyang tumango si Charlie at binulong, “Kung gano’n, ibig sabihin ba nito na naging Transcendent ang Mother of Pu’er Tea sa mga puno?”Sumagot nang walang pag-aatubili si Vera, “Gano’n na nga ang ibig sabihin nito, pero ang konsepto ng mga Transcendent ay base lang sa mga narinig kong kwento noon. Wala pa akong pagkakataon na patunayan ito. Kaya sa ngayon, hula ko lang ito.”Tumango si Charlie at umupo sa tabi niya habang tini
Kitang-kita sa maamong mukha ni Vera ang pagtanggi niya, kaya pinilit siya ni Charlie, “Napitas na natin ang mga dahon, sayang naman kung hindi natin titikman. At saka, ikaw lang ang tunay na nakakaintindi sa Mother of Pu’er Tea. Hindi sapat ang hinala lang, kailangan mo itong malasahan para makumpirma mo!”Pagkasabi nito, inabot niya ang isang dahon sa bibig ni Vera habang kinain naman niya ang isa, sinasabi. “Halika, tikman natin ito nang sabay.”Nang makita ni Vera ang pagpupumilit ni Charlie, alam niyang hindi niya siya matitiis. Kaya, bahagya siyang tumingin nang matalas sa kanya at sinabi, “Sige na nga, titikman ko.”Pagkatapos itong sabihin, binuksan niya nang bahagya ang mga pulang labi niya at marahan na kinagat ang berdeng dahon.#Nang makita ni Charlie na kinain na rin ito ni Vera, nakahinga siya nang maluwag at nilagay na rin ang isang dahon sa kanyang bibig bago ito nguyain.Ang akala niya, ang dahon ay may matapang lang na amoy ng tsaa at dapat may masarap na lasa, p
Napatanong si Vera sa gulat, “Young Master, kukunin mo siya?”Matatag na sumagot si Charlie, “Siyempre! Bukod sa ayaw ko siyang iwan dito, hindi ba sayang ang mga mahahalagnag materyales kung mapupunta siya sa maling tao o mahukay ng isang taong walang alam?”“Pero…” nag-aalangan si Vera. “Pero dito na siya lumaki ng sampu-sampung libong taon… Ito na ang ugat niya…”Kumaway si Charlie at sinabi, “Hindi, hindi, indi. Ang katotohanan na hindi siya nagtagumpay sa heavenly tribulations matapos ang sampung libong taon ay isang patunay na hindi ito ang tamang lugar para sa kanya. Ang tao, hindi dapat nadadapa sa parehong lugar ng dalawang beses. Ganun din sa mga puno. Kailangan nating humanap ng bagong lugar para sa kanya at alagaan siya ng maayos.”Nagtanong si Vera, “Young Master, saan mo siya balak ilipat?”Sainbi ni Charlie, “Sa tingin ko, maganda ang maliit na courtyard sa tuktok ng Scarlet Pinnacle Manor. Hukayin natin siya at itanim malapit sa hot spring pool mo. Alam mo kung paa
Nagawa ni Vera ang lahat ng pakay niya sa pagbisita sa Yorkshire Hill sa pagkakataong ito. Bumalik siya sa Diggero, nagbigay-galang sa kanyang mga magulang, at pagkatapos ay bumalik sa Heavenly Lake, ang lugar kung saan nabigo noon ang Mother of Pu’er Tea na malampasan ang tribulation.Ngayon na biglang sinabi ni Charlie na aalis na sila, wala siyang naramdamang panghihinayang.Bukod pa roon, may hindi inaasahang biyaya ang pagpunta nila sa Yorkshire Hill. Dati, matagumpay niyang naabot ang kanyang limitasyon sa ilalim ng pagbabantay ni Fleur, at ngayon, hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng isang batang punla ng muling isinilang na Mother of Pu’er Tea.Gayunpaman, nang sabihin ni Charlie na dadalhin niya ang Mother of Pu’er Tea pabalik sa Aurous Hill, nakadama siya ng matinding kaba. Sa una, iniisip niyang dapat manatili rito ang punlang ito upang patuloy na lumaki, pero nang marinig niya ang sinabi ni Charlie, naantig siya.Sa anumang larangan, kung ipipilit mo na sundan ang
Nang makita ni Isaac na nakapagdesisyon na si Charlie, sinabi niya agad, “Young Master, kung ganoon, kukumpirmahin ko na ang itinerary sa private jet company. May iba pa po ba kayong kailangan ipagawa sa akin?”Sumagot si Charlie, “Wala na. Pagkatapos mong ayusin ang lahat, huwag mong ipapaalam kahit kanino ang pagbabalik ko sa Aurous Hill dahil marahil ay isa o dalawang araw lang ako bumalik, tapos aalis ulit ako. Hindi rin ako makikipagkita kahit kanino pagbalik ko.”Hindi na nagtanong pa si Isaac at agad na sumagot, “Naiintindihan ko, Young Master!”Sa totoo lang, hindi planong bumalik agad ni Charlie sa Aurous Hill. Ang plano niya ay hayaan munang pumunta si Fleur sa Mount Tason habang mananatili siya kasama si Vera sa Yorkshire Hill nang ilang araw pa. Matagal nang nanirahan si Vera dito mula pagkabata, pero mahigit tatlong daang taon na siyang hindi nakakauwi. Ang pananabik niyang muling makita ang lugar na ito ay isang bagay na hindi basta mauunawaan o mararamdaman ng iba.D
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta